"Anong ginagawa niyo sa islang ito? Pinilit ka bang manatili dito?" Gusto pang malaman ni Gerald ang mga nangyayari dito.Nagsimulang maghinala si Gerald na pinatay ng mga taga-Soul Palace ang mga magulang ng mga batang ito at inagaw sila papunta dito.“Young Master Gerald, masyado malalim ang iniisip mo. Niligtas namin ang mga batang ito at pinalaki sila!” sabi ng isang matanda na nakatayo sa likod ni Gerald.Nakasuot siya ng itim na damit, ngunit hindi natatakpan ang kanyang mukha.Lumapit siya at maingat na hinaplos ang ulo ng batang babae. "Bata, sa susunod ay huwag kang kakain ng ganitong uri ng pagkain sa susunod, naririnig mo ba ako?"“Oo, Lolo Welson. Gusto mo rin ba ng biskwit?" Tanong ng batang babae."Hindi na. Kainin mo na lang ang mga ito. Huwag mong kalimutan na tapusin ang iyong mga assignments pagkatapos nito. Kung binubully ka ulit ni Hewsky at ng mga lalaki, lumapit ka at sabihin ito sa akin!"“Salamat, Lolo Welson at Kuya. Aalis na ako!" Kinuha ng batang babae
Kakaiba ang naramdaman ni Gerald habang nakatingin sa matandang iyon, nakaramdam siya ng hiya ng maramdaman ang pressure kaya tumingin siya sa ibaba.“Hahaha!” Tumawa ng malakas ang matanda. "Mukhang naiintindihan nga ng apo ko kung ano ang ginawa niyang mali!"“Apo?”Napahinto si Gerald. “Ikaw si...”"Hindi mo na ako binati simula nang pumasok ka dito. Ako ang lolo mo na si Daryl, loko ka!" Tumawa siya habang nakaupo sa isang marble chair."Ikaw ang lolo ko?! Akala.. Akala ko ba nawawala ka?"Wala nang balita si Gerald tungkol sa kanyang lolo't lola mula pa noong bata pa siya, sinabi lang sa kanya ng kanyang ama na mahigit isang dekada nang nawawala ang kanyang lolo.Hinanap na siya ng kanyang pamilya, ngunit walang balita tungkol sa kanya at palaging iniisip ni Gerald na pumanaw na ang kanyang lolo. Hindi niya inaasahan na buhay ang kanyang lolo at siya ang may-ari ng Colonel Island’s Soul Palace!"Parang nagulat ka?" Masayang nakatingin sa kanya si Daryl."Sobra akong nagul
"Mas malakas siya kaysa sayo?" Nagulat si Gerald.Nakangiting si Daryl at tumango. "Hindi mahalaga kung kaibigan o kaaway natin siya, ang mahalaga ay iniligtas ka niya at tinuruan ka ng ilang napakatibay na mga malalakas na basic techniques. Kung hindi dahil sa kanya, hindi kita makikita kaagad!"“Gusto kong magkaroon ka ng matibay na pundasyon para dumaan ka sa mala-impiyernong pagbabago. Karaniwang tumatagal ng tatlong taon para maitayo ang ganitong uri ng pundasyon. Malakas ang pangangatawan mo at sa tulong ng Ginseng King, nasa katawan mo ang lahat ng kailangan mo para makaligtas sa mala-impyernong pagbabagong ito!" sabi ni Daryl."Ang mala-impyernong pagbabago?" Nataranta naman si Gerald sa mga nalaman niya.“Oo. Ito ay isang bagay na nakuha ko mula sa imahe ng araw. Dahil dito, nakakuha ako ng mga kasanayan na hindi magagawa ng mga normal na tao at naging isa ako sa mga legends! Sa totoo lang, mas maganda ang iyong qualifications kaysa sa akin!”“Mga alamat? Narinig ko iyan
May scar sa mukha ang kalbo at makikita na napakabangis nito."Boss Sven, nakabalik ka na sa wakas!" May biglang sumigaw.“Sven! Sven!” Naghiyawan ang lahat. Pinakita nila ang kanilang kagalakan na naipon sa loob ng kalahating taon. Siya ang itinuturing nilang hari. Ang hari ng Heavenly City ay nakabalik na sa wakas.Sino pa ba ito kung hindi si Sven Westmore?"Boss Sven, matagal kang nawala para ipagpatuloy ang iyong pag-aaral sa larangan ng culinary arts, at ngayon, malaki na ang pinagbago ng Heavenly City! Ang kapatid mo..."Ikinaway ni Sven ang kanyang kamay para patahimikin ang lahat. “Alam ko ang lahat ng nangyari. Patay na si Leif, nasakop na ang mga teritoryo namin at wala na ang Ginseng King. Alam ko ang lahat!"“Royal Dragon Group? Talagang iniisip nila na walang Westmore na natitira sa Heavenly City?" Malamig at matalim ang mga mata ni Sven.Kasalukuyan sa Royal Dragon Group."Saan pumunta si boss? Wala pa bang balita?""Ang alam lang namin ay pumunta siya sa norte
Lumipas na ang taglamig sa Colonel Island, ngunit ang buong lugar ay napakalamig pa rin. Kung tutuusin, tatlong magkakasunod na araw na umulan ng snow bago tuluyang tumigil. Dahil dito, ang maginaw na isla ay nababalot ng maputing snow. Sa kabila ng lamig, ilang lalaking nakasuot ng itim na damit ang makikitang nakatayo sa tabi ng pasukan ng isang kuweba sa isla. Ang mga lalaki ay binubuo ng mga taong may matataas na ranggo sa Soul Palace. “Malapit na siyang matapos,” sabi ni Lolo Welson sa ilang lider nang biglang umihip ang malakas na hangin na napupuno ng mga snowflake, unti-unting bumagsak sa mukha ng mga tao. Makalipas ang ilang segundo, maririnig ang malakas na dagundong nang itinulak ang mabigat na pintong bato. Nang lumingon ang lahat para tumingin, nakita nila ang isang matandang lalaki na lumabas sa kweba kasama ang isang binata. “Master! Young master! Binabati ka namin sa iyong pagbalik mula sa iyong pagsasanay!" Sabay-sabay na sumigaw ang lahat ng naroroon na m
Sobrang natakot ang babae nang sumigaw si Gerald kung kaya't ang buong katawan niya ay agad na nanginig na parang tinamaan ito ng kidlat. “O-opo, young master!” awkward na sinabi ng babae nang mabilis siyang lumabas ng kwarto. Tatlong araw ang tinagal ng party sa Soul Palace. Kinaumagahan pagkatapos nito, lahat ng mga tao mula sa Soul Palace ay nagtipon sa pampublikong plaza ng isla. “Matagumpay kang sumailalin sa mala-impyernong transformation, Gerald. Masasabi ko na lumagpas sa expectations ko ang mga naging resulta. Pero kahit na kasalukuyan mong mas kinokontrol ang iyong ugali, hindi pa rin ito matatag. Kung gusto mong maisagawa ang dragon's blessings hanggang umabot ka sa pinakamataas na level nito, kakailanganin mong inumin ang banal na dugo ng holy fox. Kapag nagawa mo na ito, makakatulong ito sa pagkontrol ng iyong ugali. Si Lolo Welson ang aatasan kong mnatili sa tabi mo para tulungan ka sa pagbalik mo doon." "Alam ko ito, lolo. Oo nga pala, kailan ka uuwi para makaga
Ang tinutukoy niya ay walang iba kundi si Gerald. Ang babae na ito ay si Yukie, ang taong nanatili sa tabi ni Gerald nang ilang panahon noong una niyang itinatag ang Royal Dragon Group. Pinagmasdan ni Gerald ang luhaan na babae na tumatakbo palapit sa kanya at naramdaman niya ang matinding kirot sa kanyang puso nang mapagtanto niya ang mga masasamang naranasan ni Yukie. "Sobra ka nang nahirapan, Yukie... Huwag kang matakot dahil nandito na ako!" Sabi ni Gerald habang dinadala ang babae sa isa sa mga helicopter. Mahigpit na hinawakan ni Yukie sa braso si Gerald habang naglalakad sila dahil natatakot siyang humiwalay sa lalaki. Kung tutuusin, matagal niyang hinihintay ang pagbalik ni Gerald. Naghihintay siya mula umaga hanggang madaling-araw simula simula nang umalis si Gerald kalahating taon na ang nakalipas. Gayunpaman, ano nga ba ang kakaibang emosyon na umaangat sa puso niya sa muling pagsasama ni Gerald...? Panandalian na isinantabi ni Yukie ang damdamain na ito, alam niya
Pagkaraan ng ilang oras, unti-unting humihina ang mga iyak na puno ng paghihirap. Pagkatapos nilang gawin iyon, bumalik sa mansyon sina Gerald, Yukie, at ang mga tauhan niya. Pagdating doon, sinabihan ni Gerald si Yukie na humiga at magpahinga muna. Lumingon siya kay Welson at tinanong niya, "So, nasaan si Sven ngayon?" "Ayon sa aming imbestigasyon, nalaman namin na naghanda siya ng isang party sa Heavenly City Hotel. Inimbitahan niya ang ilang big shot mula sa Heavenly City dahil gusto niyang salubungin ng mga taong ito ang kanyang pagbabalik. At saka, nalaman namin na pinahirapan niya sina Drake, Tyson, at Whistler, pero wala pa sa bingit ng kamatayan ang kanilang buhay, sa ngayon." "Mula sa aming mga imbestigasyon, nalaman din namin na pumunta si Sven sa isang bansa sa Southeast Asia kalahating taon ang nakakaraan para palakasin ang kanyang sarili. Dahil doon ay mayroon na siyang top-notch skills sa kanyang arsenal,” sagot ni Welson na may pilit na ngiti. "Naiintindihan ko.