Bumukas ang pinto at sumugod sa sampung mga security guard. Ang bawat isa sa kanila ay armado ng electric baton. Sa wakas ay nalaman nila ang ginawa ng matanda sa tulong ng surveillance footage. “G*gong matanda! Nandyan ka lang pala!" Agad siyang pinalibutan ng mga guwardiya. "Pasensya na, Mr. Crawford! Ang matandang ito ay pumasok sa lobby pagkatapos niyang maligo nang hindi namin siya pinapansin! Narinig niya siguro ang room number mo mula babaeng receptionist. Pagkatapos nito ay sinira niya ang lahat ng mga makina para makaakyat kami dito! Pasensya na ulit, Mr. Crawford! Bubugbugin natin siya at pagkatapos ay palayasin natin agad siya!" Hindi alam ni Gerald kung paano sumagot sa sandaling iyon. Hindi siya komportable sa mga kilos at ugali ng lalaking ito. Sa sandaling iyon, nagsimulang mag-ring ang cellphone ni Gerald. Makikita na tinatawagan siya ni Queta. Nagpadala si Gerald kay Queta sa Line tungkol sa lahat ng mga bagong bagay na natuklasan niya. Siguro ngayon lang i
Maputi rin ang kanyang balat. Tiningnan siya ni Gerald at ngumiti. Tumawa si Melissa nang makita niya ang ginawa ni Gerald. Biglang nagsalita si Melissa, "Siya ang pinsan ko, Gerald. Ang ganda niya, di ba? Pumunta siya dito para sumama sa akin na mag-enjoy dito.” Tumango lamang si Gerald bilang sagot. “Ipapaalam ko lang sayo na kasal na siya! Kilala siya na isang magandang babae kahit na noong nag-aaral pa lang siya at maganda pa rin siya sa paglipas ng maraming taon!" Mapang-asar na sinabi ni Melissa habang tumatawa. "Base sa reaksyon niya, sigurado na ako ngayon na ikaw si Mr. Crawford. Masaya ako na makilala ka! Ako si Rosalie Owens pero dahil mas matanda ako sa inyong dalawa, tawagin mo lang akong Sister Owens!" nakangiting sinabi ni Rosalie. "Nga pala, Mr. Crawford, sigurado akong alam mo na ang pamilya ng pinsan ko ay medyo malakas sa Northbay! Nagtuturo rin siya sa isang university doon!" dagdag ni Melissa. Tumango muli si Gerald at bumati, "Masaya akong makilala k
Naiinis si Giya sa kanya hanggang sa napuno ang kanyang isip ng mga matitinding ideya para tanggalin siya sa buhay niya. Dumalo lang si Giya sa banquet dahil sinabihan siya ng kanyang ama na pumunta sa araw na iyon. Naisip niya noon na hindi siya sigurado kung ginawa niya dapat ang unang hakbang na iyon. "Well, hindi mahalaga ang sinasabi mo. Itutuloy pa rin ang engagement natin! Huwag natin munang pag-usapan iyon ngayon. Halika at pumasok na lang tayo!" sabi ni Yunus habang dinadala siya sa hotel. Samantala, kakapasok lang ni Gerald sa isang private room. Si Melissa ay nag-imbita ng maraming mga tao sa araw na iyon at bukod sa kanyang pinsan na si Rosalie, karamihan sa mga nandoon ay mga kabataan na kasing edad nila. Ang ilan sa kanila ay mukhang galing sa Mayberry habang ang iba ay nagmula sa ibang lugar. Lahat sila ay magalang at magiliw ang trato kay Gerald. Lalo na ito para kay Melissa na patuloy na naghahain sa kanya ng mga pagkain habang nakaupo sa tabi niya. Inimbi
Naging kakaiba ang sitwasyon sa loob habang pinapakinggan niya ang mga tunog. Maya-maya pa ay nagdesisyon siyang buksan ang pinto para makita kung ano ang nangyayari. Nanlaki ang mga mata niya sa kanyang nakita. Isang hindi kilalang lalaki ang nagtangkang hubaran si Rosalie sa loob ng kwarto! Si Rosalie ay nagpupumiglas at may luha na sa kanyang mga mata. Nang makita ng lalaki si Gerald, ngumiti lamang siya bago siya tumalon sa kama at lumabas sa bintana. Nasa seventh floor sila. Mabilis na sumugod sa bintana si Gerald at tumingin sa baba. Gayunpaman, wala na dito ang bakas ng lalaki. "Saan siya pumunta?” Naisip ni Gerald sa kanyang sarili. Namula ang pisngi ni Gerald nang makita niya ang sitwasyon ni Rosalie. Malapit na sana niyang takpan ng kumot ang babae nang bigla niyang narinig ang mga yapak mula sa labas. "Bakit ba nakakainis ka? Inaalagaan ni Gerald ang pinsan ko kay hindi mo na kailangang sumama! Wala kang makukuha kapag ginawa mo ito!" sabi ng mahina na boses n
Tinanong ni Gerald habang nakatingin siya sa manager. Ang manager ay ngumisi at sinabi, "Nakita kita noon sa chamber of commerce, Mr. Crawford. Nakilala ko din doon ang iyong nakatatandang kapatid na babae na si CEO Jessica Crawford, ilang beses niya akong pinansin noon! Imposibleng hindi ko malalaman kung sino ka!" "Hmph! Tigilan mo ang kakagawa mo ng eksena dito, Gerald! Ang lahat na may kinalaman sa negosyo sa Mayberry ay kailangang magbigay respeto sayo! Alam namin magkakampi kayo! Bakit naman nasira ang system ng surveillance ngayon? Hindi mo ba naisip na parang nagkataon ito?" Galit at pasigaw na sinabi ni Melissa. Maraming iba pang mga tao na natutulog noong gabi na iyon ay lumabas sa kanilang mga kwarto para makita ang tungkol sa kaguluhan. Hindi nagtagal bago naging masikip ang mga hallway ng palapag. Di nagtagal ay nagsimula na silang mag-tsismisan. "Anong nangyayari?" "May isang mayamang tagapana ang nakakita sa isang lasing na babae at hinila siya papasok sa isang
"Ano? Si Sister Owens ang biktima?” nabigla si Yunus. "Siya nga!" sagot ni Melissa nang ipaliwanag niya ang lahat ng alam niya tungkol sa insidente. Unti-unti nang nawala ang pagkalasing ni Rosalie noon. Nahihilo siya pero tiningnan niya.pa rin ng masama si Gerald dahil sa sama ng loob niya. Kahit na lasing na lasing siya kanina, may malay tao pa rin siya na malaman na si Gerald at ang pinsan niya ang tumulong sa kanya papunta sa kwarto. Habang tuliro pa siya, may isang taong pilit na nagtangkang tanggalin ang kanyang damit! Sino pa ang maaaring gumawa nito kung hindi si Gerald? Tumulo ang mga luha sa mata ni Rosalie nang maisip niya ito. “Ang lakas ng loob mo! Sana alam mo na ang pamilyang Long at pamilyang Owen ay may maayos na relasyon sa bawat isa nang ilang henerasyon na! Bakit ka gumawa ng nakakasuklam na bagay kay Sister Owens! Nakakadiri ka! Ang pamilyang Long ng Yanken ay magpapabayad sayo ng malaking halaga para dito, kahit na malakas ka pa!” galit na sinabi ni Yunus.
Naramdaman ni Gerald na nasira na ang buhay niya nang bigla niyang maramdaman ang isang kamay na nakahawak sa balikat niya. Nang siya ay lumingon, nakita niya ang isang lalaking mahaba ang buhok na nakatayo sa likuran niya. Kinabahan ng sobra si Gerald sa nakakatakot na itsura ng lalaki. “Tumabi ka! Anong ginagawa niyong lahat dito?" Biglang nagsalita ang isang matandang boses. "Anong ginagawa namin? Anong ginagawa mo dito matanda? Huwag kang manulak ng ibang tao!" Pinagalitan ng lahat ang taong unang sumigaw. "Nandito ako para hanapin ang apo ko! Nakaharang kayong lahat sa daanan!" Naiinis ang matanda habang sinisiksik niya ang kanyang sarili papunta sa kwarto. Nakita ng mga tao ang damit ng matandang ito, kaya nagmadali silang gumawa ng daanan habang sinusubukan nilang iwasan ang matanda na tulad ng pag-iwas sa isang sakit. Sa kabilang banda, tumingin lamang ang lalaking may mahabang buhok sa matandang lalaki habang binabawi ang kanyang kamay. "Anong ginagawa mo? Pak
Habang nangyayari iyon... "Mr. Long, pasensya na pero nabigo ako!" "Ano? Bakit ka nabigo, Scorpion? Hindi mo ba kayang patumbahin ang isang tao na tulad ni Gerald?" Sabi ni Yunus tinatawagan niya si Scorpion. Nasa banyo siya nang matanggap niya tawag. "Pasensya na talaga, pero may expert na tumulong sa kanya upang makatakas! Kung hindi ko binawi ang braso ko sa tamang oras, malamang bali na ito ngayon!" sagot ni Scorpion habang hawak ang cellphone gamit ang kanyang maayos na kamay. Tumatawag siya mula sa loob ng kotse. Nakalagay ang braso ni Scorpion sa isang patag na surface at ang mga litid nito ngayon ay tumitibok habang makikita na namamaga pa ito. Ito ay tila katulad ng sariwang bulate na natakpan ang kanyang buong braso. Sa oras na ito, hindi niya ito magalaw. Binalot ang kanyang noo sa malamig na pawis at naramdaman niya na nanghihina na siya. "P*tang ina! Sobrang swerte ng g*go na iyon! Pero kahit pa ganoon, maganda na ang sinimulan natin! Kapag ito ay nasa headline