“Chad, dineactivate ba ni Elliot yung account niya?” Tanong ni Avery.HIndi rin alam ni Chad kaya nagulat siyang sumagot, “Ah… hindi ko alam kasi wala naman siyang sinasabi sa akin. Bakit? Hindi ka makapag transfer sakanya?” Tumungo si Avery.“Sige, itatanong ko sakanya bukas sa office.” Nahihiyang sagot ni Chad. “Baka naman ayaw niya ng tanggipin yung pera mo?”“Alam mo patawa siya! Anong gusto niyang mangyari? Habambuhay na may utang sakanya si Avery?” Naiinis na sabat ni Tammy. “Ano ba kasing meron sakanila ni Chelsea? Sabi ni Jun nakita niya raw na magkasama sila ni Elliot noong nakaraan ah.”Biglang pinagpawisan ng malamig si Chad. “....Sa tingin ko…. Magkatrabaho? Medyo matagal na rin silang magkasama kaya kahit dati pa naman kumakain na rin talaga sila…”“Sinong niloloko mo?! Sabi sa akin ni Jun, nilalagyan daw ni Chelsea ng pagkain yung plato ni Elliot at itong magaling mong amo naman ay tinatanggapn din yung pagkain! Ganun ba ang magkatrabaho?!” “Tammy! Bakit ba kaila
Naghintay si Elliot kung masasabihin si Avery pero halos dalawang segundo na itong hindi nagsasalita kaya hindi niya napigilan. “Avery!” Ramdam na ramdam sa boses niya ang sobrang pagaalala.Narinig niya na ilang beses itong huminga ng malalim kaya lalo siyang kinabahan. “Avery, humiga ka muna kung masama yung pakiramdam mo.”Hindi natuwa si Avery sa sinabi ni Elliot kaya naiinis siyang sumagot, “Hindi ko kailangan ng pag aalala mo!” Hindi naman na siguro kailangang ikwento sakanya ni Elliot kung gaano kagaling si Chelsea.“Hindi ako sayo nag aalala! Sa anak ko!” Sobrang humigpit ang hawak ni Elliot sakanyang phone sa sobrang galit. “At bakit? Kasi hindi ko pa siya pinapalaglag?” Sarcastic na tanong ni Avery. “Avery Tate! Bakit ba kung anu-anong lumalabas jan sa bunganga mo?!”Walang ideya si Avery kung gaano na kababa ang tingin ngayon ni Elliot sa sarili nito sa lahat ng mga nasabi at nagawa niya rito. Noong araw na nalaman nito na magkakaanak sila, sobrang saya at exci
“Tinanggap ko yung offer kasi masaya ako kapag kasama ko si Shea. Isa pa… huli na noong nalaman ko na binigyan pala ni Elliot ng malaking halaga ng pera yung mga magulang ko.” “Wag mong tatanggihan yung bayad niya kapag nag offer siya sayo.” Nakangiting sagot ni Avery.Umiling si Wesley. “Sinabihan ko nga yung mga magulang ko na idonate yung pera. Ayoko naman na para niya akong ginawang charity. Parang sobrang kawawa naman ako pag ganun at ayoko ng ganung pakiramdam.” “Sigurado naman ako na hindi ganun ang tingin niya sayo, Wesley.”Ngumiti si Wesley at kalmadong sumagot, “Alam ko naman yun. Hmm Avery, kung naipagtatanggol mo siya sa harap ko, bakit hindi mo kayang kumbinsihin yung sarili mo na hindi siya masamang tao?” “Ha?” Nahihiyang sagot. “Para sa akin lang ha. Hindi magandang ideya na nakipag hiwalay ka kay Elliot. Buntis ka at kailangan mo ng taong aagapay sayo.” Tinitigan ni Wesley si Avery at nagpatuloy, “Sa lahat ng nangyari, hindi ka pa rin ba naniniwalang mahal ka
Pinost kaagad ng reporter ang interview sa internet at na trending ito kaagad. Medyo matagal din na kumalat ang chismis na iniscam ni Avery si Elliot ng 1.5 billion at ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsalita siya. Nagulat ang lahat na umamin siya, pero ang mas nakakagulat ay ang sinabi niyang hindi nagdemanda o naningil sakanya si Elliot kaya iniisip tuloy ngayon ng lahat na masyado itong uto-uto. Pagkabalik ni Elliot sakanyang office matapos ang isa’t kalahating oras niya na meeting, tumambad sakanya ang hindi mabilang na messages na may naka attach na short clip. Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari kaya naiinis niyang plinay ang video. “Miss Tate, kumakalat ngayon sa social media na iniscam mo raw si Elliot Foster ng tumataginting na 1.5 billion. Totoo ba ito?” “Oo. Totoo yang nabalitaan niyo.”“...” Biglang natahimik ang lahat. “Nagbibiro ka ba, Miss Tate? Kung totoo nga itong balitang ‘to, bakit hindi ka niya dinemanda?”“Kasi barya lang para kay Mr.
Hindi nagtagal, nakarating sila sa labas ng restaurant. Pumasok si Avery sa loob at dumiretso sa VIP room. “Day off mo ba ngayon, Eric?”Nag book si Eric ng private room sa isang restaurant na malapit sa office ni Avery at inimbitahan ito na kumain. “Mhm, free ako ngayong umaga.” Hinila ni Eric ang upuan para paupuin si Avery. “Hay salamat sa Diyos at nakauwi ka ng ligtas. Sobrang nag alala ako para sayo!”Nakangiting umupo si Avery pero noong sasagot na sana siya, napansin niya ang card na nakapatong sa lamesa. “Ano ‘to? Bank card mo ‘to ah?” Umupo si Eric sa tabi niya at nakangiting sumagot. “Mhm. Para sayo yan. Gamitin mo yung laman niyan para mabayaran si Elliot.”Nnag sandaling marinig ito ni Avery, dali-dali niyang binalik kay Eric ang card. “Ayoko niyan, Eric. Oo, may utang ako sakanya, pero hindi niya naman ako sinisingil talaga kaya pwede akong magbayad kahit kailan ko gusto… pwede nga rin akong hindi mag bayad kapag ayaw ko na.” Binalik ni Eric ang card kay Avery
Natigilan si Avery pero bigla siyang tumalikod nang makita niya si Elliot.“Avery!” Hinabol ni Elliot si Avery at hinila ang braso nito.Huminto sandali si Avery pero bandang huli ay hinawi niya ang kamay ni Elliot. “Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!” Sigaw niya.Binitawan naman ni Elliot si Avery at nang makita niya na sobrang namumugto ang mga mata nito, sobrang nag aalala siyang nagtanong, “Anong nangyari, Avery?”Walang siyang ideya kung bakit ito umiiyak.Tinignan ni Avery si Elliot at lalo siyang umiyak. Kung hindi sana siya pinainom nito ng gamot noon, baka hindi nagkasakit ang baby niya. Gustong gusto niyang sisihin ito pero alam niyang hindi rin naman nito ginusto ang nangyari. Wag mo akong susundan, Elliot!” Umiiyak na sabi ni Avery, sabay lakad ng mabilis papalayo. Pero sobrang nag aalala si Elliot kaya hindi siya nakinig at sinundan ito. Sakto, biglang nagbukas ang elevator at lumabas si Mike. Ang receptionist ang nag report kay Mike kaya dali-dali siyang pumunta
Naiwan si Elliot sa may pintuan habang si Avery naman ay mabilis na nag drive paalis. “Um… Sorry! Akala ko kasi nag away kayo!” Hinila ni Mike si Elliot papunta sa elevator at nahihiyang nagpatuloy, “Tara, uminom nalang tayo. Sabi niya pabayaan natin siya kaya mas mabuti siguro kung bigyan muna natin siya ng oras na mapag isa.”“Hindi mo ba talaga alam kung anong nangyari sakanya?” Galit na sigaw ni Elliot. “Hindi! Wala talaga akong alam! Sobrang okay naman siya kanina at wala namang nangyaring kakaiba sa office kaya hindi ko rin alam kung bakit siya umiiyak ng ganun.”Sinundan ni Elliot si Mike sa elevator. “Alam mo ba kung paano siya nakakuha ng 300 million?” Tanong ni Elliot. “Nagtransfer siya sa akin kanina ng 300 million at alam kong wala siyang ganung halaga kahit pa pagsamahin niya ang savings niya at ng mga kumpanya niyo.”“Ah, kaya ka ba nag punta dito para itanong yan sakanya?”“Oo.”“Hindi ko alam!” Siyempre kahit iniipit na siya ni Elliot, walang plano si Mike na
“Miss Tate, mag isa ka lang ba?” Tanong ng doktor. “Mga dalawang oras ka sigurong kailangang iobserve mamaya kaya kailangan mong tumawag ng makakasama mo!” Kung buhay pa si Laura, siguradong siya ang tatawagan ni Avery. Huminga ng malalim si Avery at kinuha ang kanyang phone para tawagan si Tammy. Nang malaman nito na nasa ospital siya, walang pagdadalawang isip itong pumayag at wala pang isang oras ay dumating na ito sa department na sinabi niya. Pagkalipas ng dalawang oras, hinatid ni Tammy si Avery sa Starry River. Umalis na rin siya kaagad para makapag pahinga si Avery dahil naramdaman niya na mukhang wala ito sa mood. Habang nag dadrive pauwi, biglang kinabahan si Tammy. Hindi sakanya sinabi ni Avery kung anong nangyari pero sigurado siya na hindi ito maganda.‘Hindi lang naman si Avery ang gumawa sa bata, bakit ba palagi nalang siya ang naghihirap habang ayun si Elliot, nagpapasarap!’ Isip niya. Gusto niya sanang tanungin si Elliot kung anong nangyari kaya tinawagan