Pagkatapos nito ay sumagot si Finnley, "Tama. Tinago niya ang sarili niya kaya halos hindi ko siya napansin! Mabuti na lang noong panahong iyon, isang beses ko nang nakita ang lolo mo ilang dekada na ang nakalipas…” "...Matagal mo na siyang kilala?" gulat na tinanong ni Gerald. “Oo, at sa oras na makilala ko siya, alam kong hindi siya karapat-dapat na maging kakilala ko. Noong una kong nakilala si Daryl, iniimbestigahan ko pa ang Soluna Deus Sect. Noong panahong iyon, naisip ko na mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng angelic roots ang mga tao sa misteryosong pamilya, kaya naglakbay ako sa buong mundo para makilala sila. Habang naglalakbay ako, doon ko unang kong nakilala ang iyong lolo. Noong panahong iyon, ang kanyang mga cultivation techniques ay masyadong kakaiba." "Kahit na meron siyang demonic essential qi sa kanyang katawan, isa sa kanyang mga cultivation technique ay black magic. Bukod pa doon, parang nakapasok din siya sa demonic cultivation realm! Mararamdaman mula
"Hindi ko inasahan na ito ay mahuhulog sa mga kamay ng isang karaniwang tao na nagsisimulang magdulot ng gulo gamit ang devilish technique! Sa tingin ko, ang ipinagbabawal na libro ay binabantayan ng iyong past incarnation. Kung tama ang hula ko, nalaman niya ang mga sikreto ng Herculean Primordial Spirit habang kinukuha ang libro mula sa iyong dating pagkatao. Kasunod nito ay natunton ka niya.” “Kung paniniwalaan natin ang theory na ito, gusto kong sabihin sayo na kahit siya ang nagpalaki sa tatay mo hanggang adulthood at nagtatag ng pamilyang Crawford, hindi pa rin siya ang biological grandfather mo. Ito ang tanging paraan para magkaroon ng kahulugan ang lahat ng ito!" paliwanag ni Finnley. "Sinabi rin ito nila Sister Indigo at Second Uncle!" sagot ni Gerald sabay tango. Humalakhak si Finnley nang marinig ito, bago niya sinabi, "Malamang interesado ka sa Hellish Skynet technique ngayon, tama ba? Kung oo, huwag kang mag-alala, maraming mga indibidwal mula sa Deitus Realm ang hin
“Iyon ang dahilan kung bakit nagpakita ulit ako. Hindi mo kayang kalabanin si Daryl, kaya ang pagsugod sa kanyang lungga ay halos ay isang suicide mission. Maililigtas kita kung magkakaroon ng hindi makontrol na kaguluhan sa huling sandali, medyo nag-aalala ako na baka mas maagang dumating sina Daryl at Sanchez!, at wala akong choice kundi kalabanin sila!" dagdag ni Finnley. "Nag-aalala ka ba tungkol sa Soluna Deus Sect...?" tanong ni Gerald na naiintindihan kung saan nanggagaling si Finnley. “Oo. Kahit na kilala na ako ng Soluna Deus Sect, hindi pa rin nila alam kung nasaan ako. Hangga’t patuloy ang pagkakas mo, ang pinakamahusay kong pagpipilian ay manatiling nakatago hangga't maaari!" sagot ni Finnley sabay tango. “Mas malakas… Sinasabi mo ba na makapasok ako sa Deitus Realm at posibleng maging Angelord? Pero sa tingin ko ay wala akong angelic root…” sabi ni Gerald. “Tama, wala ka nito. Hindi ka nagtataglay ng Herculean Primordial Spirit, pero ikaw ay ipinanganak na kasama
“Tama ka. Para malagpasan mo ang unang hakbang, kailangan nating tumingin sa puntod ng general!" sagot ni Finnley. "Mayroong isang angelic root doon?" tanong ni Gerald. “Negative. Ang mga angelic roots ay hindi nabubuhay sa kanilang sarili. Dapat silang maging innate o itinanim gamit ang isang espesyal na sangkap, at swerte tayo dahil mayroong ganoong sangkap sa puntod ng general. Ang sangkap ay ang dragon spirit pearl, na mas kilala bilang dragon internal pellet! Kapag inubos mo ito, magbabago ang iyong katawan, at ang iyong Herculean Primordial Spirit ay kikilos tulad ng isang angelic root na nakatanim sa loob nito. Kung magiging maayos ang lahat, magtagumpay ka sa iyong unang hakbang sa pagpasok sa Deitus Realm!" sagot ni Finnley. “…Nagtataka ako kung sinusubukan ni Sanchez at ng kanyang mga alagad na makuha ang dragon spirit pearl…” sabi ni Gerald. "Sinusubukan nga nilang gawin iyon. Pagkatapos ng lahat, ang pellet ay nabuo sa katawan ng isang spiritual dragon na nilinang s
“Hindi ko alam,” sagot ni Gerald. "Siya si Zedd Burns, ang bunsong anak ni Duke Carlos, ang War God ng Qin Kingdom sa pagtatapos ng Great War period!" paliwanag ni Finnley. “Hindi ko pa narinig ang pangalan na Zedd, pero kilala ko ang panganay na anak ni Carlos, si Zelig. Sa natatandaan ko, pagkatapos mapatay ng Qin Emperor ang tatay ni Zelig, lumipat ang ibang miyembro ng kanyang pamilya sa Yorkland, kaya naman karamihan sa mga descendant ni Zelig ay Yorklanders, tama ba?" tanong ni Gerald, na alam ang history dahil siya ay literature major siya dati. “Oh? Not bad! Tama, malamang alam mo na ito, pero mabilis na bumawi ang pamilyang Burns pagkatapos ng kamatayan ni Carlos. Kahit na si Zelig ay hindi kasing-husay ng kanyang ama, minana ni Zedd ang katapangan at galit ni Carlos. Dahil dito, ang bunsong anak na lalaki ang nag-handle ng halos lahat ng mga family affair. "Sa paglipas ng panahon, gusto pa ni Zedd na gumamit ng ibang pangalan para masakop ang lupain para sa Westland n
Ngayong narinig na niya ang lahat ng ito, sa wakas ay naintindihan na ni Gerald ang buong kwento. Natutuwa din siya na hindi siya naging careless pumasok sa libingan pagkatapos makuha ang mapa ng general sa puntod nito. Ang walang ulo na general ay isang bagay na hindi niya kayang harapin nang mag-isa... Mga demonyo lang ang nakaharap niya noon kung tutuusin. Ito ang magiging unang pagkakataon niyang makipaglaban sa isang demonyo! “Kailangan talaga nating magplano ng maigi para dito... Kahit wala pang totoong katawan si Sanchez, hindi natin pwedeng maliitin ang kanyang kasalukuyang kapangyarihan. Palihim kitang tutulungan, pero hindi ko magagamit ang aking kapangyarihan para patayin si Sanchez dahil maa-alerto nito ang Soluna Deus Sext. Dahil dito, kailangan mong umasa sa sarili mong lakas para kalabanin siya, Gerald!” dagdag ni Finnley. “…Hmm? Ano ba talaga ang balak mong gawin?” Tumawa ng malakas si Finnley saka niya sinabi, "Huwag kang mag-alala, magpapanggap ako bilang ibang
Matapos magsalita ni Ryder, agad siyang naglunsad ng Thunder Strike attack! Mabilis na ginamit ni Lyndon ang kanyang sword technique para subukang harangan ito! Sa kasamaang palad para kay Lyndon, expert si Ryder sa tatlong pinakamalakas na styles ng Thunder Sword technique... at kung hindi natalo ni Lyndon si Ryder ilang dekada na ang nakalipas, wala nang pag-asa na magbago iyon! Dahil doon, sa isang hampas lang nang si Lyndon ay labis na nasugatan ng aurablade, dahilan para sumuka siya ng dugo nang bumagsak ang kanyang likod sa lupa...! Nang makita iyon, napangiti si Ryder bago siya tumakbo patungo kay Lyndon! Ang kanyang palad ay nakatutok sa noo ni Lyndon, bago sumigaw si Ryder, "Thunderous Bone-crushing Palm!" Alam niyang wala siyang oras para iwasan ang nakakatakot at malakas na atakeng iyon, kaya pumikit na lang si Lyndon para maghanda para sa impact... Nang bigla niyang narinig na sumigaw si Darkwind, "Mag-ingat ka, Lyndon!" Kasunod nito, si Darkwind ay sumugod patung
“Mag-ingat ka, Darkwind…!” sigaw ni Lyndon. Nabigla din siya sa nakatatakot na kapangyarihang iyon, kaya mabilis na tumalon si Lyndon at pinakilos ang kanyang essential qi—para sumanib ito kay Darkwind—upang harangin ang atake nang magkasama! Kasunod ng malakas na banggaan, isang malakas na pagsabog na tunog ang narinig! Ang mga damit nina Lyndon at Darkwind ay agad na nag-gutay gutay, at lumabas din ang malalaking puting usok sa likuran nila. Sila ay parang nag-overheat na parang mga kaldero! Hindi lang iyon. Nangitim na ang kanilang mga mukha at pagkatapos nilang isuka ang kanilang mga kaloob-looban, sila ay nanghihinang bumagsak sa lupa. Alam ni Darkwind na ang kanyang mga internal organs tuluyan nang nasira, at maging ang kanyang primordial spirit ay halos nadurog! Gayunpaman, dahil sa siya ay isang Domiensch Master sa loob ng mahabang panahon, pinilit niya ang kanyang sarili na umupo nang naka-cross-legged para muling patatagin ang kanyang primordial spirit. Si Lyndon naman