"Nakita ko na siya." Pinulot ni Avery ang kanyang phone at agad binago ang usapan. "Nasaan sina Hayden at Layla?"Mukhang malungkot si Mike. Bumuntonghininga siya. "HIndi mo sila makakausap ngayong gabi. Umiyak si Hayden ngayon."Sa washroom, malinaw na narinig ni Elliot ang sinabi ni Mike. "Bakit umiiyak si Hayden?" isip niya. Lumabas si Elliot sa washroom. Tumingin siya kay Avery nang nandidilim ang mga mata. Walang oras si Avery para harapin siya sa pagkakataong iyon. Mas napatigil siya kaysa kay Elliot. Bihira lang kay Hayden na magpakita ng mga emosyon. Sobrang kalmado siya at minsan lang umakto na parang bata. "Anong nangayari sa kanya? May umapi ba sa kanya sa eskuwela? Hinanap mo na ba ang guro niya?" mabilis na sabi ni Avery. Gusto niyang umuwi at pagaanin ang loob ng anak niya. "Nagkaroon sila ng pop quiz ngayon. May nakataas sa marka niya. Hindi niya 'yon matanggap." Nagkibit balikat si Mike. "Hindi niya matanggap na may taong mas matalino pa sa kanya."Nakahing
Kalmadong hinugasan ni Elliot ang mga paa ni Elliot at dahan dahan itong pinunasan ng tissue para matuyo. Sinamantala na niya ang oras niya. Namumula si Avery. Sinubukan niyang bawiin pabalik ang mga paa niya ng ilang beses, pero pinigilan siya ni Elliot gawin 'yon. Ang kiliti sa mga paa niya ay sumisilay sa bawat haplos ng mga kamay ni Elliot na naglalakbay sa kanyang puso. "Huwag mo nang itapon 'yan!" desperado si Avery na bumalik sa pagkakataong iyon. Kinuha ni Elliot ang palanggana at pumunta sa washroom para itapon ang maduming tubig. Nang bumalik siya kay Avery, nakita niya na mukha siyang malungkot at balisa. "Na-cancel ba ang flight?" Hula niya. "Hmm." Binaba ni Avery ang phone niya, nalulugmok. "May mga prutas at snack diyan sa bag, kuha ka lang."Kahit na gutom si Elliot, nawala ang gutom niya nang nakita niya si Avery sa ganoong estado. Hawak ni Avery ang isang takure, sinusubukan na magpakulo ng tubig. Kinuha ni Elliot ang takure at sinabi, "Dali at humiga ka
Medyo mabigat para kay Avery ang usapan kaya bigla niyang binago ang topic para kahit papaano ay gumaan. “Pwede mo ba akong hugasan ng apple? Thank you.”Agad-agad namang nag hugas si Elliot ng apple at ibinigay ito kay Avery.”“Kumain ka rin,” Nahihiyang sabi ni Avery. "Hmm."Sobrang lakas ng ulan sa labas pero hindi makabasag pinggan ang katahimikan sa loob.Pagkatapos maubos ni Avery ang apple, humiga na siya sa kama. Iniisip niya kung papayagan niya ba si Elliot na tumabi sakanya o hindi. Dahil sa ulan, sobrang lamig ng panahon at kung hahayaan niya itong matulog sa lamesa, nag aalala siya na baka magkasakit ito. Pero… sobrang nagaalangan talaga siyang payagan itong tumabi sakanya! Hindi nagtagal, lumabas si Elliot galing sa CR pagkatapos niyang mag shower. Tinanong niya si Avery kung papatayin niya na ba ang mga ilaw at pumayag naman ito kaya pinatay niya. Nakikiramdam si Avery kung tatabi sakanya si Elliot, pero dumiretso ito sa lamesa… Mukhang plano nitong matulog do
“Tama tama! Baka ngayon lang yan mabait. Tignan natin kung ganyan pa rin siya pagkapanganak mo.” Natatawang sagot ni Mike. “Hanggang kailan niya kakayaning magpanggap.”Wala ng nagawa si Avery kundi panuurin si Mike kung paano siya pagtawanan nito. “Actually…. Pupunta daw siya sa bahay bukas para paglutuan tayo.”“Ano?!” Akala ni Mike ay nagkamali lang siya ng dinig. “Marunong ba siyang magluto? Seryoso ka ba na paglulutuan niya lang tayo? Baka naman lasunin tayo niyan ha!” Hindi alam ni Avery kung anong isasagot niya kay Mike at sa totoo lang kung siya ang masusunod, ayaw niya rin naman talagang papuntahin si Elliot pero ito ang nag pumilit para daw paglutuan sila!Ang sabi nito sakanya, gusto raw nitong bumawi kasi pumalpak ito noong Children’s Day…Pagkauwi nina Avery at Mike sa Starry River, nagmamadaling sumalubong si Layla kay Avery at niyakap ito ng mahigpit. Hindi nanaman pumasok si Layla ngayong araw kasi excited siyang makita ulit ang mommy niya.“Baby, namiss ka ni Mo
“Kung hindi kayo komportableng pumunta siya sa bahay bukas, okay lang. Tatawagan ko nalang siya mamaya na wag siyang pumunta.” Nagmamadaling dagdag ni Avery.Base sa reaksyon ng mga anak, mukhang ayaw ng mga ito. Nahimasmasan si Layla at excited na sumagot, “Maglilinis siya sa bahay?! Kung oo, papunta siya Mommy tapos ipalinis natin sakanya yung buong bahay natin para mamatay siya sa pagod!” Alam naman ni Avery na hanggang salita lang naman si Layla dahil noong nahimatay nga si Elliot sa harap nito ay halos hindi na ito maawat kakaiyak!“May gusto ba kayong kainin? Sabihin niyo lang sa akin para yun ang ipapaluto ko sakanya.” Nakangiting sabi ni Avery. Mahilig kumain si Layla kaya inisip niya kaagad kung anu-ano ang mga gusto niyang kainin bukas. Pero sa kabilang banda, hindi natutuwa si Hayden at nakakunot ang noo niya na nagtanong, “Mommy, nagkabalikan na ba kayo?”“Hindi… Gusto niya lang talagang bumawi sa lahat ng mga nagawa niya noon at sa tagal naming magkakilala, ngay
Kahit na hindi pa nag papapaternity test si Elliot, sigurado siya na anak niya si Hayden dahil bukod sa sobrang kamukha niya ito, kuhang-kuha rin nito ang ugali niya. Ang sabi ni Avery, biological daughter daw nito si Layla kaya sobrang imposible na nanganak ito ng magkahiwalay pero magkaedad. Habang iniisip ito ni Elliot kagabi, sobrang saya niya na hindi siya makatulog. Sa totoo lang, sobrang gaan talaga ng loob niya kay Layla at mula noong makita niya ang dalawang bata, mas gusto niya talaga ito dahil palaging galit sakanya si Hayden. Kahit pa noong sinabi ni Avery na iba ang tatay ni Layla, hindi sumama ang loob niya sa bata dahil sobrang kamukha ito ni Avery. Isa pa, naaliw din siya sa ugali nito na may pagka pilya pero sobrang bait. Napaka daldal at ang hilig din nitong magpatawa. “Anong ibig sabihin ng kambal?” nagtatakang tanong ni Layla. “Hindi ko yun alam eh kasi hindi naman yun sinasabi sa amin ng Mommy namin. Anong ibig sabihin nun?” Hindi inaasahan ni Elliot ang
“Si Elliot, yung masamang lalaki na yan, hinalikan niya ako…” Humihikbing sagot ni Layla. ‘Hinalikan ako ng walang kwenta kong tatay… ibig sabihin ba nun ay gusto niya ako?’ Isip ni Layla. ‘Hmph! Kahit na! Hindi ko pa rin siya mapapatawad!’Lumapit si Elliot kay Avery at humingi ng pasensya, “Avery, sorry. Ang cute kasi ni Layla kaya hindi ko napigilan.”Hindi inaasahan ni Avery ang lahat ng nangyari. Una, hindi niya inakala na mahilig din pala si Elliot sa mga bata at pangalawa, ngayon niya lang ito na narinig na nag sorry ng diretsahan sakanya. “Alam kong cute ang anak ko, pero hindi naman siya pwedeng halikan nalang ng lahat dahil dun. Kung pwede pala siyang halikan ng kahit sino dahil cute siya, hindi ko nalang siya ilalabas kasi kawawa naman siya.” Kahit na pinapagalitan ni Avery si Elliot, sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Kilala ni Avery si Elliot… Kahit gaano nito kagustong gawin ang isang bagay, kayang kaya nitong magpigil. ‘Hindi kaya naramdaman na niya ang lukso n
Medyo lihis ang sagot ni Avery, pero sobrang naiintindihan ni Elliot kung anong gusto nitong iparating. Para bang sinasabi nito na wag na siyang mag abala pang alamin ang anumang tungkol kina Hayden at Layla, at kahit pa gaano kalakas ang kutob niya na anak niya si Hayden, hindi yun totoo dahil ang tanging anak niya lang ay angt ang dinadala nito ngayon! Kung ang dating Elliot ang pagbabasehan, malamang ay pumutok na ito ngayon sa galit sa naging sagot ni Avery pero ginagawa niya ang lahat para magbago kaya hindi na siya sumagot at hinayaan nalang ito. Pagkatapos lagyan ni Avery ng gamot ang sugat, kumuha siya ng gasa para sana balutin ang kamay ni Elliot. “Wag na, kahit band aid nalang.” Sa tingin ni Elliot, sobra naman ang gasa para sa ganun kaliit na sugat at baka isipin pa ng iba ay injured siya.Pero parang walang narinig si Avery at binalot pa rin ang kamay ni Elliot ng gasa. “Wag mo munang hayaang mabasa ang sugat mo ng ilang araw.”“Paano ako maliligo?” Tanong ni E