Hindi nagtagal, nakarating sila sa labas ng restaurant. Pumasok si Avery sa loob at dumiretso sa VIP room. “Day off mo ba ngayon, Eric?”Nag book si Eric ng private room sa isang restaurant na malapit sa office ni Avery at inimbitahan ito na kumain. “Mhm, free ako ngayong umaga.” Hinila ni Eric ang upuan para paupuin si Avery. “Hay salamat sa Diyos at nakauwi ka ng ligtas. Sobrang nag alala ako para sayo!”Nakangiting umupo si Avery pero noong sasagot na sana siya, napansin niya ang card na nakapatong sa lamesa. “Ano ‘to? Bank card mo ‘to ah?” Umupo si Eric sa tabi niya at nakangiting sumagot. “Mhm. Para sayo yan. Gamitin mo yung laman niyan para mabayaran si Elliot.”Nnag sandaling marinig ito ni Avery, dali-dali niyang binalik kay Eric ang card. “Ayoko niyan, Eric. Oo, may utang ako sakanya, pero hindi niya naman ako sinisingil talaga kaya pwede akong magbayad kahit kailan ko gusto… pwede nga rin akong hindi mag bayad kapag ayaw ko na.” Binalik ni Eric ang card kay Avery
Natigilan si Avery pero bigla siyang tumalikod nang makita niya si Elliot.“Avery!” Hinabol ni Elliot si Avery at hinila ang braso nito.Huminto sandali si Avery pero bandang huli ay hinawi niya ang kamay ni Elliot. “Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!” Sigaw niya.Binitawan naman ni Elliot si Avery at nang makita niya na sobrang namumugto ang mga mata nito, sobrang nag aalala siyang nagtanong, “Anong nangyari, Avery?”Walang siyang ideya kung bakit ito umiiyak.Tinignan ni Avery si Elliot at lalo siyang umiyak. Kung hindi sana siya pinainom nito ng gamot noon, baka hindi nagkasakit ang baby niya. Gustong gusto niyang sisihin ito pero alam niyang hindi rin naman nito ginusto ang nangyari. Wag mo akong susundan, Elliot!” Umiiyak na sabi ni Avery, sabay lakad ng mabilis papalayo. Pero sobrang nag aalala si Elliot kaya hindi siya nakinig at sinundan ito. Sakto, biglang nagbukas ang elevator at lumabas si Mike. Ang receptionist ang nag report kay Mike kaya dali-dali siyang pumunta
Naiwan si Elliot sa may pintuan habang si Avery naman ay mabilis na nag drive paalis. “Um… Sorry! Akala ko kasi nag away kayo!” Hinila ni Mike si Elliot papunta sa elevator at nahihiyang nagpatuloy, “Tara, uminom nalang tayo. Sabi niya pabayaan natin siya kaya mas mabuti siguro kung bigyan muna natin siya ng oras na mapag isa.”“Hindi mo ba talaga alam kung anong nangyari sakanya?” Galit na sigaw ni Elliot. “Hindi! Wala talaga akong alam! Sobrang okay naman siya kanina at wala namang nangyaring kakaiba sa office kaya hindi ko rin alam kung bakit siya umiiyak ng ganun.”Sinundan ni Elliot si Mike sa elevator. “Alam mo ba kung paano siya nakakuha ng 300 million?” Tanong ni Elliot. “Nagtransfer siya sa akin kanina ng 300 million at alam kong wala siyang ganung halaga kahit pa pagsamahin niya ang savings niya at ng mga kumpanya niyo.”“Ah, kaya ka ba nag punta dito para itanong yan sakanya?”“Oo.”“Hindi ko alam!” Siyempre kahit iniipit na siya ni Elliot, walang plano si Mike na
“Miss Tate, mag isa ka lang ba?” Tanong ng doktor. “Mga dalawang oras ka sigurong kailangang iobserve mamaya kaya kailangan mong tumawag ng makakasama mo!” Kung buhay pa si Laura, siguradong siya ang tatawagan ni Avery. Huminga ng malalim si Avery at kinuha ang kanyang phone para tawagan si Tammy. Nang malaman nito na nasa ospital siya, walang pagdadalawang isip itong pumayag at wala pang isang oras ay dumating na ito sa department na sinabi niya. Pagkalipas ng dalawang oras, hinatid ni Tammy si Avery sa Starry River. Umalis na rin siya kaagad para makapag pahinga si Avery dahil naramdaman niya na mukhang wala ito sa mood. Habang nag dadrive pauwi, biglang kinabahan si Tammy. Hindi sakanya sinabi ni Avery kung anong nangyari pero sigurado siya na hindi ito maganda.‘Hindi lang naman si Avery ang gumawa sa bata, bakit ba palagi nalang siya ang naghihirap habang ayun si Elliot, nagpapasarap!’ Isip niya. Gusto niya sanang tanungin si Elliot kung anong nangyari kaya tinawagan
“Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot.”“Okay sige.” Sobrang naiipit na ang bodyguard. “Dito ka lang muna, Miss. Tatawagin ko yung in charge. Pagkalipas ng halos dalawang minuto, bumalik ang bodyguard na kasama si Chelsea. Parehong nagulat sina Chelsea at Tammy na makita ang isa’t-isa. “Bakit mo hinahanap si Elliot? Busy siya.”“Sobrang ordinaryo lang naman ng event na ‘to, imposibleng pagtutuunan niya ‘to ng sobrang oras.” Sarcastic na sagot ni Tammy. “Ano? Sobrang busy niya na kahit uminom ng tubig o umihi, hindi niya magawa?” Walang balak si Chelsea na palampasin ang pambabastos sakanya ni Tammy. “Ano ba kasing kailangan mo, Tammy? Magkaibigan naman ang asawa mo at si Elliot kaya ako nalang ang magsasabi sakanya ng gusto mong sabihin.” “Anong pinagsasabi mo jan? Papasukin mo ako. Gusto ko siyang makausap. Hindi naman ako magtatagal eh.” Naiiritang sagot ni Tammy. “Papapasukin kita kung ordinaryong event lang ‘to na kagaya ng akala mo, pero hindi eh. La
Hindi makapaniwalang napahawak si Tammy sa nasampal niyang pisngi. Pero ang mas ikinagulat niya ay noong sumigaw si Elliot, “Layas!” Mula pagkabata, trinato siya ng mga magulang niya na parang prinsesa, tapos ngayon….sinampal na nga siya, pinalayas pa? Mabilis lang uminit ang ulo ni Tammy pero hindi siya ganun katapang lalo na sa mga ganitong sitwasyon. Hindi niya na kinaya ang sama ng loob kaya umiiyak siyang tumakbo palayo. Habang pinapanuod ang pag alis ni Tammy, naiimagine na ni Elliot kung gaano kagalit si Avery sa kanya sa oras na malaman nito ang tungkol dito, pero nangyari na ang nangyari at sobrang napuno na siya kay Tammy. Naiintidihan niya naman na galit ito sakanya dahil nga best friend nito si Avery, pero sana alam pa rin nito kapag kailangan na nitong huminto.Bukod sa pagiging PR manager niya, si Chelsea ay parte rin ng Tierney Family kaya dapat nirespeto pa rin ito ni Tammy kahit papaano. …Umiiyak si Tammy habang tumatakbo palabas ng hotel at nang makabal
Medyo matagal bago sumagot si Elliot, “Naikwento niya na ba kay Avery ang nangyari?” “Hindi. Mukhang wala pa siyang balak sabihin kay Avery sa ngayon.”“Bakit naman?” Nagtataka rin si Elliot kung bakit siya gustong makausap ni Tammy. Hindi talaga kayang maglihim ni Jun kay Elliot kaya walang pagdadalawang isip niyang sinabi ang totoo. “Pinuntahan ka ni Tammy para sabihin sayo na baka may problema ang baby niyo ni Avery kasi bago ka niya puntahan, nanggaling sila sa ospital.”Napalunok si Elliot ng matindi sa sobrang gulat. “Sa tingin ko sobrang nagaalala lang si Tammy para kay Avery kaya ganun siya kadesperadong makita ka.” Pagtatanggol ni Jun kay Tammy. “Hindi naman siya masamang tao.”“A-alam ko.” Utal na sagot ni Elliot bago niya ibaba ang tawag.‘May… may problema ang baby namin? Ba…bakit hindi sakin ‘to sinasabi ni Avery? Kung hindi pa ako pinuntahan ni Tammy, hindi ko ‘to malalaman… diba?’Halos hindi makahinga si Elliot habang pinipilit niya ang sarili niya na maglaka
“Karatapatan kong malaman yun!” Mangiyak-ngiyak sa galit ang mga mata ni Elliot habang nagsasalita. “Ako pa rin ang tatay kahit na hindi mo matanggap.”“Alam mo naman na ngayon, diba?” Sagot ni Avery na parang wala lang nangyari.“Ngayon nalang, pero hindi pa rin ikaw ang nagsabi! Nasaan ang lab reports?!” Utos ni Elliot. “Walang lab report.” Medyo sumasakit na ang kamay ni Avery sa higpit ng pagkakahawak ni Elliot, kaya sinubukan niyang mag pumiglas. “Bitawan mo ako!” “Bakit lab reports?!” Niluwagan ni Elliot ang pagkakahawak niya kay Avery pero hindi niya pa rin ito binitawan ng tuluyan. Sa puntong yun, hindi na kayang manindigan pa ni Avery na itago ang katotohanan kaya sinabi na niya ang totoo. “Nag screening ako sa Bridgedale kaya tinext lang nila sa akin yung resulta.” “Oh patingin ng message!” Sigaw ni Elliot . Wala siyang balak na tumigil hanggat hindi nakikita ng mga mata niya mismo ang message na sinasabi ni Avery.Sakto, noong sandali ring yun, tapos ng kumain sin