Punong puno ng galit at pagkamuhi ang mga mata ni Charlie habang nakatitig siya kay Wanda. ‘Hindi pa ako patay pero ang kapal ng mukha mong insultuhin ako, Wanda! Para naman sayo Elliot, nagkamali ka ng kinalaban!’Sa memorial service, dinala na ang ilang gamit ni Shea sa sasakyan para mailibing ang mga ito sa tabi ng puntod ni Rosalie. Ang iba namang mga bisita ay dumiretso sa hotel para sa lunch service. Noong yayayain na sana ni Mike sina Layla at Hayden papunta sa hotel, nakita niya na nakatitig ang mga ito kay Elliot, na siyang maghahatid ng mga gamit ni Shea sa sementeryo.“Pupunta siya sa sementeryo, gusto niyo bang sumama?”Tumungo si Hayden, at ginaya naman ito ni Layla. “Sige, samahan natin siya.” Sinamahan ni Mike ang dalawa sa sementeryo.Nasa gitna ng bundok ang nasabing sementeryo kaya sobrang lamig. Pagkabaon ng mga gamit ni Shea, nilagay ang lapida nito at lumuhod si Elliot. NIlagay niya ang dala niyang mga lily at sinabi habang nakatitig sa nakangiting pict
Lahat ng mga sinabi ni Zoe sakanya ay kasinungalingan? Sinong mas nakakatawa sakanila? Hindi ba siya? Kasi nagpaloko siya ng ganun-ganun lang.“Avery Tate, bakit kailangan mo ‘tong gawin sa akin? Bakit?” Umiiyak na sabi ni Elliot sa sarili niya. Habang pauwi, hindi maintindihan ni Layla ang nangyaru, “Bakit hindi masaya si Daddy na malaman niyang si Mommy ang nag opera kay Shea?”“Layla, anong mararamdaman mo kapag nagsinungaling sayo ang kapatid mo?” Sinubukang ipaliwanag ni Mike kay Layla ang sitwasyon. “Hindi naman magagalit ang Daddy mo kung alam niya lang sana mula umpisa.”“Bakit ba hindi kasi sinabi sakanya ni Mommy?”“Kasi natakot ang Mommy mo. Natakot siya na kapag nalaman ng Daddy mo na anak niya kayo ni Hayden ay kunin kayo ng Daddy niyo sakanya. Marami ng nagbago at nangyari kaya nawalan na ng pagkakataon ang Mommy mo na sabihin sakanya.”Halatang naguguluhan pa rin si Layla.“Ang kumplikado talaga ng matatanda!” “Mhm. Kaya nga maswerte angg mga kagaya ni Shea.” B
Hindi naman ganun kainosenteng bata si Layla. Hindi niyakilala ang babae at alam niyang hindi rin siya kilala nito kaya anong kailangan nito sakanya?Pagkatapos umuwi, inayos ni Layla ang pantalon niya. “Wag kang mag alala, Layla. Hindi ako masamang tao.” Nang makitang tapos ng umuhi si Layla, ngumiti ang babae at kinausap ito. “PInadala ako ni Elliot.”Medyo nagging interasado si Layla sa babae nang banggitin nito ang pangalan ni Elliot. Kahit na hindi niya pa ito dikrektang tinatawag na ‘Daddy’, sobrang bait nito sakanya kaya alam niyang hindi siya sasaktan ni Elliot. Huminga ng malalim si Layla at sinabi, “Tinakot mo ako, Auntie! Bakit hindi mo sinabi na pinadala ka pala ni Elliot. Ano daw kailangan niya sa akin? Pwede niya naman akong tawagan! Tsaka nagkita lang kami kahapon!”Habnag nakatitig sa mga mata ni Layla, bahagyang nakonsensya ang babae, “Medyo importante daw yung gusto niyang sabihin at nag aalala siya na sabihin sayo ng direkta kaya pinadala niya ako ngayon para
Pero… paano naman nalaman ni Elliot na sila ang kumuha ng kahon na yun?Noong puntong yun, biglang kinabahan si Layla dahil wala si Hayden na magtatanggol sakanya.“Hin…hindi ko po alam… Auntie, gusto ko na pong umuwi.” YUmuko si Layla at naglakad palabas ng CR.Pero pinigilan siya ng babae. “Layla, alam kong natatakot ka. Ako din eh.” Lumapit ang babae sa tenga ni Layla at bumulong. “Kapag hindi mo sinabi sa akin kung nasaan yung kahon na yun, papatayin ako ni Elliot, at hindi lang yun! Pati yung bodyguard mo! Diba mabait na tao yun?”Takot na takot na umiling si Layla. “Papatayin niya rin ba ako? Ayoko! Hindi niya yun gagawin sa akin!” “Siyempre hindi ka niya papatayin kasi anak ka niya. Pero gusto mo bang makitang pinapatay ang bodyguard mo?” Sobrang hinahon ng boses ng babae pero para sa isnag bata na kagaya ni Layla, nakakatakot ito.Hindi na napigilan ni Layla na umiyak. “Ayoko….Ayokong mamatay ang bodyguard ko…”“Kasi Layla kay Elliot ang kahon na yun kaya kailangan mo
Pinadala ni Elliot yung babaeng yun!” Seryosong tinignan ni Layla ang bodyguard niya at nagpaliwanang. “Masamang tao si Elliot! Ang sinabi ng babae sa akin, kapag hindi ko raw binalik yung kahon, papatayin ka ni Elliot! Ikaw nga yung nagpoprotekta sa akin, bakit ka niya papatayin?”Natuwa naman ang bodyguard sa sinabi ni Layla pero nagulat din siya. “Bakit parang hindi naman ganung klaseng tao si Elliot? Siyempre kapag pinalo mo ang isang aso, ipagtatanggol siya ng amo niya. Mommy mo ang amo ko kaya bakit naman ako papatayin ni Elliot?”Naguguluhang nagtanong si Layla, “Ibig mong sabihin takot siya sa Mommy ko?”“Oo! Bakit may inawan na ba siya dito sa bahay niyo? Kahit ikaw, ang kapatid mo at ang uncle Mike mo, ang bait bait niya kaya palagi! Kaya bakit niya ako sasaktan?”“Kasi ninakaw ko yun sakanya!” Nakasimangot na sagot ni Layla. “NInakaw ko yung kahon na yun noong pumunta ako sa mansyon niya. HIndi ko naman alam na importante pala ang laman nun kaya binalik ko lang yun sakan
Walang anu-ano, nagmamadali si Wanda na pumunta sa Starry River. Binilisan niya ng sobra ang pagmamaneho at pagkapasok na pagkapasok niya palang sa Starry River ay nakita niya na kaagad ang nangyaring aksidente.Nagmamadali siyang bumaba para tignan ang nangyari. Isang itim at puting sasakyan ang nagkabanggaan at sa sobrang lakas ng impact, nadeform ang parehong sasakyan. Nagkalat ang mga dugo sa paligid, prto ang pinaka umagaw ng atensyon ni Wanda ay ang babaeng naka puti na kasalukuyang naliligo sa dugo! Kung tama ang pagkakaalala niya, yun ang suot ng babaeng kinuha niya…Bigla siyang pinagpawisan ng malamig. ‘Patay na siya? Eh nasaan yung kahon? Nasaan yung kahon??’Gusto niya sanang lumapit para hanapin ang kahon sa loob ng sasakyan, pero may mga pulis kaya hindi siya pwedeng magpadalos-dalos ng kilos. Kapag nalaman ni Elliot na nandoon siya, sigurado siyang paparusahan siya nito kahit pa sabihin niyang wala siya doon para sa kahon. Tinitignan niyang mabuti ang bawat
Sino ang kumuha ng laman nito?Nakuha na nga niya ang kahon na hinahanap niya, pero ang laman nito ang mahalaga at wala siyang ideya kung nasaan yun! Pero isa lang ang malinaw… Kung sa Starry River naganap ang aksidente at doon din nakita ang kahon, malamang taga doon din ang kumuha nito sakanya. Wala siyang ideya kung paano nangyari ang aksidente. Sa ospital. Kahit na nakaligtas si Chelsea, halos matuklap ng apoy ang kanang bahagi ng mukha niya. Ang sabi sakanya ng doktor, hindi na raw mareremedyuhan yun at habang buhay na siyang magkakapeklat sa parteng yun/ Inaalagaan niya pa naman ng sobra ang mukha niya tapos masisira lang ito ng ganun ganun?Sana namatay nalang siya! Bakit kailangan niya pang maghirap ng ganun! “Siguro naman namulat ka na sa katotohanan ngayon, Chelsea?” Umupo si Mrs. Tierney sa kama ni Chelsea at nagpatuloy, “Sinabi ko naman sayo noon pa na layuan mo na si Elliot Foster pero hindi ka nakinig. Sa lahat ng mga ginawa mo, habang buhay na kitang magiging
Pero base sa sitwasyon ni Charlie ngayon, mukhang hindi na nito kayang magsalita o mag utos na kunin ang kahon.“Mr. Foster, nasa kabilang kwarto daw si Chelsea, gusto mo rin ba siyang bisitahin?” Tanong ng bodyguard ni Elliot. “Nabalitaan ko na nasira daw ang mukha niya. Alam ko kung gaano kaingat si Chelsea sa kutis niya kaya sigurado ako na sobrang lungkot niya ngayon!”Sinabi lang naman yun ng bodyguard dahil alam niya na galit si Elliot kay Chelsea. Wala sanang planong bisitahin ni Elliot si Chelsea pero medyo naging interesado siya dahil sa sinabi sakanya ng bodyguard niya. Nang makita ni Chelsea si Elliot, nabakas sa mukha nito ang sobrang takot.Nagmamadali niyang tinakpan ang mukha niya na nakabalot ng bandage at umiwas ng tingin. “Akala ko ba umalis ka na ng bansa?” Sarcastic na tanong ni Elliot. “Ang kapal naman ng mukha mong bumalik pa dito.”Biglang umiyak si Chelsea, “Ayoko ng magtago, Elliot! Patayin mo nalang ako!” Pagkatapos, hinawi ni Chelsea ang kumot niy