"Tama na! Ilabas niyo na ngayon ang Second Young Mistress!" nakangusong sinabi ng babae. Nang mailabas si Fae, tinulungan ng babae ang magkapatid na tumayo bago niya sinabing, “Humihingi ako ng tawad sa inyo… Medyo spoiled ang mas batang kapatid ko, kaya madalas ay matigas ang ulo niya... Tanggapin niyo ang one hundred thousand dollar cheque. Sana ay sapat na ito bilang kabayaran sa ginawa ng kapatid ko…” Pagkatapos niyang sabihin iyon, ang babae ay sumulat at ipinakita ang tseke para sa dalawa, ngunit ang magkapatid ay masyadong natakot na kunin ito. Sa halip, yumuko lang ang kapatid sa babae at kay Gerald bago tumakbo kasama ang kanyang kapatid... Umuling ang babae nang makita iyon, bago siya humarap sa kanyang valet at sinabing, "Alamin niyo kung saan sila nakatira at ibigay sa kanila ang tseke." Pagkatapos nito, tumalikod ang babae kay Gerald bago sinabi, “Pasensya na at nakita mo ang lahat ng iyon... Sinaktan ka ba ng kapatid ko?” "Hindi niya sinaktan, pero kailangan siy
“Hindi eksakto... Base sa nakita namin ni Mr. Crawford, tao pa rin siya kahit na demonic essential qi ang cultivation niya! Ang kanyang lakas ay nasa pagitan ng lakas ng mga Morningstar at ng Weir," paliwanag ni Saint Darkwind. "Sang-ayon ako sa sinabi mo. Maliban doon, katatapos lang din niyang mag-cultivate. Napansin ko na maskara lamang ang kabutihan na pinapakita niya at ang nasa likod nito ay isang halimaw!" sabi ni Lyndon. “Oo nga... Nag-aalala tuloy ako tungkol sa magkapatid na iyon. Kung masama talaga ang babaeng iyon, malamang maghahanap pa ng maraming gulo ang babaeng iyon!” sabi ni Gerald habang umiiling. “Sundan ko ba sila?” tanong Lyndon nang bigla siyang tumalon. “Hindi mo na kailangang gawin iyon. Sinusundan ko na sila gamit ang holy sense. Speaking of, nararamdaman ko na papunta na doon ang babaeng iyon... Sige, okay na iyon. Manatili kayo ni professor dito at ako naman ay pupunta sa Darkwind para malaman kung ano ang ginagawa ng babaeng iyon,” utos ni Gerald.
"Naiintindihan, Eldest Young Mistress!" sabi ng mga bodyguard sabay tango. Kasunod nito, mabilis silang lumabas ng bahay kasama si Dr. Xenos. Hindi nila alam na mula pa kanina ay sinusundan sila nina Gerald at Darkwind. "Mukhang isa talaga siyang demonic cultivator, Darkwind," sabi ni Gerald habang papasok ang dalawa sa bahay, "Tama ka. Ang lahat ng tao dito ay may strand ng masculine aura, at ang masculine aura ng mga bata ang pinaka-pure... Bukod pa dito, si Eldest Young Mistress ay isang tao na may prinsipyo. Isang hibla lang ang kinuha niya nang hindi man lang naisip na saktan ang buhay niya!" sagot ni Saint Darkwind habang nakatingin sa bata sa loob ng bahay. "Tama ka. Natutukso akong imbestigahan kung sino ang nagtuturo sa kanya ng mga masamang paraan na tulad nito, pero masyadong marami ang problema natin ngayon... Naniniwala ako na hindi niya alam kung ano talaga ang kanyang pinapasok!" sabi ni Gerald nang makahinga siya ng maluwag dahil nakita niyang maayos ang kalagayan n
Nang marinig iyon, nagpalitan ng tingin ang pitong babae bago sila tumango habang sinabing, “Oo, matagal na namin siyang hindi nako-kontak... Gaya ng nakita mo kanina, maraming tao ang naghahanap sa kanya... Hindi nga namin alam kung buhay pa siya…” “...Totoo bang namatay na siya...? Huli na ba tayo?" sabi ni Lyndon. "Sa tingin ko ay hindi... Saan niyo siya huling nakita?" tanong ni Gerald. "Sa base! Noong panahong iyon, tumawag si Chairman Lurvink at sinabi sa akin na ilipat ang ilan sa mga ari-arian sa aking pangalan. Pagkatapos nito, sinabihan niya akong magpadala sa kanya ng ilang mga dokumento sa base, at iyon ang huling narinig ko tungkol sa kanya…” paliwanag ng matandang hardinero. Humarap si Gerald sa hardinero bago niya sinabi, “At nawala siya pagkatapos noon...? Wala ba sa inyo ang pumunta sa base para tingnan ang kalagayan niya?" “Ginawa namin ito! Tumawag pa kami ng pulis. Kahit ilang beses kaming pumunta doon, wala talagang laman ang base…” sagot ng isa sa mga ba
Sumunod ang tatlo habang mabilis nilang tinahak ang daan patungo sa labasan. Nang makarating sila sa labas ng entrance, pinagdikit ni Gerald ang kanyang mga daliri para nakabuo ng isang aurablade... at ilang sandali lang ay pinalipad niya ang blade patungo sa steel floor! Isang napakalaking pagsabog ang narinig... at nang mawala ang mga nahuhulog na debris, isang malaking butas ang makikita! Pagkatapos silipin ni Gerald ang butas, siya at ang kanyang grupo ay tumalon dito... Nakita nila ang maraming mga kagamitan na nakalatag at mabilis nilang napagtanto na ang floor sa baba ay isang research lab! “Mabuti na lang at sinabi mo sa kanya na gamitin ang kanyang divine sense! Hindi ko aakalain na ang lugar na ito ay matatagpuan sa lower floor! Nagawa pa talaga ni Marcel na lokohin kaming mga matatanda... Expert talaga sa pagtatago ng mga bagay ang lalaking iyon!” reklamo ni Darkwind. “Oo nga... Malinaw na ngayon na may pumipigil sa paghahanap kay Marcel. Kita niyo naman na walang ta
Ang sumunod ay isang malakas na putok kasunod ang mga madilim na usok! Dahil sa malakas na impact, lahat ng nasa loob ng trak ay natumba sa sahig. Bumangga naman ang ulo ng matanda sa manibela kaya ito ay binalot ng dugo... Gayunpaman, si Lyndon ay walang kahit isang galos sa kanyang katawan! Nang mapagtanto iyon ng matanda, napaisip siya kung ang nabangga niya ay isang lalaki o isang bundok! Bago pa siya makapag-react, narinig niyang nagsalita si Lyndon, "Isa kang tuso... Kinaya mo talagang linlangin ang isang taong nabuhay sa loob ng ilang daang taon!" Agad na sumakay si Lyndon sa trak nang sabihin niya iyon... at sa loob ng isang minuto, nahuli niya ang lahat ng tao sa loob! Nanlaki ang mga mata ng matanda bago siya sumigaw ng malakas, "Sino... sino kayo...? Mga aswang ba kayo...?!” “Tama na ang kalokohan, matanda! O dapat kong sabihin, Marcel?!” sabi ni Lyndon habang nakahawak sa kwelyo ng matanda. "Hi-Hindi ako si Chairman Lurvink...! Gaya nga ng sabi ko, hindi pa rin nami
“Hindi ko inaasahan na malalaman mo ang sikreto ni Phoebe!” nagtatakang sinabi ni Phoebe. Napabunting-hininga si Gerald nang marinig iyon. Pagkatapos ng lahat, ang sagot ni Marcel ay isang malinaw na senyales na si Phoebe ay totoong descendant ng ancient witches. Ang ibig sabihin nito ay tagapagmana rin ng mga witches ang anak niya. Naalala niya ang sinabi ni Zeman sa kanya na ang lahat ng mga witch descendants ay nangangailangan ng Divine fruit para magising ang kapangyarihan sa kanilang dugo. Kailangan pa rin nila ang prutas kahit na hindi nila layunin na buhayin ang kanilang kapangyarihan. Dahil gumawa ng maraming eksperimento ang kanilang mga ninuno sa maraming herbal medicines, ang sequelae sa kanilang mga katawan ay ipinasa sa kanilang mga descendant. Dahil dito, mamamatay ang kanilang mga descendants kung hindi nila makuha ang Divine fruit. Ito siguro ang dahilan kung bakit desperadong hinahanap ni Phoebe ang puno ng Divine Fruit. Bukod pa doon, may nakita si Gerald na pan
“Sa simula, nanumpa siya na hinding-hindi siya mag-aasawa hanggang sa araw na makaganti siya. Pero ang pag-ibig ay hindi isang bagay na pwede natin makontrol... Alam mo naman na may relasyon kami noon hindi ba, professor? Mahal ko siya noon, pero kung alam ko lang na maidadala niya sa aming anak ang problemang ito, mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa ipagpatuloy ang relasyon ko sa kanya!" sagot ni Marcel nang may pagsisisi habang inaalala niya ang kanyang nakaraan. “…Sa palagay ko sinabi mo iyon dahil huli na nang malaman mo na ang bata ay mamamatay kapag naging ten years old na siya at kapag nabigo siyang ipaghiganti ang kanyang pamilya at makakuha ng Divine Fruit, di ba? Sa palagay ko ay nag-aalala ka rin na kapag namatay ang kanyang anak, ang pagkatao ni Phoebe ay pwedeng malaman ng kanyang mga kaaway ang kanyang identity... Tama ba ang pagkakaintindi ko?" tanong ni Gerald pagkatapos niyang huminga ng malalim. “Bingo. Hindi ito malaking problema noong nalaman namin na nabuntis