"Cheers!" Tulad ng sinabi ni Jasmine noong nakaraang gabi, isang church fair ang ginanap sa bayan kinaumagahan. Buhay at napakaganda ng itsura ng kapaligiran, kaya hindi nakapagtataka kung bakit ito puno ng mga tao. "Sobrang sigla!" tuwang-tuwa na sinabi ni Mindy habang nakatayo siya sa gitna ng maraming tao. "Pwede ka bang maging mahinhin, Mindy?" sabi ni Jasmine. "Bakit kailangan kong gawin iyon? Exciting ang araw na ito! Hindi mo ba ito maramdaman? Ginaganahan ako habang nakikita ang lahat ng taong pumunta sa church fair!” sagot ni Mindy habang umiiling si Jasmine. "Okay lang kung minsan mo ito gagawin, 'di ba Jasmine? Maglakad na lang tayo sa paligid bago tayo pumunta sa simbahan para manalangin para sa ating mga blessings sa susunod," sabi ng kanilang second aunt habang lumilingon siya sa dalawang babae na tahimik na sumusunod sa kanila mula sa likuran. "Pasensya na at kailangan mong makita ang childish side ng aming pamilya," nakangiting sinabi ni second aunt. Umili
Ginawa niya ito dahil hindi sapat ang kalahating taon para baguhin ang kanyang mayabang na ugali. Tulad ng inaasahan, mahilig pa rin si Maia sa pagiging malapit sa mga taong may mataas na katayuan sa lipunan tulad nina Warren, Jasmine, at Mindy. Walang sinuman ang dapat manghusga sa kanyang ugali na iyon. Kahit pa ganoon, si Gerald ay masyadong abala sa pag-obserba sa kanyang paligid para mapansin ang mga kasuklam-suklam na tingin nila Maia at Isabelle. “Hoy Jasmine, tingnan mo iyon! Nakita mo ba ang mga maliliit na candies na hawak ng mga bata? Gustong-gusto ko ang mga ito! Nagtataka ako kung saan nila binili ang mga iyon!" maya-maya pa ay sinabi ni Mindy habang itinuturo ang bintana kung saan niya nakitang dumaan ang ilang mga bata. Ang grupo ay kasalukuyang nakaupo sa isang maliit na shop habang umiinom sila ng kape. "Oh, gusto mo iyon? Alam ko kung saan nila binebenta ang mga ito! Medyo malayo ito sa may bandang norte, pero dadalhin kita doon kung gusto mo!" sagot ni Maia.
“Hah! Sa tingin mo ba hindi namin alam kung sino ka! Ikaw si Mindy, ang second young lady ng pamilyang Fenderson! Tama ka, nagkakape talaga si Jasmine. Past tense syempre, dahil nakuha na rin namin siya! Ikaw na lang ang kailangan naming kaharapin! Maglakad ka na!" utos sa lalaki na mukhang leader ng grupo, nang itinulak niya ng malakas si Mindy. Sa sandaling sinabi niya iyon, maririnig ang tunog ng mga makina mula sa malayo. Makalipas ang ilang sandali, makikita ang isang minibus na kumaripas ng takbo patungo sa kanila! "Pumasok ka sa loob!" utos sa lalaki nang huminto ang sasakyan sa harapan nila. Sumunod na lamang ang tatlo dahil nasa sitwasyon sila na wala silang pagpipilian. Sa puntong iyon, inisip ni Gerald kung dapat na siyang gumalaw ngayon o magpatuloy sa paghihintay ng kaunti pa. Kung tutuusin, hindi siya natakot sa mga taong ito kahit na may mga baril ang mga ito. Sa sandaling iyon, maririnig ang isang static na boses na nagmumula sa isang walkie-talkie na nagsasabin
Hindi makapaniwala si Gerald kay Maia habang nakatingin siya dito. Inakala niya noon na magkakaroon siya ng mas maayos na impression sa kanya pagkatapos siyang tulungan ni Gerald. Imahinasyon lamang niya ang lahat ng ito. Ang tanging nagawa lamang niya ay pilit na ngumiti habang nakatingin sa babaeng matigas ang puso. "Tama na 'yan. Walang kwenta kung pag-uusapan ang mga ganyang bagay ngayon. Ang mahalaga ay ang plano natin kung paano tayo makatakas!" sabi ni Warren. Pagkatapos niyang sabihin ito, biglang may nang bumukas ang pintuan na gawa sa bakal. "Pumasok kayong lahat!" Kasunod nito, humigit-kumulang thirty katao ang itinulak sa lugar. Ang mga ito ay binubuo ng mga bata at matanda. Lahat sila ay may mga sako sa kanilang ulo, pareho kung paano dinala sa lugar na ito ang kanilang grupo kanina. Nabigla si Jasmine nang matanggal ang mga sako. "Ano? Kayo? Nakuha rin nila ang iba?!" Sigaw ni Jasmine nang mabigla siya sa mga pangyayari. "Kinidnap ka rin pala, Miss! Walan
Suminghal si Noah pagkatapos niyang sabihin iyon. Naintindihan na ni Bryson ngayon na siya ay nakorner na. Hindi niya inakala na kayang gawin ito ng pamilyang Schuyler. "Ano... Dinakip mo ba sila Jasmine at Mindy...?" "Hmph. Mayroon kang limang minuto para pag-isipan ito, Lord Fenderson. Huwag ka na ring mag-abalang umasa sa board of director. Makakasiguro ako sayo na kahit ang mga taong matapat sayo ay mabilis na pipirmahan at aaprubahan ito," sagot ni Noah na hindi pinansin ang tanong ni Bryson. "Fine, pipirmahan ko ito! Pero gusto kong linawin mo ang isang bagay. Totoo ba na kayo ay naging mga sunod-sunuran na lang ng pamilyang Moldell?" tanong ni Bryson na may sama ng loob habang pinipirmahan niya ang agreement form. "Hindi magandang term ang sunod-sunuran, Lord Fenderson. Pinili ko lang na magtrabaho kasama ang mas matalinong tao! Tandaan mo na ikaw ang nagdala nito sa iyong sarili! Kung tutuusin, tinanggihan mo ang proposal ng pamilyang Moldell na makipagtulungan sa kan
Malapit nang dumating ang gabi. Gayunpaman, ang katahimikan ng gabi ay nasira dahil sa napakalakas na pagsabog! Ang mga miyembro ng pamilyang Schuyler na kasalukuyang nasa lugar ay natulala habang pinapanood ang mga apoy na lumiliyab at sumasabog mula sa kanilang cellar. "Anong nangyayari?" Sigaw ni Noah nang mabigla siya habang katabi niya sila Berk at ang ilan pa. Silang lahat ay nakaupo sa isang malaking conference hall ng pamilyang Schuyler nang maganap ang pagsabog. "Master, may nangyaring masama! Ang cellar natin ay sumabog at makikita ang malakas na apoy doon!" Sumugod ang isang butler sa conference hall at summigaw siya kung saan naroon ang mga lalaking natulala sa pangyayari. "Ano?!" sagot ni Noah nang bahagyang kumibot ang labi niya. Mayroon siyang dahilan kung bakit galit na galit siya. Maraming mga taon na hindi ginamit ng pamilyang Schuyler ang kanilang warehouse upang mag-imbak ng mga hindi importanteng bagay. Ngunit ngayon, karamihan sa kanilang mahahalagang im
Mabilis na sinuntok ni Gerald ang anim na guwardiya. Tumagal ng isang segundo bago silang lahat ay nahulog sa lupa nang magkakasabay, dumudugo ang kanilang mga bibig at ilong. “… H-huh…? Ikaw... ikaw pala ay marunong makipaglaban mula pa noong una, Sanderson…?” sabi ni Mindy habang nanlalaki ang kanyang mga mata at hindi makapaniwala sa kanyang nasaksihan. Kahit na sina Stella at Isabelle, na kilala ang maraming eksperto sa Taekwondo noon, ay alam na ang mga eksperto na iyon ay hindi maikukumpara sa pipi na si Sanderson! Isa pala siyang makapangyarihan na tao! Ang lahat ng mga tao sa kwarto ay walang alinlangang namangha sa mga pangyayari, dito nila napagtanto na mayroon na silang isang taong tiyak na maaasahan. Hindi nagtagal bago lumingon si Gerald para tumingin sa mga taong ito at sumenyas siya na tumakbo palabas ng lugar sa ilalim ng kanyang pamumuno.Sumunod sila sa kanyang pamuno at lahat sila ay mabilis na tumakbo papunta sa backyard. Sa sandaling makalabas sila, naki
"…Sino ka? Pinapunta ka ba ni Yael dito?" tanong ni Jasmine na may pagdududa sa kanyang tono ng pananalita. Kahit pa gabi na sa oras na ito, sapat ang liwanag mula sa mga headlight ng mga kotse para sa mga nasa grupo ni Jasmine na makita kung gaano kahanga-hanga ang mga bodyguard habang nakatayo sila sa likuran ng kanilang leader. Makikita na ang mga bodyguard na ito ay nakatanggap ng mahigpit na pagsasanay at mula sa kaalaman ni Jasmine, iilan lamang sa malalaking pamilya ang kayang makapag-hire ng makapangyarihang mga bodyguards. Karagdagan pa dito ang pagdating ng mga kalalakihan ng may kadakilaan kahit pa late na. Paano nila masasabi kung hindi sila ang mga subordinates ni Yael? Lalong nabalisa si Jasmine at ang iba nang maisip nila ito habang malapit silang nakatayo sa bawat isa bilang paghahanda sa paparating na pag-atake o pagtakas. "Hmph. Yael? Sino yun?" Ngumisi ang lalaking leader bago niya sinabi, "Inutusan ako ng aking master na ilayo ka sa panganib, Miss Fenderson.