Kung hindi binanggit ni Zoe ang pangalan ni Cole, baka nakalimutan na ni Avery na buhay pa ang lalaking 'yon!Pagkatapos maghiwalay ng anim na taon nang nakalilipas, ganap nang walang puso si Avery sa lalaking 'to. Simula nang nahulog siya kay Elliot, wala na siyang nakikita sa ibang lalaki, kaya paano niya kukunin si Cole palayo tulad ng sinasabi ni Zoe?Katawa-tawa at walang kabuluhan!Nakita ng bodyguard sa malapit ang pag-atake ni Zoe kay Avery. Mabilis siyang tumakbo at sinipa ang baywang ni Zoe!Nasaktan si Zoe, at binitawan ang mga kamay ni Avery. Napaupo siya sa gilid ng kalsada. "Buntis ako! Ang lakas ng loob mong sipain ako! Kapag namatay ang anak ko, papatayin kita para kasama ka!" humiga si Zoe sa lupa at umiiyak. Ang mga guard sa paligid at ang secretary ay agad dumalo. Tumingin ang secretary ni Avery sa magulo nitong buhok. Nagmadali siyang tulungan si Avery. "Miss Tate, ayos ka lang ba? Hayaan mong papasukin muna kita. Tutulungan kitang ayusin ang buhok mo."Tum
"Zoe, sinabi mo na inagaw ko si Cole sa'yo. Nakita mo ba akong kasama siya?" tumayo si Avery sa gilid ng sasakyan at tinanong si Zoe, "Tawagan mo si Cole ngayon! Tanungin natin siya!""Hindi! Kapag nalaman niyang pumunta ako para hanapin ka, makikipaghiwalay siya sa akin!" nasasaktang sabi ni Zoe, "Nakita ko ang litrato niyong dalawa sa nightclub! Inamin na niya, pero ikaw ang lakas ng loob mong itanggi 'to!""Night club? Hindi pa ako nakakapunta sa ganyang lugar! Baka nagsisinungaling siya, o napagkamalan niya ako sa ibang tao!" bigkas ni Avery, "Merong babaeng kamukha ko at Nora ang pangalan niya. I-check mong mabuti at tingnan kung yung babaeng nasa litrato ay si Nora!""Pero sabi ni Cole ikaw 'yon!" hindi pinaniwalaan ni Zoe ang mga salita ni Avery, tsaka, may sama ng loob sila sa isa't isa matagal na. "Kung ganoon, pwede namang ipagpatuloy mo ang pagkamuhi mo sa akin!" kalmadong sagot ni Avery, "Huwag ka nang pumunta para hanapin ako ulit para sa walang kwenta niyong problema
Masaya pa ring nakikipag usap si Avery kay Tammy. Hindi niya napansin na naglalakad papunta sa kanya si Elliot. "Avery, kinakabahan ka ba? Malapit ka nang manganak." Hinalo ni Tammy ang straw sa isang baso ng juice sa kanyang kamay. "Hindi ako kinakabahan, pero gusto ko na talagang lumabas 'to. Lumalaki na yung tiyan ko, nakakapagod din 'to." Kumain ng ilang panghimagas si Avery. Tanong niya, "Ikaw?""Sa susunod na taon pa ang sagot na binigay ko sa mga manugang ko. Dadalhin ko 'to hanggang sa susunod na taon. Hindi pa ako nagiging masaya!""Ang pagkakaroon ng anak ay hindi ka pipigilang maging masaya.""Sigurado akong nakaka apekto rin sa'yo 'to kahit papaano. Gusto ko pa rin ng mga bata. Kapag nagkaroon na ako ng sarili, hindi na ako magiging mahigpit masyado para disiplinahin sila.""Pwede mong ilibot ang mga anak mo at makipaglaro sa kanila! Nagiging interesado ang mga bagay bagay kapag nagkaroon ng anak. Hindi mo na kailangang mag-alala masyado.""Hmm! Masyado mo naman ak
Pilit na inipit ni Avery ang bag niya sa mga kamay ni Elliot. "Elliot, gumalaw ang bata sa tiyan ko. Maririnig niya ang bawat salita na sasabihin mo sa kanya ngayon."Tulalang nakatingin si Elliot sa kanya na parang kinuryente siya. "Pwede ko bang hawakan ang tiyan mo?" Namamaos niyang tanong. "Hindi na 'to gumagalaw ngayon. Medyo maliit pa rin siya ngayon, at hindi masyadong gumagalaw."Ito ang pangalawang pagbubuntis niya. Kakaiba ito mula sa una niya. Sa unang pagkakataon, natatakot siyang malaman ito ni Elliot, kaya ang bawat reaksyon noong nagbubuntis siya, sikreto niyang kinimkim ito sa sarili niya. Mas nangingibabaw ang takot kaysa sa saya ng pagiging ina. Gayunpaman, sa oras ng pagbubuntis niya ngayon. Ang init ng kamay niya ay kumalat sa buong katawan ni Avery. Tumaas ang tensyon ng katawan niya. Baka nararamdaman ng bata na kinakabahan siya, kaya sinipa niya ang tiyan ni Avery!"Gumalaw ulit siya!" hindi na niyang mapigilang bumulalas. "Naramdaman ko!" naapektuha
Ang masamang babaeng 'yon! Ang lakas ng loob niyang dukutin ang mga mata ko!Biglang dumilim ang mundo ni Zoe. Nabulag siya! Hindi na siya makakalabas at makakapag trabaho. Ganap na nasira ang buhay niya!Bigo siya at gusto na lang mamatay. Gayunpaman, sa pagkakataong iyon, wala siyang makita na kahit ano! Kahit ang kamatayan ay naging alahas na!Ang problemang ito ay nakaabot kay Elliot sa gabing 'yon. Tinawagan siya ni Henry at masigasig na pinaliwanag sa kanya ang insidente. Kailangan niyang sabihin kay Elliot dahil may kinalaman dito si Avery. "Sobrang unstable ng sitwasyon ni Zoe. 'Nong natutulog siya, ayos pa naman siya pero nang nagising siya, nagsimula na siyang sumigaw. Lagi niyang sinasabi na si Avery ang dumukot sa mga mata niya..."Matatag na sabi ni Elliot. "Naaawa ako sa sitwasyon niya, pero hindi gagawa ng ganoong bagay si Avery.""Oo, sa tingin ko hindi rin gagawa ng ganoon si Avery, pero nag-aalala ako kay Zoe. Buntis pa rin siya sa anak ni Cole. Kahit hindi n
Umiling si Zoe. "Hindi ko nakita, dahil sa oras na bumalik ang ulirat ko, wala na ang mga mata ko! Sobrang sakit nito na gusto kong mamatay! Narinig ko si Avery na sinasabing ito ang dapat sa akin. Malinaw kong narinig 'yon! Elliot, hindi ako nagsisinungaling sa'yo. Walang wala na ako ngayon! Hindi na ako makakapagsinungaling sa'yo!""Boses niya?" napatigil si Elliot. "Sigurado ka ba na hindi mali ang dinig mo?""Imposible! Hindi ako nagkakamali, dahil sobra ko siyang kinamumuhian!" humigpit ang hawak ni Zoe sa mga kamay ni Elliot na parang lifeboat ang hinahawakan niya. "Elliot, hindi ko susubuking magsinungaling sa'yo, malalaman mo rin naman kaagad kalaunan! Nagmamakaawa ako sa'yo, nagmamakaawa ako. Minsan na rin tayong nagkarelasyon, pakiusap maawa ka sa akin..."Tumingin si Elliot sa nanginginig na mga labi at maputlang mukha ni Zoe. Sobrang bigat ng puso niya. Sinasabi ng sarili niya na hindi nagsisinungaling si Zoe, pero isang boses pa sa isipan niya na nagpapaalala sa kanya
Hindi namamalayang napaatras si Avery. Agad natulala ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala na mangyayari ang ganitong bagay! Siya ay, mas lalo pang, hindi makapaniwala na isisisi ito sa kanya! Dahil lang nagkaroon ng problema sa kanilang dalawa ni Zoe bago ang araw na 'yon, kaya siya na ang may gawa nito? Kalokohan!"Avery!" tiningnan ni Elliot ang pag-atras niya. Nanikip nang sobra ang puso niya. "Sagutin mo ang tanong ko!""Elliot, ayoko sa'yo! Ayoko na naman sa'yo!" mas malakas na sigaw ni Avery kaysa sa kanya, "Sa tuwing nakakaramdam ako ng maayos sa'yo, ipapakita mo sa akin kung gaano ka kasuklam!"Nakatingin si Elliot sa nagliliyab na si Avery. Tumayo siya sa parehong lugar, tulala. Patuloy na tinatamaan ng patak ng ulan ang likod niya. Tumama ang lamig sa kanya. Gayunpaman, ang titig niya kay Avery ay mainit at nagliliyab. Ang halo ng yelo at apoy ang naging dahilan kung bakit nawala na niya ito. Lumapit sa papunta kay Avery. "Hindi mo ginawa 'to, 'di ba?" naglak
Natulala si Elliot habang nakatingin sa paglabas ni Avery. Bago pa siya makapag isip, kumuha na ng hakbang ang katawan niya patungo kay Avery. Binuhat niya si Avery sa mga bisig niya at bumalik sa loob ng bahay. Kahit na ilang segundo lang nanatili si Avery sa ilalim ng ulan, basa na ang mukha niya mula sa ulan... o baka dahil sa luha!"Avery, hindi kita pinagdududahan. Sinabi mo na hindi mo ginawa 'yon, ibig sabihin hindi mo ginawa 'yon." Nilapag ni Elliot si Avery sa sofa. Lumuhod siya at pinaliwanag sa kanya nang mahinahon, "Sigurado si Zoe na ikaw ang nanakit sa kanya. Kapag sinabi niya ito sa mga pulis, siguradong pupunta ang mga pulis para hanapin ka. Hindi ko gustong matanong ka na parang kriminal. Kapag nakahanap tayo ng alibi bago pa lang, hindi na kakailanganin ng mga pulis na hanapin ka."Tumingin si Avery sa basa at habag na itsura ni Elliot. Hindi niya magawang magalit. "Lumabas ako para puntahan si Wesley ngayon," walang emosyon ang boses ni Avery. "Buong araw ako