Hindi na sumagot si Avery at tumalikod nalang siya para umalis, pero bigla siyang natigilan nang marinig niya itong umubo. Ngayon niya lang ito narinig na umubo kaya ibig sabihin ay may sakit ito. Nagpatuloy si Avery sa paglalakad para ibigay si Robert kay Mrs. Scarlet, bago niya balikan si Elliot sa study room. “May sakit ka na?” Nag aalalang tanong ni Avery at susubukan niya sanang kapain ang noo nito. Pero biglang umatras si Elliot. “May ubo lang ako. Wala akong lagnat.”Lumapit si Avery kay Elliot at tinitigan ito ng diretso sa mga mata. “Kaya mo ba pinalayo si Robert dahil alam mong may sakit ka at ayaw mo siyang mahawa po dahil ayaw mo siyang makita?”“Pareho. Sino bang nagpapunta sayo dito?” Walang emosyong sagot ni Elliot.“Wala. Pumunta ako dito kasi gusto kitang makita.” Naglakad si Avery papasok sa study room ni Elliot at pinatay ang laptop nito. Pagkatapos, hinila niya ito palabas, “Oo, ubo lang yan pero hindi ka pa rin gagaling kung hindi ka magpapahinga. Alam k
Pagkaalis ni Avery, tinawagan ulit ni Elliot ang doktor niya at sinabi. “Okay lang ako, HIndi mo na kailangang pumunta.”Medyo naguluhan ang doktor. “Mr. Foster, nasa byahe na ako. Didiretso nalang ako jan.”Hindi na tumanggi si Elliot. Pagkatapos ng tawag, kinapa niya ang kanyang noo at mainit nga siya. Hindi niya sigurado kung may lagnat na siya kanina bago dumating si Avery. Oo, masama ang pakiramdam niya pero nakakapag trabaho naman siya kanina. Noong nakita niya si Avery, para bang bigla nalang naubos ang lahat ng lakas niya. Humiga siya sa kama at nakatulala lang siya sa kisame. Wala siyang maramdaman…. Hindi niya maintindihan kung bakit kahit anong gawin niya, palagi nalang siyang nabibigo. Gustuhin niya mang kalimutan ang nangyari kanina, hindi maalis-alis sa isip niya ang mukha ni Robert. Kahit na hindi pa siya handang harapin ang bata, hindi niya maikakaila na sobrang gumaan ang pakiramdam niya nang makita ito. Noong oras na dumating ang doktor, nakatulog na si El
Dahil kamukhang kamukha ni Elliot si Robert, sigurado si Mrs. Scarlet na kung nabubuhay si Shea, sobrang mamahalin nito ang bata. At bilang isang napaka buting tao, alam niya rin na hindi magugustuhan ni Shea na iniiwasan ni Elliot ang sarili nitong anak nang dahil dito.Pagkatapos niyang sabihin ang kailangan niyang sabihin, hindi na hinintay ni Mrs. Scarlet na sumagot si Elliot at umalis na siya kaagad ng dining room.Hindi niya rin alam kung bakit pero noong narinig niyang umalis si Avery kasama si Robert, bigla niyang nabitawan ang kutsarang hawak niya. ‘Siguro nga sobrang nagmamadali siyang umalis.’Naalala niya na sinabi sakanya ni Avery kahapon na palalakihin nalang nito ng mag isa ang bata. Diba yun din naman ang gusto niya? Diba dapat masaya nga siya ngayon? Pero bakit nasaktan siya?May isang parte ng isip niya na nagsasbaing sundan ang mag ina niya sa Bridgedale, pero may parte rin na nagsasabing, ‘Mas maganda ng umalis siya para naman magkaroon ako ng oras para maka
Sobrang alerto ni Hayden dahil hindi naman yun ang unang pagkakataon na may sumunod sakanya kaya dali-dali niyang kinuha ang kanyang phone para tawagan si Eric. Ang phone na yun ay niregalo saanya ni Eric at sinadya talaga yun para sa mga bata. Sinave din ni Eric ang number nito doon para makontak nila ito kapag may problema. Sinabi ni Hayden na may sumusunod sa taxi na sinasakyan niya kaya agad-agad na nagpaabang si Eric ng mga bodyguard sa bababaan ni Hayden.Malamang nakita yun ng nakasunod sakanya kaya lumampas ito na parang wala lang nangyari at nagkataon lang parehong kalsada lang ang dinaanan nila. “Mag isa ka lang ba? Bakit hindi mo sinama ang bodyguard mo?” Hinawakan ni Eric ang kamay ni Hayden at sabay silang naglakad papunta sa kung nasaan si Layla.“Malapit na mag new year kaya sinabihan ko yung bodyguard namin na umuwi muna.” Sagot ni Hayden.“Nako! Sigurado ako na sobrang mag aalala ang Mommy mo sa oras na malaman niya ito.” Sobrang nag alala si Eric nang malaman
Nang makita niya ang determinasyon sa mga mata ni Layla, ngumiti nalang si Hayden, “Good luck.”Sa kabilang banda, kanina pa nakatayo si Cole sa kanyang office habnag pinagmamasdan ang mga ilaw sa labas at mga sasakyang dumadaanKung noong mga nakaraang araw siguro, malamang ay nasa bar na siya ng mga ganitong oras, pero wala siya sa mood ngayon.Paano naman siya magsasaya kung mababankrupt na ang kumpanya niya at ang taong nasa likod pa ng lahat ng paghihirap niya ngayon ay ang sarili niyang uncle.Pinagsisisihan niya naman talaga ang lahat ng mga nagawa niya, pero nangingibabaw pa rin sa puso niya ang galit. Ginawa niya ang lahat bilang pamangkin ni Elliot, tapos ngayon para lang siyang isang insekto na ganun nalang kadaling tirisin nito?Nitong mga nakaraang araw, ilang beses niyang nakitang tinatawagan ng Daddy niya si Elliot para magmakaawa pero ni minsan ay hindi man lang daw ito nakikipag usap.‘Ang sama sama ng Elliot na yun! Hindi pa ba sapat na kabayaran ang buhay n
Nakinig si Cole na para bang nobela lang ang kinuwento ng daddy niya. “Pero totoo bang may problema sa isip si uncle?”Nagbuntong hininga si Henry. “Iba’t ibang klase naman kasi ang mga problema sa pag iisip. Kahit na nagkasakit noon ang uncle mo, ang pagkakaalam ko ay hindi na yun bumalik kasi paano naman siya magiging ganito kasuccessful kung may sakit siya, diba?”“Oo, magaling siya sa negosyo niya pero hindi naman ibig sabihin nun na successful siya! Bakit nakipag divorce sakanya si Avery? Ang alam ko ayaw niyang ibigay ang custody ng mga bata kay Elliot. Dahil lang sa hindi na nila mahal ang isa’t-isa? Ang babaw naman ata masyado nun! Baka naman nalaman niyang may problema si Elliot sa pag iisip kaya ayaw niya na rito?” Hula ni Cole. May punto ang anak niya. “Daddy, walang wala na tayo at wala na rin namang mawawala sa atin. Kahit pa makipag kampihan tayo kay Charlie, ano pa bang pwedeng gawin sa atin ni Elliot? Wala na tayong pera na makukuha niya!” Sobrang desperado na tal
Nararamdaman ni Avery na may koneksyon sina Adrian, ang tatay nito, Shea at Elliot. Maging si Avery ay hindi rin makapaniwala sa naisip niya. Siguro masyado lang siyang stressed kaya kung anu-ano nalang ang mga naiisip niya? Masyadong malayo ang Aryadelle sa Bridgedale, at kahit na taga Aryadelle ang tatay ni Adrian, hindi naman siguro ito Foster, diba?” Masyadong mayaman at kontrobersyal ang mga Foster sa Aryadelle, at kung nagkataon mang may ganitong pangyayari sa pamilya ni Elliot, siguro naman ay magkakaroon siya kahit papaano ng ideya, diba? Bukod kay Shea, wala naman na siyang ibang nabalitaan.Hindi nagtagal, nakabalik na siya sa mansyon.Pagkababang-pagkababa niya, may sumalubong kaagad sakanya.“Avery!” Abot-tenga ang ngiti ni Avery nang makita si Tammy. Pagkalabas ni Tammy sa ospital, lumipad siya sa Bridgedale kasama ang mommy niya kaya noong nabalitaan niya na nasa Bridgedale sina Avery at Robert, naisipan niyang bumisita.“Akala ko ba bukas ka pa pupunta?” M
Kahit kailan, hindi niya sinabi sa publiko ang totoo nilang relasyon ni Shea. Ginawa niya yun para protektahan ang kapatid niya, pero walang nakaintindi sakanya. Maging si Avery ay sinabing kinakahiya niya si Shea kaya niya yun nagawa. Kahit kailan, hindi niya kinahiya si Shea dahil kung ganun talaga ang sitwasyon, siguro matagal na itong namatay. Ngayong wala na si Shea, hindi niya na kailangang matakot na may manggugulo o mananakit dito kaya napag desisyunan niyang bigyan ito ng magandang duneral. Nang mabalitaan nina Hayden at Mike, hindi sila nagdalawang isip at gusto nilang pumunta kaya tinawagan kaagad ni Mike si Chad. “Ah… Si Mr. Foster kasi ang gumawa ng guest list ay wala kayo ni Hayden doon…” Nahihiyang sagot ni Chad. “Eh si Avery? Kung nandoon ang pangalan niya, kami nalang ni Hayden ang aattend para sakanya.”“Wala dom eh… Ilang managers at kliyente lang ng Sterling Group ang inimbitahan niya… Wala sa listahan si Avery o kahit mga kaibigan niya…”“Oh… Pero gusto