Kabanata 1150
Ang babaeng nakasalampak sa labas ng bahay ni Alex ay si Jane Sheen!

Dalawang linggo na ang nakakalipas noong dinukot at pinagbubugbog ito sa utos mismo ni Lily. Ang buong akala talaga ni Jane ay mamatay na siya noong gabing yun, pero hindi siya tinuluyang patayin nito at kinuha lang nito sakanya ang kanyang debit card.

Sa kalagitnaan ng madilim at masukal na kagubatan, walang awa na iniwanang mag isa si Jane. Sa totoo lang, hindi naman talaga siya natatakot na mamatay. Sino pa nga bang aasahan niya? Si Alex? Ni hindi nga siya naiisip nito habang naghihirap siya…

Tama!

Wala naman din talaga itong kailangang patunayan sakanya. Sino ba naman kasi siya, diba? Isang katulong. Siguro mabait lang talaga si Alex sa lahat ng mga katulong nito at kaya lang naman siya kinupkop nito ay dahil naawa ito sakanya. Yung isang milyon na binigay nito sakanya, para naman talaga yun sa girlfriend nito diba? Kaya tama lang na kunin sakanya yung atm na yun ng totoong may ari.

Noong gabing yun, nais
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP