“Mommy, sinabi ng nurse na si Hayden muna ang mauna para hindi ako matakot. Gusto niyang ipakita sa akin na hindi masakit.” Paliwanag ni Layla. “Nagpakuha lang ng dugo si Hayden dahil sa akin. Mahal niya talaga ako!” Huminga ng malalim si Avery at nakangiting sumagot, “Ang cute at ang babait talaga ng mga baby ko! Mahal na mahal kayo ni Mommy!” “Mommy, mahal ka rin namin!” Nakangiting sagot ni Layla. Napakamot nalang ng ulo ang bodyguard, na nakatayo sa tabi nila, habang pinapanuod silang tatlo. “Miss Tate, magluluto po ba ako?”“Hindi ka ba maabala?”Umiling ang bodyguard. “Hindi po.”Pagkatapos magsalita, dumiretso ito sa kusina para magluto. “Mommy, sobrang sarap magluto nung uncle na yun! Lulutuan niya tayo ng buffalo wings!” Hinawakan ni Layla ang kamay ni Avery. “Bakit hindi mo kasama si Uncle Mike?”Kumunot ang noo ni Avery na para bang may bigla siyang naalala. “May ginagawa pa kasi siya kaya hindi kami sabay na umuwi.”Pinatay ni Elliot ang phone niya kanina kaya
Umalis si Zoe sa mansyon ni Elliot at umuwi sa mansyon ng mga Foster. Maagang natutulog si Rosalie. Samantalang si Henry at asawa naman niyo ay madalas gabi na umuuwi, at si Cole naman ay umaga na umuuwi at kadalasan pa nakakulong lang sa kwarto nito kaya palaging tahimik ang mansyon ng mga Foster.Pagkapasok ni Zoe sa kwarto niya, tinext niya si Cole na pumunta sa kwarto niya at wala pang ilang minuto ay dumating ito. “Zoe, wala na ang anak natin. Anong kailangan mo sa akin?” Walang emosyong bungad ni Cole habang nakatayo sa may pintuan. Alam niya na sinadya ni Zoe na mamatay ang bata at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin yun matanggap. Siguro mahal niya pa rin ang anak niya dahil kung hindi, hindi naman siya masasaktan diba?“Sa tingin mo ba hindi ko mahal ang anak ko? Dugo’t laman ko yun! Pero hindi siya pwedeng maipanganak dahil kung nagkataon, siya rin mismo ang dahilan ng kamatayan natin!” Hinila ni Zoe si Cole at sinarado ang pintuan. Medyo nakainom si Cole. “Eh bakit
Pagkalipas ng isang oras, nakatanggap ng tawag si Elliot mula kay Henry.“Elliot! Kailangan mong pumunta sa ospital! Nadulas si Mommy at hindi maganda ang lagay niya ngayon!” Biglang humigpit ang hawak ni Elliot sa kanyang phone at walang anu-ano, lumabas siya ng kanyang office at naglakad papunta sa elevator. Nang mapansin ni Chad na nakakunot ang noo ni Elliot, bigla siyang nag alala. Anong nangyari?“Mr. Foster, gusto niyo po bang icancel ang mga meeting niyo?”“Sabihan mo nalang yung vice president na siya na ang mag lead. Isend mo nalang sa akin ang meeting notes.” Pagkatapos nagsalita, sumakay siya sakanyang private elevator. Masama ang kutob ni Chad dahil sobrang bihira niya lang na makita si Elliot na hindi mapakali habang kapag office. Kasalukuyang nasa emergency room si Rosalie noong dumating si Elliot. “Anong nangyari?” Nanlilisik ang mga mata ni Elliot nang tignan niya si Henry. “Wala ako sa bahay. Ang sabi ni Cole, narinig niya raw si Mommy na sumigaw at pa
“Kung totoo mang may next life, sana hindi mo na kami makita ni Shea kaya dahil sa amin, nagdusa ka.”Muli, walang Rosalie na sumagot. Kasabay ng kamatayan, lahat ng galit, pangarap, tampo at mga tanong ay nawawala. Mula ngayon, wala ng mamimilit sakanya na magpakasal ulit at magkaroon ng anak. Wala ng makaka miss sakanya o mag alala kung nakakain na ba siya o kung sapat ba ang tulog niya o kung masyado na siyang napapagod sa trabaho…Hindi nagtagal, nagpapanic na bumalik si Cole sa ospital.Noong nalaman niyang namatay ang kanyang lola, sobrang naging emosyonal siya. “Paano namatay si lola ng ganun ganun nalang! Kahapon, pinapagalitan niya pa ako na maghanap na raw ako ng girlfriend.” Humahagulgol na sabi ni Cole. Nilabas niya ang phone ni Rosalie. “Naka usap ko yung yaya ni lola. Sabi niya, bago daw mahulog si lola, may kausap siya sa phone kaya dinala ko rito yung phone niya.”KInuha ni Elliot ang phone na may mangiyak-ngiyak na mga mata at tinignan ang call history nito
Dahil sa tanong ni Elliot, biglang kumunot ang noo ni Avery.‘Anong ibig niyang sabihin? Bakit niya tinatanong kung anong nangyari sa amin ng mommy niya?‘Hindi sinabi ng Mommy niya sakanya? Bakit hindi niya tanungin?’‘Nakakapagtaka naman dahil mahigit isang oras na ang nakakalipas, hindi niya pa rin alam?’Kinuha ni Avery ang isang baso ng tubig na nasa lamesa niya at uminom. Pinilit niyang kumalma. “Bakit ako ang tinatanong mo? Bakit hindi ka sa mommy mo magtanong?” Medyo kinukutuban na si Avery na may nangyari. Dahil kung wala, imposibleng hindi sasabihin ni Rosalie ang nalaman nito kay Elliot!“Patay na ang mommy ko.” Huminga ng malalim si Elliot at mangiyak-ngiyak na nagpatuloy, “Ikaw ang huling taong nakausap niya bago siya mamatay. Gusto kong malaman kung anong pinag usapan niyo.”Nang marinig ni Avery ang nangyari, parang biglang umikot ang kanyang paligid at pakiramdam niya ay tutumba siya kaya bago niya pa man mabitawan, inilapag niya lamesa ang basong hawak niya.
Narinig ni Avery ang sinabi ni Elliot sa kabilang linya kaya galit na galit niyang sinabi, “Wag mo ng abalahin ang bodyguard mo. Nasaan ka? Ako na ang pupunta.”Habang naghihintay si Elliot sa ospital, hawak hawak niya pa rin ang phone ni Rosalie. Halos puputok na ang ugat niya sa noo at hindi siya makagalaw sa sobrang galit!Desidido siya na paaminin si Avery sa pinag usapan nito at ng mommy niya dahil hindi siya papayag na namatay ito ng wala man lang kahit paliwanag!Nag aalangang lumapit si Henry kay Elliot at sinabi, “Elliot, dahil wala na si mommy. Aaskisuhin na ba natin ang lamay niya?”“Ipa autopsy muna natin siya!” Sigaw ni Elliot. Kailangan niyang malaman kung ano ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng mommy niya!Oo, may high blood ito pero sa regular check up nito, paulit-ulit na sinabi ng doktor nito na hindi naman ganun kalala kaya sobrang imposible na nahilo nalang ito ng bigla habang bumababa sa hagdanan.Tumungo si Henry. “OKay, hahanapin ko ang doktor.”Sa isa
Hindi natatakot si Avery sa pambubully na ginawa ni Zoe dahil kahit anong mangyari, galit sakanya si Elliot kaya sigurado siya na hinding hindi ito makikinig sakanya.“Miss Sanford, ang baho ng hininga mo. Wala bang nagsabi sayo niyan?” Tinakpan ni Avery ang ilong niya. Hindi inasahan ni Zoe ang sinabi ni Avery. Galit na galit siya at gusto niya itong sigawan pero hindi niya maibuka ang kanyang bibig. *Ding* Huminto ang elevator at dahan-dahan na bumukas ang pintuan.Si Avery ang unang lumabas at nakatayo si Elliot sa tapat, naghihintay sakanya.Naglakad ito papalapit at hinila siya papunta sa isang corner. Kitang kita ni Zoe ang nangyari. Hindi siya makagalaw at nakatingin lang siya kay Avery. Nakita niya na inaalis ni Avery ang kamay ni Elliot at galit na galit itong nagsalita, “Ang nanay mo ang tumawag sa akin. Labas ka na sa pinag usapan namin! Bakit hindi mo kaya ipaimbestiga ang pagkamatay ng mommy mo? Wala ka na bang ibang masisi bukod sa akin?”Grabe! Hindi inasahan
“Avery! Ngayon lang ako nakakita ng babaeng kasing kapal ng mukha mo! Ang galing galing mong mag imbento ng kwento para iwasan ang kasalanan mo at isisi sa iba. Bakit mo sinabi na ako mismo ang nagsabi sayo? Anong tingin mo sa akin? Baliw?!” Sigaw ni Zoe habang humahagulgol.“Oo! Baliw ka!” Kalmadong tinignan ni Avery si Zoe, na alam niyang nagdadrama. “Wag kang mag alala. Mabubuking din lahat ng drama mo balang araw.”“Anong drama! Avery! Sabihin mo sa akin! Anong drama?!” Gustong sampalin ni Zoe si Avery pero umiwas si Avery kaya bumangga siya kay Elliot. Wala siyang planong makipag away sa isang baliw. Tinignan ni Elliot si Zoe at hinarangan ito. “Zoe, nasa ospital ka.” Paalala ni Elliot. “Hindi pa kami tapos mag usap. Pwede bang wa ka munang makisawsaw.”Pagkatapos, hinila ni Elliot ang kamay ni Avery at naglakad sila papunta sa elevator. Nang makita ni Zoe na nakaalis na ang dalawa, agad-agad siyang tumahan. Kahit na umaarte lang siya, gusto niya talagang sampalin si Aver