Sobrang tahimik ng hallway ng ospital.Pumunta si Avery sa ICU sa neonatal unit. Nakilala siya ng isa sa mga nurses, tapos ay mabilis siyang nilapitan at sabi, "Maayos ang kalagayan ni Robert ngayon, Miss Tate! Kapag naging maayos ang lahat, pwede na ka na lang magpahinga sa bahay at maghintay hanggang ma-discharge siya."Tumango si Avery. Dahil ayos lang si Robert, wala na mahalaga kung mananatili pa siya. Nang umalis siya ng ospital, nagsimulang umikot ang ulo niya.Alam niya kung bakit siya ganito. Sinusubukan niyang kumbinsihin ang sarili niya nang paulit-ulit na hindi pansinin ang pag uugali ni Elliot. Pero kaya niyang magpanggap na kalmado at palakihin ang mga bata mag-isa nang walang reklamo. Gayunpaman, bakit sobrang sakit ng puso niya?Alam niya nang sobra na palaging sinasabi ni Hayden at Layla na hindi nila gusto ng tatay, pero gusto talaga nila ito sa kanilang mga puso. Alam ni Avery na kailangan din niya si Elliot. Gayunpaman, mukhang palaging may hindi nak
Gusto ring bumalik ni Avery sa trabaho, pero hindi pa gumagaling ang katawan niya. Kung gugustuhin niyang bumalik sa opisina, hindi siya papayagan ni Mike. Mayroong panibagong thunderstorm ngayon. Mas malamig ang taglamig na ito kaysa sa mga nakaraang taon. Pinaalalahanan siya ni Mike na huwag umalis ng bahay bago siya pumunta sa opisina kanina. "Pwede mong imbitahan ang mga kaibigan mo sa bahay kung bored ka, Avery," sabi niya. Simpleng ungol lang ang sinagot ni Avery. Nang umalis si Mike, bigla niyang naisip na hindi talaga madami ang kaibigan niya. Ang pagdakip kay Tammy ay nag-iwan ng permanenteng peklat sa kanya, at hindi mahanap si Wesley kahit saan. Wala siyang kaibigan para imbitahan. Bumalik si Mike makalipas ng isang oras dala ang isang bag ng sinulid."Magtahi kung bored ka, Avery! Kaya mong gumawa ng sweaters para sa mga bata, o kahit sa akin." Nahinuha ni Mike na hindi nakakapagod na gawain ang pagtatahi, at nakakagugol din ng oras. "Kaya mo ring magtahi ng
Ito ang unang opisyal na pagkikita nina Avery at Robert. Nasa incubator siya, praktikal na nasa coma siya buong oras. Hindi niya binisita si Robert simula nang naging mabuti ang kalagayan niya. Hindi niya mapigilang ngumiti ngayon sabay tingin sa namamasa niyang mga mata. "Robert! Napaka-sweet na baby!" Tumayo si Mike sa tabi ni Avery at marahan na sinundot ang mukha ni Robert gamit ang kanyang daliri. "Halika rito kay Uncle Mike!"Dahan dahan kinuha ni MIke ang baby mula sa mga bisig ni Avery. Sa pagkakataong iyon, tumungo si Chad sa baby carrier at sinabihan si Mike na ilagay si Robery doon. "Huwag mo siyang guluhin kung hindi mo alam kung paano magbuhat ng baby," balala ni Chad. "Kailangan mo suportahan ang leeg niya banda rito.""Kung makapagsalita ka parang may karanasan ka. Hindi mo nakita kung gaano ako ka-propesyonal noong baby pa sina Hayden at Layla!" pagmamayabang ni Mike, tapos ay nilagay si Robert sa carrier. Nabalik sila sa Starry River Villa ng kalahating o
Pangalawa ang trabaho para kay Elliot. Habang iniisip niya kung paano nag sakripisyo si Shea para kay Robert, parang paulit-ulit na dinudurog ang puso niya. Umilaw ang screen ng kanyang phone at tinap niya ang message. Tumambad sakanya ang picture ni Robert. Nakatingin ito sa camera pero para bang sakanya ito nakatingin. Bigla siyang natigilan at ilang segundo rin siyang nakatitig lang sa picture. Bandang huli, huminga siya ng malalim at inilapag ang kanyang phone. Alam niya na walang kasalanan si Robert sa pagkamatay ni Shea, pero siguro hindi niya lang talaga matanggap na nawala sakanya yung taong pinaka iingatan niya sa buong buhay niya at sobra-sobra pa ring kumikirot ang kanyang puso. Sa tuwing naalala niya na kahit kailan hindi niya na makikita si Shea o hindi na ito tatawag sakanya para sabihing namimiss siya nito, pakiramdam niya ay para bang mababaliw na siya. Sa Starry River, ininvite ni Mike sina Jun at Ben para mag dinner bilang celebration ng paglabas ni Robe
Pero alas onse na ng gabi, at kung talagang may plano si Elliot na pumunta, dapat doon na siya dumiretso kanina. “Avery, magpahinga ka na muna siguro.” Tinignan ni Mrs. Cooper nag oras at nagpatuloy, “Mabait na baby naman si Robert kaya kapag umiyak siya, titimplahan ko nalang siya ng gatas.” “Sige, salamat. Ako naman bukas ng umaga.”Pagkatapos magsalita, naglakad si Avery papunta sa master’s bedroom.Mas kalmado na ang pakiramdam niya ngayon. Matagal niya ng tinanggap na hindi naman talaga pwedeng makuha ng tao ang lahat kaya hanggat nasa kanya at alam niyang malulusog ang tatlo niyang mga anak, kuntento na siya. Pagkarating niya sa kwarto niya, hindi naman siya makatulog. Kampante naman siya kay Mrs. Cooper na hindi nito papabayaan si Robert kaya inasikaso niya nalang yung trabahong naiwan niya bago siya manganak.HIndi naman nagmamadali ang pasyente kaya nagkasundo sila na aasikasuhin niya ito pag nakapanganak na siya. Kinuha niya ang chart nito mula sa drawer para pa
”Hindi niya pa ako kinokontak ulit pero nauubusan na ako ng oras. Ano Charlie? May progress na ba?!” Ramdam na ramdam sa boses ni Wanda ang sobrang pagka panic nito. “Gusto ko lang ipaalala sayo na nasa iisang bangka lang tayo ngayon. Kung hindi mo ako kayang protektahan, sinisigurado ko sayo na hihilain kita pababa!” “Wanda, hindi ka ba natatakot na ipapatay kita? Anong karapatan mong takutin ako?”“Charlie, nakalimutan mo na ba na ako si Wanda? Tumanda na ako sa industriya pero wala pang nakakapagpatumba sa akin. Marami akong paraan para makatakas, pero ayokong magtago nalang habang buhay kaya nga gusto kong makipag sanib pwersa sayo para kalabanin si Elliot dahil yun lang ang paraan para matalo ko si Avery!”Hindi kaagad nakasagot si Charlie. Gusto niya ring pabagsakin si Elliot at si Wanda lang ang pwedeng makatulong sakanya sa ngayon. “Mukhang may nakuha na akong lead kung nasaan ang kahon.”Gusto sana niyang mahanap muna ang kahon bago magsalita, pero ngayong dinidiin na s
Sa tingin ni Chelsea, bata man si Hayden, pero mas matalino pa rin ito kumpara sa ibang matatanda. At si Layla ay isang normal na pa cute na bata lang. Kaya mas mapapadali ang buhay nila kapag si Layla ang tinira nila. Hindi na sumagot si Charlie. Napaisip din siya kung tama ba ang plano niya dahil sa oras na magkamali siya, sigurado siyang may mapaglalagyan talaga siya.Kinabukasan, pumunta si Avery sa baby room ng bandang alas siyete ng umaga. Natutulog pa si Robert pero gising na si Mrs. Cooper. “Mrs. Cooper, maraming salamat sa pagbabantay sakanya kagabi, Magpahinga ka na muna, ako ng bahala sakanya.” Sabi ni Avery.“Sige. Tatlong beses siyang uminom ng gatas kagabi. Medyo malakas pala siyang kumain.” Nakangiting sagot ni Mrs. Cooper. “Sobrang bait niyan bata kasi iiyak lang siya kapag nagugutom siya, pero matutulog din pag busog na siya.”“Ganito din si Layla noong baby siya. Si Hayden naman, medyo makulit talaga.” Nagulat si Mrs. Cooper sa sinabi ni Avery. “Avery,
Pero biglang umiyak si Robert kaya nagmamadali itong pinuntahan ni Avery. Nang sandaling buhatin niya ito, tumahan din ito kaagad. “Robert, naglalaro lang ang ate at kuya mo sa labas. Kapag lumaki ka pa ng kaunti, gusto mo bang sumali sakanila?” Naglakad si Avery papunta sa bintana para panuurin sina Hayden at Layla, habang si Robert naan ay nakatitig lang sakanya. “Anak, nagugutom ka ba? Ohhh… Kawawa naan ang baby ko… Hindi naalayan ni Mommy na dalawang oras na pala ang nakakalipas noong huli kang uminom ng gatas… Sandali lang, titimplahan kita ha.” Naglakad si Avery pabalik sa crib.Gusto sanang tulungan ng kasambahay si Avery pero nang makita niyang alam na alam naman nito ang ginagawa nito, ayaw niya nalang muna makielam. “Miss Avery, ang galing galing mo talaga. Kahit anong gawin mo, kabisadong-kabisado mo.” Papuri ng kasambahay.Ngumiti si Avery at nagtanong, “Wala ka bang plano na umuwi sa new year? Sabihan mo ako kaagad ha.”“Sa 29 nalang ako uuwi. Masyado pang malii