Lalong nainggit ang mga babae nang malaman nilang may kinalaman si Quinlan sa limang malakas na pamilya. "Bakit hindi ka na lang magtrabaho sa grupo nila?" tanong ng isa pang kasamahan. “Haha! Ayaw kong magtrabaho sa Talgo Town ngayon dahil sa lahat ng kaguluhan na ginawa ng bagong tatag na Royal Dragon Group. Ang limang pwersa ay sumusunod sa grupong iyon ngayon, alam mo ba? Maliban doon, sinabi ng tatay ko na mas mainam nang magtrabaho ako para sa sarili ko,” sagot ni Quinlan habang umiiling na may mapait na ngiti sa kanyang labi. Napangiti si Marjorie nang marinig iyon. Nakita niya na napaka-steady at mature na ni Quinlan! “May punto ang tatay mo, Mr. Yoxon. Kung tutuusin, bata ka pa kaya who knows? Baka makagawa ka ng sarili mong daan sa mundong ito sa pagiging mas adventurous at paghahanapbuhay mo dito!" nakangiting sinabi ni Marjorie habang papalapit siya kay Quinlan. "Oo nga!" Papalapit na ngayon ang mga babae kay Quinlan habang idinetalye niya ang mga insidente na n
Tumingala si Gerald at nakita niya ang iba pang workmate niya na mga babae. Nakasalubong niya ang mga ito habang naghahanap sila ng mauupuan kaya ngumiti lang si Gerald sabay tango habang nakatingin sa kanila. Gayunpaman, walang kahit sino sa kanila ang ngumiti pabalik. Sa katunayan, napahawak lamang ng mga babae ang kanilang mga bibig at natutuwang sinabi, "Nakakagulat! Wala ka talagang alam, ano? Bakit mo naisipan mong kumain dito kaysa sa ibang lugar?" Pagkasabi niya nito, tumalikod na lang sila at umalis. Makalipas ang ilang segundo, nagsalita ang isa sa mga kasamahan, “Huh? Hoy, tumingin ka doon! Sila Mr. Yoxon at Miss Swift ang mga iyon! Hello!" Mabilis na nagbago ang kanilang ugali sa sandaling nakita nila si Quinlan, nakangiti sila ikinakaway ang kanilang mga kamay sa kanya. “Nagkataon na nandito kami! Bakit hindi kayo umupo sa tabi namin? Kung alam ko lang na dito kayo kakain, siguradong iniimbitahan ko kayong lahat!" sabi ni Quinlan habang nakangiti. "Okay lang
Umubo si Quinlan bago niya sabihin iyon at pagkatapos ay ipinasok niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mga bulsa bago siya ngumisi. "Ano ang kaguluhan na ito? Sinusubukan naming mag-aral dito!" sigaw ng isang babaeng lecturer nang lumabas siya at ang kanyang kasamahan mula sa katabing laboratory. Humarap sa kanila si Quinlan at sinabi, “Si Mr. Crawford ang may problema… Hiniling ko kay Miss Swift na magkaroon ng joint lesson kasama ang klase ko dahil gusto kong makakuha ng ilang experience sa pagtuturo... Nagkataon na ang oras na pinili ko ay sumalubong sa klase ni Mr. Crawford! Sa totoo lang, kasalanan ko ang lahat ng ito…” “Hindi naman. Hindi lang mapagbigyan ni Mr. Crawford si Mr. Quinlan! Kunin mo na lang ang susunod na klase! Hindi na kailangang palakihin pa ang problema na ito, di ba?" Sabi ng ibang babaeng lecturer habang sumabay na tumango ang dalawa. Inayos ni Marjorie ang kanyang buhok at dumagdag sa kanila, "Bakit hindi ka muna bumalik sa klase mo, Mr. Crawford?"
“D*mn it! Isa ka ba talagang lecturer? Paanong mo hindi alam ang tungkol sa Bloomlin Mountain? Iyon ang lugar kung saan kadalasang nagtitipon ang ilang kabataan na karamihan ay nasa mga gang para magsimula ng mga party! Mahilig nilang mag-karera doon para libangin ang kanilang mga sarili! Masamang ang lugar na iyon!" Paliwanag ng isa pang estudyante. "Walang kwenta para ipaliwanag pa ito sa kanya! Wala tayong magagawa tuwing lumalakas ang loob ni Tulip at literal siyang pumupunta kahit saan kapag nagsimula na ang kanyang carelessness! Alam ko ito dahil ganoon din ang nangyari noong huli siyang nagkagulo! Tara na! Bilisan na natin at subukan natin siyang kunin!" Kinakabahan na sinabi ni Nicole na halos maluha-luha na siya. Si Nicole ay matalik na kaibigan ni Tulip at siya rin ang anak ng butler ng pamilyang Yowell. Dahil doon, kadalasang naatasan si Nicole na bantayan si Tulip. Kung tutuusin, halos lahat na kilala ang sa second lady ng pamilyang Yowell ay alam na siya ay walang in
Napansin ng lahat ang pagdating ni Nicole at ng kanyang mga kaklase, kaya marami pang kabataan na naroroon ay agad na nagsimulang nagsigawan at sumipol sa kanila. Kung tutuusin, wala pa sa mga taong nandoon ang nakakita ng mga estudyanteng naka-uniporme dati sa lugar na iyon. Sa mahigit na thirty na estudyante na naglalakad doon, kalahati sa kanila ay matangkad at payat na babae na parehong inosente ang itsura at cute. Ang kanilang presensya sa Bloomlin Mountain ay hindi pangkaraniwan sa mga kabataang gangsters. Maging ang lalaking malaki ang buhok ay tumalon sa kanyang sasakyan sa tuwa habang nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita sila. "Nicole... Kayong lahat... Bakit kayo pumunta dito?" tanong ni Tulip. “Bakit pa ba kami nandito? Nag-alala kami para sayo, siyempre! Umalis na agad tayo! Hindi ko inakala na pupunta ka talaga dito! Paano kung malaman ito ng tatay mo? Gusto mo ba talagang mahirapan ng sobra kapag nalaman ito ng tatay mo?" sagot ni Tulip habang nakahawak sa b
"Huwag mo akong sisihin dito... Hindi ko talaga inakala na susundan niya tayo dito..." walang magawang sumagot si Nicole. "Huli na ang lahat para sa akin kung sasabihin niya ito sa university! Hindi lang iyon ang pinakamasama sa lahat! Paano kung pinaalam ito ng university sa tatay ko?!” sigaw ni Tulip sa sobrang galit. “Tumahimik ka, Tulip. May paraan ako para mapasunod siya sa atin. Kailangan mo ng isang lalaki sa sasakyan mo, tama? Bakit hindi na lang siya ang sumama sayo? Kapag nasa loob na siya, siguradong matatakot siya sayo!" mungkahi ni Specky. “Hmm…” Gusto sanang pagalitan ni Tulip si Specky matapos marinig ang kanyang indirect na panlalait sa kanyang pagmamaneho, ngunit napagtanto niya na may punto siya. Nainis rin siya kay Gerald pagkatapos ng insidente kaninang umaga sa laboratory, kaya hindi masyadong nag-alala si Tulip na pahirapan siya nang husto. At saka, makikita na si Gerald ay mukhang matapat at medyo mangmang. Pagkatapos niyang pahirapan ito sa kotse, sigu
Sa oras na ito, huminto na rin ang sasakyan sa likod nila at hinarangan ang anumang posibleng ruta na pwede nilang takasan. ‘May mali talaga!’ naisip ni Gerald habang pinagmamasdan ang malaking buhok na lalaki at babae na bumaba sa kanilang sasakyan. “Hoy! Bakit niyo ginawa ito? Ang mga hadlang na ito ay hindi dapat nandito! Magsimula tayo ulit sa umpisa!" sabi Tulip dahil naramdaman niyang niloloko siiya. “Oo naman, Miss Tulip Yowell! Ikaw nga naman ang second lady ng pamilyang Yowell, kung tutuusin... Pwede tayong magsimula muli kahit kailan mo gusto!" sagot ng lalaking malaki ang buhok habang tumatawa ng malakas. “…Ano… Paano mo nalaman ang pangalan ko?” tanong ni Tulip nang mapagtanto niya na may mali. “Hmph! Bumaba ka na sa sasakyan, miss! Huwag mo na kaming galitin pa!" sigaw ng lalaking malaki ang buhok habang hinuhubad niya ang kanyang wig at sumilaw sa lahat ang kanyang kalbo na ulo! Kasunod nito, naglabas siya ng baril at itinutok kay Tulip, “Hindi mo ba narinig a
“…Ah... Noong hinawakan ka niya, sinamantala ko lang ang pagkakataong mag-slide pababa sa slope! Ang kailangan ko lang gawin pagkatapos noon ay lumihis pabalik sa mga sasakyan!” paliwanag ni Gerald. "Okay! Hindi ko inaasahan na matalino ka pala!" gulat na sinabi ni Tulip. Umiling lamang si Gerald sa katahimikan nang marinig iyon. Pagdating sa paanan ng bundok, nanliit ang mga mata ni Gerald nang makita niyang may iba pang mamahaling sasakyan na kasalukuyang mabilis na humaharurot papunta sa kanila. Nang mapalibutan na ng mga sasakyan ang lugar, agad na sumigaw si Tulip. "Hala! Kotse yan ng tatay ko! Malamang sinabi sa kanya ni Nicole na nandito ako! Siguradong yari ako ngayon!" sabi ni Tulip habang nanginginig sa takot. Makalipas ang ilang segundo, lumabas mula sa kotse ang isang middle-aged na lalaki at nagsimula itong maglakad palapit sa kanya bago nag-aalalang nagtanong, "O-okay kaya lang ba… second young lady?" “H-humph! Kung huli ka nang dumating, hindi mo na ako sig