Natukso si Finnley na hampasin ang likod ng ulo ni Gerald, ngunit huminto siya sa pinakahuling segundo bago siya bumulong, “…Bah, kalimutan mo na. Nakakahiya na saktan ka ng ganito ngayong nakapasok ka na sa Dominesch Realm." “Huwag mo nang isipin ‘yan, saan ka pumunta nitong mga nakaraang taon, Finnley? Bakit ka umalis ng biglaan? Maraming nangyari noong wala ka, alam mo ba ‘yon?" Umubo si Finnley bago niya sinabi, "Pag-usapan natin ‘yan sa ibang pagkakataon. Sa tingin ko ang laban natin ay nakakuha ng atensyon ng ilang tao... Sundan mo ako. Dahil nasubukan ko na ang iyong martial arts, gusto kong subukan ang iyong lightness sa susunod!" Kasunod nito, iwinagayway ni Finnley ang kanyang kamay... at ilang sandali lang, umalis siya sa isang sinag ng liwanag! Nang makita ito ni Gerald, hindi napigilan ni Gerald na mapangiti nang i-activate niya ang kanyang Golden Blaze Somersault para simulang habulin ang matanda... Hindi nagtagal ay nakarating si Finnley sa tuktok ng bundok sa Gr
“Malamang hindi siya iyon! Kung kinalaban mo ang tunay na form niya, malamang parang langgam ka lang sa kanya! Kahit na ang batang si Amorphous ay magreresulta sa isang tie laban sa mga split selves ni Sanchez!" sabi ni Finnley sabay tawa. "…Bata? Amorphous?” sabi ni Gerald na napansin na hindi masyadong mataas ang tingin ni Finnley sa senior na iyon. "Kanina, sinabi mo na hinahabol mo si Sanchez at may nangyari... Pwede mo bang ipaliwanag pa ito sa akin?" tanong ni Gerald na sabik na sabik na sagutin lahat ng tanong niya. “Pagkatapos subukan ni Sanchez na pumasok sa puntod ng general, isang puwersa na matagal ko nang sinusubaybayan ang biglang lumitaw muli… Base sa nakuha kong impormasyon noong panahong iyon, ang impluwensya ng Sun League ay umabot na sa sekular na mundo. ASa puntong iyon— paminsan-minsan ay kinikidnap pa rin nila ang mga tao,” paliwanag ni Finnley. "Iyon ang dahilan kung bakit sinabi mong hindi pa ako handang matuto nang higit pa tungkol sa Sun League noon...
“One hundred percent sure. Tumpak ang iyong investigation. Simula nang malaman kong meron siyang angelic roots, alam kong hindi na magtatagal bago siya ma-kidnap. Dahil dito, kailangan kong mag-focus sa inyong dalawa. Nagtago din ako sa barko nila noong gabing umalis siya papuntang Northbay mula sa Hong Kong!” sagot ni Finnley, na naging dahilan para lumaki ang mga mata ni Gerald sa pagkagulat habang patuloy na sinasabi ni Finnley sa kanya ang iba pang nangyari. Sa madaling salita, si Finnley ay nag-disguise bilang isang canteen employee nang gabing iyon para i-monitor si Mila at ang iba pang mga babae sa barko. Nang maramdaman niya ang napakalaking kapangyarihan ng isang angelic artifact kinaumagahan, alam ni Finnley na dumating na ang tamang araw. Mabilis na yumanig ang barko dahil sa mabangis na alon, habang ang ilang mga dalaga na nakasakay ay natakot. Sa kabilang banda, si Mila mismo ay nanatiling kalmado—at ginawa ang lahat ng kanyang makakaya kontrolin ang sitwasyon—, ngunit
Pagkatapos nito ay sumagot si Finnley, "Tama. Tinago niya ang sarili niya kaya halos hindi ko siya napansin! Mabuti na lang noong panahong iyon, isang beses ko nang nakita ang lolo mo ilang dekada na ang nakalipas…” "...Matagal mo na siyang kilala?" gulat na tinanong ni Gerald. “Oo, at sa oras na makilala ko siya, alam kong hindi siya karapat-dapat na maging kakilala ko. Noong una kong nakilala si Daryl, iniimbestigahan ko pa ang Soluna Deus Sect. Noong panahong iyon, naisip ko na mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng angelic roots ang mga tao sa misteryosong pamilya, kaya naglakbay ako sa buong mundo para makilala sila. Habang naglalakbay ako, doon ko unang kong nakilala ang iyong lolo. Noong panahong iyon, ang kanyang mga cultivation techniques ay masyadong kakaiba." "Kahit na meron siyang demonic essential qi sa kanyang katawan, isa sa kanyang mga cultivation technique ay black magic. Bukod pa doon, parang nakapasok din siya sa demonic cultivation realm! Mararamdaman mula
"Hindi ko inasahan na ito ay mahuhulog sa mga kamay ng isang karaniwang tao na nagsisimulang magdulot ng gulo gamit ang devilish technique! Sa tingin ko, ang ipinagbabawal na libro ay binabantayan ng iyong past incarnation. Kung tama ang hula ko, nalaman niya ang mga sikreto ng Herculean Primordial Spirit habang kinukuha ang libro mula sa iyong dating pagkatao. Kasunod nito ay natunton ka niya.” “Kung paniniwalaan natin ang theory na ito, gusto kong sabihin sayo na kahit siya ang nagpalaki sa tatay mo hanggang adulthood at nagtatag ng pamilyang Crawford, hindi pa rin siya ang biological grandfather mo. Ito ang tanging paraan para magkaroon ng kahulugan ang lahat ng ito!" paliwanag ni Finnley. "Sinabi rin ito nila Sister Indigo at Second Uncle!" sagot ni Gerald sabay tango. Humalakhak si Finnley nang marinig ito, bago niya sinabi, "Malamang interesado ka sa Hellish Skynet technique ngayon, tama ba? Kung oo, huwag kang mag-alala, maraming mga indibidwal mula sa Deitus Realm ang hin
“Iyon ang dahilan kung bakit nagpakita ulit ako. Hindi mo kayang kalabanin si Daryl, kaya ang pagsugod sa kanyang lungga ay halos ay isang suicide mission. Maililigtas kita kung magkakaroon ng hindi makontrol na kaguluhan sa huling sandali, medyo nag-aalala ako na baka mas maagang dumating sina Daryl at Sanchez!, at wala akong choice kundi kalabanin sila!" dagdag ni Finnley. "Nag-aalala ka ba tungkol sa Soluna Deus Sect...?" tanong ni Gerald na naiintindihan kung saan nanggagaling si Finnley. “Oo. Kahit na kilala na ako ng Soluna Deus Sect, hindi pa rin nila alam kung nasaan ako. Hangga’t patuloy ang pagkakas mo, ang pinakamahusay kong pagpipilian ay manatiling nakatago hangga't maaari!" sagot ni Finnley sabay tango. “Mas malakas… Sinasabi mo ba na makapasok ako sa Deitus Realm at posibleng maging Angelord? Pero sa tingin ko ay wala akong angelic root…” sabi ni Gerald. “Tama, wala ka nito. Hindi ka nagtataglay ng Herculean Primordial Spirit, pero ikaw ay ipinanganak na kasama
“Tama ka. Para malagpasan mo ang unang hakbang, kailangan nating tumingin sa puntod ng general!" sagot ni Finnley. "Mayroong isang angelic root doon?" tanong ni Gerald. “Negative. Ang mga angelic roots ay hindi nabubuhay sa kanilang sarili. Dapat silang maging innate o itinanim gamit ang isang espesyal na sangkap, at swerte tayo dahil mayroong ganoong sangkap sa puntod ng general. Ang sangkap ay ang dragon spirit pearl, na mas kilala bilang dragon internal pellet! Kapag inubos mo ito, magbabago ang iyong katawan, at ang iyong Herculean Primordial Spirit ay kikilos tulad ng isang angelic root na nakatanim sa loob nito. Kung magiging maayos ang lahat, magtagumpay ka sa iyong unang hakbang sa pagpasok sa Deitus Realm!" sagot ni Finnley. “…Nagtataka ako kung sinusubukan ni Sanchez at ng kanyang mga alagad na makuha ang dragon spirit pearl…” sabi ni Gerald. "Sinusubukan nga nilang gawin iyon. Pagkatapos ng lahat, ang pellet ay nabuo sa katawan ng isang spiritual dragon na nilinang s
“Hindi ko alam,” sagot ni Gerald. "Siya si Zedd Burns, ang bunsong anak ni Duke Carlos, ang War God ng Qin Kingdom sa pagtatapos ng Great War period!" paliwanag ni Finnley. “Hindi ko pa narinig ang pangalan na Zedd, pero kilala ko ang panganay na anak ni Carlos, si Zelig. Sa natatandaan ko, pagkatapos mapatay ng Qin Emperor ang tatay ni Zelig, lumipat ang ibang miyembro ng kanyang pamilya sa Yorkland, kaya naman karamihan sa mga descendant ni Zelig ay Yorklanders, tama ba?" tanong ni Gerald, na alam ang history dahil siya ay literature major siya dati. “Oh? Not bad! Tama, malamang alam mo na ito, pero mabilis na bumawi ang pamilyang Burns pagkatapos ng kamatayan ni Carlos. Kahit na si Zelig ay hindi kasing-husay ng kanyang ama, minana ni Zedd ang katapangan at galit ni Carlos. Dahil dito, ang bunsong anak na lalaki ang nag-handle ng halos lahat ng mga family affair. "Sa paglipas ng panahon, gusto pa ni Zedd na gumamit ng ibang pangalan para masakop ang lupain para sa Westland n