Sa ospital, nakahiga si Gary sa kama at konektado sa isang IV.Natapos na niya ang kanyang pagsasalin noong umagang iyon, at sinabi sa kanya ng mga doktor na kailangan niyang magpa-body-chek. Kung ang lahat ay lumabas na normal, pagkatapos ay maaari na siyang bumalik sa bahay, at ang karagdagang gamutan ay isasagawa doon.Matapos tawagan si Ruby, pumasok si Paul sa smoking room.Napatingin si Gary sa kanya. "Bakit wala pa si Ruby?""Sabi ni Ruby hinihintay daw niya matapos magluto ng sopas si yaya. Dadalhan ka daw niya ng sopas mamaya." Umupo si Paul sa tabi ng kama. "Baka sinusubukan niyang isama si Elliot.""Hmph! Tinext niya sa akin lahat yan kagabi." Pinikit ni Gary ang kanyang mga mata. "Kaya nga tinatanong ko kung bakit wala pa sila.""I see. Siguro ay hindi siya naghihintay ng sopas, pero sinusubukan niyang kumbinsihin si Elliot na sumama," ani Paul.Ngumuso si Gary. "Hindi ko siya hahayaang makaligtas ng ganon kadali pumunta man siya dito o hindi. Pinagkatiwalaan ko siya
"Umalis ako kaagad nang tinawagan mo ako." Inayos ni Ruby ang sarili at pumasok sa kwarto dala ang thermal lunch box. "Dad, naparito ako para makita ka."Tumango si Gary bilang tugon. Para siyang awkward. Iniisip niya kung narinig nito ang anumang sinabi niya."Diba sabi mo sasama sayo si Elliot? Bakit wala siya?" Bahagyang nalungkot si Gary nang makita niyang dumating itong mag-isa."Medyo madami siyang nainom kagabi, at nilalagnat siya. Gusto ka niyang bisitahin, pero ayaw kong magkalagnat ka, kaya sinabihan ko siyang manatili sa bahay at magpahinga," Paliwanag ni Ruby habang binubuksan ang lunchbox. "Niluto ko ang paborito mong mushroom soup ngayon. Hayaan mo akong lagyan ka sa mangkok.""Masyado akong maraming kinain ng almusal, kaya hindi ko talaga masikmura ang sabaw ngayon," sabi ni Gary.Napuno ng pagkadismaya ang mukha ni Ruby habang isinasara ang takip. Nang makitang nadismaya siya, agad niyang sinabi, "Hayaan mo akong uminom ng kaunti, pagkatapos!"Nagsimulang bumilis
Inubos ni Gary ang mangkok ng sabaw at humiga. Ilang sandali pa ay pumikit ang mga mata niya."Pwede ka ng lumabas! Gusto kong mapag-isa kasama ang aking ama," sabi ni Ruby kay Paul.Agad na lumabas ng kwarto si Paul at ang yaya.Pagkasara pa lang ng pinto ay tumulo ang luha sa mukha ni Ruby.Nilason niya ang sarili niyang ama, at ngayon, patay na ito.Hindi pa siya nakakapagdesisyon sa kanyang pagpunta sa ospital. Maaari pa rin niyang piliin na huwag ihain sa kanyang ama ang sabaw, ngunit nang marinig niya ang sinabi nito, sa wakas ay natagpuan niya ang kanyang motibasyon.Walang kwenta ang tingin sa kanya ng kanyang ama, at sino ba naman ang handang umamin na isa silang tanga na walang kahit anong kayang gawin, di ba?Kung iyon ang opinyon ng kanyang ama sa kanya, hindi na niya kailangang maging malambot pa ang puso.Nang matanggap ni Edward ang tawag mula kay Ruby na nagsasabing namatay na si Gary, humagalpak siya ng tawa."Ruby, Alam kong kaya mo iyong gawin! Sandali lang,
"Kung gayon patayin mo muna ako!" Pinigilan siya ni Ruby na umalis. "Paul, ako ang may gawa nito! Nakita mong pinakain ko ang aking ama ng lason...""Ang tanga mong babae! Hindi ka na maililigtas pa!" sigaw ni Paul.Napaiyak si Ruby. "Paul... Kuya... I'm sorry... Dapat kinausap muna kita tungkol dito...""Wag mo akong tawaging kuya! Nasisiraan ka na talaga ng bait ngayon! Paano napunta si Ama sa isang traydor na babaeng anak?!" Mapang-asar na sabi ni Paul.Iyon ang unang pagkakataon na nagtaas ng boses si Paul laban sa kanya. Ang lahat ng kanyang lakas ay nawala sa kanyang mga binti, at siya ay nahulog."Ako ang may gawa nito... Isisi mo na lang sa akin kung gusto mo... Wag mong sisihin si Elliot...""Nagsasalita ka pa rin para sa kanya?! Anong gayuma ba ang inilagay niya sayo? Ruby, hindi mo ba alam na babalik agad siya sa Aryadelle? Ganyan ka ba talaga katanga, o umiiwas ka lang sa realidad? Kung hindi lang siya pinigilan ni Ama, matagal na siyang wala! Sa tingin mo ba ay mana
"Paul! Tumigil ka!" angal ni Ruby.Tumakbo siya papunta kay Elliot at tumayo sa harapan nito.Tumigil si Paul, pero halatang galit pa rin siya."Kung papatayin mo siya, hindi kita hahayaang mabuhay!" Tinitigan ng masama ni Ruby si Paul. "Ikaw ay isang tagalabas! Wala kang karapatang isangkot ang iyong sarili sa mga bagay na may kinalaman sa mga Goulds!"Ang salitang 'tagalabas' ay tumagos sa puso ni Paul sa sakit. Tinitigan niya ang pamilyar na mukha ni Ruby at naramdaman niyang nakatingin siya sa isang estranghero.Mula nang ikasal siya kay Elliot, nagbago na siya ng tuluyan bilang isang ganap na kakaibang tao. Si Elliot lang ang inaalala niya. Minahal niya ito hanggang sa puntong ibibigay niya sa kanya ang lahat ng pag-aari ng mga Goulds kung hihilingin niya ito.Bilang isang tagalabas, maaari lamang tumayo si Paul at panoorin siyang gumawa ng katangahan sa kanyang sarili, ng paulit-ulit.Aalis na sana siya ng kwarto, humikbi si Ruby, "Paul, huwag kang umalis!" habang nakatiti
Nag pout si Layla. "Dapat itanong mo yan sa mama ko!""Ayokong subukan," sabi ng manager habang tumatawa. "Natatakot akong maging malungkot siya kapag tinanong ko iyan.""Ngunit nalulungkot din ako, ngayong tinanong mo ako ng tanong na ito!" Malungkot na sabi ni Layla."Miss mo na ba ang tatay mo?" tanong ng manager. "Madalas niyang sabihin sa akin kung gaano ka niya kamahal. Sinabi pa niya na ang tanging dahilan lang kaya kumikita siya ng maraming pera ay para magastos mo ang lahat.""Talaga?" Kinusot ni Layla ang malaki at matingkad niyang mga mata at nagtanong, "Ano pa ang sinabi niya?""Hindi gaanong sinasabi ng tatay mo, pero tuwing nagkwekwento siya tungkol sayo, talagang nasasabik siya. Lagi niyang sinasabi na pinakamamahal niya ang anak niya."Nakaramdam si Layla ng bukol sa kanyang lalamunan."Gusto mo bang tawagan ang tatay mo? Sigurado akong matutuwa talaga siya kung tatawagan mo siya," sabi ng manager. "Kailangang alagaan ng nanay mo ang kapatid mo, pero sigurado ako
"Avery Tate?" Isang boses ng babae ang bumungad sa speakers.Natigilan si Layla ng hindi niya inaasahan na may babaeng sasagot sa telepono."Bagong asawa kaya ito ni Daddy?" naisip ni Layla."Sino ka?" Galit na galit na tanong ni Layla .Natigilan si Ruby. Akala niya ay galing kay Avery ang tawag, at hindi niya inaasahan na marinig ang boses ng isang batang babae."Baka ito ang anak nina Avery at Elliot, Layla Tate?" naisip ni Ruby.Mabilis na inayos ni Ruby ang sarili at sinabing, "Ikaw si Layla, di ba? Asawa ako ng papa mo. Ruby Gould ang pangalan ko. Hindi ako sigurado kung nabanggit na ako sa iyo ng mama mo."Nang mapatunayang tama ang kanyang hula, nagsalubong ang mga kilay ni Layla at nagdilim ang kanyang ekspresyon. "Ang tinatawagan ko ay ang dad ko, hindi ikaw! Bakit mo sinasagot ang tawag?!" sigaw ni Layla habang nawawalan ng kontrol sa sarili.Narinig ni Avery ang sigaw ni Layla at nagmamadaling lumapit habang si Robert ay nasa kanyang mga bisig.Napansin ni Ruby na
Walang maglalakas-loob na hawakan ang kanyang telepono nang walang pahintulot niya. Ang isa pang paliwanag ay pinilit siyang ibigay ang kanyang telepono."Avery, ang tanging dahilan kung bakit ipinagpilitan ni Elliot na bumalik ka sa Aryadelle ay dahil ayaw niyang maapektuhan mo ang buhay namin. Hindi siya nag-aalala sa kaligtasan mo. Pagkaalis mo, nangako siya sa akin na mananatili siya sa akin at sa anak namin. . Sinabi niya sa akin na hinding hindi niya kami iiwan. Pakiusap wag mo nang guluhin ang buhay namin simula ngayon. Kung sustento ang gusto mo, makukuha mo sa akin. Kaya kong bayaran ka kahit magkano ang gusto mo, kaya huwag mo nang pakialaman si Elliot. Wala na! Ayaw ka niyang kausapin." Nagsimulang maging tunog na naiinip si Ruby."Ibigay mo sa kanya ang telepono! Kung siya mismo ang magsasabi niyan sa akin, ipinapangako ko na hinding-hindi ko na kayo guguluhing dalawa kahit kailan!" bulalas ni Avery."Pasensya na, pero hindi na siya pwede makipag-usap sayo. Inutusan ko s