"Umuulan kagabi, bakit mo bubuksan ang pinto?" nahulaan na talaga ni Mike ito, hindi niya lang gustong tahasan ito. Kung hindi pa rin gustong pag-usapan ito ni Avery. hindi na niya tatanungin pa si Avery. "Sabi ni Zoe noong nadukot ang mga mata niya, narinig niya ang boses ko." Malamig ang ekspresyon ni Avery, mas lalo pang lumamig ang boses niya. "Nakakatawang kasinungalingan 'yan, pero may naniwala pa rin sa kanya."Sabi ni Mike, "Salamat sa Diyos na si Wesley ang saksi mo. Pero anong ginawa mo kina Wesley kahapon?""May trabaho akong inasikaso," pinagsawalang balikat ito ni Avery at sabi, "Pero kapag sinabi ko sa iba, baka hindi nila ako paniwalaan.""Ano naman ang hindi nila papaniwalaan sa'yo? Na may relasyon ka kay Wesley? Kung iyon ang kaso, matagal na sana kayong dalawang nagsama," panunuya ni Mike, "Pero seryoso, gusto ko talaga ang mga lalaking katulad ni Wesley. Ang mga lalaking katulad niya ang nagugustuhan lang ng mga nakakakilabot na babae."Bawi ni Avery, "Hindi
"Sinasaktan ko siya?" bulong ni Elliot. Biglang tumaas ang boses niya. Malamig niyang sabi, "Wesley, walang hiya ka ba talaga?""Walang hiya ako. Lahat ng ito kasalanan ko, pero pakiusap huwag mong pakitirin ang utak mo para pag-isipan ng masama si Avery," kalmado ang tono ni Wesley, pero nagpapakatotoo siya. "Pinuntahan ako ni Avery kahapon. Una para tingnan ang notes ni Professor Hough na naiwan noong buhay pa siya. Pangalawa, para ipakita sa akin ang treatment proposal niya para mabigyan ko siya ng suhesyon. Kahit hindi kasing galing tulad ng kanya ang medical skills ko, theory-wise, may kakayahan pa rin akong gawin ito."Bumigat ang paghinga ni Elliot. "Kumuha ng operasyon si Avery," pagpapatuloy ni Wesley, "Kung sa tingin mo ginagawa niya ito dahil sa pera, masyado kang mababaw. Kung mahal mo siya, matuto kang respetuhin siya!"Kakaiba kay Wesley na taasan niya ng boses ang ibang tao. Maayos ang galaw niya at alam niya kung paano kontrolin ang sarili. Gayunpaman, kay Elliot,
"Uncle Richard, sa estado na ganito ni Zoe. Sobrang umiinit ang ulo ko. Dalawang araw na akong hindi nakakatulog. Pinaghahawakan niya na gusto niyang mamatay, pero ayoko siyang mamatay."Pinutol ni Richard ang pahabol at sabi, "Nag-aalala ka lang tungkol sa bata, 'di ba? Wala ka talagang nararamdaman kay Zoe.""Ayokong pagbulaanan ka, pero kailangan mong linawin na wala ring nararamdaman si Zoe para sa akin." Mayroong malungkot na ekspresyon si Cole. "Inosente ang anak namin. Ako ang mag-aalaga kay Zoe hanggang sa ipanganak niya ang anak namin. Sa oras na mapanganak ang anak namin, bibigyan kita ng pera at dalhin mo Zoe pabalik sa Bridgedale para magsimula ng bagong buhay. Pangalanan mo lang kung magkano. Susubukan kong itumbas ito. Titiyakin ko na ikaw at si Zoe ay hindi na mag-alala sa buong buhay niyo."Agad sumagot si Richard, mukhang pinag iisipan niya ang tungkol dito. Nakatayo sa pinto ng silid si Zoe. Malinaw na narinig niya ang usapan. Sa pagkakataong iyon, hindi siya nor
Ito ang bagay na hindi inaasahan ni Avery na mangyari. Gaano ba siya kalugmok para tapusin ang sariling buhay niya!Hindi lang pinatay ni Zoe ang sarili niya. Hindi niya ring hinayaang makaligtas ang bata. Nagsimulang magduda si Avery sa akusasyon na ginawa ni Zoe tungkol sa kanya noong nabubuhay pa siya. Sabi ni Zoe noong dinukot ang mga mata niya, narinig niya ang boses ni Avery, talaga bang nangyari ang bagay na 'yon?Sino naman ang aatake kay Zoe? Bakit ilalagay ng taong 'to ang sisi sa kanya?Si Cole ba?Buntis si Zoe sa anak niya. Hindi niya kailangang gawin ang ganitong bagay kay Zoe. May totoong rason ba sa likod ng paghamak kay Zoe na taliwas ang may sala sa kanya? Kung hindi, anong eksplanasyon sa likod ng boses niya na lumabas noong dinukot ang mga mata ni Zoe?Biglang namawis nang walang tigil si Avery. Dala ni Mike ang isang bowl ng lugaw sa kanyang kwarto. Nakita niyang tuwid na nakaupo si Avery sa kama, sobrang pokus ng mga mata niya. Hindi niya rin napansin a
"T*ng inang ‘yan! Nasa panganib si Hayden!" Bulalas ni Mike, "Avery, hintayin mo ako sa loob ng kotse! Hahanapin ko siya!"Mabilis na ipinarada ni Mike ang sasakyan sa gilid ng kalsada at pinindot ang emergency button bago tumakbo patungo sa metro stop.Nagbakasyon si Hayden noong araw na iyon. Pinahinto silang lahat ng summer camp bus sa isang malaking mall malapit sa subway station.Bumili ng regalo si Hayden para sa kanyang ina. Habang nagbabayad ay napagtanto niyang may lihim na nagmamasid sa kanya. Lumabas siya ng mall at naglakad papunta sa subway station. Sino ang nakakaalam na sinundan din siya ng taong iyon? Kaya naman, sigurado siyang sinusundan siya.Hindi man lang makaupo si Avery sa kotse at maghintay. Pagkababa ni Mike sa sasakyan, bumaba rin siya sa kotse at humakbang patungo sa subway station.Nakahawak sa kanya ang bodyguard habang kinukumbinsi siya, "Miss Tate, mag- ingat ka sa bata sa loob ng sinapupunan mo! Kung magla- labor ka, balak mo bang isama ang bata sa
"Paano mo haharapin ito?" Naka- krus ang mga braso ni Mike sa bewang. "Hindi mo dapat pinasabog ang web page na iyon. Dahil alam ni Nora ang tungkol sa madilim na webpage na iyon, ibig sabihin ay may kakilala siya o isang organisasyon dito. Marahil ay may nahanap tayo doon."Nagsisisi na napayuko si Hayden nang marinig ang sinabi ni Mike. Takot na takot siya noong mga oras na iyon, kaya naman naging mapusok siya.Sa pag-iisip tungkol sa mga sandaling iyon, hindi niya dapat ginawa iyon."Hayaan mo akong hawakan ito." Tinapik- tapik ni Mike si Hayden sa ulo. " Sa wakas ay mayroon kang dalawang araw na pahinga. Magpahinga ka nang mabuti ngayong gabi. Sumama ka sa nanay mo bukas. Iabot sa akin ang computer. Susubukan ko ang aking makakaya upang maibalik ang webpage."Sabi ni Hayden, "Dapat masamang tao si Nora. Sabihin mo kay Mommy na layuan siya.""Tama mo yung target ng babaeng yun, wala siyang masyadong contact sa nanay mo."Walang pakialam si Hayden kung nabuhay o namatay si Elli
"May gustong sumubok?" Tanong ng isang staff sa mga interesadong parokyano.Marami ang nagtaas ng kamay. Nais nilang subukan ito.Nais din ni Avery na itaas ang kanyang kamay, ngunit tumigas ang kanyang katawan na parang inilagay sa ilalim ng isang hex. Hindi siya makagalaw. Sa simula ay halos nakalimutan na niya ang lahat ng nangyari noon sa Aryadelle. Gayunpaman, sa sandaling iyon, muling bumaha sa kanya ang lahat ng alaalang iyon!Hindi niya inaasahan na napaka-advance na ng teknolohiya. Ang isang robot ay maaaring talagang gayahin ang boses ng isang tao.Kaya naman, nang dukitin ang mga mata ni Zoe at narinig niya ang boses niya, robot kaya ang ginawa nito?Inanyayahan ang isang babae na umakyat sa entablado. Binati niya ang robot. "Hello, Ang pangalan ko ay Lily. Gusto kong i- test kung kaya mo talagang gayahin ang boses ko."Natahimik ng ilang segundo ang robot bago nagsalita, "Hello Lily, sinusubukan kong gayahin ang boses mo! Sa tingin mo ba kamukha mo ako?"Isang malaka
Nanatili si Elliot sa parehong lugar. Mabilis na lumapit si Avery sa kanya."Kailan ka dumating?" Napatingin si Avery sa kanya. Walang kahit anong ekspresyon sa mukha niya. Tumingin siya sa malayo at sinabi sa napakababang boses, "Kahapon.""Anong ginagawa mo dito?" Nagtaas ng boses si Avery. "Pumunta ka mag- isa?"Hindi niya alam kung bakit gusto niya itong pigilan at kung bakit niya ito itinanong sa kanya.Dati, pareho silang nag- aaway. Walang gustong umamin ng pagkatalo. Sa sandaling iyon, nagkikita sila, maaari na silang magkahiwalay ng landas. Gayunpaman, hindi makontrol ni Avery ang kanyang mga iniisip. Paano kung nandiyan siya para hanapin siya?"May speech sa isang school." Napalunok ng laway si Elliot. Hindi niya maiwasang mapatingin sa kanya."Dito ako nag- aral ng isang taon noong high school. Mag- speech ako sa hapon. Gusto mo bang pumunta?"Medyo nadismaya si Avery. Hindi niya ito naitago nang mabuti." Kasama ko si Hayden ngayon. Hindi ako pwede," sabi ni Avery a