Gusto niyang sabihin sa kanya na siya ay maayos, ngunit ang dugo sa kanyang bibig ay nagpahinto sa kanyang magsalita.Ang kanyang bodyguard ay naglalakad pabalik-balik nang walang tigil. "Miss. Tate, hayaan mo akong dalhin ka sa ospital, okay? O dapat ba akong tumawag ng isang ambulansya?" Inilipat niya ang ilang piraso ng papel ng tisyu sa kanyang mga kamay sa gitna ng gulat at sinabi, "Bakit hindi kita kuhaan ng tubig?""Huwag mag-panic." Pinahid ni Avery ang dugo sa sulok ng kanyang bibig at huminga nang malalim. "Dapat nandito ang kaibigan ko. Kapag nandito siya...""Siya, ulit?! Nais mo bang hintayin siya ulit? Sa oras na makarating siya rito, malamang patay ka na!" Gustong gusto ng bodyguard na ipadala siya sa ospital. "Literal kang umuubo ng dugo. Hindi ka na makapaghintay!"Umupo si Avery sa upuan upang kalmahin ang sarili. "Para pagalingin ako, kakailanganin kong dumaan sa isang kirurhiko na pamamaraan upang maubos ang dugo sa loob ng aking bungo. Siguro inuubo ko lang lah
Gayunpaman, ng makita niya kung gaano ito kaputla, pumayag na siya dahil ayaw niyang basta basta ito pumapasok ng walang pahintulot.Sa Aryadelle, nagmaneho si Ben papunta sa Starry River Villa. Pakiramdam niya ay nalula siya at hindi siya sigurado kung paano niya haharapin si Lilith, ngunit kung siya nga ang babae nung gabi na yun sa hotel at nabuntis siya dahil don, kailangan niyang panagutan ang responsibilidad niya dito at sa batang dinadala nito.Kailangan niyang bayaran ang mga gastusin nila kahit ayaw niya itong pakasalan.Lumabas si Ben sa kanyang kotse at dumiretso siya sa harapan ng porch para magpalit ng sapatos.Kumakain si Lilith ng prutas sa salas at biglaan siyang natigilan ng mamataan niya si Ben na nagpapalit ng pambahay na tsinelas sa harapan ng pinto.‘Anong ginagawa niya rito? Siguradong hindi dahil hinahanap niya ako,’ naisip niya, ‘ kung iyun ang kaso, dapat ay bumalik na lang ako sa kwarto kung hindi ay baka hindi ko mapigilan ang sarili kong makipagtalo s
Nangyari naman na nasa bahay si Gary.Nang dumating ang mga kasamahan niya para ipaalam ang pagdating ng bodyguard ni Avery, naintriga si Gary at pinayagan niya itong pumasok.Hindi inaasahan ng bodyguard ni Avery na ganon siya kabilis makakapasok kaya nag-alala siya ng kaunti; pero wala ng makapagbabago sa nangyayari, kaya umaasa na lang siya na makatutulong ito kay Avery para makausap nito si Elliot.Pagkatapos ng security check, ang mga punyal at iba pang mga armas na nasa bodyguard ay inalis sa kanya. Bagaman ay pinagsisisihan niya ito, hindi niya hinayaang mabasa ito sa mukha niya. Pagkatapos niyang magsilbi kay Avery sa loob ng mahabang panahon, naimpluwensyahan siya ng mga katangian nito at nakasanayang gawin.Noong dumating siya sa salas at nakita si Gary, agad agad siyang magalang na bumati kay Gary.” Hello, Mr. Gould.”“Tawagin mo akong boss.” May kakaibang kagustuhan si Gary sa kung paano siya tatawagin ng mga tao."Hello, Boss. Ako ang bodyguard ni Avery Tate. Pumun
Kaya medyo pakiramdam nila ay nagkakahiyaan sila nung sila ay magkita sa airport.“Ilang taon na ang nakalipas at hindi pa din kumukupas ang iyong kagandahan,” ang sabi ni Jed. “Pero mukha kang medyo may sakit. May iba ka pang sintomas na nakita bukod sa pananakit ng ulo?”Umiling si Avery. “Wala pa naman.”“Bakit ka nagmamadali? Kararating mo lang. Hayaan mo akong ilibre ka ng kahit ano! At saka, May bagay ako na dapat gawin ngayon, kaya ipagpabukas na lang natin ang pagpunta sa ospital…”“Avery, tigilan mo na yang paglalaro mo sa sarili mong buhay.” Tinignan siya ng mabuti ni Jed. “Alam ba ni Wesley na may sakit ka? Hindi niya alam, hindi ba? Kapag hindi ka nakinig sa akin, tatawagan ko siya ngayon na.”Itinaas ni Avery ang kanyang kamay para aminin na natalo na siya. “Tara na at magmadali na tayo papuntang ospital kung ganun!”“Doktor ka din, isa sa pinakamagaling na doktor sa buong mundo, dahil don, hindi mo ba talaga alam kung gaano kalala ang kondisyon mo? Sabi mo hindi ka
Nagsalita ang demonyo.Huminto ang taxi sa harapan ng kanilang bakuran at lumabas ang kanyang bodyguard, bago nito tulungan si Avery na lumabas sa sasakyan.Nailawan ng mga nakakabulag na ilawang makukulay na kasuotan ng mga bisita at agad na namataan ni Avery si Elliot sa karamihan ng tao.Nakasuot siya ng itim, may hawak na baso ng alak sa isang kamay habang nakalagay naman ang isa pang braso sa paligid ng isang babae na nakaputing damit, na nakasandal sa kanya na mayroong masiyahing ngiti.Ang dalawa ay napakagandang pares kaya nagmukhang itinadhana talaga sila para sa isa’t isa.Sinundan ng bodyguard ang kanyang mga tingin at nakilala niya si Elliot. Nilinis niya ang kanyang lalamunan at sinabing, “Bakit hindi na lang tayo umalis dito Miss.Tate? Ang pagpunta natin dito ay malamang na naghahanap lang tayo ng gulo para sa ating mga sarili. Mukha namang kuntento na siya sa bago niyang asawa!”Pagkasabing pagkasabi niya ng mga salita, nagsimula agad si Avery na pumunta sa bakur
Naisip niyang mali lang ang narinig niya. Ang sabi niya ay kukuhanin niya lahat ng nawala sa kanya; hindi kaya ang Sterling group ang tinutukoy niya?“Kung iyon ang kaso, Elliot, linawin natin ang mga bagay tungkol satin ngayong gabi!” Hinatak niya uli ang braso nito. “Kailangan kitang makausap ng tayo lang dahil pribadong usapan ito!”At dahil don, hinatak niya ito papalayo sa maraming tao.Huminto ang dalawa sa likod ng bakuran at tinignan siya ni Avery ng may namumugtong mga mata, bago magsimulang magpaliwanag, “Sinabi ko kay Henry na susubukan kong ilipat ang mga shares mo kay Adrian, dahil nakita ko si Shea. Ang kidney ni Shea ay malapit ng bumigay at kailangan niya ng transplant. Tanging kidney lamang ni Adrian ang nagmatch ngunit itinago nila si Adrian at hindi ko siya mahanap kahit ano ang gawin ko. Kritikal ang kondisyon ni Shea ng mga oras na iyun at kaya lang ako nakipag ayos para maligtas siya. Hindi ko sinabi sayo ang tungkol dito dahil baka kung ano ang gawin mo at ma
Tumingin si Elliot kay Avery, na nahulog sa lupa.Ang mapagmataas niya at aroganteng tingin ang nagpaalala sa kanya kung paano sila unang nagkita noong nakalipas na mga taon.Noon, kakagising niya lamang noon pagkatapos maging lantang gulay. Malamig siya at walang puso sa kahit sino, parang katulad sa kung ano siya kanina. Bakit siya ganun? Trinato siya nito na parang hindi kakilala.No. He did not treat her like a stranger. He treated her as if she was the enemy. He thought that all his loss was due to her. He said he wanted her to pay the painful price.Hindi. Hindi siya trinato niyo na parang hindi kakilala, trinato siya nito na parang siya ang kalaban. Napaisip tuloy siya bigla kung paano siya nito pagbabayarin!Binawi niya ang kanyang malamig na tingin dito at umalis na siya. Ng daanan niya ito, may dala din siyang kakaibang ihip ng hangin!Para siyang sinampal ng simoy ng hangin sa mukha! Para siyang nasusunog sa hapdi nito.Masakit na naisip ni Avery na kung mamatay
Gayunpaman, talagang nagbago siya! Siya ay naging malayo at walang awa. Ito ay walang kabuluhang pakikipag-usap sa kanya. Tumanggi rin siyang magsalita tungkol sa nakaraan.Parang may malaking batong dumidiin sa puso niya. Mabigat at masakit. Marahil, ang pagbitaw lang ang tanging pagpipilian.Kinaumagahan, nagpasya si Avery na sundan si Jed Hutchinson sa Bridgedale upang sumailalim sa operasyon.Hindi naman sa Bridgedale lang kaya gawin ang operasyon. Kundi dahil wala naman ng katuturan para manatili pa siya sa Ylore.Nagpasya si Elliot na magpaalam sa nakaraan at magsimula ng bagong buhay. Ang pananatili ni Avery rito ay makakahadlang lamang sa kanyang mga plano.Nang nag-iimpake na siya, tulala niyang hawak ang itim na notebook. Ito ay kay Elliot. Dapat niyang ibalik ito sa kanya."Mukhang kamangha-mangha ang pagbura ng alaala! Hindi na naaalala ni Elliot Foster ang kanyang dating asawa! Nabalitaan kong hinanap siya kagabi ng kanyang dating asawa, ngunit tinulak niya ito sa l