Kabanata 8
Nakatayo at napasilip si Rosalie sa silid mula sa nakabukas na pinto.

Nakita niya nakapulupot si Avery naparang isang bola at nagiisip habang nakasandal sa dingding.

Nakalugay at magulo ang kanyang buhok.

Napatingin siya nang marinig at tumawag sa kanya sa pinto.

"Avery! Anong nangyari sayo?" tanong ni Rosalie. Nang makita niya ang mukha ni Avery, na parang puting papel, na talaga naman ikinataas ng kanyang altapresyon.

"Paano nangyari to? Si... Elliot ba? Inaabuso ka ba niya?"

Sa puntong ito, bahagyang nginginig sa boses ni Rosalie.

Punayat ng husto si Avery.

Putlang putla ang kanyang mukha, at makikitang tuyot at bitak-bitak sa kanyang labi.

Makikitang hindi normal ang paghinga niya. Gusto niyang magsalita, ngunit sobrang paos na niya at wala nasiyang mailabas na boses.

Lumapit si Mrs. Cooper na may dalang baso ng maligamgam na gatas at iniabot ito kay Avery.

"Uminom ka muna ng isang baso ng gatas, Madam. Huwag kang matakot. Ngayong nandito na si Madam Rosalie, makakain ka na.

Nagsalubong ang mga kilay ni Rosalie habang sinasabi, "Ano yon? Bakit hindi pinapakain ni Elliot si Avery? Paano siya nangayat ng ganon? Balak niya bang patayin ito sa gutom?"

Labis na ikinagulat ni Rosalie ang mga pangyayari.

Dali-dali siyang pumunta sa sala at tumayo sa harap ng kanyang anak.

"Elliot, si Avery ang asawa na inaasikaso ko para sa iyo. Ano ang gusto kong iisipin ko ngayon at pinapahirapan mo siya ng ganito?"

"Dapat lang siyang parusahan sa mga maling ginawa niya. Kung hindi dahil sa'yo Ma, sa tingin mo ba papayagan ko siyang manatili hanggang ngayon?" Sabi ni Elliot na parang wala lang sa kanya lahat.

Para sa kanya, ang hindi pakain sa loob ng dalawang araw ay higit na nakabaghabag kumpera kung ipapautos niyang baliin ang braso nito.

Hinawakan kasi nito isang bagay na hindi niya dapat hawakan. At para sa kanya, lumagpas na ito sa linya. Kaya hindi niya ito mapatawad.

"Mali? Anong ginawang mali ni Avery?" tanong ni Rosalie.

Dahil sa kanyang mga mata, si Avery ay isang matino, may magandang pag-uugali, at mapagmasid na babae. Tingin niya ay hindi siya nng klase ng tao para sadyang galitin si Elliot.

Napakagat labi si Elliot at hindi sumagot sa ina.

"Alam ko... Alam ko kung bakit ayaw mong magpakasal at magkaanak," sabi ni Rosalie. "Elliot, alam na alam ko kung ano ang iniisip mo at hindi ako papapayag na gawin mo ito. Mabuting babae si Avery. Ayos lang kung hindi mo siya mahal. Kailangan ninyo lang magsama, kahit bilang mag asawa lang sa pangalan!"

Sa puntong ito, namugto ang luha sa mata ni Rosalie na makikitang may halong galit.

Lalo siyang naiirita habang nagsasalita, at pulang pula ang kanyang mata.

Gaganti na sana si Elliot nang mapansin niya ang kalagayan ng kanyang ina. Sumenyas siya sa bodyguard niya para alalayan ito.

"Basta, hindi mo pwedeng palayasin si Avery! Walang kaso kung gusto mo makipagdivorce... Basta kaylangan mo maghanap ng babaeng magugustuhan mo. Hindi ako papayag na habang buhay ka nalang walang katuwang sa buhay! " Sabi ni Rosalie habang inalalayan siya ng bodyguard sa sopa. Lalong umikot ang ulo niya.

Pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng hininga habang sinasabi ang lahat ng yon.

Makalipas ang tatlumpung segundo, tumagilid ang ulo ni Rosalie at bumalik siya sa sopa.

Ang matandang Mrs. Foster, na kalalabas lang nang umagang iyon, ay isinugod ulit pabalik sa ospital.

Hindi inaasahan ni Elliot na ganoon katigas ang ulo ng kanyang ina. Hindi niya rin inaasahan na ganoon na magagalit ito ng ganun kalala.

Akala niya ay mabilis lang na matatapos ang usapin tungkol kay Avery, ngunit tila may humahadlang.

Hindi lang sa kinasusuklaman niya si Avery, kundi tumanggi din siya sa lahat ng babae.

Imposibleng makahanap siya ng ibang babae para sa kapakanan ng hiwalayan nila ni Avery.

At sa guest bedroom, uminom si Avery sa baso ng gatas nang bahagyang bumuti ang kanyang kalagayan.

Narinig niya ang lahat ng pangyayariat usapan sa labas ng silid.

Wala sinabi masyado si Elliot, ngunit sinagad naman nito sa sukdulang nag pasensya ng kanyang ina.

Dinalhan ni Mrs. Cooper si Avery ng isang mangkok ng oatmeal. Pagkatapos ay kinuha niya ang isang brush at sinimulang suklayin ang magulong buhok ni Avery.

"Narinig mo ba 'yon, Madam? Hangga't nariyan si Madam Rosalie, hindi ka palalayasin ni Master Elliot," magiliw na sinabi ni Mrs. Cooper.

Dalawang araw ng nagugutom si Avery. Siya ay pagod at wala ng lakas, ngunit may isang bagay na tiyak niya.

"Gusto ko ng Divorce," sinasabi habang namamalat ang kanyang boses, pero malinaw ang bawat salita niya. "Gustuhin man niya o hindi, hihiwalayan ko talaga siya."

Ayaw niyang magtagal pa sa impyernong lugar na ito miks isa segundo.

Sigurado siyan na ayaw na niyang makitang miski anino ng demonyong si Elliot Foster.

"Huwag kang magalit, Madam," nahihiyang sabi ni Mrs. Cooper. "Kumain ka muna ng oatmeal. Pupunta ako at titingnan kung ano ang nangyayari."

Pagdating ni Mrs. Cooper sa pintuan, nakita niya ang bodyguard habang tinutulak si Elliot sa kanyang wheelchair at agad na sinabi, "Hindi pa stable ang kondisyon ni Madam ngayon, Master Elliot."

Makikita sa ekspresyon ni Elliot na hindi naiiba sa karaniwan, ngunit ang kanyang mga mata na wala itong buhay.

Nang tumabi si Mrs. Cooper, itinulak ng bodyguard si Elliot papasok ng silid.

Umangat bigla ang ulo ni Avery, at nagkatinginan sila.

Parang nagkaroon ng kidlat at bumigat ang hangin sa paligid .

"Maghiwalay na tayo, Elliot!" Sabi ni Avery ng mailapag ang bowl ng oatmeal.

Kinuha niya ang bagahe niya at lumapit sa kanya.

Naimpake na niya ang kanyang mga gamit dalawang gabi ng nakalipas at handa na siyang umalis sa lugar anumang oras.

"Magpakasal ka nalang sa taong gusto mo!" sabi niya ng may matigas na tono.

Naningkit ang mga mata ni Elliot sa sinabi niya, "Ganun na ang galit mo sakin. Tingin mo ba hindi ikaw ang mali?"

"Mali siguro ako. Dahil ginamit ko yung computer mo," sabi ni Avery habang maama ang loob at nagpipigil hininga. "Nakuha ko na ang parusa ko, kaya dapat maging pantay tayo. Dala mo ba ang mga papeles ng divorce? Kung hindi, maaari kong kunin para matapos na..."

At nang makitang hindi na siya makapaghintay na dumistansya, nakakatakot na ngumiti si Elliot at sinabi, "Sinabi ko bang tapos na ang parusa mo?"

Natigilan si Avery. Parang masisiraan na siya ng ulo sa kanyang mga narinig.

"Dahil napakahirap para sa iyo na manatili sa akin, mananatili ka bilang Mrs. Foster!"

Ang tono ni Elliot ay nagpapahiwatig na ang usapin ay hindi dapat talakayin. Ito ay isang utos.

"Maghihiwalay tayo, ngunit hindi lang ngayon," dagdag pa niya bago siya tinulak palayo ng bodyguard niya.

Pinagmamasdan ni Avery ang kanyang likuran habang nagngangalit ang kanyang mga ngipin sa sama ng loob.

Sino siya para sabihin sa kanya kung tuloy ang hiwalayan o hindi?

Naisip ba niya na dahil lang hindi niya gagawin, wala na itong makakahanap ng paraan?

Biglang tinamaan ng hilo si Avery. Nanghihina ang kanyang mga paa, at pakiramdam niya ay hinigop ang lahat ng lakas mula sa kanya.

Agad siyang humiga sa kama.

Nang nakahiga na siya, dahan-dahan siyang kumalma.

Tingin niya hindi dahil sa ayaw ni Elliot na makipaghiwalay sa kanya. Dahil hindi lang maganda ang lagay ng nanay nito kaya pansamantala lang muna, kaya nakuha niang magtitimpi sa ngayon.

Kung ganun, kailangan lang niyang magtiis at maghintay.

Nakabawi si Avery makalipas ang isang linggo.

Pumunta siya sa ospital para magpa-checkup pagkatapos ng almusal.

Malakas ang pakiramdam niya na nalaglag sanggol sa sinapupunan niya.

Dalawang araw ba naman siyang ginutom ni Elliot. Wala siyang kahit anong pagkain at tubig kapag nauuhaw.

Sa sitwasyong iyon, tanging lamang niyang naiisip ay makasurvive. Naisip niya na ang bata sa kanyang sinapupunan ay tiyak na namatay sa gutom noon.

Pagdating niya sa ospital, nagsagawa agad ang doktor ng isang ultrasound scan para kay Avery.

Siya ay nalulungkot habang ginawagawa ang ultrasound.

"Doktor, wala na ba ang anak ko?"

"Bakit mo nasasabi yan?" tanong ng doktor.

"Wala po kasi akong kinain sa loob ng dalawang araw... Tingin ko hindi maganda ang kalagayan ng baby ko..."

"Naku, hindi naman malaking kaso kung dalawang araw na kang hindi nakakain. Sa totoo nga, may mga ilang buntis na ina na labis na ang pagsusuka na hindi sila makakain ng isang buong buwan," tugon ng doktor.

Nabuhayan ng loob si Avery.

"So, ang baby ko..."

"Congratulations! Kambal ang nasa sinapupunan mo."

Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP