Bakit nagtatanong si Elliot tungkol sa mga art gallery at recital?Ano ang humantong sa napakalaking pagbabago sa lasa?"Pumili ng isang bagay na gusto ng isang babae sa kanya. Siguro mga nasa edad bente anyos," sabi ni Elliot.Sa wakas ay naunawaan na ni Chad kung saan patungo ang lahat ng ito."Oo naman, sir. Ipapadala ko sa iyo ang mga tiket kapag na- book na sila."Si Elliot ay wala sa kanyang opisina sa Sterling Group kinaumagahan.Sinamantala nina Ben at Chad ang pagkakataong magtsismisan tungkol sa kanilang amo." Maaaring sabihin din ni Mr. Foster sa akin ng diretso na gusto niyang ilabas si Avery," natatawang sabi ni Chad. " I wonder kung anong nangyari sa pagitan nila. Hindi ko inasahan na ganoon kabilis ang pag- unlad. Akala ko maghihiwalay na sila!"Pinag- aaralan ni Ben ang sitwasyon, pagkatapos ay sinabi, "Hula ko magkasama silang natulog kagabi. Napaka tigas pa naman ng g*gong Elliot na yon, ngunit pagkatapos matulog kasama si Avery, Pupusta ako na hindi niya nap
Ang maliit na kaguluhan sa pagitan ni Avery at ng guwardiya ay nakakuha ng atensyon ng lahat upang tumingin sa pintuan.Nang makilala ni Elliot ang slender figure ni Avery, tumayo siya sa kanyang upuan at sinabing, "Anong ginagawa mo dito?"Muling kumalas si Avery sa pagkakahawak ng bodyguard, hinimas ang kanyang damit, at pumasok sa opisina."Narito ako para makita si Propesor Hough," sabi niya, pagkatapos ay tumingin nang may pagtataka kay Elliot at nagtanong, "Nandito ka rin ba para makita siya?"Sinuri ni Propesor Hough ang dalawa, pagkatapos ay inayos ang kanyang salamin, at nagtanong, "Magkakilala ba kayong dalawa?"Sasabihin na sana ni Avery sa propesor na magkakilala sila, ngunit naunahan siya ng isang hakbang ni Elliot. "Propesor, mangyaring panatilihing pribado ang bagay na pinag- usapan natin.""Oo naman," sagot ng propesor. "Ito ay pagiging kumpidensyal sa pagitan ng doctor at pasyente.""Aalis na ako," sabi ni Elliot.Tumango ang propesor bilang tugon.Lumingon si
Hindi alam ni Avery kung matatawa o maiiyak siya."Relax... ako’y pinilit lamang doon. Noong nahihirapan ang pamilya namin sa pera, ipinakasal ako ng stepmother ko para sa mga regalo sa engagement at cash. Naghihintay pa rin akong makipagdivorce!""Ano ba kasing iniisip niya?!" bulalas ni Tammy. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ng mas maaga? Dapat tayong pumunta sa pulis!"Lumapit si Avery para pakalmahin siya, pagkatapos ay sinabing, "Hindi naman kasing sama ng iniisip mo. We're from two completely different worlds, so we should get divorce anytime now."Hindi pa rin kumbinsido si Tammy."Sino siya? Sabihin mo sa akin... Ikaw na asawa... T*ng inanga ‘yan! Iniisip ko pa rin na ang lahat ng ito ay walang kabuluhan!""Iyan ay nakakagulat. Sasabihin ko kung sino siya pagkatapos ng diborsiyo natin.""Talagang hindi! Kailangan mong sabihin sa akin ngayon din! Paninindigan kita!"Alam na alam ni Avery ang masamang ugali ni Tammy.Kapag nalaman niya ang tungkol kay Elliot, siguradong h
“Wala po akong alam,” Tanggi ng bodyguard. Huminga ng malalim si Avery at hindi mapakaling tinignan ang kanyang paligid. Kung tama ang pagkakaalala niya, ito yung recital na sinasabi ni Tammy sakanya kanina!Pero…hindi nga siya pumayag kay Tammy, diba? Anong ginagawa niya dito?Isa pa… magkasama sila ni Elliot…Siguradong sobra-sobrang panunukso ang matatanggap niya mula kay Tammy kapag nakita siya nito sa concert hall.Pawis na pawis ang mga palad ni Avery sa sobrang kaba - pinagdadasal niya na sana huwag silang magpanagpo ni Tammy. ‘Siguro impossible namang magkatabi kami mamaya, diba? Sa dami ng mga taong ‘to? Oo.. tama! Imposible’Nireserve ni Chad ang buong front row para kay Elliot. At nang sandaling pumasok ito sa hall, kitang kita agad ni Avery. Kagaya ng inaasahan, mag-isa lang ito at awra palang nito ay matatakot na ang kahit sino na lumapit.At dahil hindi pa nag-uumpisa ang concert, nag’scroll- scroll muna ito sa phone nito. Pakiramdam ni A
Natawa si Elliot. ‘Bakit ayaw ni Avery na makita kami ng kaibigan niya?’‘Nahihiya ba siya na may makaalam na magkasama kami?’Hindi nagtagal, nag’umpisa na ang recital, at doon lang kumalma si Avery. Mabuti nalang at hindi siya nakita ni Tammy!Iniisip niya kung saan kaya ito umupo. Titignan palang sana siya sakanyang kaliwa’t-kanan para hanapin ito nang maaninag niya ito kaagad na naka’upo sa pang limang row kasama ang isa nitong kaibigan. “Sino ba yang mga naka’upo sa harapan? Tatlo lang sila oh! Kakainis naman, ang dami pa sanang pwedeng umupo jan eh!” Inis na inis na sabi ni Tammy sakanyang kaibigan. “Nako! Malamang sobrang yaman niyan! Tayo nga dito sa pang limang row, mahigit one hundred fifty bucks na ang binayad natin, paano pa kaya yang nasa harapan. Nakikita mo yung lalaking nasa gitna? Sa tingin ko, nireserve niya yang buong row na yan. At yung babaeng katabi niya, siguro anak or asawa niya yan. At yung malaking tao na yun, feeling ko bodyguard nila!”Sum
Habang iniisip ‘yun ni Avery, lalo lang bumibilis ang tibok ng puso niya. ‘Hindi kaya… naiinlove na talaga sa akin si Elliot?’‘Kasi kung hindi… bakit naman siya magsasayang ng oras para sa isang kagaya ko?’Hindi maipaliwanag ni Avery kung anong nararamdaman niya, nanlalamig ang kanyang mga kamay at halos lalabas na ang puso niya mula sakanyang dibdib sa sobrang bilis ng tibok nito. Napahawak siya sakanyang tyan. Mahigit tatlong buwan na siyang buntis…binabantayan niya maigi ang kanyang diet kaya hanggang ngayon ay wala pa ring baby bump na makita sakanya. Sa tantya niya, maitatago niya pa rin siguro ang kanyang tiyan kahit pa sa ika-lima o ika-anim na buwan niya basta maluluwag na damit lang ang isusuot niya.‘Ano kayang mangyayari sa kabuwanan ko?’ ‘Syempre kahit na gaano ako kapayat, imposibleng maitatago ko ang tiyan ko at walang makapansin dito kahit isang tao lang bago ako manganak.’‘At kung sa mansyon pa rin ni Elliot ako nakatira sa mga oras na ‘yun, siguradong
“Mr. Foster, kaya niyo na po bang tumayo? Hindi niyo na po ba kailangan ng wheelchair miyo?” Magalang na tanong ni Chad. Alam niya kung bakit hindi ginamit ni Elliot ang wheelchair nito ngayon at yun ay dahil ayaw nito ng anumang sagabal sa date nito kay Avery. At kahit siya rin naman siguro…hindi niya gugustuhing makipagdate habang nakaupo sa wheelchair. Kaya nakakainis talaga na binalewala lang nung Avery na yun ang lahat ng ginawa ng boss niya!Hinawi ni Elliot sina Ben at Chad. At kagaya ng nakasanayan, mukha itong galit. “Ayos lang ako.”“Gusto mong uminom? Tara!” Yaya ni ben sabay hawak sa braso ni Elliot. “Oh nandito rin pala sa malapit si Charlie Tierney, isama na natin siya.”Base sa itsura ni elliot, alam ni Ben na sobrang init ng ulo nito.Si Charlie ang nakatatandang kapatid ni Chelsea.Si Ben ang tumawag kay Charlie nang minsang galitin ni Chelsea si Elliot. Naka’base ang business ng Pamilyang Toierney sa Rosacus City. Bilang tagapagmana ng Tierney empir
Biglang pinagpawisan ng malamig si Avery. Sa sobrang kaba, dali-dali niyang pinatay ang kanyang laptop.At syempre, hindi niya naman gagawin yun kung thesis niya ang kanyang ginagawa. Dahil sa mga bagay na bumabagabag sakanya simula kanina pa, naisipan niyang gumawa ng plano. At yung planong ‘yun ay ang makipag divorce sa loob ng susunod na tatlong buwan. Iniisip ni Avery na kailangan nilang madivorce ni Elliot bago siya mag seven months. Yun lang ang naiisip niya para umabot siya sa huli niyang trimester at maipanganak niya ng walang inaalala ang kambal.Kung sakali namang hindi sumang’ayon sakanya ang tadhana at hindi sila makapag divorce, ang huli niyang naiisip ay bigla nalang siyang maglalaho na parang isang bula.Pero yun na siguro ang worst case scenario.Ang Avonsville na ang kanyang tahanan at kung siya ang masusunod, ayaw niyang umalis dito at dito niya gustong palakihin ang kambal. Kaya nang biglang pumasok si Elliot, gulat na gulat siya at nagmamadalin