Kinuha ni Chelsea ang sonogram. Kahit medyo malabo pa ang picture, halatang kamukhang kamukha ito ni Elliot at natural, sobrang nasaktan nanaman siya.“Kamukhang kamukha mo ang baby mo! Lalaki siya no?” Nakangiting tanong ni Chelsea.Tumungo lang si Elliot at kinuha ang sonogram. “Bakit ka nandito?”“Ah, ngayon kasi ang first day ng pinsan ko dito sa office. Dumaan lang ako dito para ipaalam sayo.” Nakangiting paliwanag ni Chelsea. “Elliot, Congratulations! Magiging tatay ka na! Kamukhang kamukha mo ang baby mo! Sigurado ako na magiging kasing galing ka niya.” Hindi mapantayan ang saya ni Elliot ngayon kaya kahit ano pang sabihin sakanya ng kahit sino, kalmado lang siya.Paglabas ni Chelsea ng office ni Eliot, pinilit niyang ngumiti sa takot niya na baka magka issue pa siya. Pero pagkarating na pagkarating niya sa kanyang office, hindi na niya napigilan ang sarili niya at nagwala siya sa sobrang galit! ‘Maayos ang bata?! Bakit ba ang damot damot ng Diyos sakin?!’Hindi nagta
Gulat na gulat si Avery dahil wala siyang kaalam alam sa ginawa ni Elliot! ‘Bakit kailangang iboycott ni Elliot si Eric?!’Nagpapanic na kwinento ng manager ni Eric ang nangyari. “Tinawagan kasi ako ng assistant ni Elliot kahapon para daw makita niya si Eric kaya pumunta kami sa Sterling Group. Silang dalawa lang yung nag usap kaya wala akong alam. Paglabas ni Eric, halatang galit na galit siya. Siguro nag away sila pero hindi ko naman alam na aabot sa puntong iboboycott ni Elliot si Eric…”“Kamusta si Eric?” Nag aalalang tanong ni Avery.“Okay naman siya! Sa totoo lang, hindi naman kawalan sakanya kung mag quiquit siya sa entertainment industry. Pwede naman siyang umuwi kahit anong oras at nag aabang lang sakanya ang family business nila, pero ako ang ayaw na huminto siya kasi nakikita ko ang potential niya! “Miss Tate, tulungan mo si Eric!” “Wag kang mag alala. Kakausapin ko si Elliot.” Medyo nakahinga ng maluwag ang manager ni Eric. “Salamat!” Pagkatapos nilang mag usap, hi
Humarap sa camera ang secretary ni Avery at ngumiti. “Magandang gabi sa inyong lahat! Welcome sa livestream ng Tate Industries! Hindi kona patatagalin pa, palakpakan nating lahat ang aming presidente, Miss Avery Tate!” Nagsipalakpakan ang lahat. Nakasuot si Avery ng V-neck na evening gown. Hapit na hapit ito sa katawan niya kaya kitang kita ang kanyang baby bump!Kasama niyang umakyat sa stage ay Eric. Inalalayan nito ang laylayan ng kanyang gown. Biglang lumubo ang bilang ng mga nanuod at nagcomment sa live stream! [Noong nasangkot sa problema ang Tate Industries, si Eric ang tumulong sakanila. Ngayon, na si Eric naman ang nagkaproblema, sobrang nakaka tuwa na nandiyan din ang Tate Industries para tulungan siya!][Tatandaan ko ang lahat ng mga brand na nag cancel ng kontrata kay Eric! Hinding hindi na ako bibili sainyo mula ngayon! Tate Industries! Nasa inyo ang suporta ko! Asahan niyong bibili ako ng maraminng produkto na galing sainyo!][Sobrang hot ni Eric! Ahhhh! Babe!
Pagkatapos ng tawag, tumingin si Chad kay Elliot. “Mr. Foster, tinawagan ako ni Mike. Ininvite niya lang akong kumain sa isang hotel.” Natigilan si Chad at medyo nag alangan pa siya noong una, “Gusto mong sumama?” Umirap si Elliot. “Hindi nila ako ininvite, bakit naman ako sasama?” Nahihiyang ngumiti si Chad. “Nabalitaan ko na sinusubukan ka raw na tawagan ni Avery kanina pero hindi ka sumagot. Bakit kaya hindi kayo mag kita para mag usap nalang kayo sa personal? Wag kang maniwala sa ngiti niya sa livestream nila kasi ang totoo niyan, galit na galit daw siya. Sa tingin ko… Sinadya niyang suotin yung damit niya kanina para magalit ka.”“Sigurado ka ba na hindi niya sinuot yun para kay Eric?” Ramdam na ramdam ni Chad ang galit ni Elliot kaya hindi na siya sumagot. Sa livestream, tinuturuan ni Eric ang mga manunuod kung paano ikontrol ang latest model ng drone ng Tate Industries. Bukod dun, kumanta rin siya para maaliw ang mga ito. Ang simpleng live stream ay biglang naging
Hinawi ni Avery ang kamay ni Mike at pinilit niyang kumalma bago siya umakyat sa stage. Kinuha niya ang kic sa secretary at humarap kay Eric. Kahit nakaside view siya, sobrang ganda niya. Nag umpisang kumanta sina Eric at Avery at damang-dama nila ito na para bang wala silang nakikitang ibang tao sa paligid nila. Naglakad si Elliot papunta sa stage. Gusto niya sanang umakyat pero pinigilan siya ng isa sa mga bodyguard na nagbabantay sa event. Sobrang nakaka kilabot ng mga eksena!Walang nag akala na pupunta si Elliot sa event ng Tate Industries! Kalat na kalat na si Elliot ang nagpa boycott kay Eic kaya lalong nainis sakanya ang lahat noong bigla siyang nagpakita. Ano? Sino nanaman ang aawayin niya ngayon? Si Avery?Isa lang ang malinaw, kung ano man ang mangyayari ngayong gabi, siguradong malaking chismis ito! Napansin ni Mike na kakaiba ang tingin ni Elliot kaya dali-dali niyang minessage si Chad, [Pagkatapos nilang kumanta, hihilain ko si Avery. Bantayan mo ng maigi yang
Nag aalangan si Avery na wag na munang pumunta sa mansyon ni Elliot dahil bukod sa malalim na ang gabi, kailangan niya na ring magpahinga. Wala naman siyang ibang hiling para kay Eric kundi ang maibalik dito ang lahat ng nawala rito. Pero hindi nagtagal, biglang nagbago ang isip niya at lumabas siya sakanyang kwarto. Natutulog na ang mga bata at hindi pa nakaka uwi si Mike kaya sobrang tahimik ng paligid. ‘Ano ba kasing kinakatakutan ko? Siya ang tatay ng dinadala ko ngayon, kaya kahit gustuhin niya mang suntukin ako, hindi niya pwedeng gawin.’Nakauwi na rin ang katulong at ang bodyguard kaya sinamantala ni Avery na umalis nang walang naka nakakaalam. Pagkalipas ng halos 40 minutes, nakarating siya sa mansyon nito. Nang makita siya ng mga bodyguard, hindi na nagtanong ang mga io pinagbuksan siya kaagad. Si Elliot ang tatay ng dinadala ni Avery kaya walang pwedeng bumangga sakanya. Naglakad papasok Si Avery sa loob ng mansyon. Nang makita mni Mrs. Cooper si Avery, nagmamada
“Bakit kailabgang mong itago ang card niya? Nanay ka ba niya? Bakit? Wga mong sabihin sa akin na bigla ka nalang nagiging nanay sa mga gwapong lalaki?” Halatang nang aasar si Elliot. Kumunot ang noo ni Avery at biglang nablangko ang isip niya. Alam niyang imposible siyang manalo kay Elliot kaya para maiwasang magising kung may mga natutulog man, tumayo siya at sinabi, “Doon tayo mag usap sa kwarto mo.”Tumayo naman si Elliot kaagad nang marinig ang sinabi ni Avery. Hinawakan niya ang braso nito habang naglalakad papunta sa kwarto niya. Pagkasaradong pagkasarado ng pintuan, nilabas na ni Avery ang lahat ng mga salitang kanina niya pa pinipigilan, “Elliot, ayoko ng magsayang ng oras sayo ha. Bukas, kailangan malaman kong bumalik na ang mga trabaho ni Eric! Ako nalang ang awayin mo! Wag mo ng idamay ang mga kaibigan ko! Kung gusto mo akong takutin, gulatin o ano pa, gawin mo!” “Tinatakot mo ba ako kasi dinadala mo yung anak ko?” Tinignan ni Elliot ang tiyan ni Avery. Walang pla
Sumapit ang madaling araw. Nag trending sa headline ang bagong mainit na balita! [Elliot Foster: Hindi ko Binoycott si Eric Santos.]Walang paligoy-ligoy ang headline kaya umagaw ito sa atensyon ng lahat! Kapag clinic ang link, lalabas ang naging interview ni Elliot. Hindi naman ito kahabaan pero kumpleto ang detalye. Malinaw na sinabi ni Elliot na siguro pamilyar siya kay Eric, pero hindi niya ito kilala kaya imposibleng iboycott niya ito! Gulat na gulat ang mga brand na nagsi atrasan kay Eric. Anong ginagawa ng Elliot na yan? Bakit! Balimbing ba siya?Binaha ng samu't saring mga tawag at messages ang phone ni Elliot, pero hindi naistorbo ang tulog niya dahil naka off ang phone niya. Ang lahat ay naghahanap ng kasagutan kay Elliot, kaya si Chad nalang ang kinulit ng mga ito. Nalasing si Chad kagabi kaya noong nagising siya sa isang tawag, sobrang sakit ng ulo niya. Hindi niya naman inakala na mas sasakit pa pala ang ulo niya noong sinagot niya ang tawag. “Balita? An