Uminit ang mukha ni Chad. Akala niya hindi siya pupunta ngayon?Bakit bigla na lang sumulpot si Elliot? Wala bang ibig sabihin ang mgasinabi niya?Parehong tumungo sina Ben at Chad kay Elliot habang sinusubukang makipag-usap sa kanya.Sumagot si Elliot, "Nagkataong nandiyan lang ako sa malapit, kaya naisip kona lang pumunta at tingnan ang party.""Akala ko ay naduduwag kang masyado pumunta!" naglakad si Mike papunta kayElliot at hinila siya papunta sa lamesa, "Ngayon ay nagtipon-tipon kamipara ipagdiwang ang kaarawan ni Avery. Unang patakaran, walang pasawaydapat dito. Pangalawa, walang mag-aaway. Inom tayong lahat!"Binigay ni Mike ang walang lamang baso kay Elliot at pinuno ito ng alak.Napahinto si Avery. Nagsimula ba talaga silang mag-inuman ng hindi panaghahapunan? Nakita niya lahat ng grupo ng mga lalaki na nakatitig kayElliot kasama si Mike na ginagabayan sila.Napagtanto niya kung ano ito! Habang naglalakad siya, pinigilan siya niTammy. "Hayaan mo sila!" hinila
Binuklat ni Avery ang album na binigay ni Tammy sa kanya, at punong-punoito ng mga litrato nila mula kolehiyo.Natatanging regalo ito. "Matalik na magkaibigan kasi tayo, kaya ganoon!Maliban pa sa sariling litrato ko, ang karamihan sa kanila ay sa'yo."Sinabi ni Tammy habang buong pagmamahal niyang tiningnan si Avery, "Tagaysa habang buhay na pagkakaibigan!"Tinaas ni Avery ang baso niya at tumagay, "Habang buhay na pagkakaibigan!"uminom siya at binaba ang baso.May tumapik sa balikat niya. Si Ben ito na pulang pula ang mukha. "Sama kasa amin, Miss Tate!" tinuro ni Ben ang lamesa na katabi niya at sinabi,"Sabihan mo 'yung mga tauhan mo na ayusin nila mga sarili nila, maagrabyadona kami maya maya." Pagpapaawa ni Ben."Niloloko mo ako Ben, ang galing mo kayang uminom!" pang-aasar ni Tammy.Bumuntonghininga si Ben at sinabi, "Noon 'yon. Tumatanda na ako ngayon..."Tumayo si Avery at sinundan si Ben sa kasunod na lamesa. Sumenyas si Ben naumupo siya sa upuan ni Mike. Katabi it
Biglang hinawakan ni Elliot ang kamay ni Avery. Nabitawan niya ang phone sakanyang kamay at agad din siyang binitawan ni Elliot. Tama si Ben, kayAvery nga niya pinapahiwatig ang salita niya. Nalaglag ang panga ng mgamanager.Oh! May nangyayari ba sa kanilang dalawa? Naramdaman ni Avery ang pag-initng mukha niya. Lumagok siya sa kanyang juice na kakasalin niya lang.Sa kabutihang palad, hindi niya talaga kaarawan ngayon. Magiging tunay napangaral na magkatanggap ng leksyon sa kanyang tunay na kaarawan,sarkastikong isip ni Avery, nagpatuloy si Elliot sa kanyang mga sikreto satagumpay habang nakikipag-inuman sa lahat.Mukhang nakalimutan niya na ngayon ang pagdiriwang ng kaarawan niya.Naglagay si Avery ng dalawang plato ng pasta at isang plato ng sariwangprutas. Isang oras ang lumipas, nangangaral pa rin siya. Hinawakan ni Averyang ulo niya at tumingin sa kanya.Tumikhim si Elliot at lumingon sa kanya, "Avery, nakuha mo ba lahat ng mgasinabi ko?""Inom tayo!" yumuko si Av
"Inom ka muna ng tubig, Elliot!" sabi ni Zoe habang inaangat ang ulo niyasa mas mataas na pwesto ng unan at dinalhan siya ng isang bote ng tubig,"Malagkit siguro ang pakiramdam mo ngayon. Ito, uminom ka at mas magigingmaayos ang pakiramdam mo."Sa piging na bulwagan. Nakaramdam na si Avery ng labis na katinuan. Peromas masama ito kaysa sa pagiging lasing. Alam niyang hindi na siyamakakakapit kay Elliot. Wala nang magandang dulot na makukuha rito."Ang sungit naman ni Zoe!" tumungo si Zoe kay Avery at inaalu siya, "Huwagkang maapektuhan sa mga sinasabi niya. Kailangan niyang tumingin sasalamin."Dinala ni Avery ang pitaka niya at naghandang umalis habang sinasabi,"Galit lang ako sa sarili ko.""Wala kang ginawang mali," ani Tammy."Nakakatawa lang ako," bulong ni Avery sa sarili niya, "Iniisip ko pa rinna magsasama kami balang araw...Tammy, pakiusap bigyan mo ako ng magandangpangaral kapag nakita ko pa rin siya sa susunod!"Tumango si Tammy, gusto niya rin ang kabutihan
Hindi na gustong marinig ni Zoe ito.Ang tunog na nagagawa nila Elliot at Avery ang nagpapaalala sa kanya, anonaman kung girlfriend ka ni Elliot? Si Avery ang mahal niya kahit na anongmangyari!Umupo siya sa sofa. Naramdaman niya ang parte ng katawan niyang namatayngayon at nanigas ang katawan niya.Alas dos ng madaling araw, bumukas din sa wakas ang pinto ng kwarto.Lumabas si Avery ng kwarto. Nanigas ang kinatatayuan niya nang makita siZoe."Miss Tate, kamusta ang pagsakay sa boyfriend ko?" nanginig ang boses niZoe habang buong pagkamuhi niyang tiningnan si Avery, "Hindi akomakapaniwala na iniwan ko siya ng wala pang bente minuto at sumilip ka naagad. Alam mong lasing siya pero inakit mo pa rin siya! Oh, ang landi mo!"Sinubukan ni Avery magpaliwanag pero walang kabuluhan ang mga 'yon.Hindi siya makapaniwala na magiging kabit siya. Ipokrita siya sa puntongito."Pasensya ka na," sabi ni Avery."Anong magagawa ng pasensya mo?" naramdaman ni Zoe ang sunod sunod napagtu
Naramdaman ni Avery ang matalas na sakit sa ilong niya nang tinulak niElliot ang mukha niya sa kanyang dibdib. Tiningnan ni Avery ang kwarto nangnamumula ang ilong at naluluhang mga mata.Nasaan si Zoe? Bakit mag-isa lang si Elliot sa kwarto? Hindi ba dapat ayinaalagaan niya ang lasing na boyfriend niya?Tinulak niya palayo si Elliot gamit ang mga kamay niya, pero mas hinigpitanni Elliot ang yakap niya kaysa kanina."Huwag mo akong iwan, Avery..." binuhat niya si Avery at nagmamakaawa angkanyang boses, "Miss na miss kita...walang araw na hindi kita na-miss..."Bulong ni Elliot habang binubuhat siya sa kama. Nanakit ang puso ni Averynang makita niya itong ganoon. Lasing na talaga siya! Sabi nila na ang mgalasing daw ay may katinuang pag-iisip.Ibig sabihin ba nito ay may lugar pa rin siya sa puso ni Elliot?Diniin niya ang kanyang katawan kay Avery sa kama. Buong pagmamahal niyangtinitigan ang mga mata ni Avery. "Bitiwan mo ako, Elliot Foster!" humingasi Avery at nilagay
"Pasensya ka na, Doktora Sandford," sabi ni Elliot habang agad niyangkinalma ang mga ugat niya. Bumalik siya sa talagang malamig na sarili niyaat dinagdag, "Pagkakamali ko ang nangyari kagabi, kailangan ko munangkumalma ngayon."Umalis siya sa silid nang sinabi iyon.Nanigas si Zoe sa kinatatayuan. Akala niya ay mapapaamo siya sa mga luhaniya, at yayakapin siya ni Elliot sa mga bisig niya para aluin siya.Anong nangyari at bigla na lang siya naging malamig? At umalis ng ganoonlang?Hindi siya ganito kagabi kasama si Avery.Pinunasan ni Zoe ang mga luha sa kanyang mukha. Kahit na wasak ang pusoniya kagabi, ang mahalaga ay mayroong positibong kinalabasan para sa kanya.Tumingin siya sa kanyang phone at tinipa ang numero ni Cole."Nagtagumpay ako," ani Zoe. "Binabati kita, Doktora Sandford! Balitaan moako kung may maitutulong pa ako. Nandito lang ako para sa'yo," natatawangsabi ni Cole.Naging mapait ang puso ni Zoe nang marinig niya ito mula kay Cole. Kahitkalahati lang s
Umubo si Mike at sinabi, "Hindi na kailangang magsali ng pulis! Avery,nasaan ka ngayon? Mukhang ang hina at pagod kang pakinggan."Tumayo si Avery at humawak sa haligi na nasa tabi niya bilang suporta atnagsinungaling, "Nasa bahay ako.""Oh, matutulog ka pa ba? Tulog ka na ulit! Ayos lang ako, sinisi lang nilaako...sinisisi ako ni Chad sa lahat, napaka-iresonable niya!" nakaramdam ngginhawa si Chad pagkatapos ng reklamo niya kay Avery.Tumawag ng taxi si Avery at umuwi sa bahay.Naglabas siya ng fever pill at nakatulog sa kanyang kama. Hindi nasinubukang tanungin ni Laura kung ano ang nangyari sa kanya.Sa lumang mansyon, tumagal si Elliot sa pagligo ng higit isang oras.Iniisip niya pa rin ang nangyari kagabi, hindi niya matanggap na si Zoeiyon. Kaya niyang ayusin ang pagitan nila ni Zoe, pero paano niya haharapinsi Avery?Mas sigurado siya kaysa noon na mahal na mahal niya pa rin si Avery.Hindi niya maloloko ang sarili niya na kaya niyang kalimutan ang tungkolkay Aver