Kabanata 1663
“Sige, maghahanap ako ng mairereto ko sayo.” Sagot ni Tessa.

“Gusto ko matured at mayaman ah!”

Natawa si Tessa. “Okay lang ba kahit mga twenty years ang tanda sayo?”

“Okay lang! Mas mature, mas masaya! Bakit? Twelve years naman ang pagitan niyo ni Director Zayn ah kaya hindi rin naman ganun kalayo ang twenty years.”

“Hahaha. Ano ba talagang hanap mo? Daddy o Asawa?”

“Pfft…”

Mukha lang silang nagbibiruan pero seryoso talaga ang mga katrabaho ni Tessa. Totoong naiinggit ang mga ito sakanya sa pagkakaroon ng boyfriend na kagaya ni Zayn dahil bukod sa sobrang gwapo na nito, sobrang yaman din kaya sinong babae naman ang hindi talaga maiinggit sakanya?

Sobrang saya ni Tessa sa papuring natatanggap niya mula sakanyang mga kasamahan. Sa Ford Group, wala silang eksaktong oras kung anong oras sila pwedeng umuwi, pero noong araw na yun, sobrang nag enjoy si Tessa kaya hindi siya nagmadali at nakayakap lang siya sa braso ni Zayn.

“Zayn, gusto kong malaman ng buong mundo na ako ang girl
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP