Nakinig si Cole na para bang nobela lang ang kinuwento ng daddy niya. “Pero totoo bang may problema sa isip si uncle?”Nagbuntong hininga si Henry. “Iba’t ibang klase naman kasi ang mga problema sa pag iisip. Kahit na nagkasakit noon ang uncle mo, ang pagkakaalam ko ay hindi na yun bumalik kasi paano naman siya magiging ganito kasuccessful kung may sakit siya, diba?”“Oo, magaling siya sa negosyo niya pero hindi naman ibig sabihin nun na successful siya! Bakit nakipag divorce sakanya si Avery? Ang alam ko ayaw niyang ibigay ang custody ng mga bata kay Elliot. Dahil lang sa hindi na nila mahal ang isa’t-isa? Ang babaw naman ata masyado nun! Baka naman nalaman niyang may problema si Elliot sa pag iisip kaya ayaw niya na rito?” Hula ni Cole. May punto ang anak niya. “Daddy, walang wala na tayo at wala na rin namang mawawala sa atin. Kahit pa makipag kampihan tayo kay Charlie, ano pa bang pwedeng gawin sa atin ni Elliot? Wala na tayong pera na makukuha niya!” Sobrang desperado na tal
Nararamdaman ni Avery na may koneksyon sina Adrian, ang tatay nito, Shea at Elliot. Maging si Avery ay hindi rin makapaniwala sa naisip niya. Siguro masyado lang siyang stressed kaya kung anu-ano nalang ang mga naiisip niya? Masyadong malayo ang Aryadelle sa Bridgedale, at kahit na taga Aryadelle ang tatay ni Adrian, hindi naman siguro ito Foster, diba?” Masyadong mayaman at kontrobersyal ang mga Foster sa Aryadelle, at kung nagkataon mang may ganitong pangyayari sa pamilya ni Elliot, siguro naman ay magkakaroon siya kahit papaano ng ideya, diba? Bukod kay Shea, wala naman na siyang ibang nabalitaan.Hindi nagtagal, nakabalik na siya sa mansyon.Pagkababang-pagkababa niya, may sumalubong kaagad sakanya.“Avery!” Abot-tenga ang ngiti ni Avery nang makita si Tammy. Pagkalabas ni Tammy sa ospital, lumipad siya sa Bridgedale kasama ang mommy niya kaya noong nabalitaan niya na nasa Bridgedale sina Avery at Robert, naisipan niyang bumisita.“Akala ko ba bukas ka pa pupunta?” M
Kahit kailan, hindi niya sinabi sa publiko ang totoo nilang relasyon ni Shea. Ginawa niya yun para protektahan ang kapatid niya, pero walang nakaintindi sakanya. Maging si Avery ay sinabing kinakahiya niya si Shea kaya niya yun nagawa. Kahit kailan, hindi niya kinahiya si Shea dahil kung ganun talaga ang sitwasyon, siguro matagal na itong namatay. Ngayong wala na si Shea, hindi niya na kailangang matakot na may manggugulo o mananakit dito kaya napag desisyunan niyang bigyan ito ng magandang duneral. Nang mabalitaan nina Hayden at Mike, hindi sila nagdalawang isip at gusto nilang pumunta kaya tinawagan kaagad ni Mike si Chad. “Ah… Si Mr. Foster kasi ang gumawa ng guest list ay wala kayo ni Hayden doon…” Nahihiyang sagot ni Chad. “Eh si Avery? Kung nandoon ang pangalan niya, kami nalang ni Hayden ang aattend para sakanya.”“Wala dom eh… Ilang managers at kliyente lang ng Sterling Group ang inimbitahan niya… Wala sa listahan si Avery o kahit mga kaibigan niya…”“Oh… Pero gusto
Wala naman akong balita tungkol sa katawan ni Shea. Bakit? Wag mong sabihin sa akin na binabalak mong irevive siya ha?” Gulat na gulat na tanong ni Mike.Nalungkot si Avery sa naging sagot ni Mike. “Wala lang. Tinatanong ko lang. Kung pwede lang sanang irevive ang patay, edi sana buhay nalang ang lahat. Hindi ba mas nakakatakot yun?”“Wala rin akong balita kung kailan uuwi si Wesley kaya siguro hindi na talaga maiuuwi ang katawan ni Shea, pero sigurado naman ako na nakumpirma na ni Elliot na patay na si Shea kaya nag daos na siya ng lamay.”“Mhm.”“Hindi ka ba talaga uuwi? Kahit wag mo nalang munang isama si Robert. Para lang maka attend ka sana.”Gusto sanang makapunta ni Mike si Avery dahil kahit ano pa man ang nangyari rito at kay Elliot, labas naman dun si Shea. “Nabigo ko si Shea…” Mangiyak-ngiyak ang bsoes ni Avery habang nagsasalita. “Kung alam ko lang sana kung ano ang pinaplano niya, pipigilan ko siya. Alam mo ba? Parang nababaliw na ako. May nakilala akong pasyente na
Ang sabi niya sa akin, may hawak daw siya na laban sayo, pero ilalabas niya lang yun sa tamang oras. Kung ano ang ibig niyang sabihin doon, yun ang hindi ko sigurado. Matalino si Charlie at alam kong hindi siya nagtitiwala sa akin kaya ayaw niyang magbigay masyado ng impormasyon. Tumawag lang ako para sabihin sayo na bigyan mo pa ako ng kaunting oras at sisiguraduhin ko na maibabalik ko sayo yung kahon na hinahanap mo.”“Kung alam mo naman pala na ang laman ng kahon na yun ay laban sa akin, bakit mo pa ibabalik yun sa akin at hindi mo gamitin yun para sa sarili mo?” Sarcastic na sagot ni Elliot. Hindi alam ni Wanda kung paano siya sasagot. Bakit parang lalo pang nagalit si Elliot sa sinabi niya?‘Gusto ko lang namang makumpirma kung na kay Charlie talaga ang kahon, at ikaw na mismo ang gumawa nun kaya hindi na kita kailangan. Wanda Tate, makinig ka! Kung ano man yang pinaplano ko, alam ko yan.”Pakiramdam ni Wanda ay mahihimatay siya sa sobrang takot.“Elliot! Wala akong pinala
Kung may pinaka kinaiinisan si Elliot, yun ay kapag tinatakot siya. ‘So may pinanghahawakan sa akin si Charlie? Anong sabi niya? Naghihintay lang siya ng tamang panahon? Aha! Dahil masyado kang mabagal, uunahan na kita. Sisiguraduhin kong hindi na kita bibigyan ng pagkakataon dahil isasama na kita sa pagkawala ng kayon na yun. Kung swertehin ka mang mabuhay, sigurado ako na matutupok pa rin ang bahay mo.’Ginising ang buong Aryadelle ng matining na tunog ng sirena ng mga ambulansya. Sa Starry River, nagising si Hayden dahil sa ingay at noong sumilip siyasa labas, sobrang nagulat siya nang makitang pulang pula ang kalangitan kaya nagmamadali siyang tumakbo papunta sa kwarto ni Mike.Masyadong mahimbing ang tulog ni Mike kaya hindi nito napansin ang ingay. “Ang pula ng langit!” Tinuro ni Hayden ang bintana. Naalimpungatan si Mike at wala siyang ideya sa kung anong nangyayari kaya kinuha niya ang kanyang phone para tignan ang balita.“Isang apoy ang tumupom sa isang residential
Pinaikli ni Mike ang paliwanag kay at sinend kay Avery ang picture na palihim niyang kinuhaan.Alas diyes na ng gabi sa Bridgedale, pero hindi pa dinadalaw ng antok si Avery.Noong nakita niya ang message ni Mike, inisip niya kung ano kaya ang posibleng dahilan ni Elliot, pero wala siyang maisip na rason para atakihin nito ang magkapatid na Tierney. Kung para lang maghiganti kay Chelsea ang dahilan nito, para namang sobra-sobra ang ginawa nito?Sigurado siya na may mas malalim na dahilan si Elliot! Kung noon siguro ito nangyari, baka hindi na nagdalawang isip si Avery na tanungin mismo si Elliot, pero wala pa siyang sa lakas sa ngayon para doon. Halos eighty percent na ng lakas niya ang napunta sa tatlo niyang anak at nirereserba niya ang natitirang twenty para kay Adrian. Nakipag kasundo siya sa mga White na ooperahan niya si Adrian pagkatapos ng new year. Kagaya ng nangyari kay Shea, oobserbahan nila ang magiging epekto ng surgery sa katawan ni Adrian at doon sila magdedesis
Punong puno ng galit at pagkamuhi ang mga mata ni Charlie habang nakatitig siya kay Wanda. ‘Hindi pa ako patay pero ang kapal ng mukha mong insultuhin ako, Wanda! Para naman sayo Elliot, nagkamali ka ng kinalaban!’Sa memorial service, dinala na ang ilang gamit ni Shea sa sasakyan para mailibing ang mga ito sa tabi ng puntod ni Rosalie. Ang iba namang mga bisita ay dumiretso sa hotel para sa lunch service. Noong yayayain na sana ni Mike sina Layla at Hayden papunta sa hotel, nakita niya na nakatitig ang mga ito kay Elliot, na siyang maghahatid ng mga gamit ni Shea sa sementeryo.“Pupunta siya sa sementeryo, gusto niyo bang sumama?”Tumungo si Hayden, at ginaya naman ito ni Layla. “Sige, samahan natin siya.” Sinamahan ni Mike ang dalawa sa sementeryo.Nasa gitna ng bundok ang nasabing sementeryo kaya sobrang lamig. Pagkabaon ng mga gamit ni Shea, nilagay ang lapida nito at lumuhod si Elliot. NIlagay niya ang dala niyang mga lily at sinabi habang nakatitig sa nakangiting pict