Tahimik na ini-swipe ni Gerald ang itim na card sa kanyang kamay. Kahit na tulala, ang cashier ay isang professional at agad siyang yumuko. “Sir! Gumastos ka ng malaki sa aming shop ngayon at magiging bastos kami kung hindi ka namin binigyan ng libreng mga regalo! Pumili ka ng kahit anong tatlong damit at libre na ito mula sa amin!" magalang na sinabi ng cashier. “Hindi, teka! Hindi siya bibili ng alinman sa mga iyon! Gerald, lahat ng ito ay napakamahal! Hindi ko kailangan ng gaanong magarbong damit!" Agad na sinabi ni Queta habang umiiling. "Sa palagay ko wala akong dahilan para suotin ang kahit kalahati ng mga pinili mo! Pakibalik na lang ang mga ito…” Ang kanyang boses ay nanginginig ng bahagya mula sa pagkabigla dahil sa sinabi ng cashier na bill nila. "Hindi mo kailangang isuot ang lahat ng mga ito. Ngayon, tara at pumili ng iba pang tatlong mga damit. Kung gusto mo, pwede mo itong ibigay sa mga teacher o kasamahan mo sa kindergarten. Sigurado ako na makakatulong iyon
"Well, ano nga ba ang nangyari?" Nagtataka na tanong ni Gerald. "Ang lugar na ito ay isang construction project talaga. Ang Weston Merchants Holdings ang namamahala dito para mag-oversee sa trabaho mga isang taon na ang nakalipas. Malinaw na ang mga developer ay gumamit ng low quality materials dito at dahil doon, may gumuho sa paligid ng lugar ng project. Mahigit isang daang mga tao ang nasugatan dahil dito, sixty sa mga ito ay mga manggagawa! Sa kabutihang palad, wala namang namatay!" "Oo nga. Narinig ko na ang mga developer ay tumakbo kagabi! Ang mga mula sa Weston Merchants Holdings ay nasa mahirap na posisyon ngayon. Humigit-kumulang isang dosenang mga tao, kasama na si Mr. Jung, ay natanggal sa kanilang posisyon, base sa narinig ko! Naghihintay sila na maparusahan sa oras na ito!" sagot ng mga manggagawa. Sa ala-ala ni Gerald, si Mr. Jung ang direktor ng Weston Merchants Holdings. Tinanggal rin siya dahil dito? Matapos pag-isipan ito, tinanong ni Gerald, "Bakit kailangan
Umubo ng malakas ang tatay ni Gerald nang marinig niya ang kanyang sinabi. “Ikaw… ang bastos mo! Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Basta kailangan mong malaman na ang aking relasyon sa kanilang dalawa ay hindi tulad ng iniisip mo! Hindi ko na papansinin ang sinabi mo, ang iyong Tita Leia ay bahagi rin ng pamilyang Jung at talagang kailangan nila ang tulong mo ngayon. Tulungan mo lang sila kung kaya mo. Isipin ito na parang tinutulungan mo akong bayaran ang isang utang sa kanila! Huwag kalimutan na hanapin din si Xara! Andito na ang nanay mo! Iyon lang ito para sa ngayon!" Matapos sabihin ang lahat ng iyon, agad na binaba ng kanyang ama ang tawag. Hawak ni Gerald ang kanyang cellphone at napahinto ng medyo matagal bago tuluyang bumalik sa kanyang katinuan. …Ano? Natukso si Gerald na tawagan ang kanyang nanay sa oras na iyon para sabihin sa kanya ang tungkol sa lahat ng ito. Sa totoo lang, tinutulungan niya ang kanyang ama na magsinungaling sa kanya at hindi niya maiwasang ma
"Uncle Jung, Tita Leia, nandito ako para bumisita!" sabi ni Gerald na may ngiti sa kanyang labi habang bitbit ang isang bag ng mga regalo sa kanilang bahay. Pasimpleng tiningnan siya ni Leia nang tahimik habang inilapag niya ang bag. Si Willie ay nasa sofa na ulit, nakatingin sa kisame at hindi man lang sumagot sa pagbati ni Gerald. Nahiya si Leila nang makita si Gerald na hindi pinansin dahil alam niya na napakahusay ni Gerald sa Mayberry City. Kung tutuusin, siya ang naghatid sa kanya sa istasyon noong isang araw gamit ang isang malaking Mercedes Benz G500! Sa katunayan, nagpasalamat si Leila kay Gerald. Gayunpaman, wala pa siyang oras upang sabihin sa kanyang ama ang tungkol dito. Nang umuwi si Leila kahapon, nagsimula na ang serye ng mga malas na kaganapan. Kahit pa ganoon, ang kanyang ama ay nasa bingit na ng pagbagsak mula sa lahat ng pressure. Paano niya sasabihin kay Uncle Jung na sobra siyang naging masaya sa oras na iyon? Naramdaman Leila ang awkwardness, kaya
Sinabi ni Leia kay Leila na manatili sa bahay para makasama si Douglas. Si Gerald naman ay agad na tinawagan si Zack pagkalabas niya ng bahay. Sa sandaling nag-update si Zack sa bagay na ito, alam ni Gerald na ang sitwasyon ay malulutas nang mabilis. Si Zack nga naman ito. Nang makapagsimula si Zack na gawin ang mga naaangkop na arrangements, tumungo si Gerald sa supermarket para makuha ang lahat ng mga item sa listahan ni Leia. Nang nasa kanya na ang lahat, bumalik siya sa bahay ng pamilyang Jung. Nang muli siyang tumapak sa bahay, isang malawakang pagbabago ang naganap. "Congratulations, Uncle Jung!" "Salamat! Hindi ko talaga inaasahan na ang Dream Investment Group ang hahawak sa real estate project na ito! Nagdesisyon sila na sakupin ang buong project at nabigla talaga ako!" Hindi na kailangan ni Willie ang drip niya. Ang kanyang pamumutla kanina ay nawala na at sa nakataas niyang kamay ay nakalagay ang kanyang cellphone. “Lumapit kayong lahat! Kayong lahat ay dapa
"...Burahin natin ang mga sinabi ko kanina, sa palagay ko pwede kitang tanggapin, kahit na hindi mo natutupad ang lahat ng mga karaniwang kondisyon para sa posisyon. Ang kailangan mo lang gawin ngayon ay ibenta ang kotse at bumili ng sarili mong bahay. Kung kaya mong gawin iyon nang tama, makakakuha ka ng trabaho bilang isang clerk sa public office. Magkakaroon ka ng mga social insurance at housing funds. Sa ganoong paraan, magkakaroon ka ng matatag na buhay sa future!" "Alam mo ba, mayroon akong isang subordinate dati na may isang kapatid na tatlong taon lamang ang tanda sayo. Hindi pa siya kasal. Kapag nakapag-ayos ka na, pwede akong maging matchmaker mo at tutulungan kang makakuha ng asawa!" sabi ni Willie. Napatulala si Gerald. Basta't handa siyang magbigay ng pera sa kanya, itatrato siya ng maayos ni Willie? Gayunpaman, nagulat si Leila. "Papa... Hindi ba ang kapatid ng secretary na iyon ay... Alam mo… medyo nabagal ang isip...?" "Ano naman? Hindi madali para sa sinuman na
Sa kabila nito, malapit pa rin silang childhood friends. Kahit na hindi pa sila nagkikita ng isang dekada, ang parehong mala-batang damdaming galak na ibinahagi nila ay mananatili pa rin. “G*go ka! Kailan ka bumalik? Bakit hindi mo ako tinawagan, ha? " tanong ni Xeno habang nilalaro niya ang likod ni Gerald ng ilang beses. “Ow, ow! Ngayon lang ako nakabalik dito! Matagal na mula noong huli akong umuwi, kaya nananatili ako sa Serene County sa ngayon!" sagot ni Gerald habang nakangiti siya sa sobrang saya. "Xeno, customer yan! Maging propesyonal ka!" sigaw ng isang babae nang makalabas siya ng shop. Fashionable ang damit ng babae at mukhang kaedad niya si Gerald. Syempre, alam ni Gerald kung sino din siya. Galing siya sa kanyang junior high school at noon ay boyfriend niya si Xeno. Ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari ng isang supermarket sa bayan at sila ay may magandang buhay. Mukhang pinananatili nila ang kanilang relasyon kahit na sa loob ng maraming taon! "Heh, huwag
Ang kotse ang kanyang pinaka-importanteng asset at ibibigay niya lang ito sa kanyang kaibigan nang libre? ‘Gerald, hindi ito ang oras para magpakitang-gilas!’ Inisip ni Leila sa kanyang sarili. Bagaman nagsimula nang magbago ang tingin ni Leila kay Gerald, hindi niya maiwasang makaramdam ng galit sa mga sinabi ni Gerald kanina. Bago ang mga pangyayaring ito, lihim na itinuring ni Leila na boyfriend si Gerald. Ngayon, ayaw niya nang isipin ito! Mula sa pananaw ng isang outsider, halos tinuturing niya na ang kotse ay pagmamay-ari ni Leila. "Hindi ko matanggap yan! Ito ay isang bagong kotse, brother! Hindi ko lang kukunin ito sayo ng libre! Paano ito, mayroon akong one hundred thousand dollars ngayon. Bibilhin ko ang kotse sa market rate na two hundred seventy thousand dollars. Ibibigay ko ang natitirang pera kapag naibenta ko na ang kotseng ito! Deal?" "Kung ganun, bilhin mo na lang ito ng one hundred thousand dollars!" sagot ni Gerald habang nakangiti. Alam niyang hindi tata