"Kung hindi natatakot si Avery, bakit ako matatakot?" Bawi ni Chad. "Sa tingin niyo ba tanga si Avery?""Baka iniisip niyo na walang mali sa kanya, pero hindi rin ganoon ang nararamdaman ng ibang tao. Nag-aalala ako na baka maapektuhan ang mga anak nila rito," nag-aalang sabi ni Mike. "Magiging mabuti kung ipapaliwanag ni Elliot ang motibo niya sa likod ng pagpatay niya noon.""Hindi magbibigay ng paliwanag si Mr. Foster," siguradong sabi ni Chad. "Ayaw niyang ipaliwanag ang sarili niya sa iba. Gayunpaman, naniniwala ako na may magandang rason siya sa paggawa ng ganoong kalalang bagay. Baka self-defense.""Alam kong hindi gusto ng boss mong ipaliwanag ang sarili niya. Kung hindi niya bibigyan ng eksplanasyon si Avery, kung ganoon ano na lang ang mga posibilidad na mabibigay niya sa ibang tao? Si Avery ang naghahawak sa init ng ulo niya! Sobrang mayabang siya. Sa wakas naturuan siya ng leksyon ngayon!""Sinusubukan mo bang sipain ang lalaki habang wala siyang laban? Kung nasa mali s
Nasa bungad ng resort sina Mike at Chad. Hindi nila minaliit ang pagtitiyaga ni Nathan.Ang ibang tao ay maaring umalis pagkatapos mo silang habulin. Sa iba, gayunpaman, ay hindi aalis kahit na gaano mong subukan na takutin sila. Nagtago si Nathan sa mga tao sa halos buong buhay niya, kaya astig siya sa mga nakakaalam kung paano gumawa ng eksena. Tinapon niya ang kanyang sarili sa lupa at sumigaw sa abot ng kanyang makakaya. Hindi dinapo ng mga bodyguard kahit isang daliri sa kanya. Hindi nila sinubukang hawakan siya na parang alam nila ang kapalit kung gagawin man nila. Unang una sa lahat, inako ng lalaki na ito na siya ang tunay na tatay ni Elliot. Pangalawa, ang ungkatin ang mga bagay ngayon ang nakakakuha ng atensyon sa mga kalapit na residente at nakakaapekto sa kasal. Nang dumalo si Elliot at nakita si Nathan na naglulumpasay sa lupa, kumulo ang dugo niya at nangngalaiti siya!Ang pagtatalo nila ni Henry sa umaga ang umubos sa pasensya niya at malamig na tumalikod s
Halos hindi matapos ni Chad ang sasabihin niya nang galit na galit na sumali si Nathan at sumigaw, "Elliot Foster! Lintik na bata ka! Hinawakan mo ako nang hindi mo pa alam kung bakit ako pumunta rito! G*go ka! Dali at bugbugin mo si Henry Foster kung may tapang ka! Ginagawa mo lang 'to dahil alam mong ako ang tunay mong ama at walang gagawin para saktan ka..."Nandiri si Elliot nang makita ang gumagalaw na labi ni Nathan.Ang mga salitang sinasabi niya ang nagpawaksi pa sa kanya lalo!Kung hindi papabalikin ni Nathan si Adrian sa Aryadelle para kumuha ng pera sa kanya, walang ganitong mangyayari.Mag-isang ginawa ni Nathan ang buong trahedya, pero may lakas ng loob siyang magpakita at gumawa ng gulo. "Padalos dalos si tanga!" isip ni Elliot. Kailangan siyang turuan ni Elliot ng leksyon ngayon kahit na makansela ang kasal niya para lang hindi niya subukang umakto ang ganitong kalapastangan ulit!Sa bulwagan ng kasal, narinig ni Avery ang nagmamadaling yapak sa likod niya.Inan
"Mayroong tanghalian sa salu salo, Sir," sabi ni Chad pagkatapos tanungin ang isang miyembro ng staff sa labas ng bulwagan. "Pumunta kaya muna kayo sa salu salo para makakakain muna? Siguradong nandoon rin si Avery ngayon."Kinuha ni Elliot ang kanyang phone sa kanyang bulsa. May basag ang phone screen niya, pero gumagana pa rin ang phone. Nahanap niya ang numero ni Avery at tinipa ito. Agad nasagot ang tawag niya. "Avery.""Elliot."Pareho silang nagsalita sa parehong oras. "Nasaan ka ngayon?""Nasaan ka ngayon?"Sabay na sabi ni Avery at Elliot. Natahimik silang pareho. Pagkatapos ng ilang segundo, sabi ni Avery, "Nasa villa ako. Ikaw?""Pupunta ako sa'yo ngayon.""Sige."Binaba ni Avery ang phone at nakahinga ng maluwag. Base sa tono ni Elliot, parang kumalma na siya.Ito ay tulad ng sinabi ni Tammy. Kapag nakarating na sila ngayon, unti-unting magiging matatag ang kanilang buhay.Mula ngayon, wala nang iba pa na maaaring ipabagsak sila.Naabot ni Elliot ang v
"Wala akong pakialam sa mga sasabihin nila tungkol sa'kin." Hinawakan ni Elliot ang kamay ni Avery, hinila siya sa kanyang mga bisig, at pinahinga ang kanyang baba sa taas ng ulo ni Avery. "Kumain ka na ba?""Oo." Inamoy ni Avery ang amoy ng medisina sa kanya at malungkot na sabi, "Hindi ako kumain sa umaga, kaya sobrang gutom na gutom ako sa tanghalian kaya napakain ako.""Mabuti.""Kumusta si Nathan? Hindi mo naman siya binugbog ng sobra, hindi ba?" hindi mapakali si Avery. Nang nakita ni Elliot si Nathan kanina, nabalot siya ng galit. Nag-aalala si Avery na baka naging sobra siya sa kanya at maging sanhi ng mas malaking gulo. "Hindi ko alam. Siguradong buhay pa siya," napapaos na sabi ni Elliot. "Hindi tayo haharap sa lahat ng mga problemang ito kung hindi dahil sa kanya. Hindi ako magagalit nang ganito kung hindi siya nanatili lang sa Bridgedale at hingan ako ng pera.""Hindi rin siya naging mabuting ama. Huwag ka nang magalit, Elliot. Kahit na anong gawin niya simula nga
Nag-aalala si Avery na baka matakot ng mga pasa ni Elliot sa mukha ang mga bata sa kasal, kaya pinanatili niya muna si Elliot sa villa. Habang nagpapahinga siya, gusto niyang isipin ni Elliot ang lahat ng nangyari ngayon at kung baka mayroong mas mainam na solusyon kung may pagkakataon na maulit ang araw. Sa katotohanan, may muhi ang nararamdaman niya. Medyo responsible siya sa hindi matagumpay na seremonya ng kasal. "Bakit hindi mo siyang hayaang umalis at kitain ang mga bisita, Avery?" tanong ni Ben pagkatapos tumikhim. "Gusto siyang makita ng lahat!""Balot siya ng mga pasa." Dahil sinisisi ni Elliot ang lahat ng sisi sa kanya, nagdesisyon si AVery na hindi na niya kailangang sagipin siya ng dignidad. "Kahit ang pwet niya may pasa."Hindi nakapagsalita si Elliot. Nagulat si Ben at sabi, "Talaga bang may pinsala ka, Elliot? Kung talagang mayroon. kailangan mong magpahinga."Tumayo si Elliot mula sa couch at sabi, "Ayos lang ako.""Sige." Nalilito si Ben.Naglakad si Elliot
"Lagi kong iniisip na lalakarin ko ang buhay nang ako lang mag-isa. Iyon ay hanggang sa makilala kita, Avery Tate. Tinuruan mo ako tungkol sa pagmamahal, pag-ibig, at katapatan. Pinakita mo rin sa akin kung anong pakiramdam na makumpleto. Kumpleto ang buhay ko kapag kasama ka. Hindi ko magagarintiyahan na lahat ng araw nating magkasama ay malumanay ang daloy, pero pangako na gugugulin natin ang bawat araw mula ngayon sa pagmamahal sa'yo ng buong puso ko. tulad ng ginagawa ko ngayon."Umangat ang tingin ni Avery kay Elliot at napatigil nang tahimik. Hindi siya makapaniwala!Ang mga salitang sinabi niya ay talagang iba mula sa panata na sinulat niya kanina."Alam kong iniisip mo kung bakit iba ang panata ko sa sinulat ko kanina." Tiningnan ni Elliot ang nalilito niyang ekspresyon at sabi, "Nakaramdam ako ng pagsisisi na nagdudusa ka sa lahat ng nangyari ngayon, kaya maraming bagay ang gusto kong sabihin sa'yo ngayon."Agad bumalot ang luha sa mga mata ni Avery.Hindi ito isang opisy
Sa oras na nakabalik si Adrian sa kwarto niya pagkatapos kumuha ng tubig, tumalikod si Cole sa kanyang tatay."Pwede nating gamitin si Tito Adrian, Dad," binunyag ni Cole ang plano niya. "Ang malaking kahinaan ni Avery ay malambot ang puso niya."Nakinig si Henry at nag-isip ng ilang segundo, tapos ay sabi, "Paano natin siya gagamitin? Tanga ang tito mo. Wala siyang magagawa!""Hindi natin kailangang may ipagawa sa kanya. Kailangan natin siyang gamitin para takutin si Avery." Pinasingkit ni Cole ang tuso niyang mga mata at sabi, "Namatay si Tita Shea para sagipin ang anak ni Avery. Siguradong sobra ang guilt na nararamdaman niya tungkol dito. Noong nagamot niya ang sakit ni Tito Adrian, hindi niya alam ang tungkol sa tunay niyang pagkakakilanlan. Siguradong ginamot niya ang sakit niya dahil sa guilt na naramdaman niya para kay Tita Shea."Naging mabigat ang ekspresyon ni Henry. "Nakakaramdam siya ng pagsisisi sa tita mo, hindi sa tito mo. Siguradong gagana 'yan kung gagamitin natin