Tahimik lang si Gerald habang sumusunod sa likuran nila. May ibang kumuha ng credit sa ginawa niya. Naisip na niya noong una pa lang ang senaryong tulad nito ay hindi na mangyayari sa kanya. Si Jarvis ay mukhang tuliro rin sa nangyari. Para bang nawala sa kanya ang lahat ng kanyang bait. Bakit nagsalita para sa kanya ang manager kahit na ang kinontak niya ay ang vice manager lamang? Naintindihan ni Gerald na ito ay kasalanan niya rin dahil gusto niyang maging low-key sa lahat ng kanyang ginawa. Gayunpaman, hindi niya talaga gustonh ilantad ang kanyang totoong pagkatao ngayon, lalo na't wala sa harap ng mga prick na ito. Ang buong karanasan ay magiging disappointing lamang. Pagpasok nila sa gusali, ang dalawang grupo ay dahan-dahang nagsama at naging isang malaking group. Matapos ang 'tulong' ni Jarvis, ang mga babae mula sa kabilang grupo ay nagpasalamat sa kanya. Ang ilan sa kanila ay nagsimulang humanga sa kanya at dahil dito ay halos mamatay si Yolanda sa inggit. Nagkaroon siy
Dahil hindi siya sinubukang pigilan ni Jarvis, nagpatuloy si Yolanda sa mga bastos niyang mga salita paminsan-minsan. Si Gerald naman ay tinatrato sila na parang wala sila. Bandang 11 a.m. na nang matapos ang dalawang mahabang oras ng pamamasyal. Dahil maraming mga restaurant sa gusali, nag-suggest si Jarvis na maghanap sila ng lugar para magtanghalian. Makakapag-usap pa sila habang nakaupo. Naturally, tinanggap ni Michelle at ng kanyang mga kaibigan ang alok at di nagtagal ay nakahanap sila ng isang kalapit na restaurant. Sa wakas ay nakakuha sila ng upuan, nilapag ni Gerald ang kanilang mga bag at naupo siya sa isang mesa. "At sino ang nagsabi na pwede kang umupo dito?!" May sumigaw pagkaupo ni Gerald. "Hindi ba tayo kakain? Mali bang umupo ako?" tanong ni Gerald habang naiinis. Si Yolanda ay nagsalita at ngayon ay sasabog na siya. Ang kanyang selos ay napigilan niya mula nang kailangan niyang panoorin si Michelle na nakikipag-usap kay Jarvis nang napakatagal. Dahil hindi s
“As if may pakialam ako! Siya ang nagbuhos ng sopas sa akin! Wala akong ginawang mali! Isa lang siyang waitress, big deal! " reklamo ni Yolanda. Hindi siya natatakot sa mga kahihinatnan dahil alam niya na si Jarvis ay sigurado ang pinaka-makapangyarihang tao doon sa sandaling iyon. Walang sinuman ang maglakas-loob na kalabanin siya at wala rin mananakit kay Yolanda. Bukod pa dito, ang kanyang spotlight ay ninakaw ni Michelle at nagkaroon siya ng medyo masamang araw. Hindi sila humingi ng paumanhin para sa sopas sa kanyang damit ngunit pinagsabihan pa siya ng manager! Nakakatawa ito... Habang iniisip niya ito, mas mukhang sasabog sa galit si Yolanda. "Huwag kang umiyak, Nat... tatawag ako kay Mr. Wadford para sayo. Sigurado na kakayanin ito ng tatay mo!" Sabi ng manager. Si Natalie Wadford ay anak ni Blake Wadford, ang manager ng buong tourist attraction. Ang kanyang tatay ay isa ring main organizer ng mga bagong proyekto sa lugar. Si Blake ay naatasan mula sa main branch sa Ma
Ang mga bodyguard ay hindi nagpakita ng awa. Kahit na si Alexander ay medyo mas matanda kaysa sa iba, siya ay natakot din habang pinapanood ang gulo na nasa harapan niya. Si Gerald naman ay simpleng nakaupo doon ng tahimik. Hindi siya santo at hindi siya obligadong tulungan ang lahat sa bawat sitwasyon. Alam niya na pamilyar sa kanya si Blake Wadford at kung gugustuhin niya, pwede pa niya itong makausap. Ngunit ayaw itong gawin ni Gerald. Wala siyang obligasyon na tulungan sina Yolanda at Jarvis. Hindi killa ang mga taong ito. Bukod pa dito, panay ang tingin sa kanya ni Yolanda. Karapat-dapat siyang bugbugin ng ganito dahil laging matigas ang ulo niya at hindi siya maingat. Mukhang makikisali din dito si Queeny at ang iba pa. Biglang isang grupo ng mga empleyado ang sumugod sa restaurant. “M-Mr. Wadford! Tigilan mo ito! Huminto ka!" nakiusap kung ano ang leader ng team. Mas maraming empleyado ang sumugod sa likuran niya. Ang leader ng team ay ang babae sa ticket counter kanin
Nakialam si Gerald dahil hindi niya matiis na pinapanood sina Jarvis at Yolanda na patuloy na inaabuso ang kanyang kapangyarihan. Bukod pa dito, sa wakas ay naalala ni Gerald kung sino si Blake Wadford. Siya ang nag-ayos ng birthday party para kay Elena Larson. Si Gerald ay kasama si Lilian sa panahon ng celebration, kaya naka-usap niya si Blake noon. Nag-usap lang sila ng saglit doon. Gayunpaman, malinaw na sumosobra na sina Jarvis at Yolanda kahit na gusto niyang panatilihin ang pagiging low profile. Kung sila ang kanyang matalik na kaibigan, hahayaan niya lamang ito. Gayunpaman, ang dalawang ito ay mga nobodies. ‘Bakit ako mananatiling tahimik at hahayaan ang mga bobo na ito na gawin ang gusto nila sa mga tauhan nila?’ Naisip ni Gerald sa kanyang sarili. “M-Mr. Crawford? Nandito ka pala?" Alam ni Blake na yari na siya sa oras na makita niya si Gerald. Para bang bumagsak ang puso niya hanggang sa tiyan. Nagalit siya matapos marinig na ang kanyang minamahal na anak na babae
“Teka lang Gerald! Ipaliwanag mo ang iyong sarili!" sabi ni Queeny habang nagmamadaling lumapit sa kanya. Namumutla ang mukha niya at parang napailing siya. Tulad ng iba pa, hindi niya alam kung paano naging napakadali kay Gerald na baguhin ang sitwasyon. Kanina pa niya minamaliit ni Gerald. Sa sandaling matagumpay na nakialam si Gerald, naramdaman ni Queeny na parang siya ay dinurog ng isang malaking bato. Sa kanyang isipan, patuloy niyang hinahangad na ito ay ibang tao na makapangyarihan. Kahit sino ay pwede na. Kahit sino maliban kay Gerald. 'Bakit tinawag niya si Gerald bilang Mr. Crawford?' 'Hindi ba siya ay isang talunan na low-life? Bakit, oh bakit…’ Ito ang mga kaisipang bumabaha sa isip ni Queeny. Nakaramdam siya ng sobrang pagkabalisa. "Anong kailangan mo?" paalis na tinanong ni Gerald. 'Kung hindi dahil kay Mr. Winters, hindi ko sasayangin ang oras kong lokohin ang sarili ko sa mga tao,' naisip ni Gerald sa kanyang sarili. "Ipaliwanag mo ang iyong sarili nang t
“P*ta! Queeny? Binigyan ko na kayo ng sagot!" sigaw ni Gerald sabay talon. Hindi niya inaasahan na hahabulin siya ng babaeng ito. "Anong meron sayo? Nag-aalala lang ako...! Sabihin na nating nanalo ka sa lotto o ano kahit na hindi ako sigurado kung magkano ang nakuha mo, hindi ba parang ang babaw mo para umasta ng ganito? Kakainin ka ng totoong mundo kung ganoon! Gaano man kalaki ang iyong nakuha, mag-ingat at huwag malinlang o baka tumira ka sa kalye sa susunod!" ‘Yeah… Totoo iyon. Si Gerald ay dapat na nag-invest siguro sa attraction gamit ang pera sa lotto.’ Ito lamang ang makatwirang konklusyon na maaari niyang mabuo sa sandaling iyon. Naging magulo ang kanyang damdamin at pakiramdam niya ay sobrang nababagabag sa biglaang pagbabago ng lakas. Matapos sabihin kung ano ang kailangan niya para mapakalma ang kanyang sarili, kaagad na umalis si Queenie sa opisina habang namumula ang pisngi niya. “Hah. Ang batang babae na ito... Kung nalaman niya ang tungkol sa aking totoong pagkat
“... Ay oo nga pala. Sharon, bakit ka naghahanap ng trabaho ngayon? Kumusta naman si Hayward?" tanong ni Gerald. Kahit na dati ay may crush siya sa kanya, wala na talaga siyang nararamdaman para kay Sharon. "Ah, well, matapos malaman ni Hayward na ikaw si Mr. Crawford, laking gulat niya kaya umalis siya sa kanyang bahay nang maraming araw. Bukod pa dito, alam niya ang tungkol sa ating nakaraang relasyon, kaya…” Tumigil doon si Sharon at iniwan na nakasabit ang kanyang mga salita. ‘… Ah, kaya pala naghahanap ng trabaho si Sharon, dahil pala ito sa akin!” Napaisip si Gerald sa kanyang sarili. Si Gerald ay nagpakita ng isang awkward na ngiti bago niya sinabi, "Pero alam mo, na-flatter pa rin ako, haha! Naaalala mo ba noong high school? Ang pinakamasayang birthday na meron ako noon ay noong nasa canteen tayo!" Nang marinig iyon, pareho sila Sharon at Xella nagsimulang mag-isip tungkol sa nakaraan. Noong high school, halos lahat ay tumanggi na makasama si Gerald at ang kahit noon