Medyo lihis ang sagot ni Avery, pero sobrang naiintindihan ni Elliot kung anong gusto nitong iparating. Para bang sinasabi nito na wag na siyang mag abala pang alamin ang anumang tungkol kina Hayden at Layla, at kahit pa gaano kalakas ang kutob niya na anak niya si Hayden, hindi yun totoo dahil ang tanging anak niya lang ay angt ang dinadala nito ngayon! Kung ang dating Elliot ang pagbabasehan, malamang ay pumutok na ito ngayon sa galit sa naging sagot ni Avery pero ginagawa niya ang lahat para magbago kaya hindi na siya sumagot at hinayaan nalang ito. Pagkatapos lagyan ni Avery ng gamot ang sugat, kumuha siya ng gasa para sana balutin ang kamay ni Elliot. “Wag na, kahit band aid nalang.” Sa tingin ni Elliot, sobra naman ang gasa para sa ganun kaliit na sugat at baka isipin pa ng iba ay injured siya.Pero parang walang narinig si Avery at binalot pa rin ang kamay ni Elliot ng gasa. “Wag mo munang hayaang mabasa ang sugat mo ng ilang araw.”“Paano ako maliligo?” Tanong ni E
“Bakit sa iisang kwarto kayo natulog?” Tanong ni Tammy. Malikot talaga ang isip ni Tammy pagdating sa mga ganung bagay. “Inabutan kami ng bagyo,” Sagot ni Avery. “Hindi ko naman siya pwedeng paalisin diba?”“Ahhh…. So magkatabi kayong natulog? Bakit pumayag ka? Grabe, Avery! Hindi man lang siya nagpakahirap na suyuin ka ulit?! Wow! Salamat sa bagyo at nagkaayos kayo!” Ilang segundo ring natigilan si Avery dahil hindi niya alam kung paano siya sasagot. “Walang nangyari sa amin! Ah… actually may ginawa siya…”“Sinasabi ko na eh! Hindi talaga mapagkakatiwalaan yung lalaking yun…”Sa tingin ni Avery ay hindi naiintindihan ni Tammy ang sitwasyon kaya nagmamadali siyang nagpaliwanag, “Tammy, sa tingin ko mali ang iniisip mo! Ah… hinugasan niya lang yung…paa ko…”Ayaw na sanang sabihin ni Avery ang tungkol dito pero napressure siya sa nanlilisik na titig ni Tammy.Hindi napigilan ni Tammy na matawa sa sinabi ni Avery, “Woooow! Parang gusto na talaga kitang sambahin, Mr. Foster! Hin
Yumuko si Elliot at tinitigan niya ng diretso sa mga mata si Layla. “Bakit tinatawag mo lang ako sa pangalan ko? Hindi maganda yan.”Nagbuntong hininga si Layla at nakanguso na sumagot, “Kasi masama kang tao!” “Yan ba ang tinuro sayo ng Mommy niyo?” Kalmadong tanong ni Elliot. Hindi siya galit. Alam ni Elliot na bata lang si Layla kaya sigurado siya na hindi nito naiintindihan ang mga sinasabi nito. At malamang may mga narinig ito sa nakatatanda na akala nito ay okay lang kaya ginagaya nito. “Hindi ah! Hindi kayang manira ng Mommy ko ng ibang tao!” Naisip ni Layla na baka ibaling ni Elliot ang sisi kay Hayden kaya bigla niyang binago ang topic. “Anong niluluto mo?”“Sweet barbeque ribs.” Sagot ni Elliot at ipinakita niya ang minarinate niyang ribs. “Favorite ‘to ng Mommy niyo. Gusto mo bang tikman? Sandali, lulutuan din kita.”Walang pagdadalawang isip na sumagot si Layla, “Gusto ko ng chocolate! Hindi ako mahilig sa karne! Pwede mo ba yang lagyan ng chocolate? Pero wag mong
Pag alis ni Avery, mahihiyang nagtanong si Tammy sa iba, “May nasabi ba akong hindi maganda?” “Para naman kasing hindi mo alam na binigyan ni Elliot si Zoe ng three hundred million dollars. Pwede rin namang bigyan ni Elliot ng ganun si Avery, pero siyempre magkaiba yun.” Naiinis na sagot ni Ben.“Nakalimutan ko na nga kung sino si Zoe kung hindi mo lang siya binanggit eh.”“Siya lang naman yung palagi nilang pinag aawayan nitong mga nakaraang araw.” Sagot ni Ben. “Wag mong mamaliitin ang kapangyarihan ng mga eh!” “Tama! Isa pa, buntis din kasi si Avery ngayon kaya naiintindihan ko na medyo mas sensitive siya. Pero sa tingin ko may pag asa si Elliot kung pinayagan siya ni Avery na paglutuan sila ng dinner diba?” Kahit anong gawin ni Tammy, hindi niya talaga maintindihan kung anong tumatakbo sa isip ni Avery. “Hayaan natin sila. Kung magkabalikan sila, edi nagkabalikan sila. Kung hindi, edi hindi. Kung totoo tayong mga kaibigan, magtiwala at suportahan nalang natin ang mga desi
Gusto sanang sumagot ni Avery pero bigla siyang natigilan noong nakita niyang maluha-luha ang mga mata ni Elliot. "Elliot…"Sa sobrang dami niyang gustong sabihin, pangalan lang nito ang lumabas sa bibig niya.Gusto niya sanang itanong kung bakit. Pero bigla siyang hinila nito at niyakap ng mahigpit. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya…. Kaunting maling galaw, magdidikit na ang mga labi nila. Kitang kita niya kung gaano kalungkot ang mga mata nito. “Elliot, anong problema?” Hindi niya man sinasadya pero sobrang hinahon ng boses ni Avery. Magkahalong awa at pag aalala ang nararamdaman niya. “Nanaginip kasi ako na iniwan mo ako… sumama ka raw sa ibang lalaki.”Hindi inaasahan ni Avery ang sinabi ni Elliot kaya hindi niya alam kung anong isasagot niya. Hindi niya masabi na ganun din ang naranasan niya noong nalaman niyang nging girlfriend nito si Zoe. Palagi siyang binabangungot na magpapakasal na raw ang mga ito. Siguro ganun talaga kapag mahal mo ang isang tao… palag
"Okay... Yes, Sir! Tara laro tayo ni Shea!" Kinaladkad ni Layla si Hayden at tinungo ang direksyon ni Shea. "Sabi niya ilalabas niya tayo para maglaro! Pinapaalis niya tayo sa bodyguard!" Alas singko ng hapon, tinulungan ni Elliot si Avery pababa ng hagdan. Habang pinagmamasdan ng iba ang mainit at maayos na tanawin sa pagitan ng mag- asawa, lahat ng uri ng mga kaisipan ay nagsimulang punan ang kanilang mga isipan. Karaniwang sapat ang isang oras para sa isang hapong idlip. Ang dalawang oras ay itinuturing na masyadong mahaba para sa isang idlip. Gayunpaman, nagpapahinga sina Elliot at Avery buong hapon sa itaas. Paano sila nakatulog ng ganoon katagal? Lahat sila ay nasa hustong gulang, kaya lahat ay may ideya kung ano ang nangyari nang hindi na kailangang magtanong. "Hindi ba kayo naglalaro ng poker?" Namula si Avery sa mga tingin ng lahat, at pasimpleng nakaisip ng isang paksa. "Tumigil kami sa paglalaro ng alas kwatro ng hapon at sinimulan naming tulungan si Chad
Pagkatapos ng hapunan, hinawakan ni Layla ang kamay ni Avery at sinabing may pagod na mukha, "Mommy, gusto ko nang matulog... Paligo ka na..." Agad namang lumapit si yaya para tumulong. Nag- tantrum si Layla dahil sa pagod. "Gusto kong paliguan ako ni Mommy..." humihikbi siya. Nakangiting lumapit si Tammy at sinabing, "Layla, lalong lumaki ang tiyan ng Mommy mo. Hindi ka na niya maliligo kapag ganoon!" Saglit na natigilan si Layla, saka hinaplos ang patag na tiyan ni Avery. "Ganito kalaki na ang tiyan ng Mommy mo," sabi ni Tammy habang iminuwestra ang tiyan ni Avery. Nalaglag ang panga ni Layla sa gulat nang bumalot sa kanyang munting mukha ang hindi makapaniwala. Binuhat ni Tammy si Layla sa itaas at sinabi kay Avery, "sige na, Avery!" Medyo nag- alala si Avery at gustong sumama sa kanila. Hinawakan ni Elliot ang braso niya at sinabing, "Samahan mo ako sa labas." "Ano ito?" Sabi ni Avery habang nauuna sa kanya. "Dapat pagod din si Shea. Dapat umuwi ka na." "I
Avery: [Siguro naisip niya na kailangan kong kumain ng marami dahil kumakain ako ng dalawa ngayon.] Tammy: [Hahaha! Ano ang binili niya para sa iyo? Padalhan ako ng mga larawan!] Kinuha ni Avery ang larawan ng paghakot ng gabing iyon at ipinadala ito kay Tammy. Tiningnan ni Tammy ang litrato, saka agad na tinawagan si Avery. "Bakit bumili na naman siya ng alahas? Haha! Mahilig bang bigyan ng alahas ng mga lalaki ang babaeng mahal nila?" tumawa siya. Hinawakan ni Avery ang kanyang ulo sa kanyang kamay at sinabing, "May motibo siya." Natigilan si Tammy, pagkatapos ay nagtanong, "Anong motibo?" "Ito ay dahil sa isang kaganapan sa susunod na Lunes." Talagang naranasan ni Avery kung gaano kaliit ang isang lalaki sa gabing iyon. Tinanggihan niya ang mga damit at alahas, ngunit pinilit ni Elliot na bilhin ito para sa kanya. Nang tanungin niya ang kanyang dahilan, malugod niyang ibinigay iyon. Noong dumalo si Avery sa meet- and- greet sa hotel kasama si Eric Santos, pa