Bat kailangan mo pang makita? Puting buhok lang yun.” Hindi nakasagot si Cole sa sinabi ni Avery. “Sus, pinagtitripan mo lang ako eh.” “Hindi na nga ako nagreklamo na sobrang oily ng buhok mo at kung talagang gusto kitang pagtripan, edi sana sinama ko nalang ang Uncle mo dito. Baka hindi lang buhok mo ang bunutin niya, kundi yang buong ulo mo.”Biglang namutla si Cole nang marinig ang sinabi ni Avery. “Akala ko ba hindi naman ganun kasama ang uncle ko?” “Hindi nga! Kasi kung masama talaga siya, bakit buhay ka hanggang ngayon? Pasalamat ka talaga at pamangkin ka niya! O siya, pagkaubos ko nito, mauuna na rin ako.” Nagulat si Cole. “Akala ko ba may kailangan tayong pag usapan?” “Tapos na tayong mag usap!” Inubos ni Avery ang kape niya at tumingin kay Cole. “Gusto ko lang talagang malaman kung kamusta ka, at ngayong narinig ko na grabe pala ang pinagdaanan mo, ayoko ng magsalita.” “Bakit naman?” “Siyempre, iisipin mo na nagyayabang lang ako at ayoko naman nun.” Tumayo si
Sa Sterling Group, abot-tenga ang ngiti ni Ben habang nakaupo sa upuan ni Elliot. “Aba! Hindi ko alam na mabilis ka palang kumilos!” Alam ni Ben na good mood si Elliot at hindi ito magagalit sakanya kahit gaano kalakas niya itong asarin. “Dalawang araw lang akong nawala, pero nabingwit mo na kaagad si Avery, at ikakasal na kayo ulit?! Kung hindi pa ako tinawagan ni Chad, kailan ko pa ‘to malalaman ha?!” Naglakad si Elliot papunta sa lamesa niya, at nagtanong, “Close ba ang mga Tierney at Goldstein?” “Sinong Goldstein?”“Yung nasa Mount Sierra. Pagkamatay noong matandang Goldstein, si Roger na ang pumalit sakanya.” Hindi pa rin mapakali si Elliot habang iniisip niya yung nangyari sa Mount Sierra. “Kung hindi ko pa nasulsulan yung isa sa mga staff member nila, baka abo nalang ako ngayon.” Gulat na gulat si Ben.”Wala akong kaalam alam tungkol dito! Bakit hindi ‘to sinabi sa akin ni Chad? Ang sinabi niya lang sa akin ay magpapakasal na daw kayo ulit ni Avery! Hmm hindi ko lang sig
‘Awwww… nakakatouch naman na siya pa mismo ang magbibigay sa sarili kong mga empleyado.’ Sarcastic na sabi ni Avery sa sarili niya. “He he. Wala pa ngang petsa.” Nahihiyang sagot ni Avery. “Hm? Akala ko sa June 12?” Gulat na gulat na sagot ng receptionist. “Tinanong ko kanina yung mga tagal Sterling Group, ang sabi nila June 12 daw!” Hindi nakapagsalita si Avery. Bwisit! Kahit siya ay hindi niya alam na sa June 12 na pala siya ikakasal!? Naunahan pa siya ng mga empleyado ni Elliot! Ang napag usapan lang nila ay kukuha sila ng marriage license sa July 7, pero sa ceremony, wala pa silang napaguusapang kahit ano! ‘So hindi niya sasabihin sa akin na sa June 12 na pala kami ikakasal?; Pagkapasok na pagkapasok ni Avery sa loob ng kanyang office, tinawagan niya kaagad si Elliot. Sinagot naman ito kaagad ng kabilang linya. “Tatawagan palang sana kita, Avery. May sinend ako sayong sketch ng wedding gown, tignan mo!” “Ang bilis naman! Sige titignan ko!” Biglang nakalimutan ni
Kinagabihan, naabutan ni Avery si Elliot at ang designer pagkauwi niya. Sinadya siya ng designer para sukatan siya. “Mommy, gusto ko din ng magandang damit.” Naiinggit na sabi ni Layla. “Baby, ang dami mo pang damit na hindi nasusuot. Ang gaganda nun ah!” “Iba naman yun eh.” “Paanong iba?” “Pinakita sa akin ni Daddy yung sketch ng gown na isusuot mo. Ang ganda ganda!” Pagkatapos, biglang ngumiti si Layla at masayang nagpatuloy, “Ang sabi ni Daddy, pagagawan niya rin daw ako ng kagaya ng isusuot mo.” Gulat na gulat na tumingin si Avery kay Elliot, “Sigurado ka pasusuotin mo ng weding gown ang anak mo?” “He he, basta masaya siya.” Hindi nagustuhan ni Avery ang ideya.Una sa lahat, masyadong mahaba ang magiging gown niya kaya mahihirapan si Layla na gumalaw ng maayos. Pangalawa, bakit ba hindi humihinsi si Elliot sa mga bata! “Bakit ba masyado mo siyang iniispoiled? Tatanggapin mo nalang din ba kaagad-agad kapag may pinakilala siya sa atin balang araw na gusto niyan
Eh kanino dapat magpasalamat si Elliot? Sa mga bodyguard niya?Pagkatapos nilang mag away, ngumiti ang designer at sinabi, “Mukhang tadhana na taolaga ang nagdesisyon para sainyo, Miss Tate. Sa dami ng poinagdaanan niyo, kayo rin pala talaga ang magkakatuluyan kaya sigurado ako na magiging masaya kayo.” Ngumiti si Avery sa designer at sumagot, “Sana nga. Hmm Susukatan mo ako diba? Sige. May Kailangan ba akong hubarin?”“Mhm. Yung coat mo. Pero mas maganda sana kung magsusuot ka ng medyo fitted sayo para mas maging accurate ang sukat natin.” “Oh, sige, magpapalit lang ako sandali.” Pagkatapos magsalita, dumiretso si Avery sa kwarto niya. Lumapit si Layla kay Elliot, at nagtatakang nagtanong, “Daddy, anong ibig sabihin ng lantang gulay? Alam ko kung ano ang gulay! Yung mga bulaklak at puno yun diba?” Tumungo si Elliot, “Tama. Yung mga bulaklak at puno ay…” “Oh.” Hindi pa man din tapos magsalita si Elliot nang muling nagsalita si Layla, “Ibig sabihin ng lantang gulay ay may tu
Tinignan ni Chelsea ng masama si Ben at inagaw niya ang kanyang phone, “Ayoko.” “So ikaw nga?” “HIndi nga! Hindi ka naniniwala?” Galit na galit na umupo si Chelsea, “Sinabi ba talaga yun ni Elliot, Ben” “Sa tingin mo gusto kitang bisitahin? Hindi ako pupunta dito kung hindi ako inutusan ni Elliot. Wala nga ako sa Aryadelle noong nangyari yun kaya kahapon kpo lang nalaman.” “Ahh… Ano bang nangyari sa Villa de Sierra? Wala naman ah.” Nakangising sagot ni Chelsea. “Bakit ba ako nalang palagi niyang pinupuntirya?” Ramdam na ramdam ni Ben ang kaba sa boses ni Chelsea. Isa pa… Wala pa siyang sinasabi na tungkol sa Villa de Sierra pero natumbok kaagad nito! Tama nga si Elliot. Si Chlsea nga ang nasa likod ng nangyari. Saksi siya kung gaano kamahal ni Chelsea si Elliot noon… Pero ngayon, gusto niya na itong mamatay.. Totoo ang sinabi ni Elliot na pwedeng ngayon ay walang nangyari sakanya, pero kapag pinalampas ulit nito si Chelsea, hindi na nila masasabi kung ano pang pwe
Noong narinig ni Ben ang pag iyak ni Chelsea, tuluyan na siyang bumigay at niyakap ito. “Alam kong nasasaktan ka na. MInahal kita ng sobra noon.” Tuloy-tuloy ang pag agos ng luha ni Chelsea. Ngayon siya nagising sa katotohanan na si Ben lang talaga ang totoong nagmahal sakanya. Pero bago siya mamatay, gusto niya itong saktan sa huling pagkakataon. “Pakakasalan kita sa susunod kong buhay, Ben….Kahit na ikaw na hindi mo na ako magustuhan doon, gusto kong mangako ka sa akin ngayon. Mamatay na rin naman ako eh….Pwede ba yun?” “Mhm. Pakakasalan kita sa susunod na buhay.” …Sa Avonsville, tinawagan ni Tammy si Avery para ibalita na nagpunta na ito sa psychiatrist. Dahil doon, walang pagdadalawang isip na nakipag kita dito si Avery sa isang restaurant. “Bakit hindi sumama sa atin si Jun? Naiilang ba siya sa akin?” Tanong ni Avery. “Bakit naman siya maiilang sayo? Hindi ko siya pinasama kasi ayaw ko siyangt maging thirdwheel natin.” Natawa si Avery, “Oh, kamusta naman an
Sa sandaling ginawa ang tawag, nagring ito, ngunit walang sumasagot.Kung nakita ni Ben na tumatawag si Elliot, tiyak na kukunin niya ang telepono.Mas sigurado ngayon si Elliot na nasa panganib si Ben!Aalis na sana siya upang hanapin si Ben, nakatanggap siya ng text mula rito.[Hindi pa kita makakausap ngayon, Elliot.]Matapos makita ni Elliot ang text, agad siyang nagpadala ng reply dito: [Ano ang sitwasyon ngayon? Nasa panganib ka ba?]Ben: [Hindi ako nanganganib. Bigyan mo pa ako ng kaunting oras. Babalik ako bukas.]Binasa ni Elliot ang text message, nag- isip sandali, pagkatapos ay tumugon: [Sige.]Sa Starry River Villa, dinala ni Layla ang kanyang natapos na takdang- aralin para suriin ni Avery."Bakit hindi dumating si Daddy ngayon, Mommy?" mahinang tanong ni Layla."Gusto mo siyang puntahan?" Nakangiting tanong ni Avery habang binabalikan ang homework ng kanyang anak.Bumuntong- hininga si Layla at sinabing, "Ayaw ni Hayden sa kanya. Ipagtataksilan ko siya kapag si