“Tama ka jan! Siguro yan na ang pinaka magandang desisyon na nagawa mo sa buong buhay mo, Avery!” Huminga ng malalim si Tammy at nagpatuloy, “Busy ka ba bukas? Dinner tayo! Kailangan nating icelebrate yang pagiging single mo!”"“Busy ako bukas… Sakin na kasi yung Tate Tower.” “Ay oo nga! Nabalitaan ko kay Jun. Balita ko one hundred million dollars mo raw nabili?! Grabe!! Sobrang bigatin talaga ng best friend ko oh!”“Eighty million dollars,” Walang emosyong sagot ni Avery. “Binalik niya sakin yung twenty million dollars kanina.”“Pftt! Ano bang meron sainyong dalawa?! Para kayong mga bata.” Naiinis na sagot ni Tammy. “Ano bang sinasabi mo jan? Nagseset na nga ako ng boundary saming dalawa.”“Agree ako jan! Tama lang yang ginagawa mo. Kakaiba talaga yung lalaking yun! Sinabihan ko nga rin si Jun na umiwas-iwas sakanya!” Halata sa boses ni Tammy ang pagkamuhi kay Elliot. “O siya, masyado ng late. Antok na antok na ako.” Noong oras na yun, halos hindi na talaga maim
Nagmamadaling tinawag ni Layla angkanyang mommy. Nang marinig ang nagpapanic na boses ng anak, nagmamadaling tumakbo palabas si Avery mula sakanyang kwarto, na may dalang medicine kit. Sa sobrang pagkataranta, gulo-gulo pa ang buhok niya. “Puntahan mo ang kapatid mo, Layla.” Utos ni Avery. Pagkatapos, kinapa niya si Shea at sobrang taas nga ng lagnat nito. Tumungo si Layla, pero bago siya umalis, nag’aalala siyang nagtanog, “Mommy, may lagnat siya? Patayin ko yung aircon?” “Hindi, okay lang anak. Sa tingin ko sakto lang naman ang lamig dito. Sigurado ako na may ibang dahilan kung bakit siya nilagnat.” Mahinahong sagot ni Avery. Sinigurado muna ni Avery na pumunta na si Layla sa kwarto ni hayden bago niya inisikaso ng lubusan si Shea. Base sa thermometer, one hundred three degrees ang temperature nito. Nako! Kailangan niyang pababain ang lagnat nito sa lalo’t madaling panahon!Kumuha siya ng planggana na may katamtamang laki at nilagyan niya ito ng maligamgam n
Naabutan nina Layla at Hayden si Shea na hindi mapakali. “Kuya…kuya…”Kaya nagmamadali ang dalawa na napatakbo papalapit dito. Sobrang pula ng mukha nito at nang kapain nila, ang taas nanaman ng lagnat nito. “Ang taas nanaman ng lagnat niya! Tatawagin ko si Mommy.” Nagmamadaling tumakbo si Layla papunta sa kwarto ni Avery.Hinawakan ni Hayden ang kamay ni Shea at sinubukan niyang pakalmahin ito, “She, wag kang matakot!” Nang marinig ni Shea ang boses ni Hayden, bahagya siyang dumilat. Akala niya si Elliot ang kumakausap sakanya at sa wakas ay pinuntahan na siya nito. Parang nililiyaban si Shea sa sobrang init niya. “Kuya… Yakapin mo ako…” Umiiyak na ungol ni Shea. Sobrang naawa si Hayden kay Shea kaya niyakap niya ito pero masyado siyang maliit kumpara rito.Hindi iniwanan ni hayden si Shea hanggang sa dumating ang Mommy niya. “Kuya, galit ka ba kay Shea? Bakit ayaw mo akong yakapin?” Biglang nagpanic si Shea at hindi siya maawat sa pag’iyak.Kamukhang kamukha ni
Kung anu-anong haka haka ang pumasok sa isip ni Ben. Gusto na sanang tawagan ni Chad si Avery para manghingi ng kasagutan pero hindi niya kaya. Kaka divorce lang nito at ng boss nila… malamang sa malamang, hindi nito sasagutin ang tawag niya. “Ben, tinawagan mo na ba si boss?” Tanong ni Chad. Naiititang nagbuntong hininga si Ben at naiinis na sagot, “Ha! Sigurado ako na kung hindi nawala ‘tong babaeng ‘to, malamang mamatay tayong lahat ng walang ideya tungkol dito. Mukhang plano ata niyang itago ‘to habang buhay kaya sa tingin mo ba sasagutin niya ako ngt maayos kapag nagtanong ako?!”“Sabagay habang hindi pa nahahanap yang Shea na yan, sigurado ako na sobrang init ng ulo niyan ni Boss.” Pagsang’ayon ni Chad. …Kasalukuyang nasa Angela Special Needs Academy si Hayden nang makita niya ang balita na hinahanap ni Elliot si Shea at hindi lang yun! At hindi lang yun.. Lalo siyang nagulat nang nakita niya na sobrang laki pa ng pabuya. ‘Ano kayang relasyon ni Shea kay Elli
Mukhang kakaibang babae yung Avery na yun kung nagawa niyang manatiling kasal kay Elliot sa loob ng mahigit apat na taon. Nasa abroad siya noong una niyang narinig ang pangalan nito.Estudyante rin ni Professor Hough si Avery at matunog na maganda ang mga papers na pinapasa nito. Pero mula noong maka graduate ito, wala na siyang narinig na kahit ano tungkol dito. ‘Hindi lang sa hindi nagtrabaho si Avery sa malalaking ospital, hindi rin talaga ito nag practice sa larangan ng medicine. ‘Bilang isang doctor, anong saysay ng theoretical knowledge kung wala siyang clinical experience?‘Tama naman ako diba? Kasi kung hindi, bakit kinuha pa ako ni Elliot para gamutin si Shea?’Habang nagdidinner, nagtatakang tinignan ni Laura ang dalawang bata na nakaupo sa harap niya, “At bakit hindi kayo kumakain?” Biglang nag puppy eyes si Layla at nagpapaawang nagtanong, “Anong oras po uuwi si mommy?” “Pagkatapos ng work niya. Pero hindi ko alam kung anong oras yun matatapos.” Sagot
“At bakit naman hihiramin ng batang yun ang phone mo?” Tanong ni Elliot. “Nawawala daw kasi ang tatay niya kaya hiniram niya ang phone ko para matawagan. Mula noong makita ko yung batang yun, puro kamalasan nalang ang nangyari sakin! Pakiramdam ko kinulam niya ako!” Sobrang namamaga ang buong pisngi ni Cole at hindi maawat ang luha niya sa pag agos. Base sa titig ni Elliot, para bang sobrang nabobobohan siya kay Cole. “Naalala mo pa ang itsura niya?”Nagmamadaling sumagot si Cole, “Oo! Sobrang ganda niyang bata! Kung hindi siguro siya ganun kaganda, hindi ko ipapahbiram sakanya yung phone ko! Kamukha niya si Avery!” Nang marinig ni Elliot ang pangalang binanggit ni Cole, bigla siyang natigilan at nabakas ang bahagyang lungkot sakanyang mga mata. “Sige na, gamutin mo na yan.”“Uncle, ayos lang po ako… Gusto ko lang din malaman kung paano na set up ang phone ko! Nakapag send ako ng mga maseselang pictures sa kablind date ko kaya nagalit siya sa akin, tapos ngayon lumalab
Binuhat ni Avery si Layla at tinuro naman nito si Hayden. “Sinama niya ako.”“Oh…Hayden, paano mo nalaman na nandito si mommy?” Nakangiting tanong ni Avery. Wala siyang balak pagalitan ang anak niya. “Siguro tinanong mo si Uncle Mike na tignan ang location ko no?” Tumungo si Hayden. Si Uncle Mike ang nagturo sakanya kung paano mang hack…Walang kaalam-alam si Avery sa skill na mayroon si Hayden. “Okay, tara na! Inaantok na si mommy… Uwi na tayo.” Hindi na gumagana ang utak ni Avery sa sobrang pagod.Pagkalabas nilang mag’iina ng ospital, nakasakay agad sila ng taxi at hindi pa man din sila nagtatagal sa byahe ay nakatulog na si Avery.Bandang 11:20 ng umaga, may biglang tumawag kay Zoe para sabihan siya na pumunta sa Elizabeth Hospital. Pagkarating niya sa ospital, nakita niya kaagad si Shea. Nakabandage ang ulo nito at kasalukuyang natutulog. Sobrang putla nito!Pagkalipas ng dalawang oras, tinawagan niya si Elliot. “Mr. Foster, nakita ko na po si Sh
Makalipas ang twenty minutes, nakatanggap kaagad si Elliot ng tawag. “Mr. Foster, tinawagan ko po ang Elizabeth Hospital, at ang sabi po nila sa akin ay kasalukuyan daw pong under maintenance ang mga surveillance camera nila kaya wala pong kahit anong footage na nakuha.” Nang marinig ito ni Elliot, biglang kumunot ang kanyang noo. ‘Ano? Coincidence lang ba ang lahat ng ito?’‘Wala ba talagang surveillance footage o baka naman ayaw lang talagang magpakilala ng taong yun?“Okay, Alisin niyo ang lahat ng picture at balita tungkol dito sa internet.” Utos ni Elliot.“Okay, Mr. Foster, gagawin ko na po ngayon mismo.”Wala pang isang oras, lahat ng impormasyon tungkol sa paghahanap ni Elliot kay Shea, maging ang ransom na one hundred fifty-five million dollar ay tuluyan ng nawala sa internet. …Sobrang himbing ng tulog ni Avery pero bigla siyang naalimpungatan nang mag ring ang kanyang phone.Ilang beses na siyang tinawagan ni Tammy pero ngayon lang siya sumag