Tinanong ni Gerald habang nakatingin siya sa manager. Ang manager ay ngumisi at sinabi, "Nakita kita noon sa chamber of commerce, Mr. Crawford. Nakilala ko din doon ang iyong nakatatandang kapatid na babae na si CEO Jessica Crawford, ilang beses niya akong pinansin noon! Imposibleng hindi ko malalaman kung sino ka!" "Hmph! Tigilan mo ang kakagawa mo ng eksena dito, Gerald! Ang lahat na may kinalaman sa negosyo sa Mayberry ay kailangang magbigay respeto sayo! Alam namin magkakampi kayo! Bakit naman nasira ang system ng surveillance ngayon? Hindi mo ba naisip na parang nagkataon ito?" Galit at pasigaw na sinabi ni Melissa. Maraming iba pang mga tao na natutulog noong gabi na iyon ay lumabas sa kanilang mga kwarto para makita ang tungkol sa kaguluhan. Hindi nagtagal bago naging masikip ang mga hallway ng palapag. Di nagtagal ay nagsimula na silang mag-tsismisan. "Anong nangyayari?" "May isang mayamang tagapana ang nakakita sa isang lasing na babae at hinila siya papasok sa isang
"Ano? Si Sister Owens ang biktima?” nabigla si Yunus. "Siya nga!" sagot ni Melissa nang ipaliwanag niya ang lahat ng alam niya tungkol sa insidente. Unti-unti nang nawala ang pagkalasing ni Rosalie noon. Nahihilo siya pero tiningnan niya.pa rin ng masama si Gerald dahil sa sama ng loob niya. Kahit na lasing na lasing siya kanina, may malay tao pa rin siya na malaman na si Gerald at ang pinsan niya ang tumulong sa kanya papunta sa kwarto. Habang tuliro pa siya, may isang taong pilit na nagtangkang tanggalin ang kanyang damit! Sino pa ang maaaring gumawa nito kung hindi si Gerald? Tumulo ang mga luha sa mata ni Rosalie nang maisip niya ito. “Ang lakas ng loob mo! Sana alam mo na ang pamilyang Long at pamilyang Owen ay may maayos na relasyon sa bawat isa nang ilang henerasyon na! Bakit ka gumawa ng nakakasuklam na bagay kay Sister Owens! Nakakadiri ka! Ang pamilyang Long ng Yanken ay magpapabayad sayo ng malaking halaga para dito, kahit na malakas ka pa!” galit na sinabi ni Yunus.
Naramdaman ni Gerald na nasira na ang buhay niya nang bigla niyang maramdaman ang isang kamay na nakahawak sa balikat niya. Nang siya ay lumingon, nakita niya ang isang lalaking mahaba ang buhok na nakatayo sa likuran niya. Kinabahan ng sobra si Gerald sa nakakatakot na itsura ng lalaki. “Tumabi ka! Anong ginagawa niyong lahat dito?" Biglang nagsalita ang isang matandang boses. "Anong ginagawa namin? Anong ginagawa mo dito matanda? Huwag kang manulak ng ibang tao!" Pinagalitan ng lahat ang taong unang sumigaw. "Nandito ako para hanapin ang apo ko! Nakaharang kayong lahat sa daanan!" Naiinis ang matanda habang sinisiksik niya ang kanyang sarili papunta sa kwarto. Nakita ng mga tao ang damit ng matandang ito, kaya nagmadali silang gumawa ng daanan habang sinusubukan nilang iwasan ang matanda na tulad ng pag-iwas sa isang sakit. Sa kabilang banda, tumingin lamang ang lalaking may mahabang buhok sa matandang lalaki habang binabawi ang kanyang kamay. "Anong ginagawa mo? Pak
Habang nangyayari iyon... "Mr. Long, pasensya na pero nabigo ako!" "Ano? Bakit ka nabigo, Scorpion? Hindi mo ba kayang patumbahin ang isang tao na tulad ni Gerald?" Sabi ni Yunus tinatawagan niya si Scorpion. Nasa banyo siya nang matanggap niya tawag. "Pasensya na talaga, pero may expert na tumulong sa kanya upang makatakas! Kung hindi ko binawi ang braso ko sa tamang oras, malamang bali na ito ngayon!" sagot ni Scorpion habang hawak ang cellphone gamit ang kanyang maayos na kamay. Tumatawag siya mula sa loob ng kotse. Nakalagay ang braso ni Scorpion sa isang patag na surface at ang mga litid nito ngayon ay tumitibok habang makikita na namamaga pa ito. Ito ay tila katulad ng sariwang bulate na natakpan ang kanyang buong braso. Sa oras na ito, hindi niya ito magalaw. Binalot ang kanyang noo sa malamig na pawis at naramdaman niya na nanghihina na siya. "P*tang ina! Sobrang swerte ng g*go na iyon! Pero kahit pa ganoon, maganda na ang sinimulan natin! Kapag ito ay nasa headline
Masungit ang tono ng pananalita ni Mr. Leach nang sinabi niya iyon. "Makatarungan at tama ba ang sinasabi mo? Kalokohan! Mula sa nakuha naming impormasyon, ang iyong mga tauhan ay naghihintay sa kanilang mga sasakyan sa loob ng hindi bababa sa dalawang oras bago pa man maganap ang insidente! Sinasabi mo ba na alam na nila ang insidente bago pa man mangyari ito?" "Maayos naman sa ibang lugar ang surveillance system pero hindi ito maayos pagdating sa hotel! Maging totoo tayo sa isa't isa, Mr. Leach. Sigurado akong mas marami ka pang alam tungkol sa insidente ngayon kaysa sa akin, tama ba?" tanong ni Gerald. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nai-frame si Gerald. Nauna nang sinabi sa kanya ng kanyang kapatid na ang paggawa ng negosyo ay isang pagsubok at isang pagkakataon para sa kanya na makakuha ng karanasan. Hindi naramdaman ni Gerald ang bigat ng kanyang mga sinabi bago pa mangyari ito, ngunit napagtanto niya kung totoo pala ang sinabi ng kanyang ate ngayon. Tumanggi si Mr
"Iyon ba ang... mga tauhan ni Mr. Long?" Makikita sa video ang isang bahay sa village at sa loob nito ay limang lalaking naka-black suit ang sabay-sabay na itinali at binugbog. Namamaga ang lahat ng kanilang mukha sa oras na tumigil ang mga tauhan ni Gerald at nagsimula silang magbantay sa mga nadakip nila. Totoo ang nasa video. Ang mga nakatali na lalaki ay mga tauhan ni Mr. Long. "Mr. Leach, Si Yunus ay isang napakasamang tao. Natatakot siyang babawiin mo ang iyong mga sinabi kaya iniutos niya na kunin ng kanyang mga tauhan ang iyong anak ngayong hapon! Masuwerte ka na nauna ang mga tauhan ko doon!" nakangiting sinabi ni Zack. Pinagsama-sama ni Mr. Leach ang mga pangyayari sa buong insidente nang marinig niya ang mga paliwanag ni Zack. “Yun-Yunus! Demonyo ang lalaking iyon! Muntikan na niya akong maloko! Malaki ang pagkakamali ko sayo pagkakataong ito, Mr. Crawford!" sabi ni Mr. Leach habang paulit-ulit siyang yumuko ay nanghingi ng tawad sa harap ni Gerald. Taos-puso ang
Bumuntong hininga si Gerald sa kanyang sarili. 'Pupuntahan ko na lang siya at ipapaliwanag ito sa kanya... sasabihin ko kanya kung anong uri ng tao si Yunus!' "Okay sige, pupunta na ako ngayon!" sabi ni Gerald. Six o’clock na ngayon ng gabi at hindi umalis ng mag-isa si Gerald. Sinundan siya ng Drake & Tyson duo hanggang sa bahay ni Giya. Pagdating nila sa front gate, naghintay ang duo sa labas at pumasok si Gerald. "Giya... huwag ka nang malungkot... Kahit na hindi ako sigurado kung ano ang nangyari sa pagitan ninyong dalawa, ito pa rin ang araw na natanggap mo ang award na most outstanding student recommendation na maipasok sa university... Ito ay isang araw para magdiwang tayo, hindi ba?” kinumbinsi siya ni Tammy. "At saka, baka balang araw ay mapagtanto ni Gerald kung gaano ka kagaling!" Ngumisi lang si Giya nang marinig iyon. "Huwag mo nang subukang na patahanin ako, Tammy. Hindi simple ang nangyari sa pagitan namin ni Gerald... Sa totoo lang, kalimutan mo na ito.
Ang bagay na iyon ay ang jade bracelet na ibinigay sa kanya ni Gerald dati. "Mula ngayon, wala na tayong kinalaman sa isa’t isa! Hmph! Iningatan ko pa ang jade bracelet na ito hanggang ngayon... Naisip ko noong una na magiging isang magandang alaala na manatili sa akin ang bracelet dahil wala naman tayong gagawing masama sa bawat isa! Ngunit hindi na kailangan ang mga mementos dahil hindi na ito kailangan! Pwede mo na itong kunin!” masungit na sinabi Giya habang inaabot niya ang bracelet kay Gerald. "Okay lang sa akin!" "Gerald, inaasahan kong tatanggalin mo ang contact number ko pagkatapos nito. Manatili ka sa Mila mo at mananatili ako kay Yunus. Wala na tayong dahilan para makita o makipag-usap muli sa isa't isa pagkatapos nito!" "Sige!" Wala nang masabi si Gerald. Matapos kunin ang pulseras, tumango lang siya kay Tammy at sa iba pang mga babae bago siya umalis sa lugar na iyon. "…Ano? Bakit... Bakit hinayaan ka lang niya ng ganoon, Giya? Ano nga ba ang nangyari sa inyong