Sa oras na ito, huminto na rin ang sasakyan sa likod nila at hinarangan ang anumang posibleng ruta na pwede nilang takasan. ‘May mali talaga!’ naisip ni Gerald habang pinagmamasdan ang malaking buhok na lalaki at babae na bumaba sa kanilang sasakyan. “Hoy! Bakit niyo ginawa ito? Ang mga hadlang na ito ay hindi dapat nandito! Magsimula tayo ulit sa umpisa!" sabi Tulip dahil naramdaman niyang niloloko siiya. “Oo naman, Miss Tulip Yowell! Ikaw nga naman ang second lady ng pamilyang Yowell, kung tutuusin... Pwede tayong magsimula muli kahit kailan mo gusto!" sagot ng lalaking malaki ang buhok habang tumatawa ng malakas. “…Ano… Paano mo nalaman ang pangalan ko?” tanong ni Tulip nang mapagtanto niya na may mali. “Hmph! Bumaba ka na sa sasakyan, miss! Huwag mo na kaming galitin pa!" sigaw ng lalaking malaki ang buhok habang hinuhubad niya ang kanyang wig at sumilaw sa lahat ang kanyang kalbo na ulo! Kasunod nito, naglabas siya ng baril at itinutok kay Tulip, “Hindi mo ba narinig a
“…Ah... Noong hinawakan ka niya, sinamantala ko lang ang pagkakataong mag-slide pababa sa slope! Ang kailangan ko lang gawin pagkatapos noon ay lumihis pabalik sa mga sasakyan!” paliwanag ni Gerald. "Okay! Hindi ko inaasahan na matalino ka pala!" gulat na sinabi ni Tulip. Umiling lamang si Gerald sa katahimikan nang marinig iyon. Pagdating sa paanan ng bundok, nanliit ang mga mata ni Gerald nang makita niyang may iba pang mamahaling sasakyan na kasalukuyang mabilis na humaharurot papunta sa kanila. Nang mapalibutan na ng mga sasakyan ang lugar, agad na sumigaw si Tulip. "Hala! Kotse yan ng tatay ko! Malamang sinabi sa kanya ni Nicole na nandito ako! Siguradong yari ako ngayon!" sabi ni Tulip habang nanginginig sa takot. Makalipas ang ilang segundo, lumabas mula sa kotse ang isang middle-aged na lalaki at nagsimula itong maglakad palapit sa kanya bago nag-aalalang nagtanong, "O-okay kaya lang ba… second young lady?" “H-humph! Kung huli ka nang dumating, hindi mo na ako sig
"Ano nang nangyayari?" tanong ni Gerald. “Binugbog yung lecturer na kumuha ng laboratory time natin kanina! Nasa malaking problema ngayon si Mr. Yoxon! Hindi niya maiiwasan ito dahil nasaktan niya ang young master ng pamilyang Lightburn! Kung hindi mo alam, ang young master ng pamilyang Lightburn ay nasa ilalim ng proteksyon ng underground forces!" paliwanag ni Specky. Nang marinig iyon, tumingin si Gerald sa harapan at nakita si Quinlan na napapaligiran ng grupo ng mga lalaki na nakasuot ng itim na suit. Nandoon din si Marjorie at ang ilan pang babaeng lecturer, silang lahat naman ay mukhang nanlalamig sa sobrang takot. "Hindi pa tayo tapos!" sigaw ng isa sa mga lalaking nakaitim habang nakatitig kay Quinlan. Makikita sa mukha ni Quinlan ang ilang malinaw na marka ng sampal sa kanyang mga pisngi. Habang patuloy na sinusubukan ng chancellor ng university na pakalmahin ang sitwasyon, pinunasan lang ni Quinlan ang dugo sa kanyang salamin at ngumisi, "Okay lang, chancellor. Hayaa
Hindi isang mangmang si Mr. Lightburn kahit na hindi umaayon sa kanyang kagustuhan ang mga pangyayari. Matapos pakinggan ang sasabihin ng kanyang nasasakupan, naunawaan niya kung ano ang nakataya kung ipapagpatuloy niya ang isyu. Dahil doon, hindi na siya nagsalita pa. Ang Royal Dragon Group ni Gerald ay umunlad nitong mga nakaraang araw, dahil meron itong tulong mula sa limang pwersa na nakuha nito sa Talgo Town. Karagdagan pa dito na sila Tyson at Drake, na binugbog nang husto ni Sven, ay bumalik na ngayon sa tabi ni Gerald. Kahit na ang kanilang headquarters ay nasa Talgo Town pa rin, kamakailan lamang ay nagsimula na rin silang umunlad sa Heavenly City. Ang kanilang mga pagsisikap sa paggawa nito ay mula sa kanilang pakikipagtulungan kasama ang pamilyang Westley. "Ang Royal Dragon Group ay isang napakalakas na dark horse!" Sabi ni Specky habang katabi niya si Gerald. “Paano kaya sila naging makapangyarihan ng napakabilis...” tanong ng ilang babae na nakarinig sa komento ni
Katulad siya ni Tulip na isang napakagandang babae at magkahawig silang dalawa. Gayunpaman, nakita ni Gerald na ang babae mukhang mature ang itsura kumpara sa inosenteng itsura ni Tulip. "Siya iyon, ate!" Malambing na sinabi ni Tulip habang nakaturo kay Gerald. Nang marinig iyon, saglit niyang tiningnan si Gerald mula ulo hanggang paa bago siya tumango. Pagkatapos nito ay kinuha niya ang kanyang bag at tumayo para umalis. Plano sana ni Gerald na kamustahin man lang siya, ngunit hindi niya ito pinansin. Masiglang nagsalita si Tulip nang makaalis na ang babae, “Siya ang ate ko, si Juliet Yowell! Ano sa tingin mo? Ang ganda niya, di ba? Hah! Kahit itanggi mo, nakita ko kung gaano kalaki ang mga mata mo noong nakita mo siya!" Tumango si Gerald, “Bakit kailangan mong makipagkita sa akin?” “Magandang balita ang sasabihin ko kaya siyempre kailangan kong sabihin sa inyo nang personal!" sabi ni Tulip bago siy bumuntong-hininga. "Sa totoo lang ay matagal na akong naghahanap ng taon
Matapos niyang naalala ang nangyari, tumingin si Tulip kay Gerald at napansin niyang malalim ang iniisip niya. Si Gerald ay hindi masyadong nasasabik sa katotohanan na malapit na niyang pakasalan ang babaeng iyon nang biglaan. Gayunpaman, iniisip niya na praktikal rin para sa kanya na sumama sa kanila. Sa katunayan, gumawa ng magandang hakbang si Tulip para ipagpatuloy ni Gerald ang kanyang mga plano. Kung tutuusin, hangga't makakalusot siya sa pamilya Yowell, mapipigilan niya ang kanyang wild na lifestyld ng kahit saglit lang. Gayunpaman, hindi pa rin nawawala ang pangunahing isyu. Bakit kailangan niyang magpakasal sa ibang babae para lang makamit iyon? May mas mahusay na tanong pa, hindi ba't makakaapekto kay Mila ang kanyang desisyon na ito? “Ano na? Haha! Para alam mo lang, isang taon lang ang kasal. Kapag natapos ang taong iyon, kailangan mo na siyang hiwalayan. Pero! Ang pamilyang Yowell ay magbibigay sayo ng napakalaking halaga ng pera kapag nangyari iyon. Wala ako
Maririnit ang hinanakit sa boses ng lalaki habang nakaturo siya kay Gerald. “Totoo! Siya ang asawa ko, ang pangalan niya ay Gerald!” sagot ni Juliet habang nakayakap siya kay Gerald. "Gerald, siya si Cavan, kaklase ko sa university!" Ipinakilala ni Juliet si Gerald sa lalaki. "Masaya akong makilala ka!" sabi ni Gerald sabay abot ng kamay bilang pagsunod sa mga etiquette na itinuro sa kanya ni Juliet kanina. "Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isip mo... Kahit na nakipaghiwalay ka sa kanya, marami pang ibang lalaking pwede mong pakasalan maliban sa lalaking ito..." reklamo ni Cavan. Biglang napansin ni Cavan ang babala na titig ni Juliet, kaya hindi na nakapagsalita ang lalaki. Halata na si Cavan ay isa sa mga manliligaw ni Juliet. Ipinaliwanag nito kung bakit hindi niya pinansin ang pakikipagkamay ni Gerald. Hindi lang si Cavan ang tinatrato ng ganoon si Gerald. Marami sa iba pang mga lalaki na kaklase ni Juliet ang nakatingin ng masama sa kanya at ayaw
Si Cavan naman ay hindi maiwasang mapailing habang pilit na nakangiti. Lahat ng tao ay may limitasyon sa kanilang alcohol tolerance at siniguro niya sa kanyang sarili na ipapainom niya si Gerald hanggang sa lumampas malasinh siya. Totoo ang kanyang sinabi na ang pamilya ng kanyang kaklase ay totoong nagmamay-ari ng isang pagawaan ng alak. Sigurado si Cavan na mapapahamak niya si Gerald dahil mapagparaya sa alak ang kanyang kaklase na itinuturing din niya bilang kapatid. Sa katunayan pagkatapos ng check-up, ang kanilang mga katawan ay magkakaroon ng access sa mas maraming alcohol breaking enzymes kumpara sa mga regular na tao! Minsan na niyang nakita ang kanyang kaklase na umiinom ng pitong buong bote ng sobrang high percentage ng alak na pabalik-balik, bago tuluyang maabot ang kanyang limitasyon. Pitong buong bote ng alak! Dahil doon, naramdaman ni Cavan na magdudugo ang tiyan ni Gerald bago pa man malasing ang kanyang mga kaklase. Habang handa na ang lahat ng mga ito, magigi