Pagkatapos nito ay tumango si Gerald at umalis kasama ang iba... Nang makalayo na sila, bigla siyang tinanong ni Lyndon, “…Bakit napakadali mong pumayag, Mr. Crawford? Nakalimutan mo na ba na ang apat na iyon ay mga demonyo...?" “Lyndon, gumawa ba ng desisyon si Mr. Crawford nang hindi nagpa-plano? Maliban doon, sa tingin ko ay hindi tayo makakapasok sa puntod kung tayong tatlo lang. Kahit na malalakas tayo, ang mga demonyong iyon ay hindi pa nakakapasok sa libingan sa nakalipas na ilang taon, at doon pa lang ay masasabi mo nang napakadelikado ng lugar na iyon! Tulad ng sinabi ni Gerald kanina, wala tayong makukuha kung hindi natin susubukan,” sagot ni Darkwind. “…Sa tingin ko tama ka. Mas magiging mahirap kung hindi sinubukan!" sabi ni Lyndon sabay tango. "Dahil umabot na tayo sa puntong ito, kailangan nating manatiling kalmado at iwasan ang mga panganib. Kailangan nating maghintay pa ng kaunti, wala itong problema para sa atin dahil meron tayong magandang posibilidad na mahan
“Bakit minamaliit ng maliit na church ang isang taong tulad ko? Ako, si Ryder Weir, ay wawasakin ang lugar na ito para ilabas ko ang aking galit…!” sabi ng isang matandang boses! Kasunod nito, maririnig ang maraming pagsabog na tunog! Di-nagtagal, nabasag ang pinto at itinapon sa kwarto ang ilang pari! Matapos masaksihan ang lahat ng ito, hindi napigilan ng matanda ang mapangiti habang sinasabi niya, "Napakaraming bagong talento ang lumitaw habang ako ay nasa bundok na iyon sa nakalipas na ilang libong taon... Ito ang isa pang Domiensch Master...!" Ilang segundo lang pagkatapos niyang sabihin iyon, isang bagyo ang bumuhos sa kwarto... at makikitang nakatayo doon si Ryder. Nang makalapit na si Ryder sa matanda, mabilis niya itong na-dematerialize. “Tinatawag mo ang iyong sarili na Thunder Swordlord? Ang lakas ng loob mong pumasok sa simbahan ko!" galit na galit na sinabi ni Master Trilight. Malapit na sana niyang buhayin ang kanyang angelic artifact, gayunpaman, nilapit ng mat
"Pasensya na, pero ngayong nakarating ka na dito, hindi magiging madali para sayo na umalis!" natatawang sinabi ng matanda. Ayaw nang magtagal pa ni Ryder, kaya sumigaw siya, "Domonic Shadow Split!" Sa kasamaang palad para sa kanya, nang siya ay inihati sa kalahati, mabilis siyang binalot ng itim na ilaw... at sa huli, ang kanyang dalawang bahagi ay pilit na pinagdugtong muli! Bago pa siya makapag-react, isang malakas na pwersa ang bumagsak sa kanya sa lupa, at dahil sa napakalakas ng impact naging flat ang nakaangat niyang mga ugat! Hindi makapaniwala si Ryder sa kanyang nakita at napasigaw siya sa sobrang takot, kaya siya ay kinakabahang bumulong, "Hindi ko alam na ganito ka kalakas...! Inaamin kong talo ako, senior…!” Natawa ang matanda bago niya sinabi, "Matalino ka... at ang iyong pangangatawan ay pambihira rin. Mukhang mayroon kang rare cultivation skills. Bakit hindi kita kunin sa ilalim ng aking guidance? Kung papayag ka, bibigyan kita ng isang blessings na magbibigay-d
Sa kalaunan ay sinabi ng matanda, "Ngayong binigay ko na sayo ang kapangyarihang ito, maging masunurin ka at manatili sa Greendrake!" "Oo naman, senior!" sagot ni Ryder sabay tango. Siyempre, hindi alam ni Gerald na ang dati niyang kaibigan—na nagtatago sa lahat ng oras na ito—ay napakalapit na sa kanya... Pagkatapos bumalik sa manor ni Marcel, may kakaibang nangyari nang sumapit ang gabi. Sa tapat ng manor, makikita ang isang marangyang mountain villa na kilala sa pangalang Ventiluna Manor. Kadalasan ay wala itong laman, pero ngayong gabi, maliwanag at masikip ito dahil puno ito ng mga bisita. “...Alam mo, ang mega manor sa kabilang kalye ay pag-aari ng pamilyang Zandt... Pero ang lugar ay bihirang gamitin, at hindi pa ito nabubuksan sa publiko dati... Hindi ko talaga alam kung bakit napakaraming bisita doon ngayon... ” sabi ni Marcel. “Nalaman ko ang tungkol doon noong nakaraan, kaya naman pinapunta ko doon si Lyndon para mag-imbestiga. Ilang minuto na lang ay babalik na si
“Siya? Nandito din siya?" sabi ni Darkwind habang nakakunot ang noo. "Mukhang inimbitahan talaga nila ang kalahati ng cultivation realm... Sa kabila nito, sino ba talaga ang eldest young mistress na iyon, Darkwind? At saka, ano ang Dark Moon Biological Group? Parang hindi ito isang cultivating organization. Sa katunayan, parang kamakailan lamang ginawa ang organization... Kaya anong meron doon?” tanong ni Gerald—na parang lumawak ang kanyang perspective—habang nakatitig sa maliwanag na Ventiluna Manor... "Ang eldest young mistress ay mula sa pamilyang Zachau at hindi sila isang cultivating organization. Sa halip, isa silang biotech company na lumitaw mga thirty years ago. Maiisip ng iba na sila ay mga regular na negosyante lamang, pero ang biotech na kumpanya ay hindi ganoon kasimple. Pagkatapos ng lahat, kasama sa marami nilang subordinates at tatlong experts mula sa Domiensch Realm! Ang tatlong iyon ay kusang-loob na nagsikap para sa kumpanya mula nang ang Dark Moon Biological Gr
"...Parang pamilyar ang boses mo... Kahit na binago mo ito, alam kong nakilala na kita noon!" sabi ni Gerald habang nakakunot ang noo. “…Oh? Mukhang lumakas ka na sa nakalipas na ilang taon... Nakilala mo talaga ang boses ko kahit na ginamit ko na ang sound wave spell at breath-holding technique! Not bad!" sagot ng matanda habang tumatango. “Alam kong nakilala kita sa isang lugar noon! Bukod pa doon, huwag kang umasa na gagawin ko ang gusto mo dahil lang dito!" deklara ni Gerald habang umiiling. May kutob si Gerald na ang matanda ay hindi pumunta sa kanya para maghanap ng gulo. Dahil dito, nag-desisyon siyang subukan ang theory na iyon sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang Fierce Wind Palm attack patungo sa matanda! Tumawa ang matanda dahil sinadya ni Gerald na gumamit ng mas mahinang atake sa kanya, “Hindi mo pa ba natutunan ang mga supreme heavenly techniques ng lokong Amorphous na iyon? Bakit hindi mo sila ginagamit?" Pagkatapos sabihin iyon, iwinagayway ng matanda ang ka
Natukso si Finnley na hampasin ang likod ng ulo ni Gerald, ngunit huminto siya sa pinakahuling segundo bago siya bumulong, “…Bah, kalimutan mo na. Nakakahiya na saktan ka ng ganito ngayong nakapasok ka na sa Dominesch Realm." “Huwag mo nang isipin ‘yan, saan ka pumunta nitong mga nakaraang taon, Finnley? Bakit ka umalis ng biglaan? Maraming nangyari noong wala ka, alam mo ba ‘yon?" Umubo si Finnley bago niya sinabi, "Pag-usapan natin ‘yan sa ibang pagkakataon. Sa tingin ko ang laban natin ay nakakuha ng atensyon ng ilang tao... Sundan mo ako. Dahil nasubukan ko na ang iyong martial arts, gusto kong subukan ang iyong lightness sa susunod!" Kasunod nito, iwinagayway ni Finnley ang kanyang kamay... at ilang sandali lang, umalis siya sa isang sinag ng liwanag! Nang makita ito ni Gerald, hindi napigilan ni Gerald na mapangiti nang i-activate niya ang kanyang Golden Blaze Somersault para simulang habulin ang matanda... Hindi nagtagal ay nakarating si Finnley sa tuktok ng bundok sa Gr
“Malamang hindi siya iyon! Kung kinalaban mo ang tunay na form niya, malamang parang langgam ka lang sa kanya! Kahit na ang batang si Amorphous ay magreresulta sa isang tie laban sa mga split selves ni Sanchez!" sabi ni Finnley sabay tawa. "…Bata? Amorphous?” sabi ni Gerald na napansin na hindi masyadong mataas ang tingin ni Finnley sa senior na iyon. "Kanina, sinabi mo na hinahabol mo si Sanchez at may nangyari... Pwede mo bang ipaliwanag pa ito sa akin?" tanong ni Gerald na sabik na sabik na sagutin lahat ng tanong niya. “Pagkatapos subukan ni Sanchez na pumasok sa puntod ng general, isang puwersa na matagal ko nang sinusubaybayan ang biglang lumitaw muli… Base sa nakuha kong impormasyon noong panahong iyon, ang impluwensya ng Sun League ay umabot na sa sekular na mundo. ASa puntong iyon— paminsan-minsan ay kinikidnap pa rin nila ang mga tao,” paliwanag ni Finnley. "Iyon ang dahilan kung bakit sinabi mong hindi pa ako handang matuto nang higit pa tungkol sa Sun League noon...