"Wala akong pakialam sa mga sasabihin nila tungkol sa'kin." Hinawakan ni Elliot ang kamay ni Avery, hinila siya sa kanyang mga bisig, at pinahinga ang kanyang baba sa taas ng ulo ni Avery. "Kumain ka na ba?""Oo." Inamoy ni Avery ang amoy ng medisina sa kanya at malungkot na sabi, "Hindi ako kumain sa umaga, kaya sobrang gutom na gutom ako sa tanghalian kaya napakain ako.""Mabuti.""Kumusta si Nathan? Hindi mo naman siya binugbog ng sobra, hindi ba?" hindi mapakali si Avery. Nang nakita ni Elliot si Nathan kanina, nabalot siya ng galit. Nag-aalala si Avery na baka naging sobra siya sa kanya at maging sanhi ng mas malaking gulo. "Hindi ko alam. Siguradong buhay pa siya," napapaos na sabi ni Elliot. "Hindi tayo haharap sa lahat ng mga problemang ito kung hindi dahil sa kanya. Hindi ako magagalit nang ganito kung hindi siya nanatili lang sa Bridgedale at hingan ako ng pera.""Hindi rin siya naging mabuting ama. Huwag ka nang magalit, Elliot. Kahit na anong gawin niya simula nga
Nag-aalala si Avery na baka matakot ng mga pasa ni Elliot sa mukha ang mga bata sa kasal, kaya pinanatili niya muna si Elliot sa villa. Habang nagpapahinga siya, gusto niyang isipin ni Elliot ang lahat ng nangyari ngayon at kung baka mayroong mas mainam na solusyon kung may pagkakataon na maulit ang araw. Sa katotohanan, may muhi ang nararamdaman niya. Medyo responsible siya sa hindi matagumpay na seremonya ng kasal. "Bakit hindi mo siyang hayaang umalis at kitain ang mga bisita, Avery?" tanong ni Ben pagkatapos tumikhim. "Gusto siyang makita ng lahat!""Balot siya ng mga pasa." Dahil sinisisi ni Elliot ang lahat ng sisi sa kanya, nagdesisyon si AVery na hindi na niya kailangang sagipin siya ng dignidad. "Kahit ang pwet niya may pasa."Hindi nakapagsalita si Elliot. Nagulat si Ben at sabi, "Talaga bang may pinsala ka, Elliot? Kung talagang mayroon. kailangan mong magpahinga."Tumayo si Elliot mula sa couch at sabi, "Ayos lang ako.""Sige." Nalilito si Ben.Naglakad si Elliot
"Lagi kong iniisip na lalakarin ko ang buhay nang ako lang mag-isa. Iyon ay hanggang sa makilala kita, Avery Tate. Tinuruan mo ako tungkol sa pagmamahal, pag-ibig, at katapatan. Pinakita mo rin sa akin kung anong pakiramdam na makumpleto. Kumpleto ang buhay ko kapag kasama ka. Hindi ko magagarintiyahan na lahat ng araw nating magkasama ay malumanay ang daloy, pero pangako na gugugulin natin ang bawat araw mula ngayon sa pagmamahal sa'yo ng buong puso ko. tulad ng ginagawa ko ngayon."Umangat ang tingin ni Avery kay Elliot at napatigil nang tahimik. Hindi siya makapaniwala!Ang mga salitang sinabi niya ay talagang iba mula sa panata na sinulat niya kanina."Alam kong iniisip mo kung bakit iba ang panata ko sa sinulat ko kanina." Tiningnan ni Elliot ang nalilito niyang ekspresyon at sabi, "Nakaramdam ako ng pagsisisi na nagdudusa ka sa lahat ng nangyari ngayon, kaya maraming bagay ang gusto kong sabihin sa'yo ngayon."Agad bumalot ang luha sa mga mata ni Avery.Hindi ito isang opisy
Sa oras na nakabalik si Adrian sa kwarto niya pagkatapos kumuha ng tubig, tumalikod si Cole sa kanyang tatay."Pwede nating gamitin si Tito Adrian, Dad," binunyag ni Cole ang plano niya. "Ang malaking kahinaan ni Avery ay malambot ang puso niya."Nakinig si Henry at nag-isip ng ilang segundo, tapos ay sabi, "Paano natin siya gagamitin? Tanga ang tito mo. Wala siyang magagawa!""Hindi natin kailangang may ipagawa sa kanya. Kailangan natin siyang gamitin para takutin si Avery." Pinasingkit ni Cole ang tuso niyang mga mata at sabi, "Namatay si Tita Shea para sagipin ang anak ni Avery. Siguradong sobra ang guilt na nararamdaman niya tungkol dito. Noong nagamot niya ang sakit ni Tito Adrian, hindi niya alam ang tungkol sa tunay niyang pagkakakilanlan. Siguradong ginamot niya ang sakit niya dahil sa guilt na naramdaman niya para kay Tita Shea."Naging mabigat ang ekspresyon ni Henry. "Nakakaramdam siya ng pagsisisi sa tita mo, hindi sa tito mo. Siguradong gagana 'yan kung gagamitin natin
Si Avery ay sobrang napaatras sa pagtatapat ni Elliot ng pagmamahal sa kanya sa gabing iyon.Gayunpaman, nakaramdam din siya ng pasensya na matagal pinaghandaan ni Elliot ay nasira. Kahit na naitawid nila ang kasal sa tanghaling iyon, hindi pa rin maayos ang pakiramdam niya. Sobra na si Henry!Pumili dapat siya ng oras para ibunyag ang mga scandal, pero talagang pinili niyang gawin ito ngayon!"Lagi kong iniisip na karamihan sa mga tao sa buhay ko ay mabubuting tao, pero ang ibang tao talagang pinapakilala sa akin ang mga masasamang tao nang paulit ulit." Tinaas ni Avery ang kanyang baso at lumagok ulit dito. "Ang tinutukoy mo ba ay yung kuya ni Elliot na si Henry?" tanong ni Tammy. "Nakakadiri siyang lalaki, talaga. Kahit na hindi siya biological brother ni Elliot, tinatrato siya ni Elliot nang maayos ng ilang taon! Hindi niya iyon isinaalang alang. Sobrang lupit niya.""Kung buhay pa si Rosalie, siguradong hindi niya papayagan si Henry na umasta ng ganyan.""Tama ka. Huwag
Hindi inaasahan ni Elliot na iisipin ni Avery ang mga bagay na ito sa kanyang kalasingan. Hinaplos niya ang namumulang mukha ni Avery gamit ang kanyang kamay, tapos ay sabi, "Marami ka nang nainom, Avery. Hindi ba masama ang pakiramdam mo?""Masama." Tumitig si Avery kay Elliot na may nangingislap na mga mata. "Hindi maganda ang pakiramdam ko nang nakikitang nasisira ang imahe mo.""Magiging maayos ako pagkatapos ng ilang araw. Sasabihan ko ang butler na magdala ng soup para mahimasmasan ka." Sumakit ang puso ni Elliot habang pinapanood ang nagtatakang ekspresyon ni Avery. "Humiga ka muna sa kama at huwag kang umalis diyan.""Saan ka pupunta?""Tatawagan ko ang butler," sabi ni Elliot habang tinitipa ang numero sa kanyang room's phone. Mabilis na sinagot ng butler ang tawag. Habang sinasabihan ni Elliot ang butler para sa soup, halos hindi niya matapos ang sasabihin niya nang sumigaw si Avery sa isang pasaway na boses, "Gusto ko ng lollipop, Mr. Butler!"Napaatras ang butler
Laking gulat ni Elliot na pinagpawisan ang likod niya. Nakaupo lang siya sa kama at kumakain ng lollipop sa sakit habang nag-s-scroll sa kanyang phone nang may biglang lumabas mula sa likuran niya. Sino ang makakaya ang ganitong uri ng gulat?Dinala niya ang kalahating lollipop kay Avery. "Bakit ang bilis mong nagising?" Nakita niya ang galit sa mga mata ni Avery, tapos ay kumaway, "Nag-aalala ko na baka matunaw, kaya tinulungan na kitang kainin ang iba riyan.""Bakit hindi mo na lang ako ginising?" Kinuha ni Avery ang lollipop at kumagat ng malaki rito. "Sinabi ko sa'yo na mainit ako pero kinain mo pa rin 'to. Bakit hindi ka na lang humingi sa butler para pagdalhan ka ng isa pa?""Huwag kang kumain ng maraming ganyan." Hinawakan ni Elliot ang noo ni Avery. "Nahihilo ka pa rin ba?""Oo!" Ismid ni Avery. "Nakakatulong kapag kumakain ako ng malamig na tulad nito.""Mayroong soup na pwede kang tulungang mahimasmasan. Gusto mo?""Mamaya." Sumulyap si Avery sa insulated container.
Alas onse ng umaga, nagising si Avery sa biglang gutom. Nang nagising siya at nakita ang walang laman na kwarto, medyo nagtaka siya. Masakit ang ulo niya. Sinubukan niyang balikan ang mga pangyayari sa gabing iyon, pero sobrang sakit ng ulo niya na hindi niya maalala kahit katiting na bagay.Bumangon siya sa kama at lumabas ng kwarto. 'Nong nakita niya si Avery, agad na sabi ni Mrs. Cooper, "Gising ka na, Avery? Masakit ba ang ulo mo? Gusto mo ba ng painkillers?"Umiling si Avery. Masakit ang ulo niya, pero kaya niyang tiisin ito."Nasaan si Elliot? Bakit hindi ko siya mahanap?" tanong niya habang sumusulyap sa paligid ng villa.Gayunpaman, hindi siya ganoon nag-aalala tulad 'nong hindi niya makita si Elliot ng kahit saglit kahapon. Tsaka, tapos na ang kasal. Dinagdagan din nila ang seguridad, kaya dapat ay ligtas siya. "Lumabas siya kaninang umaga. Sabi niya na kailangan niyang dumaan sa police station," sabi ni Mrs. Cooper. "Tawagan mo siya kung nag-aalala ka tungkol sa