”...” Alam ni Ivy na sobrang nabobored na si Robert sa bahay kaya hindi na siya tumutol dito sa paghihire ng isang escort. “Okay, Sige! Ikaw na muna ang bahala jan. Tatapusin ko muna ang homework ko tapos sabihan mo nalang ako kapag dumating na ang escoert.” Gusto ni Ivy na matapos kaagad ang kanyang homework para makapag laro sila n Robert ng poker.Pagkapasok ni Ivy sakanyang kwarto, naghanap na si Robert ng escort sa iba’t-ibang social media platform. Paglapit ng katulong para iligpit ang mga pinagkainan nila, pinagsabihan nito si Robert, “Robert, siguraduhin mo na yang kukunin mong escort na yan ay hindi pipicturan tong bahay niyo ah.”“Mhm. Sasabihin ko yun sakanila. Naiisip ko lang…”"Nabobore ka no ?""Medyo. Huwag mong sasabihin kina Mommy ang tungkol dito ah.”“Oo, hindi ko sasabihin. Magpopoker ba kayo? Gusto mo bang hanapin ko na yung mga baraha?”"Baka. Baka hindi. Depende sa gusto ni Ivy! Nandoon siya ngayon sa kwarto niya para mag practice siya ng pagbibigkas
Okay ka lang ba?” Nagmamadaling lumapit ang katulong para alalayan si Robert na tumayo. Umiling si Robert at tinignan ang babaeng, nakasalampak sa sahig at umiiyak. "Okay ka lang ba? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" Lumapit siya upang tulungan itong tumayo.Narinig din ni Ivy ang ingay sa labas ng mansyon. "Robert, anong nangyayari? Ano'ng nangyari?" Lumabas si Ivy ng naka house slippers pa sa sobrang pagmamadali na malaman kung ano ang nangyari.Nahihiyang tinakpan nI Robert ang kanyang mukha at hindi siya halos makapag salita. Sa totoo lang, hindi na kailangan ng paliwanag dahil sa suot palang ng babae ay mahuhulaan na ang posibleng nangyari. Gusto niya lang namang magkaroon ng kalaro ang kapatid niya pero iba pala ang gustong mangyari ng babae!"Uh..." Lumapit si Ivy kay Robert at napakamot nalang ng ulo nito "Robert, siya ba ang escort na nireport mo?"Napakagat labi si Robert at tumango. “Bakit mo ako sinuntok? ANo bang ginawa ko para ganituhin mo ako? Dahil
Nagmamadaling hinawakan ng katulong ang babae para kaadkarin ito palabas. Ngayon niya lang nakita na galit na galit si Robert dahil kadalasan ay sobrang gentleman at galang nito sa kahit kanino. “Robert, wag ka ng magalit. Mapanlinlang talaga ang mundo kaya hindi natin alam kung sino ang totoo at kung sino ang hindi.”Pampalubag loob ni Ivy kay Robert. “Huwg kang mag alala, hindi ko ‘to sasaihin kina Mommy at Daddy, pati na rin kina Hayden at Layla.”Tumingin si Robert kay Ivy, “Ivy, sa tingin mo ba totoo yung sinabi mong mga nagbibilang ng puting buhok?”“Siguro! Kasi sinearch ko yung account nila at may mga video talaga sila na nagbibilang sila ng mga puting buhok!” Sagot ni Ivy. "Oh... Baka nga tanga lang ako."Habang nag uusap ang dalawa, hindi nila namalayan na may isa pa sa mga katulong nila ay nakatayo sa isang gilid at may hawak na phone. “Robert, Ivy, hindi raw kayo sumasahot kaya sa akin na tumawga ang Mommy niyo.” Kasalukuyang nasa kabilang linya si Avery at nasaksik
"Robert, mas conservative ka pa pala kaysa sa iniisip ko." Tuwang-tuwa si Ivy sa nangyari pero hindi niya kayang tumawa dahil sa kahihiyan na nakikita sa mukha ni Robert.Napakamot nalang si Robert ng kanyang ulo sa sobrang ilang. “Ibig sabihin, lahat ng mga kaibigan mo ay ganyan ka conservative?” Konklusyon ni Ivy. “Edi maganda! Ibig sabihin, mabubuti silang impluwensya sayo.”Mas nahihiya si Robert kaysa napipikon sa pang aasar sakanya ni Ivy. “Ano ka ba! SI Daddy mismo ang naghanap ng mga kaibigan ko at hahayaan niya ba naman akong makipag kaibigan sa mga bad influence?” Paliwanag ni Robert. “Sobra kayang mag protekta ang mga magulang natin!”“Pero masyadong maraming tao sa university!” BInigyan ni Ivy ng tubig si Robert at nagpatuloy, “Sa palagay ko, kapag masama ang isnag tao, lalabas at lalabas yun kahit pa palibutan siya ng mga mababait na tao!” “Ahhh… ANg sinasabi mo ba ay lalabas din ang tunay kong kulay?” Tanong ni Robert bago siya uminom ng tubig. "Syempre hindi
Binasa niya ng malakas ang ilang mga articles at sinabi naman sakanya ni Harry ang mga punto na pwede niya pang pagbutihin pero sinabi nito na magaling siya. Lumipas ang dalawang oras.Lumapit ang katulong na may dalang meryenda para senyasan ang dalawa na oras na para magpahinga."Ang laki na ng improvement mo, Ivy. Mas magaling ka na ngayon," puri ni Harry."Sinasabi ko rin sakanya 'yan kanina, Mr. Gardner, pero ayaw naman maniwala ni Ivy," nakangiting sabat ng katulong. "Talagang malaki na ang improvement mo.” Muling sumabat ang katulong, "Sinabi ko nga sakanya na pwede na siyang maging broadcaster ngayon. Ano sa palagay mo Mr. Gadner?"Tumingin si Harry kay Ivy.Natatarantang umiling si Ivy. "Nagbibiro lang po siya! Kailangan ko pa po ng mas maraming practice.""Gusto mo bang subukang mag intern, Ivy?" tanong ni Harry. "Malapit na ang winter holiday mo, at ang TV station namin ay kumukuha ng ilang mga estudyante mula sa inyong university para sa aming internship progra
Para kay Robert, mas mahirap magtrabaho sa gabi kumpara sa umaga. Siguro dahil mahilig nga siyang matulog ng late kaya alam niya kung gaano kahirap gumising kinabukasan. Hindi niya nakitang nagpuyat si Ivy at kilala niya ito na sanay matulog nang maaga, kaya siguradong maapektuhan ang kalusugan nito sa oras na magumpisa na maging night shift. Hindi naman sila naghihirap kaya nasasaktan si Robert kapag iniisip niya na baka mahirapan lang si Ivy sa magiging sistema ng trabaho nito. Sigurado siya na ganito rin ang iisipin ng mga magulang nila. "Hindi pa! Madaling-araw na ngayon sa Bridgedale. Sigurado ako na natutulog na sila," sabi ni Ivy na ayaw ng abalahin ang kanyang mga magulang. "Magmemessage nalang ako sakanila at kapag nabasa nila yun bukas, sigurado naman akong tatawagan nila ako.""Okay. So pumayag ka na tanggapin ang internship?" tanong ni Robert.Tumango si Ivy. “Napaka bihirang opportunity lang nito kaya sino naman ako para tumanggi diba? Nahihiya ako noon kasi inii
”Opo, Daddy! Nasabi ko na rin po ito kay Robert. Alam kong nag-aalala ka tungkol sa night shift, pero hindi ko naman po ito nakikita na problema, kaya hindi dapat itonmaging hadlang sa pangarap ko.. Pwede naman po akong matulog sa araw at magtrabaho sa gabi."Nagpasya na si Ivy na tanggapin ang internship at naramdaman naman ni Elliot ang determinasyon sa boses nito, kaya alam niyang wala na siyang magagawa. Kapag sinabi niya kay Ivy na hindi siya sang ayon sa internship, alam niya na susundin siya ng bunso niya, pero alam niya rin na sobrang malulungkot ito. "Magrerequest ako kay Harry na bigyan ka ng medyp mas slot." Medyo alanganin pa rin si Elliot sa night shift. "Daddy, huwag mo na siyang kausapin," pagtanggi ni Ivy. “Patakaran po ito ng TV station mismo. Isa pa, hindi naman talaga ako qualified! Swinerte lang kaya kung kikilos ka, sa tingin ko ay sobrang mappressure ako at baka hindi ko maibigay ang best ko.” Hindi nakasagot si Elliot, at alam niya rin naman na may desisyo
"Gusto mo ba siyang pasalamatan?" Hindi naisip ni Elliot na kailangan iyon dahil malaki ang binabayaran niya kay Harry.Dahil inilagay ni Harry si Ivy sa night shift, wala silang dapat ipagpasalamat. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Hindiko pa siya nakikita sa personal kaya gusto ko siyang makita. Mahilig ang anak natin sa mga host sa TV, 'di ba? May karanasan si Harry, at natural na masaya siya na magkaroon ng mentor na tulad niya," sabi ni Avery."Sige. Ayusin ko iyon pagdating natin," sabi ni Elliot."Ah... may sinabi ka pa bang iba kay Ivy?" Medyo inaantok pa si Avery kaya pumikit siya. "Nag-shopping sila ni Kiara at Rose ngayon. Sinabi niya na matagal na silang hindi lumalabas at masaya siya," sabi ni Elliot na malalim ang boses. "Isang midnight show... Kailangang magpuyat tayo kung gusto nating mapanood ang palabas niya..."Dahil ito ang unang pagkakataon ni Ivy sa telebisyon, determinado si Elliot na panoorin ito."May mga replay naman ang mga palabas sa telebisyon, '