Tumingin si Eric kay Layla.Hindi gaanong nagbago ang mukha ni Layla mula noong siya ay teenager. Ngayon lang, nagkaroon ito ng bakas ng maturity.Gayunpaman, alam ni Eric na hindi ganoon ka-mature si Layla. Ito ay dahil si Layla ay palaging nananatili sa kanyang mga magulang, kaya siya ay palaging nasa ilalim ng kanilang proteksyon. Siya ay isang tunay na tagapagmana na namumuhay sa layaw.Ang isang tulad niya ay magkakaroon ng mas inosenteng katangian. Kasabay nito, ang kanyang kakayahang harapin ang mga hamon ay magiging mas masahol pa kaysa sa isang ordinaryong tao."Hinihikayat ka ba ng mga magulang mo na humanap ka na?" tanong ni Eric. "Duda ako na gusto ng tatay mo na makahanap ka kung sino, di ba?""Inaasahan ni Dad na mananatili akong single forever," natatawang sabi ni Layla. "Alam mo kung anong klase siya ng tao. Sa tingin niya ang pinakadakilang lalaki sa mundo ay nasa pamilya namin lahat. Ang mga lalaki sa labas ay mababa, kaya't umaasa siya na hindi na ako papasok sa
"Ikaw at ako ay hindi nasa parehong circle, ngunit maayos naman ang pakikisama ko sayo!"Hindi nakaimik si Eric.Nagpatuloy si Layla, "Maghahanap ka ba ng kasintahan kapag nagretiro ka na? Siguradong nag-aalala ang mga magulang mo hanggang sa mamatay.""Ayos naman sila. Nalampasan na nila ang nakakabahala na yugto.""Kung gayon, ano ang iniisip mo? Tutol ka ba sa kasal?""Wala akong iniisip, baka pag-isipan ko ito ng seryoso pagkatapos kong magretiro.""Oh. So hindi ka tutol sa kasal. Ang mga taong tutol sa kasal ay sobrang pinanghahawakan ang kanilang mga paniniwala."Tumunog ang phone ni Eric. Galing iyon sa manager niya."Layla, kailangan ko nang umalis." Ibinaba ni Eric ang tawag at sinabi kay Layla, "yayayain ko din lumabas ang nanay mo kapag libre ako. Maaari tayong kumain ng magkakasama.""Okay kung gayon! Umalis ka na! Isuot mo yang mask mo at manatiling ligtas!" Inilapag ni Layla ang mga utensils. Gusto niyang ihatid siya."Kumain ka na lang! Hindi mo na ako kailanga
Huminga ng malalim si Layla bago siya nag online para maghanap ng picture ni Eric na sinend niya sakanyag best friend. Nang makita ni Amy ang picture ni Eric, nagreply ito ng maraming question mark. Amy: [Bakit sinendan mo ako ng picture ni Eric Santos? Ang sabi ko sayo, sendan mo ako ng picture ng crush mo!]Nanginginig ang kamay ni Layla habang nag rereply, [Siya nga yun!][Ano??! Sh*t Sh*t Sh*t!][Anong klaseng reply yan?][Ako rin! Ako rin!][Amy, ano ba? Magseryoso ka nga!][Ang sabi ko, gusto ko ring maging boyfriend si Eric! Sobrang gwapo niya at kahit siguro nasa fisties na siya, mamahalin ko pa rin siya!][...Wag mo nga akong agawan!][May relasyon ba kayong dalawa? Gusto ka rin daw ba niya? Ano na bang statys niyo? May ginagawa ka ba? Pwede ba kitang tawagan?!]…Sa mansyon ng mga Woods, kasalukuyang kinakausap ng butler si Irene. “Irene, natanggap mo na ba yung pera na hinulog ni Mrs. Woods sa account mo? Kwinento ko kasi sakanya na namatay ang lola m
"B... Bigla ko na lang napagtanto na hindi ko na matandaan ang itsura mo, kaya gusto kong maalala ang mukha mo." Ibinaba ni Irene ang kanyang ulo at nahihiya na gumawa ng palusot."Araw-araw mo akong kinakausap, pero hindi mo man lang naaalala ang itsura ko?""Mr. Lucas, nagsinungaling ako.Alam ko kung anong itsura mo. Napagtanto ko lang kung gaano ka kagwapo," tapat na sabi ni Irene, pinagtugma ang kanilang mga mata."Ngayon mo lang nalaman na gwapo ako?" Napatigil si Lucas sa kanyang ginagawa."Noong mga nakaraang araw ay nasugatan at namamaga ang ilong mo, kaya hindi ko namalayan noon," sabi ni Irene at sinubukang ibahin ang usapan, "Hindi mo ba ginamit ang gamot na binili ko para sa iyo? Bakit hindi ko ito ibalik sa botika?""Kaya mo bang bawiin ang mga bagay na binigay mo sa iba?" Nakakuha si Lucas ng ilang bagong insight pagdating kay Irene. "Maglalakas-loob ka?"Nag-init ang mukha ni Irene. "Ibabalik ko sayo ang pera. Ayoko ng pera mo.""Kulang ba ako sa pera? Ano bang na
Sinabi ni Lucas, "Hindi ako."Sabi ni Irene, "Namumula ka. Malinaw kong nakikita.""Hindi kita tinatrato bilang kaibigan." Tumingin si Lucas sa madilim na langit. "Ang pakikipagkaibigan sa mga tulad ko ay walang anumang pakinabang.""Hindi ka nakikipagkaibigan dahil gusto mo ng mga benepisyo. Ang mga kaibigan ay nagbabahagi ng kanilang mga saloobin sa isa't isa, at kapag ang isa sa kanila ay may problema, ginagawa ng isa ang lahat ng kanilang makakaya upang tumulong. Mr. Lucas, ikaw ay isang taong karapat-dapat ng isang mabuting kaibigan. Karapat-dapat din akong magkaroon ng mabubuting kaibigan. Noong bata pa ako, nagkaroon ako ng isang mahusay na kaibigan, ngunit kami ay nagkahiwalay."Hindi gaanong maalala ni Irene ang mga pinagdaanan nila ni Rose noong bata pa sila. Ang alam lang niya ay naging matalik silang magkaibigan.Ang napakagandang alaalang iyon ang nagpainit sa kanya at malabo sa tuwing naiisip niya iyon.Dahan-dahang huminto ang bus sa harap nila. Isa-isa silang suma
Isa pa, ayaw ni Elliot na pumunta at makita si Eric na nagpapakitang gilas na parang peacock na kinakalat ang mga balahibo sa buntot.Hindi niya nakalimutan na si Eric ay nagtapat kay Avery maraming taon na ang nakalilipas, at hindi niya nakalimutan na ang kanyang pinakamamahal na anak na babae ay nagsabi ng maraming bagay na nagpasakit sa kanya ng ulo. Mga bagay na gusto niyang pakasalan si Eric.Gayunpaman, sa kabila ng pagsasabi sa kanila na ayaw niyang pumunta, hindi nagbago ng paninindigan si Avery o si Layla."Ilang ticket ang binigay sayo ni Eric?" tanong ni Elliot."Hindi pa niya ako binibigyan ng ticket! Baka ibigay niya kay Layla! Sinabi niya kay Layla ang tungkol dito." Nag-scroll si Avery sa mga balitang may kinalaman sa concert ni Eric. "Sabi sa internet mahirap kunin ang mga ticket niya sa concert!""Hunger marketing lang yan!" mahinahong sabi ni Elliot."Dahil ayaw mong pumunta, hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo. At least hindi ka magiging malungkot sa ganoo
Napatingin si Layla sa sagot niya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiiyak. Nararamdaman niya kung gaano ka-accommodating at indulgent si Eric.Gayunpaman, malinaw niyang naiintindihan ang kanyang damdamin. Kahit sinong ipakilala ni Eric sa kanya, hindi niya ito magugustuhan.Ibinaba niya ang kanyang telepono, gustong kumalma nang kaunti. Pumasok siya sa banyo, kinuha ang hairdryer, at pinatuyo ang buhok.Habang nagpapatuyo ng buhok, may naisip siyang ideya. Bakit hindi niya na lang ipagtapat kay Eric ang kanyang nararamdaman at tingnan kung ano ang reaksyon nito?Anyway, malapit na siyang magretiro. Kapag siya ay nagretiro, siya ay magiging isang normal na tao. Sa panahong iyon, maaari na siyang pumasok sa isang relasyon sa sinumang gusto niya…Kahit tapos na siyang mag-blow-dry ng buhok, parang wala na siyang maisip na ibang bagay. Tinago niya ang kanyang hairdryer, pumunta sa kanyang telepono, at kinuha ito muli.Nagpadala siya ng mensahe kay Eric , [bakit hindi na lan
Gayunpaman, hindi gusto ni Layla ang ideyang sumuko.Sa isang restaurant sa Taronia, dumating ang pagkain na inorder ni Lucas, at kumain na sila."Mr. Lucas, sinabi ba ng tatay mo kung kailan siya babalik?" Busog na busog si Irene pagkatapos kumain ng kaunti. Wala siyang malaking gana. Ang kanyang mga pagkain ay hindi madami."Gusto mo ba siyang makita?" tanong ni Lucas. Ni minsan ay hindi niya ito binigyan ng atensyon. Nasa labas man sila ng bakasyon o pabalik pauwi, wala itong kinalaman sa kanya."Pakiramdam ko relax ako kapag wala sila sa paligid. Hindi mo kailangan na mag-alala na pupuntiryahin ka ni Mrs. Woods. Hindi mo din kailangang alalahanin ang ibang bagay na mangyayari." Nagsuot ng plastic gloves si Irene. "Mr. Lucas, hayaan mo akong balatan ang hipon para sayo!""Hindi ka ba kumakain?" Nakita ni Lucas na inilapag ni Irene ang kanyang mga kubyertos. Bigla rin siyang nawalan ng gana."Busog na ako," nakangiting sabi ni Irene. "Maliit lang ang gana ako.""Sigurado ngang