Samakatuwid, binuksan niya ang bintana dahil gusto niyang makakuha ng sariwang hangin.Pero sobra siyang nagulat, ang bintana ay muling umangat sa sandaling binaba niya ito.Pagkatapos ay tumalikod siya at napagtanto niya na si Queenie ang nagsara ng bintana.‘D*mn! P*tang ina talaga ng babaeng ito!'Isinumpa siya ni Gerald. Sinubukan lamang niyang ibaba ang bintana nang kaunti, ngunit agad itong inagat ulit ni Queenie."Anong ginagawa mo?"Galit na nagtanong si Gerald na parang nabigo siya.“Huh! Itatanong ko nga sayo 'yan. Sinara ko ang mga bintana ng kotse sa harap. Bakit mo kailangang buksan lahat? Paano kung may alikabok na papasok sa kotse? Nakaupo ka na ba sa isang kotse dati?"Sumabad si Queenie, ang tono niya ay puno ng poot.Sa sandaling iyon, tumunog ang kanyang cellphone."Okay fine, Yolanda. Pupunta ako at susunduin ka agad. Hintayin mo lang ako. Oo. Hindi ba sinabi ko sayo ang tungkol dito kagabi? May kasama ako. Mamaya, hahayaan namin siyang tulungan kaming mag
May dalawang lalaki ang sumalubong sa kanila.Kapwa pinangunahan nina Queeny at Yolanda doon si Gerald, na may dalang isang malaki at maliit na bag.“Bakit late ka nang dumating? Oh, hey, nakakuha ka talaga ng isang tao. Mabuti yan. Pwede nating i-enjoy ang ating sarili sa ngayon. Bro, salamat sa tulong mo.”Isang lalaki ang naglakad at hinawakan ang baywang ni Queeny. Tumingin siya kay Gerald, ngumiti, at nagpasalamat sa kanya.Ang isa pang lalaki ay kumuha ng isang pakete ng Marlboro at nagtangkang mag-alok ng isang stick kay Gerald.“Jarvis, seryoso ka bang nagbibigay sa kanya ng sigarilyo? Hindi siya naninigarilyo. Bukod pa dito, hindi siya smoker at kung magiging smoker man siya, hindi niya kayang bumili ng sigarilyo!" Kinutya ni Queeny."Ang pangalan niya ay Gerald, at siya ang lalaking sinabi ko sayo. Tutulungan niya tayong dalhin ang ating mga bag ngayon. Kakailanganin lamang natin siyang bilhan ng pagkain mamayang hapon."Hinawakan ni Queeny ang kamay ng lalaki at sinab
Nang inilabas ni Gerald ng mga tisyu, bigla itong inagaw ni Yolanda mula sa kanyang mga kamay bago sumugod papunta kay Jarvis. Gusto niyang tulungan na punasan ang pawis sa noo ni Jarvis din. ‘Ang lakas talaga ng loob ng ibang mga tao!’ Naiirita na naisip ni Gerald sa kanyang sarili. Mukhang gusto ni Yolanda si Jarvis kaya't inimbitahan niya si Queeny na sumama. Si Queeny ay magiging isang wingwoman upang makalapit siya kay Jarvis. Alam ni Yolanda ang gusto niya. Ito ay parang ang ibang tao ay hindi karapat-dapat sa atensyon niya maliban sa Jarvis. Kahit na ngayon lang siya nakilala ni Gerald, medyo naiinis na siya sa ugali nito. "Ano ang sinabi ng tatay mo, Hugo?" Tanong ni Queeny. "Sinabi niya na hindi siya makakatulong sa atin... Sinabi niya na hindi niya nagawang makipag-usap sa sinuman dito. Paano naman ikaw, Jarvis?" tanong ni Hugo. Paglingon ni Hugo sa kanya, tila natapos na rin ni Jarvis ang kanyang tawag. "May makakatulong ba?" tanong ni Queeny. Handa siyang magb
Tahimik lang si Gerald habang sumusunod sa likuran nila. May ibang kumuha ng credit sa ginawa niya. Naisip na niya noong una pa lang ang senaryong tulad nito ay hindi na mangyayari sa kanya. Si Jarvis ay mukhang tuliro rin sa nangyari. Para bang nawala sa kanya ang lahat ng kanyang bait. Bakit nagsalita para sa kanya ang manager kahit na ang kinontak niya ay ang vice manager lamang? Naintindihan ni Gerald na ito ay kasalanan niya rin dahil gusto niyang maging low-key sa lahat ng kanyang ginawa. Gayunpaman, hindi niya talaga gustonh ilantad ang kanyang totoong pagkatao ngayon, lalo na't wala sa harap ng mga prick na ito. Ang buong karanasan ay magiging disappointing lamang. Pagpasok nila sa gusali, ang dalawang grupo ay dahan-dahang nagsama at naging isang malaking group. Matapos ang 'tulong' ni Jarvis, ang mga babae mula sa kabilang grupo ay nagpasalamat sa kanya. Ang ilan sa kanila ay nagsimulang humanga sa kanya at dahil dito ay halos mamatay si Yolanda sa inggit. Nagkaroon siy
Dahil hindi siya sinubukang pigilan ni Jarvis, nagpatuloy si Yolanda sa mga bastos niyang mga salita paminsan-minsan. Si Gerald naman ay tinatrato sila na parang wala sila. Bandang 11 a.m. na nang matapos ang dalawang mahabang oras ng pamamasyal. Dahil maraming mga restaurant sa gusali, nag-suggest si Jarvis na maghanap sila ng lugar para magtanghalian. Makakapag-usap pa sila habang nakaupo. Naturally, tinanggap ni Michelle at ng kanyang mga kaibigan ang alok at di nagtagal ay nakahanap sila ng isang kalapit na restaurant. Sa wakas ay nakakuha sila ng upuan, nilapag ni Gerald ang kanilang mga bag at naupo siya sa isang mesa. "At sino ang nagsabi na pwede kang umupo dito?!" May sumigaw pagkaupo ni Gerald. "Hindi ba tayo kakain? Mali bang umupo ako?" tanong ni Gerald habang naiinis. Si Yolanda ay nagsalita at ngayon ay sasabog na siya. Ang kanyang selos ay napigilan niya mula nang kailangan niyang panoorin si Michelle na nakikipag-usap kay Jarvis nang napakatagal. Dahil hindi s
“As if may pakialam ako! Siya ang nagbuhos ng sopas sa akin! Wala akong ginawang mali! Isa lang siyang waitress, big deal! " reklamo ni Yolanda. Hindi siya natatakot sa mga kahihinatnan dahil alam niya na si Jarvis ay sigurado ang pinaka-makapangyarihang tao doon sa sandaling iyon. Walang sinuman ang maglakas-loob na kalabanin siya at wala rin mananakit kay Yolanda. Bukod pa dito, ang kanyang spotlight ay ninakaw ni Michelle at nagkaroon siya ng medyo masamang araw. Hindi sila humingi ng paumanhin para sa sopas sa kanyang damit ngunit pinagsabihan pa siya ng manager! Nakakatawa ito... Habang iniisip niya ito, mas mukhang sasabog sa galit si Yolanda. "Huwag kang umiyak, Nat... tatawag ako kay Mr. Wadford para sayo. Sigurado na kakayanin ito ng tatay mo!" Sabi ng manager. Si Natalie Wadford ay anak ni Blake Wadford, ang manager ng buong tourist attraction. Ang kanyang tatay ay isa ring main organizer ng mga bagong proyekto sa lugar. Si Blake ay naatasan mula sa main branch sa Ma
Ang mga bodyguard ay hindi nagpakita ng awa. Kahit na si Alexander ay medyo mas matanda kaysa sa iba, siya ay natakot din habang pinapanood ang gulo na nasa harapan niya. Si Gerald naman ay simpleng nakaupo doon ng tahimik. Hindi siya santo at hindi siya obligadong tulungan ang lahat sa bawat sitwasyon. Alam niya na pamilyar sa kanya si Blake Wadford at kung gugustuhin niya, pwede pa niya itong makausap. Ngunit ayaw itong gawin ni Gerald. Wala siyang obligasyon na tulungan sina Yolanda at Jarvis. Hindi killa ang mga taong ito. Bukod pa dito, panay ang tingin sa kanya ni Yolanda. Karapat-dapat siyang bugbugin ng ganito dahil laging matigas ang ulo niya at hindi siya maingat. Mukhang makikisali din dito si Queeny at ang iba pa. Biglang isang grupo ng mga empleyado ang sumugod sa restaurant. “M-Mr. Wadford! Tigilan mo ito! Huminto ka!" nakiusap kung ano ang leader ng team. Mas maraming empleyado ang sumugod sa likuran niya. Ang leader ng team ay ang babae sa ticket counter kanin
Nakialam si Gerald dahil hindi niya matiis na pinapanood sina Jarvis at Yolanda na patuloy na inaabuso ang kanyang kapangyarihan. Bukod pa dito, sa wakas ay naalala ni Gerald kung sino si Blake Wadford. Siya ang nag-ayos ng birthday party para kay Elena Larson. Si Gerald ay kasama si Lilian sa panahon ng celebration, kaya naka-usap niya si Blake noon. Nag-usap lang sila ng saglit doon. Gayunpaman, malinaw na sumosobra na sina Jarvis at Yolanda kahit na gusto niyang panatilihin ang pagiging low profile. Kung sila ang kanyang matalik na kaibigan, hahayaan niya lamang ito. Gayunpaman, ang dalawang ito ay mga nobodies. ‘Bakit ako mananatiling tahimik at hahayaan ang mga bobo na ito na gawin ang gusto nila sa mga tauhan nila?’ Naisip ni Gerald sa kanyang sarili. “M-Mr. Crawford? Nandito ka pala?" Alam ni Blake na yari na siya sa oras na makita niya si Gerald. Para bang bumagsak ang puso niya hanggang sa tiyan. Nagalit siya matapos marinig na ang kanyang minamahal na anak na babae