Nakaayos na ang lahat kaya mas magiging kumplikado lang kung magquiquit si Ivy. Tumango siya at sinabi, “Mula noong pumayag akong mag internship, alam ko naman na mangyayari talaga ‘to.”"Kung napakasama mo talaga, hindi magre-rekomenda ang iyong tutor na mag-intern ka sa istasyon. Ang mga taong nagsasalita ng masama sa'yo sa likod mo ay ganyan lang dahil hindi ka nila kilala; kahit na makilala ka nila o malaman nila ang tunay mong pagkatao, baka ganun pa rin ang gagawin nila. Kailangan mong maunawaan na kahit ano'ng gawin mo o gaano mo pa ito kagaling gawin, may mga taong hindi magugustuhan ka," payo ni Layla. "Ang unang hakbang sa paglaki ay maging matatag."“Kung hindi ka magalimg, hindi ka naman irerecommend ng tutor mo na mag intern sa TV station. Maraming sinasabi sayo ang mga ibang tao dahil hindi ka nila kilala, pero minsan, kahit na kilala ka na nila ay may sasabihin at sasabihin pa rin sila sayo kaya kailangan mong maintindihan na kahit gaano ka man kagaling sa ginagawa mo,
Tumango lang si Ivy. "Haha! Baka magbago yang isip mo kapag nakilala mo na si the one, pero darating din ang tamang panahon para jan! Sa ngayon, mag intern ka muna sa TV station, at sobrang ipinagmamalaki kita," sabi ng nurse.Medyo bumalik ang kaba na nararamdaman ni Ivy nang banggitin ng nurse ang tungkol sa internship, pero malaki ang itinaas ng confidence niya dahil sa mga payo ni Layla. Dalawang oras ang lumipas, bumalik na si Layla kasama si Eric.Pumunta muna ang nurse sa kusina para maghanda ng pagkain, habang si Ivy naman ay pumunta kay Layla para tulungan ito.“Ivy, gusto mo bang mag rehearse sa isang broadcasting room?” Tanong ni Layla. “May mga kilala si Eric sa ibang TV station kaya pwede kang mag tour doon kapag walang gumagamit…” Walang pagdadalawnag isip na umiling si Ivy, “Ang sabi ni Mr. Gadner, ipapasyal niya rin daw ako sa loob ng station bago mag simula ang internship kaya hindi na kailangang mag abala ni Bayaw.”Biglang natigilan si Layla.Pinilit ni La
"Okay lang kay Eric?" tanong ni Robert."Hindi naman niya direktang sinabi na oo, pero hindi rin siya humindi. Doon na sa bahay niya nakatira si Layla at kahit na magkaiba pa sila ng kwarto, para sa mata ng ibang tao, magkasama pa rin sila!" Nakangiting sabi ni Ivy. “Matagal na niyang gusto si Layla. Isang beses, pinakita niya sa akin yung iPad niya, tapos punong puno ng mga picture at video ni Layla!” Nagulat si Robert. “Aba ang galing niyang magtago ah! Wala akong idea na ganyan pala kalakas ang tama niya kay Layla.” "Maganda, talented, at matalino si Layla, kaya normal lang na mahulog si Eric sakanya. Kung lalaki lang ako at hindi ko kapatid si Layla, magkakagusto rin ako sakanya," sagot ni Ivy. "Ang layo kaya ng ganda niya sakin.""Hindi mo naman kailangang ibaba ang sarili mo para iangat siya." Tumingin si Robert kay Ivy. "Hindi ka lang sanay mag-makeup pero kapag nag-ayos ka, magiging kasing ganda ka rin ni Layla.""Hindi, sa palagay ko talaga ay mas maganda siya.""Sige
Malungkot kasi ang Daddy niyo kaya sinamahan ko nalang siya….” Nag aalalang sabi ni Avery. “Sana naman ay hindi niya masamain”“Sigurado akong hindi ganun si Layla, Mommy. Hindi naman siya yung tipo na nagtatanim ng sama ng loob eh. Masaya na siyang hindi kayo tumututol sa plano nilang pagpapakasal ni Bayaw Eric.”“Ha? Ganun na ang tawag mo sakanya?” Natatawang tanong ni Avery. "Magkasama na sila sa bahay, kaya kailangan ko nang baguhin ang tawag ko sakanya. Hindi naman din siya tumanggi eh.”“Walang ring problema sa akin kahit pa anong itawag mo sakanya. Talagang desidido na rin naman ang ate mo sakanya.” Sa wakas, nakahinga ng maluwag si Avery matapos niyang marinig na walang sama ng loob si Layla. “Oo nga pala, pumunta dito si Mr. Gadner kaninang umaga. Ang sabi niya ay napadaan lang siya kasi nandito lang din siya sa area, at itext mo raw siya kung kailan ka free para maitour ka noiya sa TV station nila.”Tumango si Ivy. “Opo, pero kailangan ko pong mag review sa exam namin k
Kung babalik siya sa classroom nila, alam niyang pagkakaisahan siya ng mga kaklase niya at tatadtarin siya ng mga ito ng mga tanong tungkol sa internship kaya nagmamadali siyang naglakad palabas. Pero may biglang tumawag sakanya…Si Meredith. Huminto si Ivy para hintayin ito. “Ivy, kamusta naman ang exam mo? Parehas tayo ng schedule para sa sunod nating exam. Tara, sabay na tayong mag lunch!” “Mag oorder nalang sana ako ng pagkain.”"Ah. Uuwi ka ba?" Gulat na tanong ni Meredith. "Akala ko pa naman ay kakain tayo sa labas! Sayang, gusto pa naman sana kitang makasama mag lunch! Dahil dito, medyo nahiya si Ivy at sinabi, "Sige, mag-lunch nalang tayo sa labas!"“Haha! Treat ko na ‘to! At wag ka ring mag alala, hindi ako magtatanong ng kahit anong tungkol sa internship kasi natanong ko na ang auntie ko tungkol diyan.”Napangiti si Ivy. "Ano namang sinabi ng auntie mo?"“Nagtanong siya doon sa isa niyang kaibigan sa station kung ano ba talaga ang nangyari, at ang sinabi sakany
"Alam mo ba kung bakit binigyan kita ng three am na slot?" tanong ni Harry.“Sa tingin ko po ay dahil thirty minutes lang ang tagal ng slot na yun. Dahil poi first year palang ako, hindi pa ako kasing sanay ng mga nasa second year hanggang fourth year, kaya kailangan kong mag umpisa sa pinaka maikling oras muna.” Sagot i Ivy. Hindi inaasahan ni Harry ang naging sagot ni Ivy. “Tama ka, at kung magagawa mo ng maayos ang show na ‘to, mapapatunayan mo sa iba na hindi imposible para sa isang first year na estudyanteng kagaya mo ang kayanin ang internship program.”"Pagbubutihin ko po, Mr. Gardner."“Siya nga pala… Mas maganda siguro kung mag isa ka nalang na pumasok sa station bukas. Wala namang problema kung gusto ka nilang ihatid, pero kahit ikaw nalang ang mag isa na pumasok. Alam ko naman na mas gusto mo ring panatilihing low ang profile mo at sang ayon ako sayo lalo na at estudyante ka palang dahil sa oras na malaman nila ang totoo mong pagkatao, naku! Limpak limpak na komento at
Kahit naman hindi sabihin sakanya ni Harry, yun din talaga ang gagawin ni Ivy. "Halika dito. May ituturo ako sayo na ilang tricks," sabi ni Harry habang kinukuha ang ballpen mula sa bulsa nito, "Tandaan mo ang mga importanteng pangalan at numero, at praktisin mo ang mga salita na nahihirapan kang bigkasin..."Hindi ito ang unang beses na narinig niya ang payong ito muyla kay Harry dahil isa yun sa mga nakasulat sa material na binigay sakanya nito dati. “Ang pinaka mahalaga ay dapat matuto kang bantayan ang sarili mo kapag nakatapat ka sa camera. Importante na palaging maayos ang buhok mo, ang pagpili ng mga isusuot mo at ang expression ng mukha mo. Basta magrelax ka lang. Kapag kinakabahan ako, palagi ko lang iniisip na best friend ko ang camera.”Tumango si Ivy. “O sige na, mag practice ka na ng script mo at kapag okay na, sabihan mo lang ako o ang ibang mga staff para makapag umpisa na tayo.” Nakangiting sabi ni Harry. “Maging confident ka lang sa sarili mo palagi at hindi na
Hindi nagtagal, bumalik na rin si Harry at agad namang ngumiti si Ivy at nag ‘okay’ sign. Tumango lang si Harry at hindi nagsalita habang si Ivy naman ay sinuot na ang headphones, at hindi nagtagal ay nagsalita na ang direktor para sa mga instruction."Hello, Ivy. Uumpisan ko na ang countdown. Five, four, three, two, one, action..."Naka flash ang script sa teleprompter na nasa harapan niya kaya ang kailangan niya nalang gawin ay ang basahin ito. “Hello. Ngayon ay araw ng Martes at ang ikalabing tatlong araw ng Enero. Welcome sa sa Thirty-minute News Summarry…” Puro test session lang ang gagawin nila ngayong araw kaya simple palang ang mga script na ibinigay sakanila. Ang layunin nito ay para mabigyan ng background ang mga estudyante. Kumpara kay Andrea, di hamak na mas mahalaga para kay Ivy ang testing session, dahil ang mga estudyanteng nasa second year ay nakartanas ng mag practice sa broadcasting sakanilang campus. Pagkalipas ng sampung minuto, narinig ni Ivy ang boses