Kitang kita ni Avery na hindi okay si Elliot.“Nandun ang inpatient unit, tara.” sabi ng bodyguard na si Aaron. Napansin niyang napaka tahimik at hindi sila umiimik.Pumunta na silang tatlo sa inpatient unit at sinabi ni Avery kay Elliot na pagbayarin ng hospital bill ang bodyguard pag dating nila sa neurology department.Kinuha ni Elliot ang card niya at binigay sa bodyguard. Pag alis nito, pumasok sila sa doctor’s office.May dalawang doktor sa opisina at gulat na gulat sila nang pumasok si Avery at Elliot sa loob.Dinala ni Avery si Elliot sa cr at sinara ang pinto.“Anong ginagawa mo? Diba sabi ko sayo tumanggi ka? Bakit ka parin pumayag.” naiinis na sabi ni Elliot.“Bakit ko tatanggihan si Gary? Sabi sakin ni Nick na pag patay na si Gray, hindi mo na kailangan tuparin ang pangako mo sakanya.” sabi ni Avery.Nagulat si Elliot sa rason ni Avery. “So anong gagawin mo? Papatayin mo si Gary?”“Bakit hindi? Pwede ko naman gawin na pasikreto. At walang makakaalam na ako yun.” bul
Ipinasuyo ni Elliot si Avery sa isang nurse para dalin ito pabalik ng kwarto niya. Tska siya naghanap ng ibang neurologist.“Mr. Foster, anong nangyari kay Ms. Tate? Anong sakit mayroon siya?” tanong ni Aaron.“Kung curious ka, bakit hindi mo siya tinanong kanina?” sabi ni Elliot.“Hindi ako curious. Nagtatanong lang ako. Magagalit si Paul pag nalaman niyang naghanap ka ng ibang doktor.” sabi ni Aaron.“Kung ganon, edi si Paul na ang bahala humila sakanya pabalik. Tingin mo ba natatakot ako sakanya?” malamig ang tono ni Elliot.“Sa tingin niya, oo. Kahit na manugang ka ni Gary, ampon siya ni Gary.“Edi bakit hindi siya ang pinakasalan ni Ruby?”“Naisip din yan ni Gary. Pero iniwan mo ang lahat ng meron ka sa Aryadelle at pumunta rito.” sabi ni Aaron. Nadadalian siyang kausapin si Elliot kapag silang dalawa lang dahil hindi malaki ang ego nito.“Ah, kasalanan ko pala. Pinakita niya kasi sakin yung mga unggoy sa zoo at na-touch ako sa istorya nila.” sabi ni Elliot.“Hahahaha! Na
“Pag tapos ng operasyon niya, pwede na tayong umalis.” sabi ni Jed.Dahil siguradong sigurado si Jed, na-excite ang bodyguard. “Seryoso ka ba?”“Madalas tama ang kutob ko.”“Nakukutuban mo ba kung gano kalaki ang bonus ko pag balik natin?”Walang masabi si Jed. Kinapa niya ang bulsa niya at nagtanong sa bodyguard. “May yosi ka pa ba? Tara, yosi tayo.”“Diba sabi ni Ms. Tate wag papasukin ang mga tauhan ni Paul. Mamaya na tayo mag yosi. Diba sabi mo ayaw mo nang nag yoyosi.” Inabot ng bodyguard ang isang kaha kay Jed. At naglabas siya ng isa pa para amuyin.Napaka boring dito. Kaya kailangan ng yosi break.“Oo. Di lang pinapalipas ang oras, pinapaganda din pakiramdam mo. Pero, sinisira ang katawan mo.”“Yun din nasa isip ko noon. Pero naisip ko rin, walang kasiguraduhan sa mangyayari bukas. Pwede tayo mamatay sa aksidente.”Pagkatapos ng checkup ni Gary, dinala na siya sa inpatient unit.Nagalit siya nang makita niyang wala si Avery don. Kahit na pinaliwanag na ni Aaron ang na
Tinanong agad ni Avery si Elliot para wala na itong masabi. [Bakit mo ko hinahanap? Nasa room V03 ako. Kung gusto mo kong makita, punta ka nalang dito.]Alam ni Avery na palusot lang ni Elliot yon.Tinignan niya ang oras. Alam niyang tapos na si Gary sa mga checkup niya at nakarating na sa inpatient unit.Siguradong mahirap kalabanin ang kanang kamay ni Gary. Kahit na ampon lang siya ni Gary, hindi mababa ang posisyon niya. Kung hindi, hindi siya magyayabang kay Elliot.Nag reply na si Elliot sa kanya pag tapos ng ilang minuto. [May nagsabi sakin na nasa neurosurgery department ka daw. Gusto kong malaman bakit ka nag sinungaling sakin.]Inasar siya ni Avery. [Kung wala kang paki sakin, bakit concern ka na nag sinungaling ako?]Hindi makasagot si Elliot dahil sa pagka pranka niya.Wala siyang naaalala sa buhay nila noon. Ang alam lang niya ang mga bagay na kinwento sakanya. Pero kahit na ganon, nakakapaapekto parin si Avery sa kanya.Palagi niyang pinag iisipan mabuti ang mga ba
Pumunta si Elliot sa kwarto ng doktor. Tinanong niya ito tungkol sa kundisyon ni Gary. Pagakatapos ay pumunta ito sa malapit na elevator. Pagkapasok niya ay pinindot nya ang numero ng palapag.Pag bukas ng elevator, sa halip na pumunta sa ward V03, pumunta siya sa opisina ng neurosurgeon.Nagulat ang doktor pagkakita kay Elliot.Umupo siya sa tapat ng doktor at sabi, “Gusto ko malaman ang lagay ni Avery.”“Doctor-patient confidentiality ang pinag uusapan dito. Wala akong masasabi sa ‘yo.” Kinakabahan ang doktor dahil kay Elliot. “Siya na lang ang kausapin mo.”“Sabi niya minor operation lang. Gusto kong malaman kung minor nga ba o hindi.”Pinagbigyan ng doktor si Elliot. Wala siyang tiwala sa doktor sa Ylore, at ang mag-oopera saknya ay doktor galing Bridgedale. Minor or major ba sayo ito?”Napakunot noo si Elliot, tumayo at pupuntahan na sana si Avery nang sabi ng doktor, “Minor operation lang ito para kay Miss Tate, hindi siya nagsisinungaling sayo.”Umupo si Elliot at
Pagkarinig niya sa sinabi ng bodyguard, humakbang na si Elliot papunta sa ward V03.Hindi na siya kumatok. Pumasok na siya agad sa kwarto. Nakasindi ang ilaw, nakahiga si Avery sa kama. Nakapikit ang mata pero hindi pa siya tulog.Dumilat agad si Avery ng makarinig ng ingay.Akala niya ay bodyguard niya ang dumating kaya nagulat siya ng makita si Elliot sa kwarto.Bumangon agad si Avery pagkakita kay Elliot.“Humiga ka lang.” Lumapit siya sa kama at tinitigan si Avery. “May tumor ka sa utak?”Napahiga si Avery ng marinig nya ang tanong nito. Nag-init ang katawan niya at hindi mapakali. “Nagtanong tanong ka ba sa mga doktor?”“Sinabi sakin ng bodyguard mo. Bakit hindi mo alagaan yung sarili mo alam mong may sakit ka? Makakaalala din ako pagdating ng panahon.” Umupo si Elliot sa upuan.“Nag-aalala lang ako na ma-inlove ka kay Ruby, masanay sa buhay dito at hindi na bumalik sa Aryadelle,” nag-aalalang sabi nya. “Hindi naman malala ang sakit ko. Walang masama kung hindi m
"Oh... kaya pinakasalan mo si Ruby para sa mga ari- arian ng mga Goulds.""Hindi naman sa lehitimong nakuha sila ni Gary." Siya ay nanunuya at sinabi, "Narito, ang panuntunan ng laro ay kumain o kainin.""Gusto mo ba talaga ang ganitong buhay, Elliot?" Kinasusuklaman niya ang buhay na inilarawan nito sa kanya, at gusto niyang malaman nito kung gaano ito kakila- kilabot na buhay. "Ngayong patay na si Christopher, lahat ng mayroon si Gary ay magiging iyo sa hinaharap basta't maganda ang buhay mo kasama si Ruby.""Hindi ganoon ang pananaw ni Gary," aniya. "Pinipilit niya akong magkaroon ng anak kay Ruby para ipaubaya niya ang lahat sa batang iyon. Kailangang kunin ng batang iyon ang apelyido ng Gould."Hindi napigilan ni Avery na matawa. "Pero ang mga anak natin ang kumukuha ng apelyido ko.""Iba ang sitwasyon. Ang isa ay boluntaryo habang ang isa ay napipilitan.""Kaya mo bang talikuran ang kasalukuyan mong mga plano alang-alang sa akin at sa ating mga anak?" Saglit niyang pinag-i
"Maling ward ka ba napasok?" tanong ni Avery.Alas- siyete na ng umaga, at kagigising niya lang." Hindi. Nagpunta ako dito partikular para makita ka." Inilagay ni Ruby ang lalagyan sa bedside table. "Nabalitaan ko na nandito ka rin sa ospital, kaya pinakiusapan ko ang aking yaya na maghanda din ng almusal para sa iyo.""Bakit mo gagawin iyon?""Dahil ikaw ang babaeng gusto ni Elliot. Ginawa ko ito dahil gusto kong ipakita sayo na hindi ako nagseselos sayo. Wala na sa akin na gusto pa rin niya itong relasyon kasama ka. Ikaw at ako ay pwede pa ring magsama nang mapayapa basta't hindi niya ako pababayaan at patuloy akong kilalanin bilang asawa niya," bukas- puso na sabi ni Ruby.Pinag- aralan ni Avery ang ekspresyon ng mukha ni Ruby at napagtanto niyang hindi siya kumikilos." Hindi ko sinasabi ang parehong para sa aking sarili, bagaman. Nakilala ko si Elliot sa loob ng halos sampung taon, at ang relasyon ko sa kanya ay mas malalim kaysa sa pagmamahal. At saka, hindi ko matanggap a