“Avery! Ngayon lang ako nakakita ng babaeng kasing kapal ng mukha mo! Ang galing galing mong mag imbento ng kwento para iwasan ang kasalanan mo at isisi sa iba. Bakit mo sinabi na ako mismo ang nagsabi sayo? Anong tingin mo sa akin? Baliw?!” Sigaw ni Zoe habang humahagulgol.“Oo! Baliw ka!” Kalmadong tinignan ni Avery si Zoe, na alam niyang nagdadrama. “Wag kang mag alala. Mabubuking din lahat ng drama mo balang araw.”“Anong drama! Avery! Sabihin mo sa akin! Anong drama?!” Gustong sampalin ni Zoe si Avery pero umiwas si Avery kaya bumangga siya kay Elliot. Wala siyang planong makipag away sa isang baliw. Tinignan ni Elliot si Zoe at hinarangan ito. “Zoe, nasa ospital ka.” Paalala ni Elliot. “Hindi pa kami tapos mag usap. Pwede bang wa ka munang makisawsaw.”Pagkatapos, hinila ni Elliot ang kamay ni Avery at naglakad sila papunta sa elevator. Nang makita ni Zoe na nakaalis na ang dalawa, agad-agad siyang tumahan. Kahit na umaarte lang siya, gusto niya talagang sampalin si Aver
Tuloy-tuloy lang ang itim na Rolls-Roice hanggang sa makalabas sila ng siyudad. Habang tumatagal, paunti ng paunti ang mga sasakyang nakakasabay at nakakasalubong nila. Nakapikit ang mga mata ni Avery habang nakaupo sa back seat. Hindi na niya nabilang kung ilang oras silang nasa kalsada pero matapos ang isang napaka habang byahe, sa wakas ay tumigil na rin ang sasakyan. Dumilat siya at tinignan ang paligid. Wala siyang ibang makita kundi mga puno at sigurado siya na ngayon lang siya nakapunta roon.‘Nasaan ako? Bakit ako dinala ni Elliot dito?’“Anong lugar ‘to?” Tinignan niya si Elliot at nagtanong. “Isa sa mga holiday villa ko.” BInuksan ni Elliot ang pintuan at bumaba. ‘Holiday villa? Bakit parang hindi pa naman kami nakapunta dito kahit isang beses noon?’Bumaba si Avery at sinundan si Elliot papunta sa mansyon. Gothic ang style ng mansyon at ang kulay green nitong kulay sa kalagitnaan ng kagubatan ay sobrang nakakapanindig balahibo. Pakiramdam ni Avery ay hindi siya
Masyado na siyang naging mabait kay Avery kaya parang hindi naman ito karapat-dapat sa awa niya. Makalipas ang ilang segundong pag iisip, tumingin si Elliot sa bodyguard para sensyasan ito at walang anu-ano, dinala nito si Avery!Hindi makabasag pinggan ang katahimikan sa buong mansyon.Hindi umiyak o nagpumiglas si Avery. Nawala ito ng walang kaingay-ingay, kagaya ng palagi nitong ginagawa. …Dinala ng bodyguard si Avery sa basement. Madilim pero nakikita ni Avery na hindi ito nagagawa. Naglakad sila sa ibabaw ng mga bato at bakal kaya bawat hakbang nila ay rinig na rinig nila ang kalansing. Mayroon din siyang naamoy na sobrang nakakahilo. Makalipas ang limang minutong paglalakad, bigla siyang tinulak ng bodyguard.Hindi ito inaasahan ni Avery kaya napaupo siya sa sahig. May nakapa siyang malagkit kaya natakot siya. Damo. May nakakapa siyang damo pero may nararamdaman siyang malagkit at naamoy na mabaho. Kumunot ang noo ni Avery at dali-dali niyang inalis ang kanyang
Splash! Biglang nagising si Avery nang buhusan siya ng malamig na tubig sa mukha. Sobrang sakit ng sugat niya sa kanyang ulo kaya napa inda siya. “Buhay pa.” Matapos masigurong buhay pa si Avery, hinagis ng bodyguard ang hawak nitong timba sa isang gilid at sinabi, “May nakita ka na ba sa mga drama na namatay dahil bumangga sa pader? Wala pa naman diba? Hehe! Oo! Imposible na mamatay siya ng dahil dun!” “Anong dapat nating gawin? Sobrang tigas ng ulo ng babaeng ‘to! Kung masyado tayong magiging mabait sakanya, hindi yan magsasalita.”Tumungo ang isang bodyguard. Nanlilisik ang mga mata ni Avery na tinignan ang dalawang bodyguard. Ang kaninang takot na naramdaman niya ay napalitan ng galit… matinding galit. Sa ginagawa ni Elliot sakanya, lalong wala siyang balak na magsalita! Kahit pa balatan siya nito, wala itong makukuha sakanya! Mas gugustuhin niya pang mamatay sa kamay nito para hindi niya masabi kung sino ang totoong tatay ng mga anak niya! Mas maigi ng bumagsak nalang
Mukhang patay na si Avery.Pagkakita na nasa bingit na siya ng kamatayan, napatanong si Elliot kung ito ba talaga ang gusto niyang mangyari!Matutuwa ba siya kapag namatay ito? Pero bakit mas broken hearted siya ngayon?Binuhat niya ito mula sa lapag. Ang katawan nito ay kasing lamig ng yelo. Ang pagbuhat sa kanya ay parang pagbuhat ng isang bloke ng yelo!“Avery!” Hysterical na sigaw ni Elliot, “HIndi pa kita pinapahintulutan na mamatay! Hindi ka pa pwede mamatay!”Narinig ng mga bodyguards ang iba pang emosyon maliban sa pagkamuhi sa boses niya. May pag-aalala at galit din ito!“Anong nangyayari Mr. Foster? Hindi pa patay si Avery. Hindi ba’t nasabi ko na to sa kanya?” tanong ng isa sa mga bodysguards.Sumagot ang isa pang bodyguard, “Sa tingin ko ay sobrang natatakot si Mr. Foster na mamatay siya.”Tumingin sa kanila ang personal na bodyguard ni Elliot. “Masyado kayong sumobra! Kapag may nangyari kay Avery Tate, katapusan niyo ng dalawa!”Ang dalawang bodyguards ay sobrang
Dapat ay nakaramdam si Avery ng lungkot o galit, pero walang mga luha sa mga mata niya. Wala ring reaksyon sa puso niya.Ang tanging meron lang ay ang sobrang sakit na nararamdaman niya sa ulo niya. Sa sobrang sakit nito, pari ang paghinga ay masakit na din. Gusto niya tumayo, pero masakit ang buong katawan niya.Nilalagnat siya. Ang katawan niya ay sobrang init, pero nilalamig siya.Pagkatapos patayin ni Elliot ang tawag, ipinasa niya ang phone sa bodyguard niya. Ang bodyguard ay tinuro ang kama.Tumingin si Elliot. ANg mga mata ni Avery ay nakabukas, na parang walang kahit anong bakas ng buhay sa kanya. Gising siya, pero mukhang patay.Sobrang ayaw niya na nasa ganitong state si Avery! Gusto niya na awayin siya nito!Lumapit si Elliot sa kama at hinawakan ang baba nito.Sobrang init ng katawan nito kaya kaagad siyang bumitaw!“Tumawag kayo ng doctor!” Mahigpit niyang utos sa bodyguard. Kaagad naman itong umalis para kumuha ng doktor.Pagkatapos umalis ng bodyguard, iniwasan
Ang katawan ni Avery ay painit ng painit, at ang balat niya ay papula ng papula! Mukhang mag-iinit ito hanggang sa mamatay!Kahit na ilang beses niyang sabihin ang pangalan nito, hindi nagrereact si Avery!Nanikip ang dibdib niya. “Dok!” Lumabas kaagad si Elliot at naghanap ng doktor. Kaagad namang pumunta ang doktor. Nung nakita niya ang sitwasyon, kaagad niyang sinabi, “Mr. Foster, kailangan nating mapawala ang lagnat niya kaagad. Pwede natin siyang bigyan ulit ng drip, o magbigay ng gamot. Ano ang gusto mong gawin ko?”“Nawalan na siya ng malay kaya paanong makakainom pa siya ng gamot? Papakainin ko ba siya gamit ang bibig ko!”Nagpawis ang noo ng doktor. “Sige, ibabalik ko nalang ang drip niya.”Habang nakakalat ang saline sa sahig, pinalitan ng doktor ang bote bago niya palitan ang catheter.Nakatayo si Elliot sa tabi ng bed, nakatingin sa walang malay na si Avery. Ang tanging gusto niya lang ay kasagutan mula sa kanya! Bakit mas gusto pa nito mamatay kaysa bigyan siya ng
Nagdilim ng sobra ang mukha ni Elliot dahil sa tahimik na paglaban ni Avery!Pwedeng pwersahin ni Elliot na buksan ang bing nito at subuan ito, pero hindi niya gagawin ito!Dahil tinatanggihan nito ang pagkain, hahayaan niyang mamatay ito sa gutom!Pagkatapos ni Elliot umalis, nakapagrelax siya kahit konti. Nang biglang, may bumusina sa labas ng bintana.Pinakinggan ni Avery ang tunog sa labas ng bintana. Maraming kotse ang dumating sa harap ng mansyon.Mga ilang sandali lang ay may maingay na mga tunog mula sa baba. Bakit ang daming tao e sobrang late na ng gabi?Bakit sila nandito sa malayong lugar?Ang sabi ni Elliot ay isa ito sa mga holiday villas niya. Inimbita niya ba sila dito?Kakamatay lang ng mommy niya, pero hindi niya ito kasama, at nasa malayong villa pa siya sa gubat at naghohost ng party?!Nung plano na niyang tumayo at lumapit sa bintana, biglang nagbukas ang pinto ng kwarto. Pumasok ang doktor na may dalang gamot.“Miss Tate, narinig ko na ayaw mong kumain