Umiling si Mrs. Cooper at sabi, "Mukhang galit siya nang sobra noong umalis siya ngayong umaga, kaya sobrang takot akong magtanong. Paano kung tawagan mo siya?"Kinuha ni Avery ang phone sa kanyang bag at tinipa ang numero ni Elliot. Pumasok ang tawag, pero walang sumagot."Pumasok ka sa loob, Avery! Sobrang lamig dito sa labas." Ginabayan siya ni Mrs. Cooper sa loob. "Kamusta naman ang pagpapagaling mo?""Ayos lang," kaswal na sagot ni Avery.Sumasakit pa rin ang sugat sa tagiliran niya, pero ang serye ng pangyayari na paulit ulit nangyayari ang nagpapalimot sa kanya sa sakit."Babae rin ako at may mga anak din. Wala pang isang buwan simula nang manganak ka, pero tumatakbo ka na pabalik balik sa bahay at sa ospital. Maaring makaapekto 'yan sa pagpapagaling mo." Bumuntonghininga si Mrs. Cooper, tapos ay nagpatuloy, "Sa oras na maging stable na ang kondisyon ni Robert, pwede ka nang magpahinga sa bahay nang mapayapa. Malalagpasan ito mag isa ni Elliot.""Alam ko. Pumunta lang ako
Gayunpaman, mayroong mga litrato si Shea na siya lang mag-isa.Sa oras na iyon, apat na taon din si Elliot. Kahit na mas matalino siya kumpara sa ka-edad niya, hindi pa rin niya magagawa ang kahit ano tungkol sa kagustuhan na mapasama ang kapatid niya sa family portrait.Hula ni Avery na ang tatay ni Elliot ang pangunahing rason sa likod ng katotohanan na wala sila Shea sa family register. Hindi niya matanggap na magkaroon ng mentally disabled child.Kung hindi, hindi niya hahayaan ang sariling anak na hindi mapasama sa family portraits.Pinagpatuloy ni Avery ang pagtingin sa mga litrato. Nang nilipat niya ang panibagong pahina, nakita niya ang litrato ni Elliot sa ika-limang taong gulang.Habang tinitingnan ang limang taong gulang na si Elliot ay parang tinitingnan na niya si Elliot ngayon, pero parang may hindi tama.Nanikip ang dibdib niya habang nagsimulang manginig ang mga kamay niya. HIndi ganito ang itsura ni Elliot noong tinitingnan niya ang mga litrato kanina, pero ang
Sobrang tahimik ng hallway ng ospital.Pumunta si Avery sa ICU sa neonatal unit. Nakilala siya ng isa sa mga nurses, tapos ay mabilis siyang nilapitan at sabi, "Maayos ang kalagayan ni Robert ngayon, Miss Tate! Kapag naging maayos ang lahat, pwede na ka na lang magpahinga sa bahay at maghintay hanggang ma-discharge siya."Tumango si Avery. Dahil ayos lang si Robert, wala na mahalaga kung mananatili pa siya. Nang umalis siya ng ospital, nagsimulang umikot ang ulo niya.Alam niya kung bakit siya ganito. Sinusubukan niyang kumbinsihin ang sarili niya nang paulit-ulit na hindi pansinin ang pag uugali ni Elliot. Pero kaya niyang magpanggap na kalmado at palakihin ang mga bata mag-isa nang walang reklamo. Gayunpaman, bakit sobrang sakit ng puso niya?Alam niya nang sobra na palaging sinasabi ni Hayden at Layla na hindi nila gusto ng tatay, pero gusto talaga nila ito sa kanilang mga puso. Alam ni Avery na kailangan din niya si Elliot. Gayunpaman, mukhang palaging may hindi nak
Gusto ring bumalik ni Avery sa trabaho, pero hindi pa gumagaling ang katawan niya. Kung gugustuhin niyang bumalik sa opisina, hindi siya papayagan ni Mike. Mayroong panibagong thunderstorm ngayon. Mas malamig ang taglamig na ito kaysa sa mga nakaraang taon. Pinaalalahanan siya ni Mike na huwag umalis ng bahay bago siya pumunta sa opisina kanina. "Pwede mong imbitahan ang mga kaibigan mo sa bahay kung bored ka, Avery," sabi niya. Simpleng ungol lang ang sinagot ni Avery. Nang umalis si Mike, bigla niyang naisip na hindi talaga madami ang kaibigan niya. Ang pagdakip kay Tammy ay nag-iwan ng permanenteng peklat sa kanya, at hindi mahanap si Wesley kahit saan. Wala siyang kaibigan para imbitahan. Bumalik si Mike makalipas ng isang oras dala ang isang bag ng sinulid."Magtahi kung bored ka, Avery! Kaya mong gumawa ng sweaters para sa mga bata, o kahit sa akin." Nahinuha ni Mike na hindi nakakapagod na gawain ang pagtatahi, at nakakagugol din ng oras. "Kaya mo ring magtahi ng
Ito ang unang opisyal na pagkikita nina Avery at Robert. Nasa incubator siya, praktikal na nasa coma siya buong oras. Hindi niya binisita si Robert simula nang naging mabuti ang kalagayan niya. Hindi niya mapigilang ngumiti ngayon sabay tingin sa namamasa niyang mga mata. "Robert! Napaka-sweet na baby!" Tumayo si Mike sa tabi ni Avery at marahan na sinundot ang mukha ni Robert gamit ang kanyang daliri. "Halika rito kay Uncle Mike!"Dahan dahan kinuha ni MIke ang baby mula sa mga bisig ni Avery. Sa pagkakataong iyon, tumungo si Chad sa baby carrier at sinabihan si Mike na ilagay si Robery doon. "Huwag mo siyang guluhin kung hindi mo alam kung paano magbuhat ng baby," balala ni Chad. "Kailangan mo suportahan ang leeg niya banda rito.""Kung makapagsalita ka parang may karanasan ka. Hindi mo nakita kung gaano ako ka-propesyonal noong baby pa sina Hayden at Layla!" pagmamayabang ni Mike, tapos ay nilagay si Robert sa carrier. Nabalik sila sa Starry River Villa ng kalahating o
Pangalawa ang trabaho para kay Elliot. Habang iniisip niya kung paano nag sakripisyo si Shea para kay Robert, parang paulit-ulit na dinudurog ang puso niya. Umilaw ang screen ng kanyang phone at tinap niya ang message. Tumambad sakanya ang picture ni Robert. Nakatingin ito sa camera pero para bang sakanya ito nakatingin. Bigla siyang natigilan at ilang segundo rin siyang nakatitig lang sa picture. Bandang huli, huminga siya ng malalim at inilapag ang kanyang phone. Alam niya na walang kasalanan si Robert sa pagkamatay ni Shea, pero siguro hindi niya lang talaga matanggap na nawala sakanya yung taong pinaka iingatan niya sa buong buhay niya at sobra-sobra pa ring kumikirot ang kanyang puso. Sa tuwing naalala niya na kahit kailan hindi niya na makikita si Shea o hindi na ito tatawag sakanya para sabihing namimiss siya nito, pakiramdam niya ay para bang mababaliw na siya. Sa Starry River, ininvite ni Mike sina Jun at Ben para mag dinner bilang celebration ng paglabas ni Robe
Pero alas onse na ng gabi, at kung talagang may plano si Elliot na pumunta, dapat doon na siya dumiretso kanina. “Avery, magpahinga ka na muna siguro.” Tinignan ni Mrs. Cooper nag oras at nagpatuloy, “Mabait na baby naman si Robert kaya kapag umiyak siya, titimplahan ko nalang siya ng gatas.” “Sige, salamat. Ako naman bukas ng umaga.”Pagkatapos magsalita, naglakad si Avery papunta sa master’s bedroom.Mas kalmado na ang pakiramdam niya ngayon. Matagal niya ng tinanggap na hindi naman talaga pwedeng makuha ng tao ang lahat kaya hanggat nasa kanya at alam niyang malulusog ang tatlo niyang mga anak, kuntento na siya. Pagkarating niya sa kwarto niya, hindi naman siya makatulog. Kampante naman siya kay Mrs. Cooper na hindi nito papabayaan si Robert kaya inasikaso niya nalang yung trabahong naiwan niya bago siya manganak.HIndi naman nagmamadali ang pasyente kaya nagkasundo sila na aasikasuhin niya ito pag nakapanganak na siya. Kinuha niya ang chart nito mula sa drawer para pa
”Hindi niya pa ako kinokontak ulit pero nauubusan na ako ng oras. Ano Charlie? May progress na ba?!” Ramdam na ramdam sa boses ni Wanda ang sobrang pagka panic nito. “Gusto ko lang ipaalala sayo na nasa iisang bangka lang tayo ngayon. Kung hindi mo ako kayang protektahan, sinisigurado ko sayo na hihilain kita pababa!” “Wanda, hindi ka ba natatakot na ipapatay kita? Anong karapatan mong takutin ako?”“Charlie, nakalimutan mo na ba na ako si Wanda? Tumanda na ako sa industriya pero wala pang nakakapagpatumba sa akin. Marami akong paraan para makatakas, pero ayokong magtago nalang habang buhay kaya nga gusto kong makipag sanib pwersa sayo para kalabanin si Elliot dahil yun lang ang paraan para matalo ko si Avery!”Hindi kaagad nakasagot si Charlie. Gusto niya ring pabagsakin si Elliot at si Wanda lang ang pwedeng makatulong sakanya sa ngayon. “Mukhang may nakuha na akong lead kung nasaan ang kahon.”Gusto sana niyang mahanap muna ang kahon bago magsalita, pero ngayong dinidiin na s