Ang nagsalita ay mula sa isa sa mga kaibigan ni Leila. "O sige, sige, mga babae. Babayaran ko ang anumang kakainin natin ngayong gabi! Maaari tayong gumastos ng hanggang sa one thousand five hundred dollars ngayong gabi!" nakangiting sinabi ni Douglas. "Pero Douglas, bakit ikaw ang magbabayad? Malinaw na si Gerald ang dapat manlibre sa atin!" "Siguro ay hindi niyo alam ito, pero may utang ako kay Gerald na ganoong halaga ng pera! Kung babayaran ko ang halagang iyon para sa dinner natin, ang IOU ay ganap na mababayaran na!” Napaisip si Douglas sa sarili niya, hindi iisipin ni Gerald na muling makuha ang kanyang one thousand five hundred dollars mula sa kanya! Mas gugustuhin niyang gamitin ang pera para pasayahin ang lahat kaysa ibalik ang pera sa kanya. “Okay lang! Tara na! Oras na para umalis ako sa trabaho ngayon!" masayang sinabi ng salesgirl. Sa sandaling iyon, nagsimulang tumunog ang cellphone ni Leila. Si Willie yun. "Ano ito? Hindi ba tayo nagkasundo na magbibig
"Anong fifteen thousand dollar bank savings book?" tanong ni Gerald, medyo nagulantang siya. Bago pa siya mapigilan ni Xeno, binuksan na ni Gerald ang pintuan para makita ang isang balisa na Sienna. "Ay, huwag kang magalala tungkol dito! Kailangan kong gamitin ang pera na ‘yon!" sabi ni Xeno habang nakangiti. "Para saan mo gagamitin ito? At ano ang hawak mo sa iyong kamay? Hala, anong ginagawa mo sa sobrang laking check?!" Ang pagkabalisa sa boses ni Sienna ay lalong lumalala. "Ang pera ay para kay Gerald! Paano tayo makakabili ng halos brand new na kotse na one hundred thousand dollars lamang? At saka, ito ay isang Mercedes Benz G500!" sagot ni Xeno. "At bakit naging imposible ito? Ano ang masama na kumita tayo ng ilan sa kanyang pera? Xeno, hindi mo pwedeng lokohin ang iba pa sa kanilang pera pero siguradong pwede mo siyang lokohin! Bigyan mo ako ng tseke!" sigaw ni Sienna habang dinukot ang tseke mula sa kanyang kamay. "Pfft, naibenta na natin ang kotse sa kabuuan ng t
Matapos ma-expel si Xeno, binugbog naman ng maraming beses si Gerald. Iniwan rin siya ng babae na gustong makuha ng gangster at pinili nito na makasama ang gangster kaysa kay Gerald. Ito ang dahilan kung bakit takot at nahihiya si Gerald sa mga babae tuwing nakikita niya sila sa kanyang high school at university. Ang lahat ay dahil sa kaganapang ito. Sa sandaling napatalsik si Xeno mula sa paaralan, nagpatuloy lang siya na mabuhay sa kalye. Siya ay bihirang nasa bahay. At saka, nang pumasok si Gerald sa high school, patuloy na binabago ni Xeno ang kanyang number. Mahirap para kay Gerald na makakausap siya ng minsan! Mula noong araw na iyon, palaging nasa puso ni Gerald ang sakripisyo at kabaitan ni Xeno. Ito ay dahil ang posibleng mahusay na hinaharap ni Xeno ay nasira ng isang solong kaganapan at ito ay dahil kay Gerald! Alam ni Sienna ang tungkol sa lahat ng ito at ito ang dahilan kung bakit ayaw niya kay Gerald. Si Sienna ay isang napakagandang babae. Ang kanyang pamil
Ito ay tungkol sa jade pendant. Nagawang makipag-ugnay ni Zack sa isang luma at bihasang eksperto sa jade antique street sa Serene County. Siya ay sikat sa lokal na lugar. Nasabihan din siya na ang matandang master ay minana ang kanyang talento mula sa kanyang mga ninuno. Ito ay perpekto dahil kailangan ni Gerald ng isang bihasang taong katulad niya para makatulong na malaman at ma-appraise ang naturang isang ancient jade. Napagpasyahan ni Gerald na hahayaan niya ang matandang master na alamin at suriin muna ang jade pendant. Kung nabigo siya, si Gerald ay maghahanap na lang ng iba pang mga master ng jade sa buong bansa kung kinakailangan. Kung tutuusin, kahit na ang dean ay walang alam tungkol sa pagkakakilanlan ni Xara Machamer, kaya paano pa malalaman ni Gerald ang tungkol sa kanya? Ang tanging clue niya lamang ay ang jade pendant na ito at naintindihan iyon ni Gerald. Gusto sana ni Zack na samahan si Gerald para makilala ang jade master. Gayunpaman, sinabi sa kanya ng
“Trabaho...? Hindi mo pa rin sinasabi sa akin kung bakit mo hinahanap ang aking lolo ngayon!" Sinabi ni Cindy habang lumalaki ang kanyang interes sa bagay na ito. "Hindi ito seryoso, pumunta lang ako para manghingi ng pabor, hindi ito big deal," sagot ni Gerald. "Ah, okay... Oh! Dahil nandito ka na, bakit hindi ka pumasok? Gagawa ako ng tsaa para sayo!" "Siguro sa susunod na lang, babalik din naman ako dito. Pupunta lang ako sa bangko ngayon para mag-withdraw ng pera,” sagot ni Gerald habang nakangiti. "Nagkataon na pupunta rin ako sa bangko para ibigay ang cellphone ng nanay ko. Sabay na tayo!" sabi ni Cindy habang palabas ng shop at tumayo siya sa tabi ni Gerald. Nakayuko lang na tumango si Gerald. Ang gusto lamang niyang gawin ay umalis ng tahimik pagkatapos iwan ang pendant kay Matthew para pag-aralan at ilabas ang kanyang pera. Hindi talaga niya inaasahan na makasalubong si Cindy dito ngayon. "Nakalimutan ng nanay mo na dalhin ang kanyang cellphone?" Gusto ni Gerald
"Pfft! Kailangan mo pa bang magtanong? Siguro ay nandito siya para kunin ang maliit na natitirang pera niya sa kanyang bank account! Hahaha! Malamang hindi mo ito napansin, pero wala man lang siyang pera sa kanyang wallet kahapon!" sabi ni Douglas habang tumatawa. Wala nang sinabi si Leila. Noong mayaman pa siya, hindi niya maitatanggi na mayroon siyang nararamdaman para kay Gerald. Gayunpaman, ngayon, wala siyang nararamdaman para sa kanya matapos masaksihan ang lahat ng kanyang ginawa kahapon. "Tama iyan! Dumating siya para mag-withdraw ng pera at si Cindy ay sumama sa kanya!" sabi ni Leia habang tumatawa. Napangiwi ang mukha ni Leila nang marinig ang pangalan ni Cindy. Agad niyang hinila si Cindy sa gilid at sinimulang ikwento sa kanya na si Gerald ay waoang pera at baka hinila niya si Cindy dito lokohin siya at kunin ang pera niya. Sa sandaling marinig niya ang lahat ng iyon, tumingin si Cindy kay Gerald na nababalisa. “Bakit mo binenta ang kotse, Gerald? At saka, bakit m
Nang matapos na si Gerald sa pagsasaayos ng bayad sa bahay, malapit nang mag tanghali at tiniyak ni Xeno na malaman ito ni Gerald dahil patuloy niya itong tinawagan. Matapos magmadali pabalik sa kanyang kwarto sa hotel para magpalit ng ilang mas maayos na damit, agad na pumunta si Gerald sa isang restaurant na nagngangalang Johnsbury Bistro. Habang papunta na siya doon, nandoon na sina Xeno at Sienna sa restaurant. Tatlong iba pang mga tao ang nasa private room kasama nila. Ang isa sa kanila ay kasamahan ni Sienna habang ang dalawa pa ay ang babae na magiging blind date ni Gerald ngayon pati na rin ang kanyang ina. Ang babae ay may mahaba at itim na buhok, ang kanyang balat ay napaka-puti. Parehong delicate at maganda ang itsura niya. Gayunpaman, ang kanyang hitsura ay nagdidikta ng kanyang pag-uugali habang siya ay tila malamig at ang kanyang ulo ay nakababa sa karamihan ng oras na nandoon sila habang patuloy siyang nakatingin sa kanyang WeChat. Ang kanyang nanay naman ay
Hindi ba siya pumunta dito para makilala ang babaeng ito at maging magkaibigan sila?Nang marinig ni Gerald ang mga salitang iyon, agad siyang nabalisa at nakita na nasa posisyon siya na obligado nang magpakasal agad.Hindi niya namalayan na nagsimula siyang balutin ng malamig na pawis."Una, kailangan mong ilipat ang title ng iyong bahay at ang iyong sasakyan sa aking anak na babae bago ka niya pakasalan. Oh, teka lang. Wala ka pang kotse. Kaya, maaari mo lamang ilipat ang title ng iyong bahay sa aking anak na babae. Dapat ay nasa ilalim ito ng pangalan ng anak ko at hindi sa pangalan mo. Makakatulong ito para masigurado namin na ikaw ay sincere sa intensyon mo, naintindihan?" sabi ng babae."Oh... yeah, sige."Tumango si Gerald, namumula at namamanhid ang kanyanf mukha."Ang pinakamahal na property ko ay nagkakahalaga ng 120,000,000 dollars. Kahit na papayag akong ibigay ito sayo, maglakas-loob ka bang tanggapin ito? Hah!""Pangalawa, siguradong may problema sa mga magulang mo