Si Jed ay lumakad palabas ng ward pagkatapos.Saktong paglabas niya, nakita niya si Elliot na nakatayo hindi kalayuan sa kanya.Nakasandal si Elliot sa bintana at humihithit ng sigarilyo.Sa gulat ni Jed, nakabalik na si Elliot sa ospital.Gayunpaman, hindi siya pumasok sa ward ni Ruby.Lumapit si Jed kay Elliot at nakita niya ang maraming upos ng sigarilyo sa basurahan sa harap ni Elliot."Ligtas na ba si Avery ngayon?" tanong ni Jed."Oo. Nakita kong nakatulog ka kaya hindi na kita ginising." Itinapon ni Elliot ang sigarilyong hawak niya sa basurahan, "Maaari ka ng umalis.""Paalis na sa ako. Nga pala nagising na siya. Dapat ay puntahan mo siya."Kinagat ni Elliot ang kanyang mga labi at naglakad pabalik sa ward ni Ruby habang si Jed ay tumungo sa elevator.Sa hindi malamang dahilan, nakakatakot si Elliot sa mga mata ni Jed.Bagama't mukhang kalmado si Elliot sa labas, naramdaman ni Jed na may paparating na bagyo nang tumingin siya sa mga mata ni Elliot.Para kay Jed, si
"Siya lang ang nakakaalam," napalingon si Avery.Pakiramdam niya ay naalala na siya ni Elliot, ngunit hindi siya sigurado hangga't hindi ito sinabi ni Elliot sa kanya ng personal.Para sa kanya, baka nailigtas siya ni Elliot kagabi dahil sa intimate affair nila sa yate."Ano ang iyong susunod na hakbang?" tanong ni Ben, "Kailangan mo ba ng tulong ko? Nakalimutan ka niya pero hindi ako.""Na-contact ka na ba niya?" Curious na tanong ni Avery."Hindi," napahiya si Ben, "Nakatanggap ako ng tawag mula sa isang hindi kilalang numero na tumatawag mula sa Ylore hindi katagalan kanina at hindi ko ito sinagot. Gayunpaman, walang sumasagot nang tumawag ako pabalik.""Alam ko ang numero niya sa Ylore," ani ni Avery, "ipakita mo sakin.""Okay," hinanap ni Ben ang hindi kilalang numero na hindi niya na-save sa call log.Bumilis ang tibok ng puso ni Avery nang marinig ang numero mula kay Ben, "Ben, siya nga! Ginagamit niya ang numerong ito sa Ylore!""Sinasabi ko na nga ba! Nakalimutan ka l
Bumisita si Gary kay Ruby pagkatapos niyang mag-almusal.Mukha siyang na-refresh noong araw na iyon.Pakiramdam niya ay sulit ang lahat dahil nasa tabi niya si Elliot."Dad, gusto kong umuwi para makapagpahinga," cute na sabi ni Ruby, "Ayokong mahirapan si Elliot kasama ako sa ospital.""Okay. Magpapadala ako ng mga paramedics sa bahay para alagaan ka.""Salamat, Dad." Ngumiti si Ruby, pero bakas sa mga mata niya ang pag-aalala, "Dad, asan si kuya? Pinarusahan mo ba?""Hindi ba dapat? Kakasal mo lang kay Elliot at gusto na niyang patayin si Elliot...""Nagiging impulsive si kuya. Dad, pwede mo siyang kausapin perohuwag mo siyang parusahan. Ayokong maging magkaaway sila ni Elliot. Mabibiyak ang aking puso kapag nangyari iyon," pakiusap ni Ruby."Ang tanga kong anak! Wag kang mag-alala diyan!" sabi ni Gary sabay pahiwatig kay Elliot na may kakaibang tingin.Pagkalabas nilang dalawa sa ward, tinapik ni Gary ang balikat ni Elliot."Nagbigay ako ng parusa sa iyo kagabi dahil nag-
Nakita ni Hayden ang kanyang mukha at nagmamadaling pumunta sa isa pang elevator sa pamamagitan ng reflex.Lumabas si Elliot sa elevator kasama ang kanyang mga kasama at humakbang patungo sa entrance ng hotel.Tila hindi niya napansin si Hayden, o marahil ay napansin niya ang bata ngunit hindi niya namalayan na anak niya pala si Hayden.Sa kabuuan, hindi napansin ang kanilang pagtatagpo.Pagkaalis ni Elliot, ang pinto ng elevator bago kay Hayden ay bumukas. Matapos mag-alinlangan ng ilang sandali, nagpasya si Hayden na mag-check out sa hotel.Para makabangga niya si Elliot ngayon, ibig sabihin ay may mga pagkakataong mababangga niya ulit ang lalaking iyon. Ang hotel na tinutuluyan ni Hayden ay ang pinakamagandang hotel sa buong Ylore, at nag-book siya ng kuwarto rito dahil mas ligtas ito; gayunpaman, pinapatakbo ni Gary ang hotel na iyon....Pumunta si Elliot sa hotel ngayon dahil gusto ni Gary na siyasatin niya ang lugar.Inilaan ni Gary na ipasa ang lahat ng kanyang mga nego
May iba pa siyang gagawin at hindi na siya maaaring manatili pa sa hotel, ngunit naniniwala siya na kapag dumating na si Avery, mahahanap niya si Hayden. Pag nagawa niya na iyon, pwede niya ng ilayo saYlore si Hayden.Binaba ni Avery ang tawag at napansin ni Jed kung gaano siya kaputla. "Anong nangyari? Para kang nauubusan ng hangin.""Jed, may biglaan lang na kailangan asikasuhin. Kailangan ko ng umalis ngayon na!" Nag-aalalang sabi ni Avery. Hindi siya nag-aksaya ng sandali na ipaliwanag ang mga bagay-bagay sa kanya. "Ipapaliwanag ko sayo mamaya!"Pagkatapos, tumakbo siya papuntang elevator.Pagkagalaw niya ay agad siyang sinundan ng bodyguard niya.Mula nang mangyari ang kidnapping incident, hindi na umaalis sa tabi niya ang bodyguard niya. Nang nasa elevator na sila, tinanong niya, "Anong nangyari?""Kanina lang ako tinawagan ni Elliot. Nakita daw niya si Hayden!" Kinakabahang sabi ni Avery at biglang may naalala.Binuksan niya ang contact list sa kanyang phone at nakita ang
Sinagot niya ang tawag ngunit hindi niya nagawang i-compose ang sarili sa oras. "Elliot, hindi ko mahanap si Hayden. Tinanong ko ang hotel at ang sabi ng receptionist ay hindi siya nagchecked in sa hotel."Nakaramdam siya ng bukol sa kanyang lalamunan habang nagbabadyang bumagsak ang mga luha. Hindi siya mag-aalala kung si Hayden ay nag-iisa sa ibang bansa."Sigurado ka bang nakita mo siya dito?" tanong niya sa mahinang boses."Oo," sabi niya na may katiyakan."Hindi mo naman nakakalimutan si Hayden diba?" tanong niya, "Hindi mo rin nakakalimutan si Layla o si Robert..."Bumigat ang hinga ni Elliot. "Sigurado akong nasa Ylore siya. Dapat ay hinahanap mo siya, hindi yung tinatanong mo ako ng mga walang kwentang tanong.""Hindi ko siya mahanap!" Nangilid ang mga luha sa kanyang mukha. "Hindi ko din alam kung saan ako mag-uumpisang hanapin siya. Ayaw niyang sagutin ang kanyang telepono! Kaya kung hindi niya ako kokontakin, walang paraan para mahanap ko siya."Si Hayden ay hindi na
Marahil ay hindi siya dapat naging sobrang pesimista. Kung hindi niya ito mahanap, magiging mahirap din para sa mga Goulds na mahanap siya.Pagkatapos ng tanghalian, bumalik siya sa kanyang kwarto. Hindi pa siya kinokontak ni Hayden.Kinuha niya ang mga diagram ng CT scan at ininspeksyong mabuti ang mga ito. Napansin niyang lumaki ang tumor sa utak niya.Hindi kataka-taka na parang wasak si Jed. Kung hindi niya sinabi sa kanya na nawawala si Hayden sa Ylore, pinilit siguro nitong i-schedule siya para sa operasyon.Alas tres ng hapon, umuwi si Elliot pagkatapos ng tanghalian.Naka-ilang inumin siya noong tanghalian dahil nag-imbita si Gary ng ilang kliyente niya sa tanghalian at hindi maiwasan ni Elliot na makipag-inuman sa kanila.Dumiretso siya sa kwarto pagkarating niya sa bahay. Medyo nahihilo na siya, at kailangan niya ng pahinga para magkaroon siya ng lakas para hanapin si Hayden nang gabing iyon.Nang itulak niya ang pinto at nakita niya si Ruby na nakahiga sa kama, natigi
Sa De Ligt Hotel, hindi tumuloy si Elliot sa reception para magtanong tungkol kay Hayden. Ginawa ito ni Avery, at kung sinabi ng receptionist na walang impormasyon, kung gayon ito ay dapat na totoo.Maaaring dumating si Hayden sa Ylore na may pekeng pagkakakilanlan, o nag-check out siya mula sa hotel nang makita niya si Elliot.Kailangang alamin ni Elliot kung nakapunta nga ba si Hayden sa hotel na ito, at dumiretso siya sa guard room. Doon siya humingi ng surveillance footage ngayong umaga."Ano ang hitsura ng tao, Mr. Foster? Matutulungan kitang hanapin siya.""Bata, pero medyo matangkad. Ako mismo ang makakahanap sa kanya." Umupo si Elliot sa upuan at ginalaw ang mouse para simulan ang pagsasaayos ng oras ng footage.Kailangan lang niyang tingnan kung nag-check in si Hayden sa counter at suriin ang surveillance sa loob ng mga elevator kung nakapasok ba siya dito para matukoy kung totoong nag-check in si Hayden sa De Ligt Hotel.Isinalaysay ni Elliot ang oras nang mabangga niya