Maririnit ang hinanakit sa boses ng lalaki habang nakaturo siya kay Gerald. “Totoo! Siya ang asawa ko, ang pangalan niya ay Gerald!” sagot ni Juliet habang nakayakap siya kay Gerald. "Gerald, siya si Cavan, kaklase ko sa university!" Ipinakilala ni Juliet si Gerald sa lalaki. "Masaya akong makilala ka!" sabi ni Gerald sabay abot ng kamay bilang pagsunod sa mga etiquette na itinuro sa kanya ni Juliet kanina. "Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isip mo... Kahit na nakipaghiwalay ka sa kanya, marami pang ibang lalaking pwede mong pakasalan maliban sa lalaking ito..." reklamo ni Cavan. Biglang napansin ni Cavan ang babala na titig ni Juliet, kaya hindi na nakapagsalita ang lalaki. Halata na si Cavan ay isa sa mga manliligaw ni Juliet. Ipinaliwanag nito kung bakit hindi niya pinansin ang pakikipagkamay ni Gerald. Hindi lang si Cavan ang tinatrato ng ganoon si Gerald. Marami sa iba pang mga lalaki na kaklase ni Juliet ang nakatingin ng masama sa kanya at ayaw
Si Cavan naman ay hindi maiwasang mapailing habang pilit na nakangiti. Lahat ng tao ay may limitasyon sa kanilang alcohol tolerance at siniguro niya sa kanyang sarili na ipapainom niya si Gerald hanggang sa lumampas malasinh siya. Totoo ang kanyang sinabi na ang pamilya ng kanyang kaklase ay totoong nagmamay-ari ng isang pagawaan ng alak. Sigurado si Cavan na mapapahamak niya si Gerald dahil mapagparaya sa alak ang kanyang kaklase na itinuturing din niya bilang kapatid. Sa katunayan pagkatapos ng check-up, ang kanilang mga katawan ay magkakaroon ng access sa mas maraming alcohol breaking enzymes kumpara sa mga regular na tao! Minsan na niyang nakita ang kanyang kaklase na umiinom ng pitong buong bote ng sobrang high percentage ng alak na pabalik-balik, bago tuluyang maabot ang kanyang limitasyon. Pitong buong bote ng alak! Dahil doon, naramdaman ni Cavan na magdudugo ang tiyan ni Gerald bago pa man malasing ang kanyang mga kaklase. Habang handa na ang lahat ng mga ito, magigi
Pagkatapos sabihin iyon, sumimangot lang si Juliet at sinabi, “…You know what? wala na akong pakialam. Gawin niya na kanh ang kahit anong gusto niya, di ba?" Hinatid na lamang silang dalawa ni Juliet pauwi. Pag-uwi sa kanilang bahay, bumungad agad sa kanila ang isang magandang babae na nakaupo sa sofa. Agad siyang tumayo at tinuro si Gerald nang makita niya ito, “Siya ba si… Gerald? Ano ang karapatan ng isang tulad niya na pumasok sa pamilyang Yowell?” Siyempre, ang babaeng nang-insulto kay Gerald ay walang iba kundi ang ina ni Juliet na nagngangalang Heidi. Naabisuhan si Heidi tungkol sa kasal ng kanyang anak habang nasa ibang bansa pa siya. Nahimatay siya sa sandaling nalaman niyang ikinasal si Juliet sa isang mababang uri ng lalaki! Nang magising siya, agad siyang nag-book ng flight diretso pauwi. Ang lahat ng iyon ay humantong sa kasalukuyang eksena. “Wala kang kinalaman dito. Ang kasal ko sa kanya ay isang personal na bagay na hindi nangangailangan ng atensyon mo!" Gan
Malamig ang mga mata ni Gerald habang nakatitig siya sa lalaki. Gamit ang matalas na tenga, narinig ni Gerald kung paano huminga ang tao mula sa kinatatayuan niya. Base doon, masasabi na ni Gerald na ang taong ito ay isang pambihirang tao. Dahil hindi sumasagot ang pigura, huhulaan na sana ni Gerald ang kanyang susunod na galaw nang biglang may ilang kumikislap na ilaw sa kanyang harapan. Sa isang saglit, apat na iba pang lalaki na may katulad na damit ang tumalon ng wala sa oras at lahat sila ngayon ay nakatayo sa harapan niya! Tulad ng taong hinahabol niya noong una, ang apat na taong may hood ang mga ulo ay may mga kasanayan at kakayahan na mas mahusay kaysa sa kanya. ‘Hindi kaya mga tauhan sila ng pamilyang Moldell?’ naisip ni Gerald sa kanyang sarili. "May dalawang dahilan kung bakit ka namin pinatawag ngayon, Gerald!" anunsyo ng lalaking sinundan ni Gerald doon. Nahulaan ni Gerald na medyo may edad na ang nasa ilalim ng hood base sa kanyang boses. "Sabihin niyo ang ka
Nagpatuloy si Heidi, "Habang wala ako, nakipag-usap ako sa ilang napakalakas na pwersa mula sa iba't ibang bansa. Tulad ng inaasahan, silang lahat ay sabik na sabik na makuha ang ang Ginseng King! Dapat nakita niyo ang mga presyong inaalok nila sa atin para dito!" “Pero di ba sinabi mo na hindi problema ang presyo, mama? Kung tutuusin, prayoridad natin na maibenta ito dahil malaking problema dala ng Ginseng King sa ating pamilya! Marami nang makapangyarihang pwersa ang nagbabantay sa atin dahil dito! Bakit ka pa rin nakikipag-ugnayan sa napakaraming mamimili kaysa tanggalin ito sa kamay natin?" gulat na sinabi ni Tulip. “Pfft! Loka-loka ka talaga... Hindi mo ba nakikita kung ano ang sinusubukan kong makamit? Ang pakikipag-ugnayan sa mas maraming foreign buyers ay magiging kapaki-pakinabang para sa ating pamilya pagdating hinaharap! Kapag nalaman ng mga buyers na may ibang pwersa na nagpaplanong makuha ang Ginseng King, silang lahat ay maglalaban para dito sa huli! Masyadong malakas
“Okay, ma. Pero hindi ba’t hindi kilala ang boss ng Royal Dragon Group? Narinig ko na mabilis siyang naging high-ranking personality sa Heavenly City! Siguro pambihira talaga ang boss na iyon! Isa pa, narinig ko rin na ayaw niyang lumahok sa maraming mga okasyon... Napaisip tuloy ako kung gusto niyang sumali sa event ng ating pamilya sa unang pagkakataon!" Sagot ni Tulip. "Nang bumalik ako sa bansa, marami rin akong nabalitaan tungkol sa Royal Dragon Group na yan. Sinasabi nila na ang Royal Dragon Group ay puno ng napakabangis at malalakas na mga kalalakihan. Sinasabi rin nila na ang boss ng grupo ay isang binata na hindi malinaw ang pinagmulan! May alam ka pa ba tungkol sa kanila, ma?" Tanong ni Juliet na kanina pa rin curious. Kung tutuusin, ang boss ng Royal Dragon Group ay kaedad niya! Interesado rin si Juliet na alamin kung ano talaga ang itsura ng lalaking ito at gayundin kung paano niya nakuha ang kanyang mahusay na skills hanggang sa puntong kusang-loob na sumuko sa kanya a
"Siguro mali ang narinig mo! Imposibleng na maging manugang ko siya!" Agad na sinabi ni Heidi habang sumilip sa anim na binatang Hapones na tahimik na nakatayo sa likod ni Meiko. Makikita sa kanilang mga mukha na wala silang pakialam sa mga nangyayari. Kahit si Gerald ay nakatingin na sa anim na subordinates na dinala ni Meiko. Nararamdaman ang kanilang makapangyarihang aura at masasabi niya na silang anim ay mga master sa kanilang mga sariling kakayahan. Ang babaeng Hapones na ito ay tiyak na hindi isang ordinaryong tao para magkaroon ng napakalakas na mga guwardiya sa kanyang tabi! Samantala, nagsimulang umakyat ang isang malaking grupo ng mga tao sa mountain villa. Habang ang ilan pang makapangyarihang personalidad ay tinatahak din ang daan sa bundok, sila naman ay agad na tumayo sa magkabilang gilid ng kalsada upang bigyan ng daan ang mga taong ito. “Madam! Nandito na ang mga mula sa Royal Dragon Group!" sabi ng butler ni Heidi na nakatayo sa tabi niya. Nang marinig iyon, a
“Kung pwede, gusto kong ipasa mo ang message na ito, kasama ang aking business card, sa Royal Dragon Group... 'Umaasa ang pamilyang Takena na magkaroon ng pagkakataong makipagkita at makasamang kumain si Mr. Crawford-san mula sa Royal Dragon Group. Tinatanggap mo ba ang aking offer?’ Umaasa ako na ipaparating mo sa kanila ang message na ito para sa akin!” paliwanag ni Meiko nang yumuko siya ulit habang iniaabot ang kanyang business card. Matapos kunin ito sa kanya, tiningnan ni Gerald ang kanyang card habang iniisip ang nakakahanga at katalinuhan ng mahinhin na babaeng ito. Gayunpaman, alam ni Gerald na malamang ay may kinalaman ito sa kung gaano kahigpit ang kultura ng Hapon. Gayunpaman, naniniwala pa rin siya na si Meiko ay hindi isang simpleng tao. Lalong nadagdagan ang kanyang hinala dahil hindi niya alam kung ano ang pinagkakaabalahan ng pamilyang Takena. Matapos mag-isip ng sandali, tumango si Gerald at sumagot, “Sige, ipapasa ko sa kanila ang message na ito para sayo, Mi