“…Mukhang hinanap mo agad ako bago pa man kita puntahan, Yasmin?” galit na galit na sinabi ni Harper habang nakatitig kay Yasmin Lamer, ang kanyang ex-girlfriend! "I-I'm sorry, Harper...! Napakasama talaga ng ginawa ko! Pero sana maintindihan mo na ang lalaking iyon ang nagpilit sa akin na gawin ang lahat ng iyon noon sayo...! Pagkatapos niyang makuha ang gusto niya, inagaw ng lalaking iyon ang lahat ng assets bago ako itinapon sa isang tabi! Ngayong ikaw na ang boss ng Mayberry Capital at ng commercial street, nakikiusap ako na tulungan mo ako…!” pakiusap ni Yasmin. "Sa tingin mo ba ay mapapatawad kita?" mapanuyang sinabi ni Harper habang umiiling. "Alam kong marami akong nagawang mali, pero alam kong may nararamdaman ka pa rin para sa akin...! Ayaw… Ayaw mo naman akong mamatay, hindi ba...?" bulong ni Yasmin. "…Ano? Mamatay?” sagot ni Harper, natigilan. Walang tigil ang iyak ni Yasmin habang maamo siyang nagpaliwanag, "Pagkatapos nilang nakawin ang lahat ng aking ari-arian,
Samantala naman kay Harper, nakuha niya ang posisyon bilang manager ng commercial street-sa ilalim ng pamumuno ni Young Master Mateo-hindi lamang dahil siya ay isang mabuting kaibigan ni Gerald, kundi dahil din sa kanyang taglay na talino at pagsusumikap. Si Yasmin lamang ang isa sa kanyang mga failures sa buhay. Sa kabila nito, tinutulungan niya ngayon si Yasmin hindi dahil sa mabait siya, kundi dahil gusto niyang turuan ng leksyon ang lalaki—na nag-udyok kay Yasmin na magtaksil sa kanya. Kung hindi dahil sa b*stard na iyon, hindi sana mararanasan ni Harper ang mala-bangungot na buhay bilang isang alipin ni Ian! Nang makarating sila sa pub, dinala kaagad ni Yasmin si Harper sa second floor... Pero pagdating nila ay walang tao doon. "…Nasaan sila?" tanong ni Harper "Nandito kami, Mr. Sullivan!" sabi ng isang boses bago dumating ang isang grupo ng mga lalaki mula sa pinagtataguan nila! Hinarangan nila ang pasukan, habang may isang lalaki na naglakad palapit sa kanila, na nag-
Pagkatapos magsalita ng waiter, narinig ni Yasmin na may umaakyat sa hagdan. Mabilis na napalingon ang lahat sa pinto, isang nakangiting lalaki—na nakalagay ang mga kamay sa kanyang bulsa—ang biglang pumasok habang sinasabing, “Hmm? Hindi ba sinabi mo na sarado ang lugar na ito? Mukhang buhay na buhay ang second floor!" "…Sino ka? Anong ginagawa mo dito?!" galit na galit na sinabi ni Yasmin. “Ako? Nandito lang ako para uminom! Pero sa totoo lang ay may hinahanap talaga ako,” sagot ni Gerald habang nakaupo sa gilid bago siya naaawang tumingin sa nanginginig na si Harper na ngayon ay halos wala nang malay sa sahig. "…Ganoon ba? Sa kasamaang palad, ito na ang huling inom mo!" sabi ni Yasmin habang mabilis na pinalibutan ng mga tauhan ni Wael ang bagong dating na lalaki. Bumahing lang ang lalaki nang makita niya iyon... ngunit ang hangin mula dito ang dahilan para lumipad at bumagsak sa lupa ang lahat ng lalaki! Na-knock out silang lahat! "Ano?!" sigaw ni Isaac na hindi makapan
Pito sila sa kabuuan pero nabigo silang pigilan ang nag-iisang aurablade, kaya tuluyan nang nawala ang kanilang pagmamayabang... Kahit pa nakaiwas ang mga lalaki sa tamang oras, ang kanilang kilos ang naging dahilan para ma-expose ang katawan ni Isaac! Nang masaksak siya ng aurablade, napaungol siya sa sobrang sakit bago siya sumabog sa isang dust cloud makalipas ang ilang segundo...! Pero hindi lang iyon! Sa sobrang lakas ng impact, isang shockwave ang sumunod dito na naging dahilan para mapasuka ng dugo ang pitong lalaki, kahit na nakaiwas sila sa naunang atake! “...A-Ang... makapangyarihan niya...! Napakalakas ng aurablade attack…!” nauutal na sinabi ng anim na matatanda sa sobrang takot at gulat. Nakita ito ni Jaxen at binalot siya ng kalungkutan habang bumubulong, "...Isaac..." Hindi agad napansin ng anim na elders ang kalungkutan ni Jaxen, at nagpalitan ang mga ito ng tingin habang sinasabi, “Galing ba talaga kay Gerald ang atakeng iyon? Paano naging ganito kataas ang k
Naudlot ang pag-iisip ni Gerald nang makarinig siya ng katok sa kanyang office door. Maya-maya pa ay pumasok si Aiden bago niya sinabing, “Brother Gerald! Nakatanggap ako ng tawag at sinabi na bumalik na si Professor Boyle. Kasalukuyan siyang nasa manor, sa Fresh Cottage!" “Oh? Puntahan natin siya!” Bandang tanghali nang dumating ang dalawa sa Fresh Cottage. Kahit mula sa malayo, nakikita na nila ang lahat ng uri ng halaman at maging ang mga artificial mountains sa loob ng bakuran ng manor. Ang bawat halaman ay may sariling espesyal na lugar, at kung titingnan ito sa aerial view, mapapansin nilang dalawa na ito ay nakaayos para magmukhang isang eight diagram... "Malamang alam mo naman na si Propesor Boyle ay naiiba sa ibang experts ng topic," sabi ni Aiden. Tumawa si Gerald saka siya sumagot, “Experienced talaga siya, masasabi ko iyon.” Kahit hindi sinabi ni Gerald, malinaw sa kanyang isip na inayos ni Propesor Boyle ang kanyang garden sa hugis ng isang formation! Ayaw nang i
"At saka, nasaan na si Miss Phoebe?" tanong ni Aiden. “Hindi ko rin alam... wala akong cellphone number niya! Pero sinasabi sa sulat na ang Divine Fruit tree ay makikita kung saan bumababa ang Heavenly Fire... Pagkatapos ko itong pag-isipan ng mabuti sa loob ng isang taon, hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito! Sinuri ko ito ng mabuti, at sa buong kasaysayan ng lupa, ni minsan ay hindi pa kailanman bumagsak ang heavenly fire!” sabi ni Professor Boyle na napabuntong-hininga habang umiiling. “...Wala akong maisip na lugar na nababagay sa decryption na iyon, pero alam ko na ang Divine Fruit ay nasa North Desert,” sagot ni Gerald. “…Hmm? Paano mo nasabi?” gulat na tinanong ni Propesor Boyle. “May mga dahilan ako. Pinaplano kong gamitin ang lahat ng aking resources para suriin ang North Desert para sa puno ng Divine Fruit. Dapat kong mahanap ito kahit pa malaki ang halaga na gagastusin ko! Gusto ko ng magbigay ng proposal dahil umabot na tayo sa puntong ito. Ma
"Ano?" nagtatakang sinabi ni Professor Boyle habang nakatitig kay Gerald. “Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? May tuberculosis lang ang lolo ko! Bumabalik lang ito kapag pagod na siya, kaya huwag na kaming takutin! Umalis ka na lang!" naiinis na sinabi ng babae. "Tumigil ka, Harmoni!" sabi ni Professor Boyle habang dahan-dahang bumangon bago siya tumingin kay Gerald nang may pagtataka. “...Napakdali mong nakita ang kalagayan ng katawan ko, Mr. Crawford... at napaka-detailed pa nito...! Isa kang hidden master!" sabi ng propesor, na naging dahilan para mapatulala si Harmoni. Bago siya makapagsalita pa ay biglang nagsalita ang propesor, "Tama ka, nagsimula akong matuto ng mga breathing techniques noong nasa forties ako, at lalo akong lumakas nang mangyari iyon. Sa isa sa aking mga explorations, pumunta ako sa isang primitive forest upang maghanap ng mga kakaibang halaman... Pero nagkaroon ako ng mga seryosong injuries dahil nakatagpo ko ng isang malaking python! Kahit pa nabali a
“…A-Ano…” gulat na sinabi ni Professor Boyle. Ngumiti naman sa kanya si Gerald saka siya sumagot, “Dalhin mo ako sa iyong garden para makita ko ng maayos ang formation mo, professor…” Pumunta silang lahat sa backyard kasunod nito, at pagkatapos ay huminga ng malalim si Aiden. Ilang sandali lang ay nabuhayan siya ng loob nang sabihin niya, “Jusko! Doble ang cultivation sa lugar na ito!" "Sang-ayon ako sa sinabi mo. Pero gusto kong linawin na mayroong maraming uri ng mga formation, at pwede itong gamitin ng mga cultivators upang mapahusay ang kanilang cultivation o para mapangalagaan ang kanilang mga katawan. Bilang isang magandang halimbawa, kung gusto mong doblehin ang mga resulta ng cultivation ng iyong inner-strength, kailangan mo lang mag-cultivate sa loob ng condensation formation, "sagot ni Gerald. "Hindi ko akalain na magiging marami kang kaalaman sa mga arcane formations, Mr. Crawford!" sabi ng humahangang professor. Sa kabila nito, si Harmoni naman ay galit na sumagot