Maya-maya, tumayo si Gerald at pumunta sa banyo. Hindi nagtagal pagkatapos niyang pumasok sa banyo, tumayo si Xella para magtungo sa banyo mismo. Matapos maghugas ng kamay ay nakasalubong ni Gerald si Xella na sabay ring umalis ng banyo. Awkward ang pagkikita nila, sa totoo lang. "Oo nga pala, hindi ako nakakuha ng pagkakataon na makausap ka ng maayos. Kumusta ka naman?" sabi ni Xella na may isang malanding ngiti habang sinusubukang itago ang kanyang awkwardness. Alam niya kung paano ang relasyon nila ni Gerald dati, at alam din niya ang away sa pagitan nila Gerald at Waylon. Gayunpaman, ngayon siya ay naging medyo malapit kay Waylon. Kahit na hindi niya sinabi ito, sigurado na hindi bibigat ang loob ni Gerald dahil dito. "Okay naman!" sabi ni Gerald habang pinupunasan ang kanyang mga kamay ng dry tissue. "Balita ko na hindi ka pa nakakahanap ng trabaho, totoo ba iyon? Mayroon ka bang mga plano sa susunod?" tanong ni Xella. "Plano kong magkaroon ng sarili kong katayua
Ang dagundong ay nagmula sa walang iba kundi kay Waylon mismo na lumabas lamang sa private room. Kanina lang, may isa pang babae na umalis sa banyo ngunit nang palabas na sana siya sa private room, nakita niya ang isang lalaking nakaharang sa daanan ni Xella. Nang malaman ni Waylon ang tungkol dito, agad siyang bumangon at pumunta sa banyo kasama ang iba pa. "Ano ito? Isang grupo ng mga mangmang! Sino ang sinisigawan mo?" Kahit na manyak siya, si Mr. Zabel ay tiyak na hindi mahina na nilalang. Malamig ang ekspresyon niya habang tinatanong ang mga ito. "Kaklase ko ang babae na 'yan. Bakit mo hinaharangan ang daanan niya?" Walang takot na tinanong ni Waylon. Takot na takot si Xella kaya likas na pumunta siya sa likuran ni Waylon. "Xella, sige, sasabihin ko ito. Ang mga kasamahan na naghihintay sa akin ngayon ay hindi ordinaryong tao. Kung alam mo kung ano ang pinakamahusay para sa sarili mo, sundin mo ako. At saka, bakit hindi mo sabihin sa mga g*go na ito kung sino ako?" s
Ginagawa ni Waylon ang kahit anong gusto niya dahil sa kapangyarihan at impluwensya ng kanyang ama, matapang at mayabang siya sa harap ng lahat ng kanyang mga kaklase. Hindi niya naisip na ang mga tauhan ni Charlie ay kumikilos ng mas mabangis sa kanya. Sobra nilang binugbog si Waylon hanggang sa hindi na siya makagalaw. Sa sandaling iyon, nawasak ang parehong pisikal at emosyonal state ni Waylon. "Kailangan siyang dalhin sa ospital!" sigaw ni Morgana bago inilabas ang kanyang cellphone at tumawag para sa isang ambulansya. Hindi nagtagal ay dumating ang ambulansya at dahil si Morgana mismo ay isang clinician, pumasok din siya sa ambulansya para matulungan na lagyan ng bandage ang kanyang mga sugat. Umalis siya sa ospital kasama si Waylon. "Bugbog sarado si Waylon at dinala siya sa ospital ngayon... Ano ang gagawin natin?" "Umalis na muna tayo sa ngayon... Paano kung bumalik ang mga baliw na iyon na may dala pag mga tao?" "Tama ka! Hindi sila tulad ng mga ordinaryong tao .
“F*ck! Ang isang Mercedes-Benz G-Class ay nagkakahalaga ng higit sa three hundred thousand dollars!" sigaw ng isang kaklase na nag-aalala. Kahit nagsalpukan ang dalawang sasakyan, hindi masyadong malala ang pinsala ng Mercedes-Benz G-Class kumpara sa sariling kotse ni Cameron. Gayunpaman, kung kinakailangan niyang magbayad para dito, alam ni Cameron na kailangan niyang maglabas ng one hundred thousand dollars para dito. Umiling siya ng bahagya sa sobrang takot. "Pasensya na, Cameron! Kung hindi dahil sa akin, hindi mo sana nabunggo ang kotse!" napaungol si Xella na parang nadagdagan ang pinapasan ng kanyang puso. Bumuntong hininga siya sa kanyang isip habang pinipigilan ang luha niya. 'Kung hindi dahil sa akin, ang lahat ng ito ay hindi mangyayari ngayon...' ‘Si Waylon ay binugbog, at ngayon ay bumangga si Cameron sa ibang kotse habang sinusubukan niya akong dalhin sa ospital para bisitahin si Waylon! Ano na lang ang gagawin namin ngayon?’ Naging negative ang isipan ni Xell
Sa oras na ito, hindi kayang ihatid ni Cameron ang mga tao papunta sa destinasyon nila dahil sa kanyang nasirang hood. Ang lahat ng problema na ito ay dahil kay Xella, pero wala talagang silbi ang umiyak sa nangyari noon. Bukod pa dito, hindi inisip ni Gerald na tamang iwan na lamang sila ng ganoon. Magkaibigan naman sila dati. “Tara, sumakay ka sa kotse ko. Dadalhin kita sa ospital!" mahinahon na sinabi ni Gerald. Ang panibagong mature at kalmadong si Gerald ay kakaiba sa para sa iba. Kung iisipin ang nangyari, hindi nakakagulat na parang kalmado siya at kaswal kanina nang kausap niya sila sa bus stop. Sa totoo lang, hindi nila binigyang pansin ang kanyang pag-uugali noon dahil inakala nilang talunan pa rin siya. Gayunpaman, ngayon nang mas binigyang pansin nila ang paraan ng kanyang pagsasalita, nalaman nila na ang kanyang tono ay parang malamig at composes kumpara sa dating Gerald na kilala nila. Napanganga sila dahil dito. “Gerald! Ito... Ito ba ang sasakyan mo?" ta
Sigurado na humihingi ng tulong si Waylon kay Jaxon. Gayunpaman, bago nila marinig ang tungkol sa mga detalye, binaba na ni Waylon ang tawag. Ito ay dahil napansin niya si Xella at ang iba pa ay pumasok sa kwarto. "Pasensya na, Waylon! Kasalanan ko ang lahat!" Nanghingi ng tawad si Xella. “Ano ang pinagsasabi mo Xella? Nagulat lang ako noong sinimulan nila kaming bugbugin nang hindi man lang nililinaw ang sitwasyon! Huwag kang mag alala, ang mga subordinates ng tatay ko ay nakikipag-usap sa kanila ngayon! Narinig din ng tatay ko ang tungkol sa mga problema mo!" sabi ni Waylon sa isang mabangis na pamamaraan. May sasabihin pa sana si Xella nang magsimulang mag-ring ang kanyang cellphone. Huminga siya ng malalim at sinagot niya ito. Ito ay isang maikling pag-uusap lamang at hindi nagtagal ay binaba na niya ang tawag. "…Tapos na ang lahat para sa akin! Ang tawag ay mula sa presidente ng kumpanya at sinabi niya sa akin na natanggal na ako!" mahinang sinabi ni Xella. Alam niya
Napahinto ang lahat. Iisang bagay lang ang nasa kanilang isipan. '…Ano? Malaking pagbabago ang nangyari! At napakabilis din!' "... Xella, naisip ko na may isang taong may mga koneksyon sa likod ng mga eksena para matulungan ka... Kung hindi man, bakit pa nanguna ang boss mo na tanggalin ang manyak na 'yon? Hindi kailangan ng effort ng boss mo para imbestigahan ang bagay na ito at tinawagan ka pa niya sa personal mong number para humingi ng tawad sayo! At saka, tinanggal niya pa ang manyak!” "Ganito din ang naisip ko. Sinabi mo mismo na ang desisyon ay ginawa ng mga superios mo. Sigurado na may gumamit ng kanilang mga koneksyon para magawa ang bagay na ito!" Si Rae at ang iba pa ay lantarang pinag uusapan ngayon ang kanilang mga haka-haka. "Sa tingin ko ganun din. Napakahirap na i-aasign ka bilang isang potensyal na trainee para sa personnel department. Hindi ko maiwasang magtaka kung sino ang may ganoong kapangyarihang pasunurin ang boss at ang aking mga superiors na gumawa n
Hinimas niya ang mga palad niya habang tinatanong na may ngiti sa labi. “… Eh? Mr. Crawford?" Nataranta ang iba sa ward nang marinig ang pangalan. Lalo na ito para kay Waylon na handa nang batiin ang president at kumilos na parang nanghihina sa harap ng iba pa. Sa oras na ito, mas natulala kumpara sa iba sa kwarto. 'Bakit niya tinawag si Gerald bilang Mr. Crawford?' "Alam mo kung sino ako, president?" tanong ni Gerald. Nabigla din siya. "Syempre kilala kita! Noong pinasok sa ospital si Mr. Winters, pumunta rin ako para bisitahin siya. Pero, hindi kita nakasalubong sa oras na iyon bago ka umalis!" sabi ng president habang patuloy siyang ngumiti. Sa pag-iisip tungkol sa kanyang mga salita, mabilis na inayos ni Gerald ang puzzle. Noong dinala si Mr. Winters sa ospital, nakasalubong niya si Morgana sa cafeteria. Noon, mabigat ang loob ni Morgana sa kanyang isyu sa trabaho. Nang umalis si Gerald para makipagkita kay Zack, sinabi niya sa kanya ang tungkol sa mga isyu sa tra