Humagalpak ng tawa si Layla. "Eric, hindi ko ine-inaasahan na magtatago ka sa damitan. Hahaha! Buong buhay mo naman siguro hindi ka pa napahiya?"Namula si Eric. "Oo.""Ganyan ka na ba katakot sa mga magulang ko?" Umupo si Layla sa kama, tumatawa.Mabuti na lang at nagkataon na walang laman ang aparador at hindi masyadong masikip para makapagtago si Eric."Ayoko lang ng gulo. May sakit ka pa rin, at hindi mo sinasabi sa iyong pamilya. Ano ang dapat kong sabihin kapag nakita nila ako?" Tumayo si Eric sa harapan niya at tinitigan siya. "Kumain ka na ba?""Oo. Dinalhan ako ng mga magulang ko ng hapunan. Marami pa namang pagkain, at mainit pa. Dapat kumain ka rin." Tumayo si Layla at tinukso, "Eric, hindi tugma ang kilos mo sa iyong edad... Wala kong nakitang tao sa gantong edad na ganyan ang kilos""Palagay ko ay napapamihasa kita. Dapat nakausap ko ng palihim ang iyong Nanay nung oras na nalaman kong may sakit ka. Kailangan pang ng lusot ng Nanay mo para makapunta rito at malalaman
Pinagmasdan ni Eric ang pagsara ng pinto ng kwarto at minamasahe ang tungki ng kanyang ilong. ...Samantala, sa Edelweiss, natapos sina Mike, Chad, at Ivy ang kanilang almusal at nag-check out mula sa kanilang mga silid.Dahil nakita na nila ang mga aurora, hindi na nila kailangang manatili sa bayang ito, kaya't nagplano silang magtungo sa kabisera ng Edelweiss.Nangako si Mike kay Ivy na dadalhin niya siya sa kabisera pagkatapos niyang makita ang mga aurora. Nabanggit ni Avery na si Ivy ay nabubuhay sa kahirapan sa nakalipas na labingwalong taon, kaya mas mabuting dalhin siya sa isang lugar na maganda.Ang unibersidad na pinag-aaralan ni Lucas ay nasa kabisera din kaya sinadya ni Mike na manatili sa malapit na hotel bago dalhin si Ivy sa unibersidad sa hapon.Ang unibersidad na nahanap niya ay isang ivy league school na may napakataas na tuition na hindi pangarap ng mga ordinaryong pamilya.Para sa isang taong kayang bayaran iyon at hindi minamaliit si Ivy, alam ni Mike na kai
"Papasukin ba tayo?" nahihiyang tanong ni Ivy.Napangiti si Mike. "Sa madaling salita, hindi bukas ang paaralan sa mga turista, pero kailangan lang namin mag-rehistro bilang panauhin.""Oh... Tito Mike, may kakilala ka ba diyan?""Hindi." Ang social circle ni Mike ay limitado sa Aryadelle at Bridgedale. "Pero hindi yan alam ng guard. Manahimik ka na lang at sundin mo ang pakay ko. Pinapangako ko na papasok tayo."Nagtiwala si Ivy kay Mike nang makita niya ang pagtitiwala sa mukha nito. Medyo nahihiya, tinanong niya, "Hindi ka ba nag-aalala na nagsisinungaling ako?""Syempre, hindi. Naisip ko lang na talentadobka talaga, sa ibang paraan kesa sa Dad at kay Hayden," sabi niya."May iba't ibang uri ba ng talento?" tanong niya bago natauhan. "Sinasabi mo na streetsmart ako, hindi ba?"Humalakhak si Ivy. "Hindi naman. Hindi naman siguro masama ang ginagawa natin.""Tama ka, sa totoo lang. Hindi ako katulad ng tatay mo, at gusto kong matuto ng mga kakaibang kasanayan...""Sapalagay
Naglakad-lakad ang dalawa sa trail, at huminto si Mike pagkaraan ng dalawampung minuto."Ivy, tingnan mo." Itinuro niya ang isang puno na mukhang matibay ngunit hindi masyadong matangkad na may hindi mabilang na mga card na nakasabit."Hahaha! Palagay ko walang limitasyon ang relihiyon." Dinala ni Mike si Ivy sa puno at may nakitang booth na medyo malayo sa puno. Ang booth ay may isang plato na may nakasulat na, 'The Wishing Booth' at isa pang plato na may nakasulat na 'The Wishing Tree' sa tabi ng puno.Ang mga tao ay tila isinulat ang kanilang mga kahilingan sa mga card at isinabit ang mga ito sa tatlo. Lumapit siya at sinipat ang ilan sa mga card. "Um... 'Pumasa sa exam'... 'Makuha ang pangarap na lalaki'... 'Pumayat!', 'Yumaman'!' Natawa siya matapos niyang basahin ng malakas ang ilan sa mga cards . "Gusto mo ba magsulat ng saiyo? Baka magkatotoo.""Parang wala na akong hiling. Pakiramdam ko ako na ang pinakamasayang tao sa balat ng lupa, at magiging sakim sa akin na humiling p
Saan?" nagtatakang tanong ni Ivy."Punta tayo sa administration building," sabi ni Mike."Huh? Yung administration building? Dito ba natin ito binibitin?""Hindi. Hanapin natin ang feedback box para sa dean."Agad namang natauhan si Ivy. "Tito Mike, sinasabi mo bang ilagay ko ito sa feedback box na para sa dean?""Oo! Ang feedback box ay baliwala at mistulang dekorasyon lamang. Kahit may maglagay sa loob bilang kalokohan, walang makakapansin sa staff."Naramdaman ni Ivy na may katuturan ang sinabi ni Mike dahil sa sobrang tiwala niya. Si Mike ay mas matanda at mas may karanasan, at natanto niya na dapat siyang makinig sa kanya.Nagtungo ang dalawa sa administration building. Sa labas ng dean's office, may isang kahon kung saan maaaring ihulog ng mga estudyante ang kanilang feedback.Masiglang pinitik ni Mike ang kanyang mga daliri bago ilagay ang card ni Ivy sa kahon. Kasunod ng 'Ping!' tunog, ngumiti si Mike at sinabing, "Kita niyo? Sabi ko sainyo dekorasyon lang ito. Wala sa
Walang pirma."Naku, walang pirma sa card kaya baka kailanganin mong magtanong kung sino sa mga kaibigan mo ang sumulat nito," patuloy ni Anne.Hinawakan ni Lucas ang card para sa mahal na buhay; kahit walang pirma ay alam niyang galing iyon kay Irene dahil siya lang ang tatawag sa kanya ng Mr.Lucas."Hindi ba patay na si Irene?" naisip niya. "Kailan niya sinulat ang card na ito? Bago siya mamatay?""Ma'am, alam mo ba kung gaano kadalas nabubuksan ang kahin ng feedback?" napalunok siya at nagtanong.Umiling si Anna. "Hindi ako sigurado tungkol dyan. Dapat ba akong tumawag at magtanong?" "Pakiusap."Kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan ang sekretarya ng dean at tinanong ang tanong sa ngalan ni Lucas."Ginagawa namen ito ng random, depende sa schedule ko. Madalas ko itong buksan ng isang beses sa isang buwan, minsan isang beses kada isang buwan, pero hindi ko iniiwan ang kahon ng hindi nahahawakan sa loob ng tatlong buwan sa isang pagkalataon."Ang pag-asa na bumango
"Wala namang problema! Lagi naman akong pumupunta sa Bridgedale," sabi ni Layla. "Walang hirap sa paglalakbay duon. Gusto ko rin makita yung bahay mo at mabayaran ng pagbisita si Hayden."Oh... Okay! Sayang naman at hindi ako makakapunta hanggang sa bakasyon na taglamig.""Mahaba ang bakasyon mo kapag Bagong taon, 'di ba? Pwede kang pumunta sa oras na 'yon. Dapat handa na ang bahay mo.""Hindi naman ganoon katagal.""Maaari kang mag-apply para sa karagdagang bakasyon."Umiling si Ivy. "Bibisitahin ko si Hayden sa mga bakasyon ko sa taglamig. Ito ay hindi isang mahabang paghihintay mula sa Bagong Taon.""Sige ba! Kukuha ako ng mga video na ipapakita ko sayo." nakangiting sabi ni Layla. "Talaga bang pipigilan mo sina Mama at Papa na sundan ka bukas?"Napag-usapan nila ito sa hapunan, at ipinaalam ni Ivy sa kanyang pamilya na gusto niyang pumasok sa paaralan nang mag-isa at sinabi sa iba na uuwi siya kaagad kapag natapos na ang pagpasok."Paano kung may makakilala sa kanila?" Ngum
"Mr. Foster, nandoon na ang sasakyan, at dahil medyo puno ng tao ang campus, maaaring matagalan bago matapos ang paglilibot""Ayos lang. Kaligtasan muna," sabi ni Elliot bago ihatid ang asawa at anak sa kotse.Pinagmamasdan ni Ivy ang ibang estudyante na naglalakad sa campus, at para siyang turista habang naglilibot sa loob ng sasakyan.Ang taong nagmaneho ng kotse ay malamang na isang taong nagtatrabaho sa campus, at ipinaliwanag niya ang lahat habang nagmamaneho.Si Ivy ay nakinig nang mabuti dahil gugugulin nya ang susunod na tatlong taon sa unibersidad na itoMakalipas ang kalahating oras, sa wakas ay natapos na rin nila ang paglilibot sa campus at tinanong ng mga tauhan kung gusto nilang maglakad-lakad."Mag-isa kaming maglilibot, Sir. Maraming salamat," sabi ni Ivy.Binigyan ni Elliot ang tauhan ng permiso na umalis at sinabi ni Ivy, "Nay, nagtitinda sila ng inumin doon."Ang araw ay sumisikat nang maliwanag, at ito ay pinakamainit sa hapon.Sinulyapan ni Avery ang booth