Sa alas otso ng gabi, ang itim na Rolls-Roice ay dahan dahang nagmaneho sa Starry River Villa. Narinig ni Mke ang kaluskos at lumabas ng villa. "Elliot, gabi na. Anong ginagawa mo rito?" malamig na bulalas ni Mike, "Hindi ba sabi mo pupunta ka sa tanghali? Madilim na. Iba ba ang tanghali mo sa amin?"Tumingala si Elliot at sabi, "May kaibahan ba sa pagpunta ko ngayon at kaninang tanghali?""Syempre, meron. Kung pumunta ka kaninang tanghali, nasa bahay pa rin si Avery. Wala na si Avery sa bahay ngayon." Tumayo si Mike sa bakuran. Hindi siya nag abalang buksan ang gate. "Hindi kita papapasukin kung ganoon."Nanikip ang dibdib ni Elliot. "Saan siya pumunta?""Sabihin mo muna sa akin. Anong ginagawa mo kaninang tanghali? Bakit mo sinabi na pupunta ka ng tanghali, pero hindi ka nagpakita?" mayabang na tanong ni Mike. Nilunok ni Elliot ang laway niya at sabi sa mababang boses, "Gusto na ni Nora lumabas kaninang tanghali. Hinatid ko siya. Pinilit ng pamilya niya na manatili ako para
"Huwag na natin siyang pag-usapan kung ganoon." Sabi ni Wesley nang may ngiti, "Gabi na. Kailangan kong ihatid si Shea sa bahay. Magkita ulit tayo sa susunod!"Tumingin si Avery sa oras at tumango. "Sige lang! Uupo muna ako rito hanggang mamaya."Nakaidlip ng mahaba si Avery sa tanghali, medyo gising pa ang diwa niya ngayon. Wala sa bahay ang mga anak niya. Boring kung uuwi siya kaagad sa bahay, kaya mas mabuti nang manatili ng ilang sandali. Siya mismo ang nag-set up ng meeting 'nong gabing iyon. Nagdala siya ng mga regalo mula sa Bridgedale para sa kanila. Pagkatapos umalis ng dalawa sa kanila, kinuha ni Avery ang phone sa kanyang bag. Nakita niya ang mensahe ni Mike, [Umalis na siya! Pwede ka nang bumalik!]Sumagot si Avery, [Hindi ako nasa labas dahil iniiwasan ko siya. Ano tingin mo sa akin? Duwag?][Hindi iyon ang ibig kong sabihin! Gusto ko lang bumalik ka kaagad! Madilim na sa labas! Hindi na safe!][Ligtas ang bansang 'to. Bakit ba ang free mo ngayon? Bakit wala ka sa
Tumingin si Mike kay Avery at tinanong, "Gusto mo ba siyang kausapin?"Mukhang hindi siya narinig ni Avery. Sa labas ng bintana ang tingin niya. Na parang hinihigop ng lalaking 'yon ang kaluluwa niya. Hininto ni Mike ang sasakyan at malakas na sabi, "Avery, dali at kausapin mo na siya."Bumalik sa katinuan si Avery. Tinulak niya ang pinto ng sasakyan para bukas at lumabas dito. Noong nasa loob siya ng sasakyan, naka-air condition ito, kaya hindi niya maramdaman ang init sa labas. Sa oras ng paglabas niya sa sasakyan ang alon ng init ay bumalot sa kanya. Nagsimula rin agad ang magpawis ang noo niya. Tumingin siya sa mukha ni Elliot, na siyang namumula dahil sa araw. Pawis na pawis ang noo niya. Basang basa rin ang damit niya sa pawis, dumidikit sa kanyang balat. Hindi niya maisip kung gaano katagal na siyang nasa ilalim ng mainit na araw. "Miss Tate, nakabalik ka na rin. Kung hindi ka pa bumalik, baka nagtapos na ngayon ang buhay ni Mr. Foster," hindi masayang sabi ng bodygu
Natapos si Avery at tumungo sa taas. Wala siya sa sarili buong araw, pagod siya. Nakita siya ni Mike umakyat. Binuhat niya si Layla at umalis. Nakarating sila sa ATM. Maingat na pinasok ni Mike ang card. Nakasulat sa likod ang pin ng card. Birthday ito ni Avery na siyang madaling tandaan. Pagkatapos ipasok ang pin, pinindot ni Mike ang check balance button. Sa isang iglap, hindi mabilang na mga zero ang nagpakita sa screen. Natulala si Mike at hindi nakapagsalita!Bulalas ni Layla, "Uncle Mike! Magkano 'yan! Sobrang daming zero! Hindi ko mabilang! Woo!"Sagad iyon sa kaalaman ni Layla.Umubo ng konti si Mike bago inangat ang daliri at binilang ang mga zero sa screen. Biglang tumuro si Layla sa unang numero sa screen. Malakas niyang sabi, "Ito ay number one."Sabi ni Mike, "...Babe, ginugulo mo ako! Nasaan na ba ang binibilang ko? Hay!""Engot Uncle Mike! Kuhaan mo na lang ng picture at tanungin mo si Mommy! Siguradong alam ni Mommy kung magkano 'to sa isang tingin lang!
Bumangon si Avery sa kama. Pinagmasdan niya ang serye ng mga numero ng ilang segundo bago sagutin ang tawag. Hindi niya naisip na sa oras na masagot ang tawag, lalabas ang video. "Mommy!" umalingawngaw ang malutong na boses ni Hayden. Tumingin si Avery sa mukha ni Hayden at nasasabik na sabi, "Hayden! Paano mo ako natawagan sa video?""Hinack ko ang internet ng camp at tinawagan ka gamit ang isang virtual account." Mayroong kakaibang ngiti si Hayden. "Mommy, nakabalik na ba si Layla?""Oo, pero kakalabas niya lang kasama si Uncle Mike. Hindi pa sila bumabalik." Napuno ng pag-iingat ang mukha ni Avery. "Hayden, nakakahalubilo ka ba riyan? Tinawagan ako ng teacher mo ilang araw ang nakalipas at sabi marami ka raw naging kaibigan sa ibang bansa.""Mommy, malaki na ako. Hindi mo na kailangang mag-alala tungkol sa akin." Tunog na maliit na binata ang boses ni Hayden. "Paanong hindi ako mag-aalala tungkol sa'yo? Kahit malaki ka na sa hinaharap, mangungulila pa rin ako sa'yo at mag
Binaba ni Hayden ang tawag. Gustong tumawa ni Mike pero nang makita niyang bigo si Layla pero cute ang itsura. Napigilan niya ang paghimok ng kanyang tawa. Nang nakauwi sila, hinawakan ni Avery ang kamay ni Layla. Bago pa niya masabi ang gusto niyang sabihin, umaksyon kaagad si Layla. "Mommy, cute ba ako?""Sobrang cute mo! Ikaw ang pinaka cute na bata sa buong mundo.""Kung ganoon, kailan ako magiging big star? Ibibigay ko sa'yo lahat ng kikitain ko, okay? Sinabihan ko si Hayden na ibibigay ko sa kanya ang kalahati ngayon lang, pero ayaw niya." masiglang kuminang ang mga mata ni Layla. Biglang na-blangko ang isip ni Avery. Mukhang hindi niya mapipilit si Layla, ang tanging paraan na lang ay ang makausap si Eric. Nagpadala ng mensahe si Avery ng hindi niya pagpayag kay Layla na sumali sa entertainment industry.Kalahating oras ang lumipas, nag-reply si Eric, [Maaring bata pa si Layla, pero kailangan nating respetuhin ang gusto niya. Hindi nakakatakot ang entertainment indust
Kung hindi binanggit ni Zoe ang pangalan ni Cole, baka nakalimutan na ni Avery na buhay pa ang lalaking 'yon!Pagkatapos maghiwalay ng anim na taon nang nakalilipas, ganap nang walang puso si Avery sa lalaking 'to. Simula nang nahulog siya kay Elliot, wala na siyang nakikita sa ibang lalaki, kaya paano niya kukunin si Cole palayo tulad ng sinasabi ni Zoe?Katawa-tawa at walang kabuluhan!Nakita ng bodyguard sa malapit ang pag-atake ni Zoe kay Avery. Mabilis siyang tumakbo at sinipa ang baywang ni Zoe!Nasaktan si Zoe, at binitawan ang mga kamay ni Avery. Napaupo siya sa gilid ng kalsada. "Buntis ako! Ang lakas ng loob mong sipain ako! Kapag namatay ang anak ko, papatayin kita para kasama ka!" humiga si Zoe sa lupa at umiiyak. Ang mga guard sa paligid at ang secretary ay agad dumalo. Tumingin ang secretary ni Avery sa magulo nitong buhok. Nagmadali siyang tulungan si Avery. "Miss Tate, ayos ka lang ba? Hayaan mong papasukin muna kita. Tutulungan kitang ayusin ang buhok mo."Tum
"Zoe, sinabi mo na inagaw ko si Cole sa'yo. Nakita mo ba akong kasama siya?" tumayo si Avery sa gilid ng sasakyan at tinanong si Zoe, "Tawagan mo si Cole ngayon! Tanungin natin siya!""Hindi! Kapag nalaman niyang pumunta ako para hanapin ka, makikipaghiwalay siya sa akin!" nasasaktang sabi ni Zoe, "Nakita ko ang litrato niyong dalawa sa nightclub! Inamin na niya, pero ikaw ang lakas ng loob mong itanggi 'to!""Night club? Hindi pa ako nakakapunta sa ganyang lugar! Baka nagsisinungaling siya, o napagkamalan niya ako sa ibang tao!" bigkas ni Avery, "Merong babaeng kamukha ko at Nora ang pangalan niya. I-check mong mabuti at tingnan kung yung babaeng nasa litrato ay si Nora!""Pero sabi ni Cole ikaw 'yon!" hindi pinaniwalaan ni Zoe ang mga salita ni Avery, tsaka, may sama ng loob sila sa isa't isa matagal na. "Kung ganoon, pwede namang ipagpatuloy mo ang pagkamuhi mo sa akin!" kalmadong sagot ni Avery, "Huwag ka nang pumunta para hanapin ako ulit para sa walang kwenta niyong problema