Kabanata 7
Napakamot ng ulo si Gerald.

Sa katunayan, sinusubukan niyang iwasan sina Naomi.

Lalo na gusto niyang iwasan si Alice dahil tila galit na galit ito sa kanya. Kaya walang intensyon si Gerald na sayangin ang kanyang oras para lang suyuin siya.

“Si Danny ang nagsuggest na pumunta sa Emperor Karaoke Bar sa Mayberry Commercial Street. Hindi na tayo magkaibigan kung iiwan mo nanaman kami!” Sabi ni Naomi.

Matagal na siyang prangka at outgoing at hindi masyadong pinag isipan ang kanyang mga sinasabi sa kahit ano mang sitwasyon.

Kaya hindi kailanman maiintindihan ni Naomi na hindi nabibilang si Gerald sa kanilang mundo.

Pero ang lahat ng ito ay nasa nakaraan na.

Nang makita ni Naomi na walang masagot si Gerald, agad niyang sinabi, “Okay, sumama ka sakin at mag-enjoy tayo! Alam kong natatakot ka na may gagawin nanaman sayo si Danny pero wag ka mag-alala. Kapag inulit niya ‘yon, tuturuan ko na siya ng leksyon!”

Napangiti nalang si Gerald ng marining ang mga sinabi ni Naomi.

Alam niya na labis na magagalit sa kanya si Naomi kung patuloy niyang tatanggihan ang imbitasyon nito.

Nagpasya nalang si Gerald na magsaya kasama sina Naomi.

Agad-agad dinala ni Naomi si Gerald patungo sa Emperor Karaoke Bar.

Nang makita ni Gerald ang pangalan ng bar, napagtanto niya na isa iyon sa mga negosyo na nakapangalan sa kanya. Hindi kailanman nagkaroon ng oportunidad si Gerald para gawin ito, ngunit ngayon magagawa niya na na ilibre ang kanyang mga kaibigan.

“Oh! Nandito din si Mr. Crawford sa Mayberry Commercial Street? Alam mo ba ang pasikot-sikot sa lugar na ito? Alam mo ba kung saan pinakamaganda puntahan dito para magsaya? Ako na ang maglilibot sayo dito!”

Naglakad si Danny papalit kay Gerald habang nakangiti.

“Shut up Danny! Binabalaan na kita kanina diba?”

Nanlililisik ang mga mata ni Naomi habang tumititig kay Danny.

Ngumiti si Danny bago sinabi, “Oo na, oo na. Sinusubukan ko lang maging mabait sa kanya. Dito sa Mayberry nagpupunta ang mga mayayaman at makapangyarihan para magsaya. Dahil gusto ni Gerald magikot-ikot dito, ako na ang bahala na igala siya!”

Ang tanging nagawa lang ni Alice ay tumingin kay Gerald sa mga sandaling iyon.

Inisip niya na sobrang nakakahiya na makita na kasama si Gerald sa pampublikong lugar.

Pagkatapos nito, agad na nagtanong si Alice, “O sige, bakit hindi muna tayo pumasok? Danny, nai-book mo na ba ang private room? "

"Oo, nai-book ko na ang silid, nagpasuyo ako sa isa kong kaibigan. Dahil kadalasan puno ang mga silid ng mga ganitong oras. Sumunod kayo sakin!"

Pagkatapos nito, pinangunahan ni Danny ang pagpasok sa karaoke bar.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok si Gerald sa isang karaoke bar at naisip niya na napaka-gara ng lagar na ito.

Bukod dito, talagang napakalaki at napakarangya ng private room na nai-book para sa kanila ni Danny. Mayroon ding isang malaking fish tank na may ilang mga kumikinang na mga gintong arowana sa loob nito.

Pagkapasok sa silid, naupo ang mga babae sa isang sulok samantalang si Gerald ay umupo sa kabilang sulok kasama ang kanyang mga roommates.

Sa oras na iyon, nagsimula silang magkantahan at naging masigla ang lahat.

Nagpatuloy na magdaldalan ang mga babae at ipinatong ni Alice ang kanyang mga binti sa sofa para ipakita ang kanyang maputi at mahabang binti.

"May mga arowana dito?"

Maya’t-mayang tumitingin si Gerald sa tanke.

Nabasa niya ang tungkol sa kung gaano kasikat ang mga arowana dahil sa taglay nitong swerte at kapalaran.

Gayunpaman, nakita niya na parang ang mga arowana na ito ay ibang-iba kumpara sa mga nakita niya sa librong kanyang nabasa.

Kaya nagpasya si Gerald na tanungin si Harper tungkol dito.

Tumango si Harper bago sinabi, “Oo, ang mga ito ay mga arowana pero ang mga nandito ay medyo naiiba dahil ang mga ito ay imported mula sa Malaysia. Napakahalaga ng mga ito at tanging ang mga tunay na mayayaman at makapangyarihang mga tao lamang ang kayang bumili ng mga ito!”

Hindi sinasadyang narinig ni Danny sina Gerald at Harper habang pinag-uusapan ang tungkol sa arowana.

Sa sandaling iyon, hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti bago niya sinabi, “Oh my god, Gerald. Kilala mo ang luxury brand na Hermes pero hindi mo alam ang halaga ng isang arowana?"

Pagkarinig niya ng salitang 'Hermes', hindi napigilan ni Alice na mapasimangot muli.

Napatawa si Blondie na nakabuntot kay Danny bago sinabi, “Hahaha. Sa kasamaang palad, walang mga pekeng isda! Kung meron man, tiyak na makikilala ito ni Gerald at sigurado na bibilhin din niya iyon!"

"Ang ganitong uri ng arowana ay itinuturing na isang napaka-swerteng isda na maaaring magdala ng swerte at kayamanan sa pamilya."

Nagsalita si Alice sa mga sandaling iyon.

“Ahh, Alice! Ang talino mo talaga!”

Agad na binigyan ni Danny si Alice ng dalawang thumbs up.

"Syempre! Isang napaka-matalinong diyosa si Alice, hindi katulad ng isang pobre diyan. "

Agad na sumapaw ang mga roommate ni Alice ng walang pag-aalangan.

“Hindi ba’t napakamahal ng private room na ito? Close ba kayo ng kaibigan mong iyon?” Hindi mapigilan ni Alice na tanungin si Danny sa sandaling iyon.

Sa katunayan, labis na siyang napahanga kay Danny habang lalong nakikilala si Danny sa gabing iyon. Kung medyo mature at stable lang si Danny, tiyak na mayroon siyang tsansa na maging kasintahan ni Alice.

"Ayos lang. Nagkakahalaga ang private room na ito ng four thousand dollars a night,” matagumpay na sagot ni Danny.

Pagkatapos nito, hinampas niya ang kanyang noo para bang may nakalimutan siya. "Oh my god. Kung hindi mo nabanggit, malilimutan ko na nangako na tatawagan ko ang kaibigan kapag nandito na ako.”

Pagkatapos nito, tumabi si Danny upang tumawag sa telepono.

Sa oras na ito, nagpatuloy si Gerald na nakaupo sa isang sulok habang masayang nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan.

Kahit na ang inisyal na plano ni Naomi na ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang roommates kasama ang mga roommate ni Gerald, halata naman na mas interesado ang kanyang mga kaibigan sa mga kalalakihan sa dormitoryo ni Danny.

Sa katunayan, naging maayos ang pakikitungo nina Danny at Blondie sa lahat ng mga babae sa dormitoryo ni Alice.

Sa sandaling ito, biglang may nagbukas ng pinto.

Isang binata na nakasuot ng itim na suit at isang pares ng matingkad na leather shoes ang agad naglakad papasok sa silid. Napakatangkad at maputi ang binata at sa unang tingin, tila maganda ang pag-uugali nito.

"Brother Nigel, sa wakas nandito ka na!"

Tumayo si Danny upang salubungin ang lalaki nang makita siya.

“Danny, kumusta ka? Okay ba ang private room na ito?"

"Syempre! Salamat sa pag-aayos nito para sa akin, Brother Nigel!”

Kinausap siya ni Danny sa masayang pamamaraan.

Sa mga sandaling iyon, si Blondie at ang mga roommate ni Danny ay magalang na binati si Nigel.

“Danny, mamaya na tayo mag-usap! Bakit hindi mo muna ako ipakilala sa iyong mga kaibigan?"

Sa mga sandaling iyon, sumulyap si Nigel sa lahat ng magagandang babae na nakaupo sa silid at tila ay naakit kay Alice na labis ang kagandahan.

“Oo nga pala! Nakalimutan ko yun! Everyone, siya nga pala ang kaibigan ko. Siya si Nigel Fisher at ang kanyang pamilya ay nasa negosyo sa pagkain at catering. Siya ang nagmamay-ari ng Grand Marshall Restaurant sa Mayberry Commercial Street at kumikita siya ng mahigit sa sampung milyong dolyar bawat taon! Siya ang dahilan kung bakit namin nai-book ang private room na ito ngayong gabi! " Mayabang na ipinakilala ni Danny ang kaibigan.

Grand Marshall Restaurant?

Wow!

Tanging ang mga napaka-yaman lamang ang kadalasang may kakayahan na magbukas ng isang restaurant sa Mayberry Commercial Street.

Bukod dito, tiyak na kumikita sila ng sandamakmak na pera!

Napatingin si Alice kay Nigel habang kumikislap ang kanyang mga mata.

“Hahaha. Huwag kayong makinig Danny, puro kalokohan lang pinagsasabi niya. Maliit lang ang negosyo ng pamilya ko. Ang rason kung bakit madali akong nakapag-book ng isang silid sa Emperor Karaoke Bar ay dahil isang malapit na kaibigan ng aking ama ang manager dito. Kung kailangan niyo ng tulong sa pag-book ng isang silid sa future, huwag kayong mahiya na lumapit sakin!” Magalang na sagot ni Nigel habang nakangiti.

"Brother Nigel, may girlfriend ka na ba?"

Biglang tanong sa kanya ng babaeng katabi ni Alice at agad napatawa ang lahat ng nasa private room.

Napangiti nalang si Nigel bago umiling. Pagkatapos ay tiningnan niya si Alice bago niya sinabi, “Hello, Beautiful. Nagagalak akong makilala ka."

"Hello!" Sagot ni Alice na may ngiti sa kanyang labi.

Pagkatapos ay sinimulang ipakilala ni Danny ang bawat isa kay Nigel.

Matapos ipakilala ang lahat ng nasa silid, tumingin si Danny kay Gerald na nakaupo sa isang sulok.

Itinuro niya ang kanyang daliri kay Gerald bago niya sinabi, "Brother Nigel, ito si Gerald!"

Inilahad ni Nigel ang kanyang kamay upang makipagkamay kay Gerald ngunit nagulat ng marinig ang kanyang pangalan.

"Ano? Ito ba si Gerald na napunta kay Yuri ang ex-girlfriend at naghatid pa ng regalo kay Yuri at Xavia noong nasa grove sila? "

Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP